Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)
Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)
Author: Dahlia Faith
Prologue

HUMINGA nang malalim si Jaqui habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng isang tulay, sa ibabaw ng isang malawak na ilog. Malayo layo na iyon sa lodge house ng nature farm at wala na ding tao sa paligid dahil malapit nang mag-gabi. Alas-singko ng hapon ang call time para sa mga guest at ang hudyat na dapat ay nasa lodge house na ang lahat para sa hapunan. Ang sabi sa I*******m post ng nature farm, kakaibang sigla daw ang mararamdaman ng mga bumibisita sa lugar na iyon. Nago-offer ang management ng farm ng tatlong araw na educational tour. Maraming nag-komento sa post at ang lahat ay sinasabi na sobrang na-relax sila sa ambience ng lugar at pakiramdam nila ay naging masaya sila sa ilang araw na pananatili sa doon.

Sa loob ng ilang buwan ay p-in-lano ni Jaqui ang trip na iyon bilang regalo niya sa sarili niya. Ngayong araw ay ang ika-28 birthday niya. Mula nang magtrabaho siya, ngayon lang siya nakaranas na mag-bakasyon ng isang linggo. Pero hindi siya pumunta doon upang mag-relax at matutong magtanim ng halaman. Nagpunta siya sa lugar na iyon upang isakatuparan ang matagal na niyang planong gawin.

"Gusto ko na talagang mamatay," malungkot na sabi niya. Hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.

Hindi alam ni Jaqui na darating pala ang panahong mapapagod na siyang mabuhay sa mundo. Mas maganda pa nga sigurong tapusin na niya ang kaniyang buhay dahil mukhang hindi matatapos ang mga problema niya. Sawang sawa na siya. Wala yatang isang araw na hindi siya nakakadama ng lungkot at pagod.

"Papa, bakit gano'n? Sinunod ko naman iyong sinabi ninyo ah. Ang sabi ninyo, kapag nag-aral ako ng maayos, magiging maayos ang buhay ko. Magiging maganda ang future ko," himutok niya, umaasa na naririnig siya ng ama niya kung saan man ito naroroon. Pinunasan niya ang mga luha saka muling nagsalita.

"Sabi ninyo, pati sabi ni Lolo, pati sabi ng mga professors ko, kapag nag-top ako sa class, makakakuha ako ng magandang trabaho. But look at me now! Look at me, hanggang ngayon wala akong matinong trabaho. Lahat ng grades ko, lahat ng uno ko noong college, walang silbi! Bakit?!”

Nagtapos siya ng kursong Business Administration pero kahit pala nakatapos ang isang tao, hindi garantiya na uunlad ang buhay nito. Ilang beses siyang nagpalipat lipat ng trabaho dahil sa maraming dahilan. Ang kinikita niya, sapat lang na panggastos niya sa sarili at hindi sapat para makapundar siya ng kahit ano.

"You can't say I didn't try. You all know I tried to be better. Ginawa ko ang lahat ng paraan para umayos ang buhay ko. Kahit pagbebenta ng Avon, ginawa ko na! Pati vlogging, pinasok ko. Pero kulang pa din. Kulang na kulang pa din. "

Naitakip ni Jaqui ang mga palad sa mukha nang humagulgol na siya sa iyak.

100% expenses.

Zero savings.

Walang love life.

Walang permanenteng trabaho.

At iyong pesteng ex niya na masayang masaya ngayon sa piling ng iba.

"Lecheng buhay ˋto!"

Pakiramdam ni Jaqui, lahat ng karapatang maging masaya ay pinagkait sa kaniya. Ang gusto na lang niya ngayon ay magpakatiwakal para matapos na ang lahat.

"Bakit ba kasi hindi ninyo man lang sinabi sa'kin kung ano bang dapat gawin para maging masaya kapag tumanda na?"

Bakit parang hindi naman naituro sa kahit anong libro kung ano bang sikreto para maging masaya ka sa buhay. Kung nalaman lang niya iyon noon, baka ngayon ay hindi siya ganoon kalungkot.

Pinahid ni Jaqui ang mga luha saka naglakad palapit sa gilid ng tulay na gawa sa bakal. Mula sa papalubog na araw ay nakikita niya ang payapang ilog. Tamang tama ang lalim no’on upang mahirapan siyang makaahon, lalo pa’t hindi naman siya marunong lumangoy.

Sumampa si Jaqui sa hamba ng tulay. Matagal na niyang dinadasal sa Panginoon na sana ay mapatawad siya Nito sa gagawin niyang iyon. Matagal na din niyang ipinagdasal na sana ay hindi pabayaan ng Panginoon ang pamilya niya Kaya namang mabuhay nang mga ito nang wala siya. Siguro nga ay mas magiging masaya pa ang buhay ng mga ito kapag wala na siya sa mundo.

"Mahal ko naman kayo eh, Pero sadyang ayoko na talaga," aniya. "I'm sorry kung wala man lang akong kahit anong yaman na maiiwan sa inyo."

Nanginginig ang mga kamay ni Jaqui nang kumapit siya sa bakal at isampa ang mga paa sa pangalawang hamba ng tulay. Huminga siya nang malalim, ipinikit ang mga mata nang humampas sa kaniya ang malamig na hangin.

"Mahal ko kayo. I'm sorry. Paalam..."

"Tulong! Tulong!"

Napaigtad si Jaqui nang may narinig siyang humihingi ng tulong mula sa hindi kalayuan. Nang dumilat siya at lumingon sa kanan ay may nakita siyang bulto na nakayakap sa poste ng ilaw, sa may dulo ng tulay.

Napakunot noo siya. "Tao ba iyon?" naguguluhang tanong niya. Ang akala niya ay walang tao sa lugar na iyon. O baka naman dinadaya lang siya ng paningin niya.

"Tulungan mo ˋko, please!"

"Hala, tao nga," gulat na sabi ni Jaqui. Napatingin si Jaqui sa ilog at ganoon na lang ang naging takot niya nang mapagtanto kung gaano kataas ang babagsakan niya. Mabilis siyang bumaba at napaupo sa semento. Muli ay gusto niyang umiyak sa takot. Sa sobrang gusto niyang magpakamatay, nakalimutan niyang acrophobic pala siya.

"Miss, okay ka lang? Please. Tulungan mo naman ako oh."

Nilingon ni Jaqui ang lalaki. Mukhang may iniinda itong sakit base na din sa paghingi nito ng tulong sa kaniya. Kahit nanginginig pa ang katawan, pinilit ni Jaqui tumayo at lapitan ang estrangherong nang-istorbo sa pagpapakamatay niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" naguguluhang tanong ni Jaqui.

Hinawakan ng lalaki ang kanang tuhod nito. May dala itong backpack at mukhang nag-trekking ito sa gubat na matatagpuan sa dulong iyon ng tulay. Sa kabilang dulo naman ay ang papunta sa nature farm.

"Masakit na kasi iyong tuhod ko," daing nito. Pawis na pawis ito at mukhang nahihirapan talaga. Dumausdos ito sa lupa at inilapat ang mga binti. "It's painful. Can you call someone for help? I stay in the nature farm."

Nakagat ni Jaqui ang ibabang labi. "I forgot my phone," she lied. Hindi talaga niya iyon dinala. Sino bang magpapakamatay ang magdadala pa ng cellphone?

"Dead bat na ˋko," problemadong sabi ng lalaki.

"Can you wait here? Ilang minutes lang naman, nasa lodge na ˋko. Hintayin mo na lang ako dito."

Tatakbo na sana si Jaqui paalis nang pigilan siya ng lalaki.

"Wait. Can you just help me walk? Baka pwedeng alalayan mo na lang ako. Kaya ko pa naman humakbang."

Saglit na nag-isip si Jaqui. Nag-alangan kung totoo ang sinasabi ng lalaki. Mukha naman itong disente at hindi psychotic. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo.

Saka gwapo siya.

Natigil ang iniisip niya nang muling dumaing ang lalaki. Wala nang nagawa si Jaqui kundi ang alalayan itong tumayo.

"Humawak ka sa'kin,” aniya.

Tinulungan ni Jaqui ang lalaki na tumayo. Matangkad ito. Marahil ay six-footer. Sa height niyang 5'4, bagay talaga siyang tungkod nito.

"Sigurado kang kaya mo pang lumakad?" nagaalalang tanong niya sa lalaki.

"Yes. Kaunting lakad na lang naman, nasa lodge na tayo."

Maingat niyang inalalayan ang estranghero sa paglalakad.

"Ano pa lang ginagawa mo kanina? Bakit ka nakasampa sa gilid ng tulay?" usisa nito habang dahan dahan silang naglalakad.

Napatingin siya sa kinatatayuan niya kanina. Napansin din niya ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw. "Wala. Pinapanood ko lang iyong sunset," tanging sagot niya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alfredo Velasquez
so beautifull
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
i try reading this using MTL and seems like this is a good story! will you upload translated version of this novel? do you have social media? i would love to keep updated about your future works
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status