Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2020-08-20 18:30:59

Nasa library kami ngayon ni Lucy. Gumagawa kami ng research tungkol sa isang report namin sa English for Academic and Professional Purposes. Hindi naman ganoon kahirap dahil tungkol lang naman ito sa kasaysayan ng English language, kung saan at kung kailan ito umusbong at kung paano ito nag-evolve sa paglipas ng panahon. Kailangan lang namin ng maraming sources at references. Iba pa rin kapag marami kang nalalaman sa isang bagay.

Second day pa lang namin dito ngunit isinalang nila agad kami sa reporting. Mabuti na lamang at hindi gaanong hectic ang schedule namin kaya may oras kami para mag-research dito sa library. May internet at google ngunit hindi credible minsan ang mga source doon kaya mas mainam pa ring gumamit ng mga libro bilang references. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat sa aking notebook para kopyahin ang mga nakasulat sa aklat nang biglang may maglapag ng papel sa aking harapan na may mga naka-imprintang salita. Tumingala ako para makita kung sino ang naglapag nito sa aking mesa at bumungad sa akin ang nakangising mukha ng lalaking kinaiinisan ko dito sa University. Kailan ba mawawala ang ngisi sa mukha niya? Kulang na lang ay akalain kong nakadroga siya at palaging naka-high.

“What’s that for?” I asked without reading the printed message on the short bond paper.

“Why don’t you read it for you to know?” he replied, suggesting me what to do.

“Whatever!” I gushed, rolling my eyes. I took the paper from the table and read its content. Nakasaad dito ang mga pangalan namin at ang role namin sa isa’t-isa bilang 'master' niya at 'slave' ko. Nakalagay rin dito ang mga rule na ginawa namin kahapon at magiging effective ang mga ito simula ngayon hanggang sa susunod na buwan. Ibig sabihin ay hindi counted ang ginawa niyang paglabag sa rule ko kahapon. May utak din ang lalaking ito. Sige, papalampasin ko muna ang bagay na iyon.

Wala naman akong ibang maidaragdag sa ginawa niyang kontrata at ayos na ito. Wala nang dapat baguhin pa.

Kinuha ko ang aking ballpen na nakapatong sa mesa at akmang pipirmahan ko na sana sa taas ng aking pangalan nang biglang dumating si Lucy. May hawak siyang mga libro. Lumapit siya at nakisawsaw sa ginagawa namin.

“Beshie, pipirmahan mo na ba? Go, push mo na,” sambit niya at mukhang siya pa itong excited na pirmahan ko ang kontrata.

“Observe silence please!” bulalas naman ng librarian na nasa library counter. Napahagikhik naman si Lucy saka humingi ng pasensiya. Balahura talaga ng babaeng ito kahit na kailan.

Pinirmahan ko na nga ang kontrata at sumunod naman si Rave na pumirma dito. Tae, dinaig pa ang pirma ko. Halos sakupin na ang kalahati ng bond paper dahil sa laki ng kanyang pirma. Ganiyan ba talaga ang pirma niya? Napabuga na lamang ako ng hangin sa aking ilong. 

“Oh ayan nagkapirmahan na. Sa susunod na pumirma kayo ulit ng kontrata, sana marriage contract na,” buyo ni Lucy sa aming dalawa kaya mabilis na tinalasan ko ang titig ko sa kanya. Tinakpan naman niya ang kanyang bibig at nag-peace sign pa sa akin samantalang nangingiti lamang si Rave. Inirapan ko lamang siya ngunit tinawanan niya lang ako.

“I like it when you are giving me death glare,” tukso niya sa akin na nagpainit pa lalo sa aking ulo. 

“Just hold on a second. I’ll photocopy it. I’ll take the photocopy and you’ll have the original one,” pagpapaalam ni kupal saka tinungo ang printer na nakapuwesto malapit sa librarian's desk. Hindi ko alam ngunit bakit parang mas pabor pa sa kanya na maging alipin ko? Hindi maiwasang hindi mapaisip. Nakakunot ang noo ko habang papalapit siya sa mesa namin ni Yumi. Itinaas ko ang kamay ko sa ere para pigilan siya sa paglapit.

“Always bear in mind the three-meter rule starting right now,” mahinahong pagpapaalala ko sa kanya. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha saka ngumuso. Anong drama 'yan? 

“Tae, don’t pout at me. You looks like a duck,” I commented annoyingly. Inilapag niya ang original copy ng kontrata sa kabilang dulo ng mesa saka umiwas ng tingin sa akin. Mukha siyang dismayado sa sinabi ko.

“Okay, fine! I’ll stay on other table. Please do inform me if you are going to leave the library, mea Regina,” kalmadong wika niya sa akin saka yumuko. My forehead creased. Mea Regina? What does he mean? Whatever! Tinatamad akong alamin kung anong ibig sabihin ng mga huling salita niya. Mukhang dati yatang alien ang lalaking 'to.

Katulad nga ng sinabi niya kanina, umupo siya sa kabilang mesa matapos palayasin ang dalawang babaeng nakaupo doon. Napaikot na lamang ang aking mga mata dahil sa kaniyang ginawa. Ngunit dahil siya nga ang hari sa paaralang ito, sinunod agad sila no'ng dalawang babae. At aba, imbes na mainis, kinilig pa sila at malugod na inialay ang kanilang puwesto sa lalaki. Kung ako siguro iyon, nabatukan ko na siya.

Teka, bakit ba ako reklamo nang reklamo dito tungkol sa kanya? Ano bang pakialam ko? I shook my head lightly to avert my thoughts. I just focus on copying notes. 

“Beshie, I smell something fishy about this rule,” pag-agaw naman ni Lucy sa aking atensiyon at saka ko lamang napagtanto na kanina niya pa pala binabasa ang aming kontrata. Tae, bakit ko ba nakalimutang itago ito kanina? Hindi tuloy nakaligtas sa pakialamerang ugali niya. Well, she’s my best friend so there’s no reason for me to hide it. I know I can trust her.

Nakaturo ang kanyang daliri sa ikatlong rule ni Rave na nakasulat sa kontrata matapos ipatong ito sa mesa. Habang ang kanyang isang kamay ay nakatukod sa kanyang baba at tila nag-iisip.

“What do you mean?” I asked curiously. 

“Well, nothing… I am just wondering. Haha, don’t mind me. Lutang lang ako kaya baka na-misunderstood ko ang mga nakasulat,” palusot niya pero alam kong may gusto siyang sabihin sa akin. Ibinigay na niya sa akin ang piraso ng papel para itago ko.

“Siya nga pala, sana all charismatic,” saad niya na may halong pambubuyo. Inirapan ko siya saka pinanliitan ng mga mata. Napakunot ako ng noo ngunit ilang sandali lamang ay nakuha ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.

“Rule no. 3, the most important rule. Do not fall in love with me. There’s no way that a slave and his master get into a relationship. No matter how much charismatic I am, do not ever fall in love with me!” Iyon pala 'yon. Nakasaad din pala ang rule na iyon sa kontrata. Napatawa ako nang tipid dahil sa aking kagagahan. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon nasabi.

Tinusok-tusok ni Lucy ang aking tagiliran saka tinukso-tukso pa. Pinatalas ko ang aking mga titig at ipinukol ang mga ito sa kanya. Mabilis naman siyang napatigil at nag-peace pa ang gaga. Kung hindi ko lang talaga 'to matalik na kaibigan, kanina ko pa siya naupakan.

Few minutes later, the buzzer rings. Well, I think a lot of time have been wasted arguing with her than copying notes. 

“Let’s go. We have only five minutes left before our next class starts,” I mentioned to Lucy. She just nodded then eventually fixed all the books she took from the shelves, and so with me. 

Mabigat din pala ang mga aklat na ito dahil halos lahat ay hardbound. Hindi ko alam ngunit napasulyap ako kay Rave sa kabilang mesa na ngayon ay nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay habang nakaidlip. Napailing na lamang ako. 

Matulog ba naman sa library. Nasaan na ang sinasabi niyang pagsisilbihan ako sa abot ng kanyang makakaya. Tutulugan lang naman pala ako. Teka, bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon. I don’t need assistance from him anyway. I can do it alone. I’m used to do things alone.

“Hoy, ano na? Baka matunaw iyan. Huwag mong titigan,” tukso sa akin ni Lucy nang mahuling nakatingin pa rin ako sa lalaki. Iniwas ko ang tingin ko rito saka hinarap si Lucy na may blangkong ekspresyon. Nakangisi lamang siya sa akin na tila ba nang-aasar na naman.

“Cut the crap. It’s not what you think,” I told her then have my way to the bookshelf to return all the books. Isa pa lang ang naibabalik ko nang biglang may humawak sa aking brasong nakayakap sa mga aklat para hindi mahulog. 

“This is exemption to the rule. You really need a help so I’m oblige not to follow it. And it’s your fault, you didn’t wake me up,” he explained. I rolled my eyes. He’s full of reasons. At dahil nga medyo hirap ako, hinayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya. Hindi ko na aabalahin pa ang sariling makipagdebate sa kanya. Medyo nagsasawa na rin akong makipagbangayan sa lalaking ito. Tahimik ko lamang siyang pinagmamasdan sa pagsasauli ng mga aklat sa dati nitong sisidlan. 

Nag-iwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin. Nang matapos na niya ang kanyang ginagawa, nauna na akong naglakad sa kanya at tinawag si Lucy sa librarian’s desk na kasalukuyan ngayong nakikipag-usap sa librarian. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Mukhang pati ang aming librarian ay hindi nakaligtas sa kadaldalan ng babaeng ito.

Hinigit ko ang kanyang braso ngunit bago iyon ay yumuko muna ako sa aming librarian at saka ipinaalam ang aking kaibigan. Lumabas na kami ng library habang hawak-hawak ko pa rin ang braso ni Lucy. Hindi man halata ngunit may pagka-clingy rin ako minsan.

Kahit kanina pa tumunog ang buzzer ay may mga estudyante pa rin sa gilid ng hallway. Napako naman ang tingin nila sa amin habang naglalakd, lalong-lalo na ang ilang mga babae na nag-uusap sa corridor. Nagbulungan sila at mukhang alam ko na kung ano ang laman ngayon ng kanilang usapan.

Hindi ko alam kung sinasadya nila pero ang lakas-lakas ng kanilang mga boses habang nag-uusap.

“Is she the girl that the Campus King chose over Queen Angeline?” bulong ng babaeng nakatali ang buhok sa kanyang isang kasama.

“Yeah, she’s the reason why Prime Master Rave dumped our Campus Queen yesterday,” gatong naman ng kasama niya. 

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang higitin ni Lucy pabalik sa kaniya ang kamay niyang hawak-hawak ko. Lumingon ako sa kaniya na ngayon ay nakaharap na sa mga babaeng pinagbubulungan ako. Nakataas ang isang kilay ni Lucy sa kanilang dalawa saka nakapamaywang pa. 

“Alam niyo, mga sis, marami raw nakukulong ngayon dahil sa pagkakalat ng fake news,” pagtataray ni Lucy sa dalawa. Inirapan siya ng dalawang babae saka hindi rin nagpatinag sa katarayan.

“Attitude ka, girl? Sino ka ba? Bigla-bigla kang nakikisabat sa usapan ng may usapan. Sibuyas ka ba, girl?” sabat ng babaeng nakatali ng buhok sa kanya. The atmosphere became denser. Something's going to be off. I feel it, that’s why I need to stop Lucy before making commotion. I really know her really well.

Hindi siya papatalo at magaling makipagratratan pagdating sa mga salita.

“Haha, sibuyas? Mukha ba akong violet? Ikaw nga, hindi naman toilet pero barado. Umaalingasaw tuloy ang baho,” tugon naman ni Lucy sa babae at ngayon naman ay 'yong isa namang kasama no'ng babae ang sumagot sa aking kaibigan.

“Back off, bitch. Wala kang pakialam sa pinag-uusapan namin,” kalmadong wika ng babae ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkainis. 

“Aba—” sasagot pa sana si Lucy ngunit itinulak siya ng babaeng nakatali ang buhok. 

Akmang pipigilan ko na sana ang aking kaibigan bago pa lumala ang sitwasyon ngunit nabato ako sa sumunod niyang ginawa. Laban kung laban.

She’s really one of a kind- half person and half beast when provoked.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 25

    ’PAGKAPASOK pa lang ng sasakyan ni Rave sa malaking gate, halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa tanawing bumungad sa amin. Bahay pa ba itong matatawag o papunta na sa palasyo?Ang liwanag ng buong paligid. May malaking fountain sa gitnang harapan ng kanilang bahay at sa magkabilang side nito ay nakahilera ang mga naglalakihan at naggagandahang halaman na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. May maliit na playground din sila at ang nakapalibot na mababang bakod nito ay napapalamutian ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights.Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang pagbuksan ako ni Rave ng pinto. “Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya sa akin.“Ah, sorry! Nakakamangha kasi ang mga nakikita ko ngayon kaya nawala ako sa tamang huwisyo,” hayag ko sa kaniya.“Hindi ka pa ba nasasanay sa mga nakakamanghang baga

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 24

    LUMAPIT si Rave sa lalaking may hawak ng baril ngunit mabilis na tinutukan siya nito ng armas na hawak. Ibinaba niya ang lahat ng hawak niyang shopping bag na naglalaman ng mga pinamili ni Elisa at saka itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko at senyales na hindi siya manlalaban sa lalaki.“I’ll give all you want. Binayaran ba kayo para gawin ito? Sabihin niyo sa akin kung magkano at dodoblehin ko ang binayad niya sa inyo. Just leave Yumi and Lucy alone,” pagkausap ni Rave sa lalaki. “Rave, you can’t be serious. Don’t gamble your parents’ money for us. Kung tungkol sa aming dalawa ’to ni Lucy, labas ka na—” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang sumabat siya sa akin.“You’re wrong. I am living with my own money. I don’t ask even a single coin from them. Anyway, what do you expect

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 23

    NAPATINGIN ako sa orasang nakasabit sa itaas ng whiteboard. Malapit na naman palang mag-uwian. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer. Nagsimula namang umingay ang iba kong mga kaklase at mukhang kanina pa sila sabik na umuwi. “Tara na, Beshie,” aya ko kay Lucy matapos iligpit ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Tumango naman siya sa akin at saka tumayo na rin.Pagkalabas namin ng classroom, bumungad naman sa amin si Elisa na hinahanap si Rave. Hindi pala magkadugo ang dalawang ’to. Magkapatid lang ang turingan nila dahil nakatira sila sa iisang bahay. Ang ina ni Elisa ay si Miss Velvet—ang principal ng paaralang ito— at siya ang pangalawang asawa ng ama ni Rave.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Rave habang nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Acting cool, huh?“Kuya, ma

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 22

    “SAYANG, wala man lang kayong picture nang magkasama kahapon, Beshie. Ang daya-daya niyo naman, eh. Hindi niyo man lang ako naisip na naiwan sa guidance office at iniwan na lang doon. Pero okay na rin iyon. At least, walang umabala sa first date niyong dalawa ni Fafa Rave,” mahabang litaniya ni Lucy sa akin at saka parang kinikilig pa ang bruha. Ano naman kayang nakakakilig do’n?“Anong date date na pinagsasabi mo diyan, Lucy? That was just—”“Nope! According to my beautiful braincells, date is when a teenage guy and girl spend time together happily. And you two seemed happy with each other’s company yesterday,” she gushed, immediately stopping me from speaking.I just rolled my eyes. There’s no help arguing with her furthermore. She’ll just piss me off. Well, that’s Lucy Madrigal for you. Wala na akong nagawa

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 21

    NASA ILALIM kami ngayon ng isang malaking puno ng Acacia. Lumabas kami ng bahay kanina ni Rave matapos mananghalian upang magpahangin at ipasyal daw ako sa iba pang bahagi ng lugar na 'to. Ang tahimik nga talaga dito. Siguro napakalungkot manirahan dito nang mag-isa."Ano nga pala iyong ikukuwento mo sa akin? Go on. I'll listen," pagbasag ko ng katahimikang namamayani sa pagitan namin."Ah, that one. Sorry, I almost forgot. But... do you wanna really hear my story?""Sige lang. Makikinig lang ako," I insisted. He nodded. He stretched his hands then put them backward against the ground."My Mom died two years ago," panimula ni Rave.Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang boses habang nagsasalita. Napatigil ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang sa ganitong linya niya sisimulan ang kaniyang kuwento. Gano'n pa man, mataman lamang akong nakatingin sa kani

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar.Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present.Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon.“Malapit na tayo,” wika niya.Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status