LOGINSad Demon Hours
***
Andito ako ngayon, nakatayo sa tapat ng pintuan nila
"Cal?" bungad niyang bati "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
Hindi ko alam kung paano sabihin ito... sabihin kaya niya muna salamat shoppee ganon?
"Cal? ayos ka lang ba?"
"Oo naman ayos na ayos" kalmado kong bigkas
"Ahh so... bakit
ka nakapikit? napuwingka ba?"Tangina kasi ito lang naisip kong paraan para hindi nanaman ako kontrolin ng sumpang ito at masabi ko ang dapat kong sabihin
"Hindi naman... gusto ko lang ng dark mode"
Tangina hindi ko tuloy nakikita yung reaksyon niya.. malungkot ba siya? masaya ba siya? anong suot niya? bagay ba sakanya? AHHH focus calcifer! focuuus!
"Galit ako sayo kasi nagsinungaling ka
saakin" sabi niya sa tonong malungkot"Alam mo na yung tungkol saakin?" sabi ko habang nakapikit pa din
"Bakit sinabi mo saakin na patay na ang magulang mo?"
"Ha?"
"Nakilala ko ang papa mo buhay na buhay siya"
Sana nga mamatay na siya eh
"Ahh ano naman napag usapan niyo?"
"Calcifer, hindi ko alam kung totoo iyon pero may pinakita siya
saakin"Tangina sana hindi yung childhood pictures ko na walang saplot
"Ano ba pinakita niya saiyo?"
"Kamatayan..." halata sa boses niya na natatakot siya
Hindi ko alam kung didilat ba ako o hindi eh baka kasi kung dumilat ako masabi ko lang na
'wag ka matakot ibig sabihin lang niyan ay patay na patay ako sayo~
Puta hindi na lang ako didilat kung ganyan lang din
"Sinabi din niya na lumayo ako sayo dahil hindi tayo para sa isa't isa" alam kong tinitignan niya ako.. I can feel it.
Yung puso ko unti unting nadudurog! nanlulumo, para bang nilalamon ito ng kalungkutan
Tangina calcifer sabihin mo na agad para tapos na!
"Essay, isa akong demonyo."
Yan! nasabi ko na din!
"Ano?"
"Isa akong demonyo"
Tumawa siya ng malakas akala niya siguro nagjojoke ako
Tangina naman kasi paano nga naman niya malalaman na seryoso ako kung nakapikit yung mata ko
"Hindi ka demonyo cal, alam ko sa simula pa lang na masama kang tao kaya nga
inalok kita ng bible study eh""Hindi ako basta masama lang okay? demonyo nga
talaga ako!" pagdedebate ko sa katotohanan habang nakapikit pa rin"Alam mo ba napanaginipan ko kasi iyon~ may matandang mamamatay, yung lugar kung saan at kung anong oras...una nagtaka pa nga ako tapos
sa panaginip na iyon may boses na nagsalita... sabi niya may makikilala akong binata pagkatapos ng aksidente at meron nga, ikaw iyon.""So ano naman ibig sabihin nun?"
"Tinadhana
ka para saakin"Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman... matutuwa o malulungkot? tangina! pero focus calcifer! focus! tandaan mo kung bakit ka nandito
"Tinadhana
kanga para saakin pero hindi para mahalin ako, kundi para saktan... pahirapan... Essay hindi lang ako basta tao! demonyo rin ako!""Pero para saakin tao ka, hindi ka demonyo"
"Kasi ayun yung pinapakita ko sayo! hindi na nga halos mabilang yung mga taong pinatay ko dahil
sa gusto ko lang silang patayin at pahirapan.."Saglit na katahimikan ang lumibot saamin kasabay ang malamig na simoy ng hangin
Dinilat ko ang aking mga mata, nakatungo siya na para bang nag-iisip. Sumasabay sa agos ng hangin ang kaniyang buhok na natatakpan ang kaniyang mukha
"Sabihin mo... kung mahal mo nga
talaga ako, handa ka bang mamatay?" tanong ko sakanyaMatagal na katahimikan nanaman ang lumibot saaming dalawa
"Hindi mo kaya noh? kasi hindi mo naman ako mahal..." malungkot kong sabi sakanya
"Hindi totoo yan" tinignan niya ako
dugdugtungan ko na sana ng
Sige salamat na lang sa lahat
pero narealize ko na gamit na gamit na yang linyahan na yan kaya wag na lang magiging madrama pa tong kwentong ito eh
"Hindi ako eksperto
sa pagmamahal, pero alam ko na magkaiba ang pagmamahal sa gustong iligtas. Essay, you don't need to save me..."Oo alam ko english iyon pero kasi may kwento sa likod ng linyang iyan
***
"Ganito sabihin mo sakanya calci boi kapag nagkita na kayo" sabi ni mary na tumayo at pumwesto sa harapan na para bang magtatanghal sa harap namin
"Anong gagawin mo?"
"Idedemo ko sayo calci boi ang dapat mong gawin kapag nakaharap mo na si essay"
Pumalakpak si Heneral at Supremo, sabik ata sa gagawing demo ni Mary
"Makikipag hiwalay na ako essay" bigkas ni mary na ginagaya ang tono ko
"Tangina kailan naging tunog bakla boses ko?!" reklamo ko pero hindi ito pinansin ni mary
Hindot
"Cal~ bakit? may nagawa ba ako? panget ba ako? kapalit palit ba ako? then why?" boses naman ng pangbabae pero matinis
"Hindi naman ganyan boses ni essay eh!" reklamo ko ulit
"Pwede ba calci boi manahimik ka na lang?"
Alam niyo yung mukha na ginagawa niyo kapag binubungangaan ka ng nanay niyo kasi wala kang kwentang anak puro ka lang selpon? ganong mukha yung ginawa ko kay mary
"Essay, alam ko ang totoo! hindi mo ako mahal! Huwag na tayong maglokohan pa!" sabi ni mary sa boses bakla nanaman
Feeling ko talaga nang aasar na itong hayop na to eh
"Hindi totoo yan cal!"
"Hindi ako eksperto
sa pagmamahal, pero alam ko na magkaiba ang pagmamahal sa gustong iligtas! Essay, you don't need to save me...""Cal anong ibig mong sabihin?"
"I'm sorry essay, pero kailangan na natin kalimutan ang isa't isa~ good radiance... tapos sabay bura mo ng memory niya!" pagtatapos ni mary sa walang kwenta niyang demo
"O kaya halikan mo siya bago mo burahin yung alaala niya!" sabi ni Supremo
Aba good idea nga iyon akalain mo nga naman may isip din pala itong si supremo
"AAHH! Tama! yieeeee atleast hindi ka
uuwing sawi calci boi kasi uuwi kang hindi na virgin ang lips mo! ayiieeee~"Puta nambwibwisit talaga itong hinayupak na ito eh!
"Virgin ka pa rin?!" Pagkagulat ni heneral
"Puta ka
talaga mary!!" sigaw ko sabay bato kay mary ng unan"Kumpadre~ bakit? bakit virgin ka pa din? hindi kaya...bakla ka?"
So balik nanaman sa pag aawat sila pepe at supremo saakin
"Tangina mo sinong bakla!? Ha? lumapit ka
dito!""Patawad kumpadre~ patawad! nabibigla lamang ako sa narinig kong balita!"
***
Hindi ko malimutan yung putanginang heneral na iyon eh! tangina talaga kapag naaalala ko iyon nang gigigil ako eh
"Naiintindihan ko, Paalam Cal~" sabi ni Essay habang nakangiti saakin
Iniabot ko sakanya ang kanan kong kamay na kaniya namang tinugon
"Hanggang sa muli..." bigkas ko at sinimulan ng burahin yung mga alaala mula sa una naming pagkikita hanggang sa nangyari ngayon
Nang matapos ang pagbubura, binitawan ko na ang kaniyang kamay
Hinahaplos haplos niya ang kaniyang sintido ng mapansin niya ako na nakatayo sa harapan niya
"Ahm ako po si Essay Torres, pamangkin po ni Hannah Torres, Ano po kailangan niyo?"
Pakiramdam ko bigla na lamang nawala ang puso ko...tangina pati ba naman ang puso ko iniwan na din ako?
Hindi ko siya kinikibo bagkus tinititigan ko lang siya
"Ahmm kuya?"
"Ah?"
"May kailangan po ba kayo saamin?"
Kailangan kita
"Ahh~ tignan mo oh!" sabay turo ko sa langit "Ayun yung Diyos oh!" dagdag ko at siya naman ay napatingin
At sa isang iglap andito na ako sa aking kwarto
Paalam, Essay.
yung puso ko biglang bumalik tapos para bang sumisigaw ng:
iiyak na yan, iiyak na yan, iiyak na yan!
Gago sinong iiyak? Ako? iiyak? Ha! As if~
humiga ako sa kama at niyakap ang aking sarili
Sa hindi ko inaasahang mangyari, may luha ng tumutulo sa aking pisngi
"Tanginaaaaa nakalimutan ko siyang halikan bago burahin yung alaala namin dalawa! tangina talaga!! huhuhuhu"
May pagkakataon talaga na anjan na yung opportunity, igagrab mo na nga lang pero hindi mo pa ginawa!
Bobo mo talaga self
Matapos ang ilang minutong pagdadrama sa kwarto, bumaba na ako para makita na nakauwi na pala si Aling Flor
"Master Calcifer kumain ka na po ba?"
"Aling flor mukha ba akong kumain na?"
"Mukha ka pong nilamon ng kalungkutan master calcifer"
Sana ol nilalamon pero hindi ng kalungkutan
Wala na sila mary sa bahay... at sinabi ko na din kay Aling Flor na umuwi na si Machete at hindi na muling babalik pa dito at dahil si aling flor yan, binatuhan niya ako ng madaming tanong na wala akong sinagot!
Tangina talaga human questionnaire talaga siya!
"Inaway mo nanaman
ata master calcifer si machete kaya hindi na babalik" sabi niya saakin"Mukha ba akong palaging nang aaway?"
"Palagi ka ngang nang aaway, Master calcifer"
Tangina talaga bakit ba palagi na lang akong hinuhusgahan dito sa kwentong ito? Mabait din naman ako eh!
"Kamusta ka naman master calcifer?" biglang tanong ni Aling flor habang pinapanood niya ako kumain ng pasalubong niyang pansit bato
"Hmm k lang"
"May problema ba?"
"Meron"
"Ano naman iyon master calcifer?"
"Kailan ka titigil magtanong saakin aling flor? hindi ako makakain eh!"
"Patawad"
Iniwan na ako ni aling flor mag isa sa hapagkainan
Okay lang naman saakin, sanay naman na ako mag-isa.. hays mabubuhay na lang ata akong mag isa :(
Bigla biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni essay na nakangiti saakin
Ano na pati din ikaw utak ko makikisali din? Ano kapag sakanya active ka, pero kapag exam hindi? tangina
Habang kumakain bigla bigla walang pasabi may kumislap na pananaw sa aking paningin
Ako, nasa impyerno, itim na uwak sa aking balikat at mayroong itim na pakpak sa aking likuran.
Anong ibig sabihin non?
***
TBC.
Happy New Year, everyone!Lumipas na ang ilang araw sa bagong taon na ito at ang kuwento na ito… kagaya ng sa aking previous update at pangako na ipagpapatuloy ito… ito’y isang mahabang salaysay;Sa napapansin kong paglago ng kuwentong ito kahit hindi ako ganoon nag uupdate rito ay pinasasalamatan ko kayo ng taos puso sa pananatiling pagsubaybayan sa aking munting imahinasyon. Sa kagustuhan kong ipagpatuloy ito rito… nagkaroon lang ako ng kaunting distrust sa management nito at aking napag isipan na hindi na muli itutuloy rito ang kwento ni Calcifer at ng iba. Napagtanto ko na kailangan nila ng sapat na tahanan kung saan hindi magiging limitado ang access nito. Ipagpapatuloy ko ang kwento nila sa isang reading platform na kulay orange hanggang hindi pa nareresulba ang aking pansamantalang pagka wala ng tiwala sa GN. Ito ay personal na desisyon at habang nasa kontrata pa ito noong limang taon na ang nakakalipas, oras na para iuwi ang kwentong ito sa una nitong tahanan kung saan mas nag
Energy Booster***Hindi ko alam kung paano kontakin si succubus! Tangina ni hindi ko nga alam kung may cellphone ba ‘yon o wala? Hindi ko pa masyadong kontrolado iyong telepathy ko lalo na kapag sobrang layo no’ng kakausapin ko! Tangina namang buhay ‘to ang hilig akong pahirapan!“Ano na gagawin ko?!” bulyaw ko sa kawalan.Nandito ako sa aking kwarto palakad lakad habang nag-iisip kung paano ko kakausapin si succubus para makapag training na kami! Wala na akong oras! Kumikilos na ang langit habang ako dito nagpapapogi lang!“Calci boi!” biglang litaw ni Mary sa tabi ko, malutong na mura ang tumugon sakaniya.“Muntik na a-ako! Ahhhh! Nakaka…nakakatakot! S-sobra!” natatakot na sambit nito sa akin habang nakahiga sa sahig at niyayakap ang sarili.“Anong nangyari sa’yo? Alam kong praning ka na dati pa kaya ano na naman ‘to?”“A-anghel! Totoo ang chismis calci boi! May lumilibot na anghel sa labas at pinapatay ang uri namin! Muntik na ako pero nakatakas ako! Kaso…si paloma! Si paloma…nagi
Senti Man By The Window *** Nandito na naman ako sa bubong ng aming bahay, tamang senti lang. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Essay? Nakikipag bible study ba siya do'n sa lalaki na kasama niya noon? "Pambihira naman calcifer! Kalimutan mo na siya! Pambihirang puso kasi 'to! Peste! Tangina!" Pesteng sumpa ito ayaw pa rin mawala! Yung tipong may nagsasalita sa akin na dalawang anyo sa aking balikat... Puntahan mo siya at makipagkilala ka ulit. Huwag hangal! Bobo ka ba? Kaya nga ginawa mo 'yon para maligtas siya di ba? Bobo! "AAAAHHH! Pambihira! Lubayan mo na ako! Kupido umuwi ka ng h*******k ka at papatayin kita rito!" pagsigaw ko sa kawalan. Tapos biglang sumagi sa isip ko na nawawala nga pala si Lilith…shit! Saan kaya pumunta ang isang ‘yon? Naka secret training din ba siya? Saan? Sino? Imposibeng ang ama namin ang nagsasanay sakaniya? Kasi magtatampo talaga ako! Sa akin ayaw niya? Kailangan ko siya mahanap...kailangan ko siya matignan kung anong klaseng pagsasanay ang ginag
Hello dear readers! It is I, the author of this funny story. After so many years, I have returned hahahaha! Pasensya na kung ngayon na lang ulit ako nagparamdam… At ngayon ko na lang ulit ito nagalaw. I am publishing another story, which is also published in w*****d. I hope you tuned in it dahil dito ko ipopost ang revised version ng kuwentong iyon. At also, I am here to announce my return in publishing chapters for this story. Same as you, I also miss Calcifer at ang ganap sa buhay niya! Sa daming nagdaan na taon I am a little confident on my improvements in story telling at sana kung maninibago kayo sa way ng aking pagkukwento iyon ay dahil dumaan na ang mahabang panahon, nag iimprove rin po ako. At sa uulitin, pasensya na kung ngayon lang ulit ako nagparamdaman. Ang huling update ko sa kuwentong ito ay 2020 or 2021 pa? It has been five or four years ago! Wooooh! Ang haba ng taon na iyon hahahaha! Kung tutuusin ang next chapter nito ay nasa drafts pa at nagawa ko iyon that year
Missing Lilith *** Umagang Umaga ginising ako ni succubus upang mag training nanaman! Limang metro pa din ang distansya namin kasi kingina niya may trauma pa din ako sakanya! "Alam mo ba kung paano magteleport papuntang hawaii?" tanong ko sakanya "Hawaii? Ang layo naman non! Bumili ka ng lang ng ticket! Visa at passport!" "Kingina talagang kupido yon nababadtrip na ako!" "Bakit?" Nagmemeditate kaming dalawa dito sa isang abandunadong building. "Sinumpa kasi ako ng pana non peste." Nakapikit ako at naka indian sit, yung kamay ko naka cross at nakalapat sa aking balikat. "Mainlove?" "Oo tangina nga eh!" "Hahahaha tapos? kanino ka nainlove?" "Sa
Ang Plano***Naka upo kami ngayon ni succubus at nakasandal sa pader mga isang metro ang layo pagkatapos ng make out session namin kanina.Pota ako lang ata ang demonyong naiilang pagkatapos ng isang make out. Tangina."Bakit ba ang layo mo? Come here! Paninindigan ko naman yung ginawa ko kanina!" sabi niya saakin"Shut up! Kiss stealer! Bwisit ka! Jan ka lang wag kang lalapit sa akin!! Baka hindi ka pa nagtoothbrush eh!!""Parang hindi mo naman nagustuhan yung ginawa natin? Sabik na sabik ka nga! You even pulled me closer!"AHHHHHHH NAAALALA KO NANAMAN ANG PANGYAYARING IYON! OO GINUSTO KO YON POTANGINA SINO NAMAN HINDI MAGUGUSTUHAN YON?"Ahh basta! Anyway, tutulungan mo ba talaga ako?""Oo nga. Pagkatapos kitang turuan, pinagdududahan mo pa rin







