Share

Chapter 16

Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.

Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.

Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card.

"Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status