Tears of Pain
Tears of Pain
Author: HopeIsSerenity
Prologue

1...

2...

3...

Mahinang tunog ng relo na animo'y binibilang ang bawat segundo.

4...

5...

6...

Umalingawngaw ang tunog nito sa bawat sulok ng silid-aklatan. Ang bawat paggalaw at pag-kumpas nito ay tila tibok ng kaniyang puso.

Napaka-tahimik, na kahit ang pinaka-mahinang bulong ay maririnig. Madilim ang paligid at nanaisin mong manatili rito upang umiyak nang umiyak dahil wala namang makaririnig sa'yo.

Ang sahig ay malinis at makintab. Halata mo'ng pinagpagurang linisin. Napakaganda..

Ngunit nababawasan ang ganda nito dahil sa mga papel na nakakalat. Ang mga letra'y mistulang nakasulat sa pulang tinta na hindi na mabasa nang malinaw. Kailangan mo pa'ng titigan nang mabuti bago malaman ang mga ibig sabihin nito.

Kapag inilibot mo ang paningin sa buong paligid ay masasabi mo'ng ginawa ito upang makapag-bigay ng kilabot.

Sa maingay na pag-tunog ng relo ay katumbas ng isang palahaw ng babae na nakatalikod sa saradong pinto ng malaking silid-aklatan. Nagpakawala siya ng hindi mabilang na paghikbi na sinasabayan ng walang humpay na pag-nginig ng kaniyang labi. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mahaba at itim na itim na buhok ay tumatakip sa maamo niyang mukha. Ang mga kamay niya'y sobrang higpit ng pagkaka-kuyom na animo'y gigil na gigil.

"Why?" Punong-puno ng emosyon ang kaniyang boses at ang pagtahip ng dibdib ay hindi man lang nahinto.

Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang isang blangkong papel upang sulatan. Ginusot niya muna ito at inihanda ang mga daliring nagdurugo upang gawing panulat.

Sa patuloy na pagtulo ng mga luha ay ang siyang pagtulo rin ng mga dugo sa kaniyang daliri. Ilang beses na ba siyang nagsulat sa mga gusot na papel upang ikalat lang sa paligid? Hindi na niya mabilang.

"It all started with the number 11 year 2012." Sinulat niya ito sa papel na hawak niya na nababahiran na ng kulay pula. Puro dugo.

"It was year 2012 when my father started molesting me. That moment is still vivid. I was 11 years old." Ilang sandali pa'y narinig na naman niya ang malakas na tunog ng relo.

Ngunit itinuloy niya ang pagsulat sa panibagong papel at gaya ng mga nauna'y ginusot niya muna ito upang walang magka-interes na magbasa.

"Next was the number 12 in the same year." Napupudpod na ang kaniyang mga daliri sa pagsulat ngunit hindi niya ito alintana. Ang mahalaga'y makapag-sulat siya. Kung mapagod man ang kaniyang puso sa pagtibok, ang kaniyang mga mata sa pagdilat at ang kaniyang pag-hinga, umaasa siya na balang araw ay mayroong handang magbasa ng kaniyang mga isinulat.

Gamit ang kaniyang daliri na nagdurugo'y isinusulat niya ang bawat sakit ng karahasan. Karahasan na puro lungkot, pag-iyak at pag-iisa.

Para sa kaniya'y ayos lang ang pagdurugo ng pisikal na katawan, kaysa ang pagdurugo ng puso sa mga salitang hindi na mababawi pa kailan man.

"I was 12 years old when I started to lose my innocence." Pagod na marahil ang mga luha niya sa pagtulo at ang mga mata'y natuyo. Agad namang gumuhit sa kaniyang ala-ala ang poot ng nakaraan. Hinding-hindi niya malilimutan ang mga pangyayaring nagdulot sa kaniya ng kadiliman.

Nang matapos magsulat ay hinawakan niya nang napaka-higpit ang papel kasabay ng pagdugo ng kaniyang mga kamay. Until the clock ticks again. Naalarma ang kaniyang mga mata at nagmamadaling itinapon sa kung saan ang papel.

Ang malakas na tunog nito ay nagmistulang alarma sa kaniyang kaibuturan na unti-unting ginigising ang kaniyang isip mula sa sariling mundo.

"I was 13 years old but he never changed. Still the same demon who devours my purity." Sa nagmamadaling mga kamay ay pilit niyang isinulat ang mga salitang tila isang punyal na tumatarak sa kaniyang lalamunan na unti-unti siyang pinapatay. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at nawawalan siya ng lakas. Ngunit patuloy pa rin siyang magsusulat.

"I was 14 but he was still there—waiting for me as his own pleasure. I started to regret living with a demon." Ginusot-gusot niya ang papel at itinapon sa kung saang parte ng sahig na may mantsa na ng kanyang dugo.

"I was 15." Tumunog muli nang malakas ang relo na tila senyales na dapat na niyang lisanin ang lugar at bumalik sa kaniyang trabaho upang paglingkuran ang demonyo.

Ngunit siya'y nagbingi-bingihan at patuloy na nagsulat.

"I was 16." Palakas nang palakas ang tunog ng relo na animo'y isang yabag ng sapatos na papalapit nang papalapit.

"I was 17." Sa bawat letra'ng kaniyang isinusulat ay katumbas ng malinaw na ala-alang bumabalik sa kaniyang isip. Sa kada-taon na lumilipas ay nakukulong siya sa walang katapusang bangungot.

"I was 18."  Hanggang sa bumagsak ang kaniyang katawan dahil sa isang malakas na pag-hampas.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eva Robertson
needs to be on English too
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status