Share

Kabanata 15

Kapatid

***

Andito kami ngayon sa sementeryo, nakahiga sa litso. Kulang na lang  pangalan na namin nakasulat sa lapida pero mas gugustuhin ko kung ganito nakasulat saakin..

Here lies Calcifer Morningstar's broken heart and his empty brain

Kinuwento ko sakanila yung nangyari pero syempre hindi ko sinabi na hindi ko sinama yung halik halik kasi putragis kotang kota na ako sa salitang virgin at bakla

"Ayos lang yan kapatid, makakahanap

ka rin ng iba diyan" sabi ni supremo saakin

"At malay mo calci boi yung makikilala mo ay yung pwede na talaga saiyo" sabi ni mary

"Ang pwede lang naman sakanya ay kauri niya!" sabat ni heneral

"Magaling na ba ang sugat mo, kaibigan?" tanong saakin ni pepe

"Hindi pa... hindi na ata gagaling itong sugatan kong puso"

"Tangina calci boi, ngayon alam ko na kung gaano nakakairita yung ganyang banatan" reklamo ni mary

"Hanggat hindi naaalis yung sumpang ito saakin, ganito at ganito ang lalabas sa

pasmadong bunganga na ito!"

"Tinatanong ko kasi kaibigan ang tungkol sa pisngi mo, hindi sa puso mo" sambit ni pepe

"Sorry sorry nadala lang ng emosyon"

"Saan ka dinala, kumpadre?" Inosenteng tanong ni heneral

"Alam mo minsan heneral nabobobohan ako saiyo, hindi pa ba obvious? edi dito! dinala siya ng emosyon niya dito!" pagdedebate ni supremo kay heneral

"Isa kang hangal! Ang nagdala sakanya dito ay ang kaniyang mga paa hindi emosyon! Hangal!" resbak naman ni heneral

Minsan sinasabi ko sa sarili ko na bobo ako pero mas malala sila, kaya buti naman may awa pa ang diyos saakin

"Ayyy ang daming yada yada~" biglang sabat ni mary "Mag inuman na lang tayo!" dagdag pa niya

May inilabas na lambanog si supremo at pinatong niya ito sa gitnang litso saaming harapan

"Saan naman nang galing iyan?" tanong ko sakanya

"Pasalubong mula dun sa

kapre na na galing probinsya, namimigay nga din siya kanina sa

mga sundalo ng tabaco" pageexplain ni supremo

Naglabas din si supremo ng paper cups, yung natira noong nakalipas na fiesta ng mga kaluluwa

"Kampai?" sabi ni pepe habang nakaangat ang hawak hawak nitong baso

"Kampai!" sigaw namin bilang tugon

***

Anong oras na kami natapos sa pag iinom... naaalala ko pa nga si mary na hindi tumitigil sa pagkanta sa mga awitin ng Aegis

Napabangon ako sa aking pagkakatulog ng may narinig akong asong umaalulong

"TANGINA KANINONG ASO IYON!?" galit kong sigaw

Kasi naman badtripin niyo na ang taong puyat, wag lang ang demonyong lasing at puyat

Pagtingin ko kung saan nanggagaling yung ingay, nakita ko si lilith nakasandal sa saradong bintana

"Anong aso ka jan? Boses ko yon! Kumakanta ako! Napaka ganda ng boses ko para ikumpara

sa

isang walang utak na hayop!" reklamo niya

"Anong kumakantaUmaalulong

ka kaya!"

At sa isang iglap binatuhan niya ako ng isang matalas na kutsilyo sa aking dibdib at masamang tinitigan ako, Kung ikukumpara sa isang anime meron na siyang parang hashtag sa noo

Tangina neto ni  Lilith, kahit nung maliliit pa kami ganyan na siya kabrutal.. naaalala ko pa nga nung sinunggaban ako niyan sa likod ng isang matalas na samurai kasi gusto niya maging kasing galing si Kenshin Himura.. minsan pa nga binabaril ako sa ulo kasi idol niya daw si Vash the Stampede. Kakapanood niya ng anime to eh kaya kung ano ano iniisip!

Kung tutuusin wala sa itsura ni Lilith na isa siyang napakabrutal na demonyo.. mukha siyang inosente kaya naman ang daming nabibiktima ng ani-mal na yan eh

Dahan dahan kong tinanggal ang kutsilyo sa aking dibdib, Oo alam kong hindi ako tinatablahan non pero masakit pa din!

"Tangina mo talaga lilith, Ano bang ginagawa mo dito

sa kwarto ko?!"

"Anong oras na tulog ka pa din?"

"Ano ka nanay ko?"

"Alam kong bobo ka pero pwede magpasalamat ka na lang saakin?"

"Bakit? Ano naman naiambag mo sa buhay ko?"

"Tinulungan lang naman kitang alisin ang isang kaluluwang hinayaan mong mabuhay!"

"Tangina! ikaw! Anong ginawa mo kay machete!?" lumapit ako kay lilith

"At binigyan mo pa pala siya ng pangalan~ napakahusay!"

"Alam mo napaka sumbungera mo na nga

tapos napaka pakelamera mo pa! Ikaw ang nagsabi ng tungkol kay essay noh!?" hinawakan ko siya sa balikat niya ng madiin

"Ayan ang hirap sayo calcifer~ bukod sa mabilis kang magtiwala, nagpapadala

ka

sa emosyon mong pang tao! Hindi ka demonyo! Hindi ganyan ang demonyo!"

"Tangina ka

talaga hindi ka

mananahimik!?"

"Tignan mo na~ isa kang tao talaga, walang duda!" tinulak niya ako ng malakas kaya napaatras ako sakanya "Puro ka lang salita! Napaka hina mo para maging ka

uri

namin at para maging susunod na maghahari

sa impyerno" dagdag pa nito

"Ha! Bakit? gusto ba ng panget at mabaho mong nanay na magreyna

reynahan

ka

sa

imyerno?"

"Anong sabi mo!?"

Kilala ko si Lilith, madali siyang mainis dahil napaka pikon niyan.. manang mana kay Lucifer at Valac yung panget at mabaho niyang nanay!

"Sabi ko panget at mabaho yung mama mo!"

"HOW DARE YOU!!"

Diniladilaan ko siya habang paupo sa kama. Akala niya ah!

"Bleh bleh bleh bleh~ panget ang mama niya~"

"Ha! Atleast ako, mahal ako ng mama ko eh ikaw? Hindi ka love kasi wala kang mama!!" dahil sa sinabi niyang iyon napa tahimik ako

"Aba! Bawiin mo yon gago ka!"

dinila dilaan niya lang ako "Bleh bleh bleh bleh~ Hindi love ng mama kasi walang mama!~"

Naglabas na ako ng baril para barilin sana siya kaso bigla na lamang siyang nawala

Putangina non speed~

Nakalimutan ko na kilala din pala ako ni lilith, Alam niyang sensitive ako sa mother issue~ Tanginang buhay talaga ito.

***

Pagkarating ko sa hapagkainan para mag almusal, nakita ko si lilith at aling flor na nag uusap

"Kailan ka pupunta ng impyerno ha? naiirita na ako sa mukha mo!" sabi ko kay lilith habang umuupo sa pwesto ko

Nilatagan ako ni aling flor ng almusal at umupo na din para saluhan kami

"Ano ka ba naman master calcifer, napaka ganda ni lilith.. mukha siyang anghel hindi siya

nababagay

sa impyerno~" inosenteng sabi ni aling flor

"Anghel? Mukha akong anghel?" pagkainis na tanong ni lilith

"Imposibleng magmukhang anghel yan! Ang anghel kahit may pakpak mukhang lumilipad na ibon o paruparopero ayan?" sabay turo ko kay lilith "Kapag nagkapakpak yan, mukhang ipis na lumilipad eh!"

"Aba! Napaka ganda ko para ikumpara

sa

isang

ipis kahit na ikaw iyong mukhang ipis saatin!"

"Sino ba yung mukhang ipis yung mama? akin ba?"

"Ha! gaano ka

nakakasiguro na hindi mukhang ipis ang mama mo eh baby ka pa lang, wala ka ng mama!"

Yung titigan naming dalawa ni lilith ay para bang may lumiliyab na apoy tapos may effects ng kidlat sa gitna

"Tama na yan~ kayong magkapatid talaga dapat nagmamahalan kayo"

"Yuuuckkadiri~" pag iinarte ni lilith

As if naman gusto ko siyang mahalin.. pwe! Asa!

Pagkatapos namin mag almusal tumungo kami ni Lilith sa sala iniwan namin si aling flor sa kusina na naghuhugas ng pinggan

"Sabihin mo pala saakin kung anong ginawa mo kay machete" Nag rolled eyes lang siya saakin at maarteng naglakad patungo sa sofa para umupo

"Pinakain ko lang naman siya

sa

alagad ko"

Napabuntong hininga na lamang ako~ Kawawang machete hindi ko man lang naipagtanggol kahit minsan mabaho siya, may napala naman ako sakanya..

"Ngayon sabihin mo saakin kung nasaan yang alagad mong iyan at papatayin ko din siya! A soul for a soul, Lilith!"

"No need calcifer, kasi patay na din siya~"

"Pinatay mo siya?"

"Pinatay siya"

"Nino?"

"Ewan ko? basta ang utos ko sakanya, palabasin niya yung kaluluwa dito at kainin niya sa labas at syempre matik naman na kapag lumabas yung kaluluwa na iyon may lalabas na taga sundo.. eh kinain ng alagad ko kaya ayon! deds"

"Ang sabihin mo sinadya mo talaga yon para mamatay din ang alagad mo!" tumayo si essay sa pagkakaupo niya sa sofa at humarap saakin habang naka cross arms

"Bakit? Ganon na ba ako kasama? Hahahahaha~"

Wala talagang kupas ang nakakainis na halimaw na ito.. May apat na nilalang na pinaka ayoko sa lahat, Ang Diyos, Si hesus, Si lucifer, at ang panget na si Lilith.

"So bakit

ka

naparito?"

"Ayaw mo ba makita ang iyong pinakamamahal na bunsong kapatid?"

"Tangina, Bunso lang walang pinakamamahal! Atsaka sino naman gusto makakita

sa

isang panget na kagaya mo? Tignan mo sira na agad yung umaga ko!"

"Bobo tanghali na! Makaalis na ngaMahawaan pa ako ng kapangitan at kabobohan mo!" walang kurap kurap ay nawala na siya sa paningin ko

Kingina ng panget na yon! Sana mamatay na din siya!

Umupo ako at sinandal ang ulo ko sa sofa, Tangina kasi ng lambanog na iyon kagabi hindi ako sanay! sakit sa ulo!

"Nakalimutan ko nga pala sayong sabihin~" biglang litaw muli ni Lilith sa aking harapan

"Na ano? Mahal mo ko? Gwapo akong kapatid?"

"As if mangyayari yang hiling mo~" pag iinarte niya

"Ano yung nakalimutan mong sabihin saakin?" nakangisi siya saakin, isang kamay niya ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay hinahaplos ang kaniyang baba

"Kabahan ka na calcifer dahil hindi ka na makakasigurado na sayo mapupunta ang impyerno, dahil

pinagbobotohan na nila kung sino ba dapat ang karapat dapat..and sad to say~ wala ka ng pag-asa laban saakin" confident niyang pagkakasabi

THE FUCK! Hindi ito pwedeng mangyari!

"At bakit naman nangyari yon?"

"Si lucifer ang nagdesisyon non... Sa tingin ko napansin niya na hindi ka na ganon kasama nung mga

nakalipas na buwan huhuhu pero wag kang mag-alala, kasi kung ako ang magrereyna bibigyan naman kita ng posisyon...taga kamot ng likod ko HAHAHAHAHA! Ciaooo~" at sa isang iglap nawala na ulit siya

Tangina! Nakalimutan ko... masyado akong nagfocus kay essay at sa sumpang ito nakalimutan ko na pumatay at maging masama!

NOOOOOOOOOOO!!!!

***

TBC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status