Married to His Father, Claimed by the Son

Married to His Father, Claimed by the Son

last updateLast Updated : 2026-02-02
By:  Eckolohiya23Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Welcome home, Xerxes." Iyan ang bating isinalubong ni Amara Mañago sa bagong dating na tagapagmana ng mga Castillejo. Pero imbes na yakap, isang nakakapaso at mapanuyang tingin ang natanggap niya. Dahil si Xerxes Castillejo—ang gwapo, rebelde, at bagong stepson niya—ay walang iba kundi ang ex-boyfriend na iniwan niya at dinurog ang puso tatlong taon na ang nakararaan. Napilitan si Amara na magpakasal sa ama ni Xerxes, ang bilyonaryong si Don Alfonso Castillejo, sa isang contract marriage para protektahan ang kumpanya at ang mana ni Xerxes mula sa mga gahaman nilang kamag-anak habang may sakit ang Don. Lihim ang kontrata. Sa mata ng mundo—at sa mata ni Xerxes—isa siyang gold digger na binebenta ang katawan para sa yaman. Desidido si Xerxes na gawing impyerno ang buhay ni Amara sa loob ng mansyon. Ang plano niya: akitin ito, paaminin na pera lang ang habol niya, at wasakin ito gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Sa bawat gabing nagtatama ang kanilang landas sa madilim na pasilyo ng mansyon, tila isang laro ng apoy ang namamagitan sa kanila. "Kung kaya mong ibigay ang katawan mo sa isang matanda para sa pera," bulong ni Xerxes habang idinidiin si Amara sa pader, "Bakit hindi mo ibigay sa akin nang libre? Tutal... kabisado ko na ang bawat sulok nito." Hanggang kailan kayang panindigan ni Amara ang pagiging tapat na asawa ng ama, kung ang puso at katawan niya ay sumisigaw para sa anak nito?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride."

Parang bombang sumabog sa pandinig ni Amara ang mga salitang iyon. Nanlamig ang kanyang mga kamay habang nakahawak sa braso ni Don Alfonso Castillejo. Ito na. Wala nang atrasan. Isa na siyang ganap na Castillejo.

"Ayos ka lang ba, hija?" bulong ni Don Alfonso. Ramdam ni Amara ang panginginig ng kamay ng matanda. Alam ng lahat na may sakit ito, pero sa gabing ito, pinilit nitong tumayo nang tuwid para sa kanilang kasal.

Pilit na ngumiti si Amara. "Opo, Don... I mean, Alfonso."

Dahan-dahang itinaas ng matanda ang belo ni Amara. Sa halip na kilig, takot at kaba ang nararamdaman niya. Nang dumampi ang tuyong labi ni Alfonso sa kanyang noo—hindi sa labi, kundi sa noo lang bilang tanda ng respeto—isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong Grand Ballroom ng Shangri-La.

BLAG!

Naputol ang musika ng orchestra. Ang mahigit limang daang bisita—mga politician, business tycoons, at alta-sosyedad—ay sabay-sabay na napalingon sa higanteng pinto.

Sa gitna ng entrada, nakatayo ang isang lalaking tila bagyo ang dala.

Naka-itim na suit ito na hapit na hapit sa matipunong katawan. Magulo ang buhok, parang kakahiga lang, pero lalo lang itong nagmukhang rogue at mapanganib. Ang kanyang panga ay maigting, at ang kanyang mga mata... ang mga matang iyon na dati’y tumitingin kay Amara nang may pagmamahal, ngayon ay nag-aapoy sa galit.

Napasinghap si Amara. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa kinatatayuan niya.

"Xerxes..." bulong niya.

Naglakad si Xerxes Castillejo papasok. Walang imbitasyon, walang pasabi. Ang bawat hakbang ng kanyang leather shoes sa marmol na sahig ay parang countdown ng isang bomba.

Nahawi ang mga tao. Walang nagtangkang humarang sa kanya. Ang aura niya ay masyadong dominating, masyadong nakakatakot.

"Anak," basag ni Don Alfonso sa katahimikan. "Nakarating ka."

Hindi tinapunan ng tingin ni Xerxes ang ama. Ang kanyang paningin ay nakapako lang kay Amara. Para bang silang dalawa lang ang tao sa silid. Tinitigan niya si Amara mula sa mamahaling diamond tiara nito, pababa sa custom-made na Michael Cinco gown, hanggang sa nanginginig nitong mga kamay.

Huminto si Xerxes isang dangkal lang ang layo sa kanila. Amoy na amoy ni Amara ang pamilyar na pabango nito—pinaghalong mamahaling alak, tabako, at ang musky scent na kailanman ay hindi niya nakalimutan.

Ngumisi si Xerxes. Isang ngising walang bahid ng saya.

"Sorry, I’m late," malalim at baritonong sabi ni Xerxes. "Traffic kasi galing impyerno."

Napahawak ng mahigpit si Amara sa braso ni Don Alfonso. "X-Xerxes, please. Huwag dito."

Dahan-dahang ibinaling ni Xerxes ang tingin sa kanya. Ang lamig. Para siyang binubuhusan ng yelo.

"Bakit, 'Ma?" pang-uuyam ni Xerxes. "Ayaw mo bang batiin ka ng stepson mo? Sayang naman ang pag-uwi ko galing Europe para lang sa special day niyo."

Lumapit pa lalo si Xerxes. Sa sobrang lapit, halos mag-abot na ang ilong nila ni Amara. Napasinghap ang mga bisita sa nakikitang tensyon. Masyadong intimate ang distansya para sa mag-ina.

"Congratulations, Amara," bulong ni Xerxes, sapat lang para silang tatlo ang makarinig.

"S-Salamat," utal na sagot ni Amara, gusto nang umiyak.

Biglang hinawakan ni Xerxes ang baba ni Amara. Mahigpit. Mapang-angkin. Napapikit si Amara sa sakit at sa kuryenteng dulot ng hawak nito.

"Ang galing mo talagang umarte," mariing bulong ni Xerxes sa mukha niya. "Dati, sabi mo sa akin, gusto mo ng lalaking kayang sabayan ang init mo sa kama. Kaya iniwan mo ako."

Dumilat si Amara at sinalubong ang galit sa mata ng dating nobyo.

Binaba ni Xerxes ang tingin sa maysakit na ama, bago ibinalik kay Amara nang may pandidiri.

"Ngayon, nagpakasal ka sa isang lalakig pasampa na sa kabaong?" Tumawa nang mahina si Xerxes, nakakapanindig-balahibo. "Sigurado ka bang kaya ka niyang busugin, Mother? O baka naman ang wallet lang niya ang habol mong busugin?"

"Xerxes! Enough!" sigaw ni Don Alfonso, inatake ng ubo.

Binitawan ni Xerxes ang mukha ni Amara na parang napaso siya. Tinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Relax, Dad. Baka atakihin ka, sige ka. Mawawalan agad ng asawa 'tong si Amara. Sayang ang investment niya."

Tumalikod si Xerxes at humarap sa mga bisita. Kumuha siya ng isang baso ng champagne mula sa dumaang waiter at itinaas ito.

"A toast!" sigaw ni Xerxes na umalingawngaw sa ballroom. "Para sa bagong kasal! Sa aking ama, at sa kanyang... napakagaling at napakabait na asawa. Welcome to the family, Amara."

Ininom niya ang champagne sa isang lagok, tapos ay ibinalibag ang baso sa sahig.

CRASH!

Nagkalat ang bubog. Napasigaw ang ilang bisita.

Muling tumingin si Xerxes kay Amara. Ang tingin na iyon ay pangako. Pangako ng paghihiganti.

"Enjoy the party," bulong niya bago tumalikod at naglakad palabas. "Dahil simula bukas, sa iisang bubong na tayo titira. At sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na naging Castillejo ka."

Nang makaalis si Xerxes, saka lang nakahinga si Amara. Pero alam niyang simula pa lang ito.

Ang impyerno ay hindi ang lugar na pinanggalingan ni Xerxes. Ang impyerno ay ang mansyon na uuwian nila bukas.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status