Share

Chapter 5

Isang malutong na sampal ang iginawad ni Lucy sa babaeng tumulak sa kanya. Napaawang ang aking bibig nang bahagya dahil sa ginawa ng aking kaibigan. She’s really one of a kind- half person and half beast when provoked. That’s her, by the way. Walang labang inuurungan. At asahan mong ipagtatanggol ka niyan kapag naging malapit na ang loob niya sa iyo.

We’ve gone through a lot of this and she’s always there to fight for me. She’s my protector ever since and I’m too much lucky to have her in my life. 

“How dare you slap my beautiful face! You’ll pay for it!” asik ng babae kay Lucy at susugurin sana ang aking kaibigan para sabunutan sa buhok ngunit hinawakan ng kasama niya ang kanyang braso para pigilan. Bumulong ang isa pang babae sa babaeng sinampal ni Lucy kanina at bakas ang pagkagulat sa mukha ng babae matapos marinig ang ibinulong sa kanya ng kanyang kaibigan. 

Namilog ang mga mata niya at napaawang ang mga bibig. Sandaling tulala at napalingon sa bandang kanan kung saan kami nanggaling kanina. May kung sinumang nagsalita at mukhang kilala ko na kung sino iyon. 

“Hey, the two of you!” Rave butted in the scene, pointing his index finger to the two girls in front us. His face is showing a fuming mad expression. And as usual, his voice is full of authority.

“I won’t tolerate any kind of mistreatment towards other students here in our University. In behalf of the principal, you are suspended for one week. Get your things and have your way out in this school. The next time you’ll do this things again, I am going to expel you, both of you!” mahabang litaniya niya at hindi inaalis-alis ang tingin sa dalawang babae.

Halata ang pagkagulat at takot sa mukha ng dalawang babae. Kitang-kita ko rin ang panginginig ng kanilang mga tuhod at isa ay halos ngumawa na ngunit mukhang nagpipigil na umiyak.

“But, Prime Master--”

“No more buts and explanations. I clearly saw it all. I knew who started to pick up a fight. So get your way out in my school if you don’t want me to punish the both of you in the detention room,” he sternly uttered with finality in his voice.

“Y-Yes, Prime Master. A-And we’re sorry. Please, forgive us!” pautal-utal na wika ng babaeng kasama ng babaeng nakatali ang buhok saka yumuko sa amin. Hinila niya ang kanyang kaibigan papasok ng kanilang klasrum na walang ginagawang imik ngunit kitang-kita ko kung paano siya umirap sa amin. Nagpupuyos sa galit ang kanyang mga mata. Nagtatagisan ang kanyang mga ngipin at pinaigting niya rin ang kanyang panga habang nakakuyom ang mga kamao.

Hindi ko maiwasang hindi matakot sa hitsura ng babaeng iyon bago umalis sa aming harapan. At hindi ko rin maiwasang hindi makonsensiya. Suspended agad. Hindi ba puwedeng pag-usapan muna nang maayos? At saka isa pa, kina Rave ba ang paaralang ito. Kasi kung hindi, bakit umaasta siyang parang sa kanila ito?

“Beshie, ayos ka lang ba?” Lucy snapped her fingers making me come back to my reality. I gasped for an air. The atmosphere was filled with animosity a while back so I can’t breathe well earlier. 

“Serves them right. In this school, I am the law and justice. Mabuti na lamang at nakasunod ako sa inyo,” buong pagmamalaking sambit ni Rave sa amin.

“Baliw ka na ba? Hindi dahil ikaw ang Campus King dito, puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo. Kailangan ba talagang umabot iyon sa suspension? Puwede namang pag-usapan nang maayos, 'di ba? Nasaan ang hustisya doon?” talak ko sa kanya at wala akong pakialaman kung may makakita o makarinig man sa amin dito sa hallway.

“Hey, baby--”

“Call me baby one more time and I’ll make that cut in your stoma--” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang bigla siyang lumapit sa akin at tinakpan ang aking bibig. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nabato ako sa kanyang ginawa at hindi alam kung anong magiging reaksiyon ko. His dark brown eyes are seductively beautiful. And his lips… his luscious strawberry lips are full of temptations. I couldn’t help it but to gulp.

He smirked as he saw astonishment in my eyes and noticed the way I take a gulp. He didn’t remove his hand covering my mouth. I can smell the fragrant sandalwood scent on it. And the scent lures my nose. I want to sniff it over and over. 

Inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha sa akin at itinapat sa aking tainga. What is this tingling sensation I am feeling right now? My stomach is also making thuds and grunts. My heart beats fast like it’s racing with a horse. 

“Please, don’t let anybody knows about it. Don’t tell a thing about it to anyone. I have trust in you and your friend so I entrusted this secret,” he softly whispered to my ears. Darn it. His voice… his voice is heaven. What the hell is going on with me?

Lumayo na siya sa akin at tinanggal na niya rin ang kanyang kamay na nakatakip sa aking bibig. Nababato pa rin ako sa aking kinatatayuan ngunit nagawa kong tumango sa kanya. Nagtiwala siya sa amin nang ganun kadali? At isa pa, tama ba ang dinig kong binanggit niya ang salitang ‘please’ kanina?

“Let’s get going. I’ll take the punishment later for breaking the three-meter rule, my master,” he mentioned then chuckled after. Napakapilyo niya talaga kahit kailan. Inirapan ko lamang siya at tinarayan. Pinauna niya kaming maglakad ni Lucy, bagay na ginawa naman namin.

“Sorry, beshie. Late na tayo dahil pinatulan ko pa ang mga babaeng iyon. Ngakngak sila nang ngakngak, hindi naman nila alam ang pinagsasabi nila. At hindi puwede sa aking--”

“Lucy, it’s okay. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa iyo dahil nadadamay ka. Thank you,” putol ko sa kanyang sasabihin. Mahina lamang ang pagkakasabi ngunit sapat na iyon upang kaniyang marinig. Hinawakan niya ang aking braso saka ipinulupot niya ang kaniyang kamay rito. Halatang nanlalambing na naman ang aking bruhang kaibigan. Actually, mas clingy siya kaysa sa akin. 

Napalingon ako sa likuran at gaya ng inaasahan ay nakasunod pa rin sa amin si Rave. Biglang napuno ng pagtataka ang kaniyang mukha. “What?” he mouthed, raising his one eyebrow at me. I didn’t answer him back. I averted my gaze and focus on our way to our classroom.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa aming klasrum. Hindi ko alam ngunit hindi naman ako kinakabahan kahit alam kong mapapagalitan kami sa aming guro dahil huling-huli na kami sa kaniyang klase.

Nakabukas ang pinto ng silid ngunit wala kaming nadatnang guro. Kaya pala mukhang may papiyesta na naman sa loob. Mukhang napuno ng spoiled brats ang aming section kaya ginagawa nila kahit anumang matipuhan nilang gawin. Halos fifteen minutes na rin nang magsimula ang klase ngunit bakit kaya wala pa ang guro namin.

Pagpasok namin sa loob ni Lucy, lahat na naman ng atensiyon ay nabaling sa amin. Ang ilan ay sandali lang tumingin sa aming direksiyon bago bumalik sa dati nilang ginagawa samantalang ang iba ay masamang nakatitig sa aming dalawa ng aking kaibigan. Pangalawang araw pa lang namin dito ngunit ang dami nang may sama ng loob sa amin. Haha, as if I care. Haters gonna hate. 

Nang makaupo na kami ni Lucy sa aming sariling silya, sakto namang kapapasok lamang ni Rave. Nagsitigil ang lahat at tumahimik nang bumakas sa mukha ng lalaki ang inis dahil sa nadatnang ayos ng klasrum.

“Fix all the mess within two minutes or else you’ll be put under the heat of the sun the whole day!” Rave firmly emphasized with full authority. His eyes are dead serious. Natakot naman ang lahat sa kaniyang sinabi at agad na tumalima sa kaniya. Inayos nila ang mga magulong upuan at pinulot ang bawat kalat sa sahig. Tumahimik ang klase nang ganoon lamang kadali. 

Naglakad si Rave sa gitna patungo sa kaniyang upuan pero bago iyon ay pinasadahan niya muna ako ng tingin at saka nginisian. Halatang nagyayabang sa akin dahil kaya niyang pasunurin ang iba gamit lamang ang kaniyang mga salita. Ang yabang talaga ng lalaking ito. At saka halos lahat ay takot sa kanya. Dapat bang ipagmalaki ang bagay na iyon? 

Ngunit kahit gaano pa kataas ang tingin ng iba sa kaniya, hindi ako matatakot sa isang kagaya niya. Remember, he’s my slave. Yes, my slave is the Campus King and I can make him follow all my bidding. So the victory still goes to me. 

Tatlumpong minuto na lamang ang natitira para sa susunod naming subject ngunit pumasok pa rin ang aming guro. Babae siya at masasabi kong may pagkaistrikto kung pagbabasehan ang kanyang pisikal na hitsura. Aligaga siya sa pag-aayos ng kaniyang gamit. Agad siyang nagsulat sa whiteboard ng isang katanungan. Isang katanungang nahihirapan akong sagutin. 

‘What is love?’ Ito ang isinulat ni Ma’am sa whiteboard at matapos no'n ay agad siyang nagpakilala sa amin since ito ang unang beses na pumasok siya sa aming klase. What is love? Konektado ba ang tanong na ito sa aming magiging lecture ngayong araw?

“Hello, good morning everyone. I am Mrs. Liyana Garcia, your Reading and Writing subject teacher and Senior High School coordinator. Let’s make things real quick for today’s discussion because I was being piled up with many documents in my office. If you can’t catch up with me because I talk fast, just tell me, ‘Ma’am, slow, slow, slow.’ Are we clear?” diretso ngunit mabilis na pagwiwika ni ma’am Liyana habang ikinukumpas ang kaniyang kamay sa hangin.

Mukhang nakasanayan na niya ang ganitong paraaan ng pagtuturo. Mabilis nga siyang magsalita ngunit malinaw niyang nasasabi ang mga salita. Halata ring sanay na sanay na siya sa paggamit ng wikang Ingles. Tumugon naman kami sa kaniya ng “Yes, ma’am!”.

“Okay, in connection to our topic for tomorrow, let me ask you one question that surely everyone can relate. What is love? Any opinion will be recognized and acknowledged. Anyone?” pag-uumpisa ni ma’am sa diskusiyon. 

Love? Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon o nararamdaman? At kung puwedeng kainin, anong lasa? Gaano kapait? Kung nararamdam naman, gaano kasakit? I softly heaved a sigh. Ano na naman ba ang pinag-iisip ko?

Mukha namang walang sinuman ang nais magboluntaryo para sagutin ang katanungan ni ma’am. Binuklat niya ang kanyang dalang folder na kung saan nakalagay ang kopya ng aming mga pangalan saka nagtawag ng sasagot sa tanong.

“Miss Nerizza Pablo, where are you? Can you share your insights about love?” Tumayo naman ang isang babaeng nakaupo sa pangalawang row. Medyo natagalan bago siya nagsalita ngunit kalaunan ay tumugon sa katanungan ng aming guro nang makolekta na ang mga ideya sa kaniyang isipan. 

“Love is like playing cards. It is not what card you will get, but it is what card you are willing to sacrifice. Kapag tayo ay nagmahal, dapat matuto tayong sumugal. Dahil sa laro ng pag-ibig, kailangan nating tumaya kahit walang kasiguraduhan. Matuto tayong lumaban at magsakripisyo. Pero dapat matuto rin tayong sumuko kung alam nating wala nang pag-asa dahil wala nang mas sasakit pa sa sariling katangahan,” mahabang saad niya na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa aming mga kaklase. Pumalakpak pa nga ang iba sa kaniya.

Bakit ako natatamaan sa bawat bitaw niya ng linya? Lumaban naman ako. Nagsakripisiyo. Pero lahat ng iyon ay nauwi lamang sa wala. Napapabuntong hininga na lamang ako sa aking upuan.

“Very well said, Miss Pablo. Anyone? I just need one to share his or her perception about this thing called love,” Mrs. Garcia mentioned. Akala ko ba maraming magagaling sa section na ito? Bakit parang takot na takot ang ibang magbahagi ng kanilang insights tungkol sa pag-ibig na 'yan?

“No one? Okay, Miss Pablo, call a friend.” Tumayo namang muli si Nerizza at mabilis na ibinaling ang kanyang tingin sa likuran patungo sa aming dalawa ni Lucy. Ngumisi siya nang mapaglaro at natutop ako sa aking upuan dahil sa kanyang tugon kay Ma’am.

“I would like to know Miss Yumi Illona Perez’s perception about it, Ma’am,” she gushed, faking a sweet smile towards me. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa naturang babae. Tila ba nang-aasar ang tadhana at bakit ako pa ang napili ng babaeng ito para sagutin ang katanungan ng aming guro. 

Nangangatog ang tuhod kong tumayo. Lahat ng atensiyon na naman ay nasa akin at naghihintay sila sa aking magiging kasagutan. Darn it! I hate this kind of atmosphere. May kung anong mainit na pakiramdam ang nagpasirko-sirko ngayon sa aking kalooban at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Parang natatae ako na ewan. Hindi naman sa bobo ako pero kapag ganitong topic ang pag-uusapan, bigla-biglang umaatras ang dila ko.

“Miss Perez, are you okay?” tanong sa akin ni Mrs. Garcia na may halong pag-aalala sa kanyang boses. Marahil ay napansin niya na hindi ako komportableng sagutin ang kaniyang katanungan.

“Go, sis! Kaya mo 'yan,” Nerizza cheered me up and gave me a smile to lighten my mood but there’s something in me telling me that behind those smiles, she’s mocking at me deep inside. I have an intuition that those smiles weren’t true and real. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Nerizza, Lucy at Mrs. Garcia. Maging si Lucy ay may bahid ng pag-aalala sa kaniyang mukha para sa akin. I gulped. I can do it.

Ano nga bang sasabihin ko? Tumingin ako nang diretso kay ma'am at tumugon. Bahala na. 

“Well, love… love is…” I stammered. What happened to my tongue? I cursed mentally. Nakatingin lang sa akin ang mga pesteng classmate kong nagsilbing audience ko at kabilang na do'n si Rave na mukhang inaabangan din ang aking kasagutan.

“Yes, Miss Perez? What is love? Go on. Let your words flow naturally. Don’t put too much pressure on answering. It’s okay,” Ma’am sincerely told to me. She is considerate and nice. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy. I composed myself and calmed my mind.

“Love is more than just an emotion. It is like an imprisonment that jails you into darkness and misery. It drives you into insanity and makes you dumbfounded. It hurts you. It breaks you. It will only put you into pain. In the game of love, no one will win nor loose. All is fair in love. More than that, love is meaningless to me,” I said with grief and bitterness. Everyone are in awe right now. Some look shocked and the others look amazed. 

Ang bigat ng paghinga ko at lalong bumibigat habang naaalala ko ang mga nangyari. Umupo ako nang tahimik matapos kong makapagsalita. Silence strikes everyone. No one dares to speak. I hate this feeling. I feel like any moment I'm going to cry. 

“No, stop this nonsense Yumi. Enough of being weak. Enough of being a crybaby,” I said, reprimanding myself in my head.

“Love is happiness…” 

Isang baritonong boses ang nakisingit sa gitna ng katahimikan upang basagin ito. Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nakatayo siya ngayon habang nakatingin sa akin. He’s eyes are looking straight at me. It seems that he’s reading my soul. My forehead creased. Nalipat ang atensiyon sa kaniya ng lahat. Hindi ko kayang tapatan ang intensity ng mga titig na ipinupukol niya sa akin kaya umiwas ako. I can still hear what he’s going to say.

“Yes, Mr. Castillo. May sinasabi ka ba?” tanong ni Mrs. Garcia sa kaniya. 

“Love is the foundation of happiness. It is the most powerful source of energy in the world. It gives us strength to fight for the things that makes us happy. Love inspires people. Love binds people together. However, it can cause heartbreaks and failures if taken painfully. Nevertheless, where there is love, there is happiness.” Hindi ko magawang lumingon sa kaniyang direksiyon. Marami ang sumang-ayon sa kaniyang kasagutan.

Nanatili lamang akong nakayuko sa aking kinuupuan. Sumisikip ang aking dibdib sa hindi malamang kadahilanan. Marahil ay nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nangyari sa aking nakaraan. Ngunit, hindi naman puwedeng dalhin ko ang sakit ng aming mga alaala hanggang sa kasalukuyan.

“Very good, Miss Perez and Mr. Castillo. All your opinions were correct. It seems that we have a good pair here for the incoming Mr. and Miss Senior High School 2018,” papuri niya sa amin at saka ginatungan pa ng isang biro. Sa sinabing iyon ng aming guro ay biglang nag-init ang aking mga pisngi. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi naman pati ang bagay na iyon ay konektado sa aming diskusiyon ngayong araw, 'di ba?

“I guess you are ready. I'll be giving you a copy of the text 'That Crazy Feeling Called Love' by Grace Cruz. Read it then afterwards, let’s answer the following questions,” pagbibigay panuto sa amin ni Ma’am. Ibinigay ni Mrs. Garcia ang kopya sa mga estudyanteng nasa unang row at ipinasa nila ang mga ito palikod.

Wala akong ganang magbasa ngayon. Matapos akong makakuha ng sarili kong kopya ng teksto na aming babasahin, tinitigan ko lamang ito nang ilang minuto. Bakit ba triggered ako? 

“Hindi ba't move on ka na, self? Bakit affected ka pa rin hanggang ngayon?” muling pagkausap ko sa aking sarili.

“Uy beshie, basahin daw natin. Huwag titigan,” pabulong na sabi ni Lucy. I sighed and take another glimpse of it. 

I read it slowly, trying to internalize every single word on my copy. I couldn’t help it but to remind me of my past. I sighed out of sorrows.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status