Share

Lucky 2: “What do you mean?”

(Missamy Charm POV)

“This is serious matter. Ikakasal ka na.”

“Kuya, may nagsabi na ba sayo na ang pangit mo kapag naka-seryoso mukha mo?”

“Charm!” Hala galit na ang kapatid my labs ko. “Ikakasal ka sa kanya. Sa ayaw o gusto mo.”

Nagseryoso na rin ako. Pero natawa.

“Is this a game Kuya?”

“Sinabi mo pa.” Sumuko si Kuya. Oo, basang-basa ko kanina pa.  “Laro to ng Boss ko, to his family. Sorry kung kasama ka. Don't worry, ang role mo lang naman ang magpakasal sa kanya at sundin yung agreement.”

Lang naman…

“Eh, bakit ako?”

“You're good enough for being hypocrite.”

“Ha?”

“Mahilig magkunwari. My boss will meet us mamaya kapag sinundo na tayo dito. Pipirmahan mo yung kontrata kung saan nakasaad yung agreement saka conditions.”

“Kailan ko ba talaga 'to gawin?”

“Yes. Kailanagn mong mag-earn. Tanda mo na. Importante sa buhay ang meron kang sariling ipon.”

“Ayyy… Kuya ko naman. Kaya siguro di ka nakikipag-date kasi…”

 Napabuntong hininga siya. Dahil alam na naman niya ang sasabihin ko. Abala ito sa responsibilidad niya sa akin bilang nakakatanda sa amin.

“Charm. Tayo na lang ang magkasanga dito.” Muli niyang pag-pagpapaalala sa akin.

Tama. Kami na nga lang ang natitira ni kuya matapos mamatay sa aksidente ang aming butihing parents. Kaya heto, si Kuya ang tumatayong ina at ama sa akin.

Since bakasyon lang naman din. Patulan na itong larong to. Challenging saka makakatulong pa ako sa kapatid ko na halos nga wala nang love life ng dahil sa akin.

Para ito sa kinabukasan namin ni Kuya!

Fight my lovable Charm!

“Charm, nasa ibaba na sila.” Tawag sa akin ni Kuya. Halos di ko na nasuklay ng maayos ang buhok ko.

Yan kasi si Kuya, para yang nasa digmaan lagi. Ang bilis ng kilos niyan/

“I'm coming Kuya.” Sabay tali ng buhok ko.

Nagmadali akong bumaba. May dalawang lalaki nga sa labas. Nakapang-amerikana with matching black eyeglasses. Napawave lang ako sa kanila.

Bumaba si Kuya na suot nito laging pormal na kala mo laging may pupuntahang hearing.

Ang hirap kaya mag plantsa nang uniform niyang yan. Kamay ko nga kuya napapareklamo na naman oh.

Dumiretso siya sa Van at binuksan ang pinto. Tinignan niya ako.

“Pasok.”

“Okey.”

Nakaramdam kasi ako ng kaba.  Kaba na baka di ko magawa yung part ko, mawalan pa itong trabaho si Kuya.

May pinag-usapan yung tatlo sa labas bago si Kuya sumunod sa akin.

Habang nasa byahe, inimik ko si Kuya. Abala sa hawak niyang tablet na palipat-lipat ang tingin sa hawak niyang folder.

Oo, di ako inimik ni kuya. Parang di niya ako kasama no?

“Kuya, infairness kinakabahan ako.” Muli kong sabi sa kanya.

“Kung ngayon pa lang Charm kinakabahan ka na, mas lalo ka pang kakabahan kapag nakaharap mo na siya. Pero di ka naman noon kakainin Charm.”

Hahaha. nag-joke si kuya.

“Ngunit, ayaw niya sa mga taong maingay masyado. Kaya manahimik ka na lang. Kapag nagtanong, diretso mo siyang sagutin nang walang paliguy-ligoy. Nagkakaintindihan ba tayo Charm?” Sabi niya sa akin na di man lang ako tinitignan.

“Okey. Pero sa tagal mo na sa trabaho, bakit di mo sa akin sinabi na siya ang Boss mo?”

“Sa ayoko sabihin.”

Haist. Ganyan yang si Kuya papunta sa end conversation ang demand niya.

“Mabait ba siya?”

Tinignan niya ako at pinakawalan niya ang isang simpleng ngiti. “Strict but Kind, Charm.”

“Sa tingin mo ba, makakasundo ko siya?”

“Well, depende kung tatagal ka sa kanya. But never give up Charm, okey?”

“What do you mean?”

“Malala ang pagka-strikto niya. He is Half-Chinese Man. Malamang strikto pagdating sa business nila at maraming tradition ang pamilya nila.”

“Eh, Kuya sa akin kaya magiging strikto ba?”

“May agreement and conditions naman kayong pipirmahan. Kaya wag ka masyadong mag-alala.”

Muli na namang nag-ring ang phone niya. Sinagot nito.

Parang mesa na ang lap ni Kuya sa daming dalang bagay tungkol sa trabaho nito.

Napadungaw na lamang ako sa labas.  Pumasok kami sa napakalaking gate. Mapuno ang lugar. Napakayabong nila na halos di masinagan yung kalsada. Ang sariwa ng hangin.

Pumasok na naman kami sa isang gate at napansin ko na ang napakalaking bahay na nag-aabang sa amin.

Wow. Sagad ang pagka-nga-nga ko sa laki ng bahay. Ang ganda ng hardin na dinaanan namin.

Hinila ako ni Kuya sa pagkakatulala at lalo akong napalaway ng makapasok kami with salubong ng ilang katulong. Napayuko ng napadaan kami.

Bumalik lamang pagkatao ko ng, “Dito ka lang muna.”

Tumango ako kay Kuya at naupo sa malambot na sofa. Binulungan ni Kuya yung isang utusan at pareho sila nawala sa paningin ko.

Dahil wala namang tao at nanabik ako na tignan yung mga display sa sala. Tumayo ako. Nawala sa isipan ang sinabi ni Kuya.

Napako ang titig ko sa isang napakalaking Guardian Angel.

Wow!

Gawa siya sa mababasagin na Crystal. Nakataas ang kanyang espada na parang binabantayan yung isang Crystal box.

Na curious ako.

Tinignan ko ng malapitan. At halos malaglag ang panga ko dahil, kala mo naman may diamanteng nakalagay. Yun naman pala isang mumurahing bracelet na… Teka?

Oo! Five years ago, katulad ng binili ni Mama sa isang simbahan na naiwala ko din kinabukasan.

Bakit andito to?

Ahem. Baka kapareho lang Missamy.

“Miss…” tawag sa akin.  

Sa sobrang gulat ko muntikan ko ng masiko yung Crystal box na lalagyan. Pero agad ko naman na-save.

Whooooo! Thank you.

Ako ba ang tinawag talaga?

Paglingon ko, dalawang katulong na naka-unipormeng ruffles-ruffle. Ang cute nila sa uniform.

“Yes?” Kung ako nga ang tinatawag nilang ‘Miss.’

“Inutusan kami ni Master Jeff na ipaghanda kayo ng agahan. Nakahanda na sa hapag.”

@Death Wish

Hi sa lahat!

Alam ako na ang makakapagbasa lang naman nito ay yung marunong umintindi ng tagalog. Ahahaha. So Nice to meet you all! Pa-REVIEW NA DIN PO.

Marami akong tagalog books and will update sooner. Love you guys!

Drop kayo ng napakagandang comment!

Taming the Dangerous CEO [TAGALOG]

Fated to Mary the Devil [TAGALOG]

Doctor Alucard Treasure [TAGALOG]

Alpha King Checkmate [TAGALOG]

Nine Months [Tagalog]

The Devilish Billionaire [Tagalog]

Love you all! And thank you sa supporta ng napakarami!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status