Share

The Witch has Fallen - 23

"Ha? Ah oo! gabi na! uuwi na po ako Senyorito. Sige po, mauna na ako." natataranta kong saad. Ang kaninang masakit na balakang at namamaga kong pwet ay parang nawala na lang bigla. Medyo masakit pa, pero dahil madali lang namang maghilom ang mga sakit namin sa katawan, nagagawa ko na itong itayo pero hindi. Kailangan kong tumakbo!. 

Paika-ika akong naglakad papalabas ng opisina niya. 

"Tasya... Ayaw mo ba talaga sa akin?. I really want to pursue you but I can't do it without your permission." hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. 

"I love you Tasya. I don't know how this happened. But, I really do. I-I know this is forbidden. Two different clans can't be together. But I also don't want to let this feeling passed by without you knowing, without me doing anything." natigil ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon sa kanya. 

"Mahal? Seryoso ka ba? Naririnig mo ba sarili mo? Alam mo ba talaga ibig sabihin ng salitang binitawan mo?" napahawak ako sa noo ko dahil parang nalipat sa ulo ko ang sakit imbes na sa pwet. 

"Alam kong wala ka lang magawa sa buhay mo Senyorito at ako ang napagtripan mo. Kaya sige na.!" I motioned my hands, na para bang 'sige na! sabihin mo na ang katagang izza prank!.' 

Ang laki pa ng ngiti ko habang papalapit siya sa akin. Hinihintay na may ilabas siyang kung ano tas sabihin sa akin na nagbibiro lang siya pero iba ang nangyari. 

Ang bilis. Hindi ko nasundan. Ang alam ko lang ang lapit na ng mukha namin at hindi ko na makita ang paligid namin. Hindi ako makalagaw, ni hindi ko man lang siya matulak. 

"Sige na'ng ano?" napalunok ako nang maamoy ko ang amoy kalawang niyang hininga. Pero ewan ko ba, imbes na masuka ako ay parang gusto ko pang mas lumapit siya sa akin. 

"Can I?" napakurap kurap ako. May tinanong ba siya? Ano nga ulit yun? 

"H-ha?" napakurap kurap ako. Pilit kong inalala kung ano nga ulit yung tanong niya pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Senyorito, teka pwede bang-hmp!" nanlaki ang mata ko ng biglang maglapat ang mga labi nami. Nanatili lang kaming ganoon. Gusto ko siyang itulak pero parang may nagsasabi sa akin na huwag. 

Nang bumitaw siya ay para akong sumabak sa karera. Hinahabol ko pa ang sarili kong hininga nang hawakan niya ang pisnge ko at pinaharap sa kanya. 

"Tasya, ayaw kong pilitin kang bigyan ako ng chance to prove myself but please do believe what I felt for you." he sincerely said. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at para bang hinahanap, hinihintay na paniwalaan ko ang sinabi niya. 

"Kahit na paniwalaan ko pa, Senyorito. Wala rin naman pong mangyayari. Wala dapat mangyari." ngumiti ako ng pilit bago kuhanin ang kamay ng Senyorito at umalis na. 

Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi. Buong paglalakbay ko, nakalutang lang ang utak ko. Kinapa ko ang dibdib ko. Normal parin naman pero bakit sa tuwing naaalala ko mga pinagsasabi ng Senyorito kanina, parang nagwawala ito.? Hindi na nga ata normal to. 

"Oh, gising ka na pala. Bakit nakatulala ka diyan? Wala ka bang pasok ngayon 'nak? Sabay na tayong kumain." tumango lang ako kay Nanay habang siya ay naghahanda na para sa agahan namin. 

"Umalis na ang Impo at Tiya mo. May pinaghahandaan kasi kaming bagong gayuma ngayon kaya medyo busy kami. Kumusta naman trabaho mo?" 

"Ayos lang po 'nay" tumango lang siya pero halatang hindi siya naniwala. "Ganyan ba ang mukha ng ayos lang? Bakit? ano bang nangyari? Ayos lang naman siguro kayo ng Impo mo diba?" tumango lang ako bilang tugon. "Eh anong bumabagabag sa'yo?" 

"Paano niyo po nakilala ang Tatay?" bigla na lang lumabas sa bibig ko. Alam ko lang kasi tungkol sa tatay ko ay patay na ito. 

Natigil si Nanay sa pagkain. Alam ko kasing may mali eh, hindi ko lang malaman kung ano ang mali. Hindi sila nagkukwento tungkol sa tatay ko, kahit si Nanay walang nakukwento. Kung patay na ito, ano ba naman lang iyong alalahanin man lang namin ang mga panahong buhay pa siya? pero bakit wala?

"Ha? A-ano 'nak, sige mauuna na ako ha." 

" 'nay... sabihin niyo na lang po kasi sa'kin ang totoo. Hindi naman na ako bata para hindi maka-intindi ng mga bagay bagay. Iintindihin ko naman po, kung ano man iyon."

"Tasya naman..." huminga ng malalim si Nanay at nagbuga ng hininga. Para siyang hirap na hirap harapin ako. 

" 'nay please? nakikiusap po ako. Gusto ko lang malaman ang totoo." tumango si Nanay kaya nagliwanag ang mukha ko. 

"Sige, ikukwento ko sa'yo ang lahat. Pero huwag muna ngayon Tasya. Bigyan mo muna ako ng panahon. Kapag... kapag handa na ako, sasabihin ko sa'yo ang lahat. Ang totoo." umalis na si Nanay. Gusto kong matuwa pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ni Nanay. Para kasing hindi ko magugustuhan ang malalaman ko. 

Mas lalo tuloy akong naguluhan. Gusto ko lang naman sanang malaman kung paano sila nagkakilala ng Tatay ko at kung totoo bang patay na ito o baka sinabi lang nila 'yun para wala na akong maraming tanong. 

"Anong mukha 'yan teh?" bungan sa akin ni Trice. 

"Bakit?" 

"Pagod yarn? hmm anong ginawa mo kagabi?" nagpaggap pa siya na parang nag-iisip tas ngumisi ng malaki. "Oh teka, bagohin ko lang. Anong ginawa 'niyo' ng Senyorito kagabi?" nagtaas baba ang kilay nito at nagngising aso. 

"Pinagsasabi mo? Wala kaming ginawa." Umupo na ako sa mesa ko at inayos na ang mga dapat kong gawin. 

"Oh? wala? eh bakit ka niya tinawag?" ngumisi nanaman siya ng nakakaloko. "Alam mo, unang pasok mo pa lang dito ramdam ko na eh. May kakaiba." Tinaas taas niya ang kilay niya sabay tutuk ng dalawang daliri niya sa mata niya pabalik sa akin na para bang sinasabi na binabantayan niya ako. 

Tama nga ako. May alam ang babaeng 'yun. 

Makalipas ang ilang araw ng hindi ko nakikita o nakakasalubong si Vinedict. Sa sobrang payapa ng buhay ko pakiramdam ko may mali. 

Maya maya pa ay dumating si Trice na may dalang mga papeles.

"Pakipirmahan kay Senyorito Vincent. Ngayon na. Kailangan daw niyang pirmhan ngayon dahil isusubmit nayan sa Senyor mamayang hapon." kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga papeles na nilapag niya sa mesa ko. 

"Bakit ako?" tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko. 

"Bakit hindi? busy ako ngayon. May tinatapos akong report. Kaya ikaw na." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. 

"May ginagawa 'rin ako trice. Ikaw na lang." sinubukan kong ibalik sa kanya ang papeles pero hindi niya tinatanggap. 

"Please Tasyaaa??? Mamayang hapon na 'rin kasi kailangan ang akin eh. Please? Tumatakbo ang oras Tasya, please pumayag ka na." napairap ako nang biglang umamo ang boses at mukha niya. Mapagpanggap talaga ang nilalang na 'to. Padabog ko na lang kinuha ang papeles. 

"Yes! salamat Tasya!" masayang saad niya at agad na bumalik sa pwesto niya. Ako naman ay tumayo na para ihatid ang mga papeles sa Senyorito Vincent. 

Okay. Kalma lang Tasya. Sa Senyorito Vincent ka pupunta. 

Huminga ako ng malalim bago umakyat papunta sa opisina ng magkapatid. May nadaanan akong salamin kaya tinignan ko muna ang sarili ko kung maayos pa ba. Inayos ko ang nagulo kong buhok at ngumiti na parang tanga sa harap ng salamin. Nang mapagtanto ko na para akong hibang sa ginawa ko ay nasapo ko ang mukha ko. 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ni Senyorito Vincent. Bago ko pa makatok ay bumukas na ang pinto kaya naiwan sa ere ang kamay ko. Agad kong binaba ang kamay ko at yumuko para magbigay galang sa Senyorito. "Magandang araw po Senyorito." 

"Iyan na ba yung mga dapat pirmahan?" tumango ako. "Opo Senyorito." 

"Ah, sige. May importante na kasi akong gagawin. Si Vinedict na lang ang bahala diyan. Pakibigay na lang sa kanya. Sige, salamat." hindi na ako nakapagsalita dahil nagmamadali itong umalis. Mukhang may hinahabol nga. 

Huminga ako ng malalim. Mukhang sinusubok talaga ako ng pagkakataon ngayon ah. 

Di bale na. Ibibigay lang naman. Bumuga ako ng malalim na hininga bago kumatok.

"Pasok." rinig kong saad niya. 

"Magandang araw po, Senyorito. Mga dapat pong pirmahan na papeles. Kinakailangan na daw po ito ng Senyor."  

"Sige salamat." tanging saad nito ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. 

"Mauna na po ako." paalam ko. Ganitong trato naman ang gusto ko diba? ito naman talaga ang dapat. 

Binuksan ko na ang pinto pero bago pa ako tuluyang makalabas ay nagsalita ang Senyorito. 

"Kumain ka na ba?" 

________

💛👀🍭

We RISKIES

Cold evening everyone! Hope you're all doing good and in safe conditions.!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status