Share

The Witch has Fallen - 17

"Charlotta, salamat talaga ha. Lilipat 'din kami agad kapag naipatayo na ang bagong bahay namin." rinig kong saad ni Nanay kay Aling Charlotta. Nakatulala lang ako, mugto pa ang mata ko mula sa pag-iyak. May mga luha pa ngang kumakawala sa mata ko hanggang ngayon. 

Nakita ko. Nakita ko kung paano sinunug ni Impo ang mga gamit ko. Wala siyang  tinira kahit isa. Wala akong magawa kun'di ang umiyak at magmakaawa na itira nila sa akin kahit man lang ang rhodondendron ko. Yun na lang ang natititira kong alaala sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Impo. 

Kahit ang phone na bigay ni Vin, kinuha niya at tinapon. 

"Tasya, inom ka muna oh." umangat ang tingin ko kay Caloy. Nakatayo siya habang inaanot sa akin ang tubig. Kinuha ko ito at nagpasalamat. 

Tumabi siya sa akin, "Ayos na ang kwarto mo. Baka gusto mo ng magpahinga." 

"Natutulog na 'din ba sila Impo?" tumango siya. "Oo, pipapasok ka na nga daw eh." 

"Dito muna ako. Salamat Caloy ah. Salamat sa inyo ng pamilya mo." kumunot nag noo niya at parang may ayaw siyang narinig. 

"Caloy nanaman! sabi ng Carlo eh. Pero sige, dahil mukha kang tanga ngayon pagbibigyan kita sa kahit anong gusto mong itawag sa akin." ngumite siya ng malapad sa akin. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko. "Oh, parang tanga lang" tumawa siya ng mahina.

Kahit na hindi ako tumingin sa salamin, alam kong mugto ang mata ko at ang pangit ng mukha ko ngayon. Umiiyak lang ako habang papunta kami kela Caloy. 

Nakikitira kami kela Caloy ngayon dahil wala ng maisip na iba si Nanay. Hindi 'din naman kami pwedeng gumawa na lang ng bahay basta-basta dahil magtataka ang mga tao kung bigla na lang may susulpot na bahay sa lugar na iyan kaya pansamantala kaming nakikitira sa kanila. Magkaibigan 'din kasi sila Nanay at Aling Charlotta. 

"Bukas, labas tayo. Pasyal tayo. Ipakilala kita sa mga kapit-bahay namin." nag-ngising aso siya. Gusto kong tumawa at matuwa dahil papasyal daw kami at marami silang kapit-bahay. Hindi tulad ng dati naming tinitirhan na nasa malalayo pa ang kapit-bahay namin. Hindi ko magawang matuwa sa alok niya dahil alam kong hindi na ako papayagan pa ni Impo na lumabas ng bahay. 

"Hoy! anong nangyari sa'yo. Sabi ko ipapasyal kita bukas. Bakit ka umiiyak diyan?" hindi siya magkanda-uga uga sa pagpahid sa mga luha ko at nang hindi na niya mahabol ang mga patak ng luha ko, niyakap na niya lang ako. Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. 

"Alam na nila." ngumiti ako ng peke. 

"Kaya ba lumipat kayo?" hindi niya siguradong tanong sa akin. "Oo, sinunug na 'din lahat ng gamit ko sa skwelahan, pati uniform, lahat." pinahiran ko ang luhang pumatak sa pisnge ko nanag maalala kung paano tinapon ni Impo ang uniporme ko sa apoy. 

Parang kasabay nun ang pagkasunog ng pangarap ko. Ang pangarap kong maging isang nurse.

 "Pinapatigil nila ako. Ang swerte mo Caloy dahil sinusuportaan ka nila sa kung anong gusto mo." ngumite lang siya ng mapakla. "Hindi 'rin. Gusto mo palit na ang tayo? ikaw na mag-aral ako na tumigil." napairap ako sa suhestiyon niya. Kahit kailan wala talagang kwentang kausap. 

"Sige tulog ka na Tasya. Ako bahala sa'yo." ngumisi siya ng malapad. Napailing nalang 'din ako. Nakakahawa 'rin naman ang ngiting aso niya. 

"Salamat. Una na ako." tumayo na ako at umalis. Papasok na sana ako sa silid nang tinawag ako ni Caloy.

"May nahulog ka ata?" 

"Ha?" nagtataka kong tanong. 

"Ito, mukhang sa'yo to." inabot niya sa akin ang dalawang maliit na bagay. Nanlaki ang mata ko nang makita ito. Naisilid ko pala ito sa bulsa ko kanina. Buti na lang at hindi napansin nila Impo. 

Binalik ko ito sa dati nitong sukat. Binigay ko kay Caloy, nagtataka naman niya itong tinanggap. 

"Pwede bang ikaw muna ang humawak? mainit pa kasi ang mata ni Impo sa mga ganyan." 

"Ano bang tawag dito? Bakit malambot? nakakatakor ang itsura nito ha." tukoy niya sa Mickey Mouse na Stuff toy. "Tsaka ito, bakit ang lambot ng carrots? dugta na ba 'to?"

"Sira, stuff toys 'yan! Sa'yo muna 'yan ha. Kukunin ko 'din 'yan kaya alagaan mo! Pag 'yan lumuma sa  pangangalaga mo, ipagkakalat kong ikaw ang nagnanakaw ng inahing manok ng mga kapit-bahay niyo." banta ko sa kanya. 

Sumaludo naman siya, "Yes, boss!" napangiti ako. Kahit talaga anong bigat ng problema, kaya niyang pagaanin. 

Pumasok na ako sa silid na pinatirhan ni Aling Charlotta sa amin. Mahimbing na silang natutulog. Magkatabi sila Impo at Tiya Lucia sa kama habang nakahiga naman si Nanay sa sahig nakalatag lang ng banig. Tumabi na ako kay Nanay. 

Itutulog ko na lang 'to. Baka sakaling bukas, magising ako at isang masamang panaginip lang pala ang lahat. 

Halos isang linggo na ang nakakalispas, at totoo nga, hindi ako pinapayagang lumabas ni Impo. Binibigyan niya lang ako ng napakaraming mga halaman at buong araw iyong ipapagawa sa akin upang gawing langis pangkasangkapan niya sa kanyang mga gamot at gayuma. 

Gusto kong umalma, gusto kong umalis at lumayo na lang pero hindi ko 'din magawa. Kahit papaano ay may respeto pa 'rin ako sa kanila at may utang na loob 'din ako sa kanila. Hindi ko lang talaga maintindihan kung saan galing ang galit ni Impo sa mga tao at ganyan na lang ang pagbawal niya sa aking makipaghalubilo sa mga tao. 

"Impo, sige na po please? sa palengke lang talaga ang punta namin!. Kailangan ko lang talaga ng kasama dahil maraming pinapabili si Nanay sa akin. Diba 'nay?" nasa loob ako ng silid namin, kinakayod ang halaman para lumabas ang langis nito. Kanina ko pa naririnig ang pangugumbinsi ni Caloy kay Impo na payagan akong samahan siya. 

"Tatang, payagan niyo na pong lumabas si Tasya. Mukhang nababagod na 'yong bata, magdamag lang nasa silid niya. Tsaka sa palengke lang talaga ang punta nila. Sabado ngayon, walang pasok." rinig kong pangungumbinsi 'din ni Aling Charlotta kay Impo. 

Sila Nanay at Tiya Lucia ay tahimik lang sa tabi ko at pawang nakikiramdam lang sa magiging disiyon ni Impo. 

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ako lumingon para tumingin kung sino ang pumasok. 

"Tasya, iwan mo muna 'yan diyan. Samahan mo muna si Carlito sa palengke." natigil ako sa ginagawa ko at hindi makapaniwalang napatingin sa gawi ni Impo. 

"P-po?" baka kasi nagkamali lang ako ng dinig eh. 

" 'nak sige na, magbihis ka na at samahan mo si Caloy sa palengke." kinuha  ni Nanay ang mga halaman sa kamay ko at pinatayo na ako para magbihis. 

Nanatili ako sa pwesto ko at hindi gumalaw. Takot na baka mali lang kami ng dinig at magalit nanamn si Impo. 

"Anak sige na." ngumiti si Nanay sa akin, para bang sinasabi niya na masaya siya at mukhang humuhupa na ang galit ni Impo sa akin. 

"Magdala ka pasalubong Tasya." nakangising biro naman ni Tiya Lucia habang sinasalin ang langis sa maliliit na bamboo container. 

Bago ako lumabas ay lumingon muna ako kay Impo, kung talaga bang pinapayagan niya akong lumabas. Hindi siya nagsasalita, hindi niya 'din ako tinitignan kaya binuksan ko na lang ang pinto pero bago pa ako makalabas ay nagsalita si Impo.

"Huwag mong subukin ang pasensya ko Tasya. Umuwi kayo bago magtakip silim." tumango ako bago tuluyang lumabas. 

Malapad ang ngiti ng mag-ina pagkalabas ko. Nagtaas baba pa ang kilay ni Caloy na parang ang proud niya pa at napapayag niya si Impo. 

"Aling Charlotta, salamat po. Alis na po kami." paalam ko kay Aling Charlotta.

Ngumiti siya at kumaway sa amin, "Mag-ingat kayo. Huwag kalimutan ang bilin ni Tatang." 

"Ang galing ko diba?" natatawa saad ni Caloy habang papalabas kami sa iskinita ng lugar nila. Ngayon pa lang ako nakalabas na may araw, kaya ngayon ko lang 'din nakita na madami nga talaga ang tao dito. Madaling araw na kasi nung pumunta kami dito, madami nga talagang kabahayan nito, hindi tulad doon sa tinirhan namin nuon. Kaya 'rin siguro doble ingat si Impo. 

"Salamat." sinsiero kong saad pero ang tanga tinawanan lang ako.

"Eh, palagi ka kasing hinahanap nila Dindi sa akin. Kung pumasok ka na ba daw. Eh hindi ko naman alam kung anong dapat sabihin. Baka kapag sinabi ko sa kanila na nasa bahay ka eh bigla na lang sumugod ang mga 'yun. Edi nalagot ako." napakamot siya sa batok niya. 

"Nakakainis na kasi ang araw-araw nilang pagpunta sa skwelahan! Akala tuloy ni Xierra ang dami kong babae. Nag-away pa tuloy kami. Kainis." may binubulong bulong siya pero humahalo ang boses niya sa dumaraan na mga sasakyan kaya hindi ko masyadong narinig. 

"Ha? ano nga ulit 'yun? teka, sino si Xierra?" naguguluhan kong tanong sa kanya. 

"Wala, tara na. Ikaw mag-eexplain sa kanila kung anong nangyari." napaismid ako nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Xierra, hmm pangalan eh. Di ko lang alam kung pangalan ng tao o tulad namin. 

"Bruha ka! saan ka ba kasi galing? Bakit bigla bigla ka na lang hindi nagpaparamdam?" 

"Oo nga, nung nalaman kong hindi ka nagpaparamdam kela Dindi, kahit masakit sa loob kong nakikitang binebenta nila Bongie at Dindi ang mga kaibigan ko ay pumupunta pa 'rin ako dito sa pwesto mo. Saan ka ba kasi galing?" segunda naman ni Marinda. 

"Wala na, nasaba na nila lahat. Ang tanong ko lang, saan ka ba kasi galing?" tanong 'din ni Bongie. 

"Kalma, buhay pa 'rin naman ako. Humihinga at kumakain. Saan ako galing? kela Caloy." 

"Kela Caloy?!" sabay nilang tanong tatlo. Napalakas pa ito kaya nagtinginan ang mga tao. Akala tuloy kung ano ng nangyari. 

"Tasya, bawal 'yan! alam mo namang-"

"Tanga! hindi kasi ganun 'yun.!" pagputol ko agad. Akala siguro nila may relasyon kami ni Caloy. Ha! Asa! ang dugyot kaya nun. 

"Eh bakit ka kasi nanggaling sa kanila? Doon ka ba tumuloy sa loob ng isang linngo?" tumango ako na siyang kinalaki ng mata nila.

"Okay, lilinawin ko lang. Hindi totoo 'yang kung anong nabubuo sa isip niyo." huminga ako ng malalim bago magsalita. Kumukuha lang ng lakas ng loob bago alalahanin ang mga pangyayari. Ang sariwa pa sa alaala ko. 

"A-ano? ibig bang sabihin niyan hihinto ka na talaga?" mahihimigan ang lungkot sa boses ni Marinda. Kahit naman ayaw niya sa pagbebenta ko ng mga kaibigan niya ay sinuportahan niya pa 'rin ako sa pangarap ko. Minsan nga siya ang nagbibigay ng mga isda na ibebenta ko. Yun yung mga may nakakaaway siyang isda at binibigay niya sa akin para mabawasan daw mga kaaway niya. 

"Paano 'tong pwesto mo?" tanong ni Dindi

"Oo nga, baka kailangan mo lang kausapin ng masinsinan si Tatang, baka payagan ka nun pag nalaman nun ang dahilan mo." suhestyon ni Bongie. Malungkot akong ngumiti at umiling. 

"Ang dahilan ko mismo ang ayaw niya Bonge. Ayaw niya akong maging nurse. Isang kahibangan daw ang tumulong at sumerbisyo sa mga tao imbis na sa mga kalahi natin nalang ituon ang oras at pawis." 

"Alam mo? minsan talaga hindi ko maintindihan 'yang Impo mo ha." inis na saad ni Dindi. Natatawa lang ako. Noon pa man hindi na talaga sila magkasundo ni Impo. 

"Baka naman, nilalayo ka lang sa posibleng kapahamakan Tasya." napalingon ako kay Marinda na kanina pa tahimik. 

Ngumiti ako kay Marinda, "Alam ko Marinda, kabutihan lang namin ang hangad ni Impo pero hindi ba pwedeng magdisisyon naman ako ng isang bagay na ikasasaya ko?" nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. 

"Pero kahit na ano paman ang hinaing ko o ninyo. Ang kagustuhan ni Impo ang masusunod." 

Namataan ko na si Caloy sa di kalayuan. Namalengke siya habang nag-uusap kami ng mga kaibigan ko at ayaw 'din daw niyang magpakita muna sa kanila Dindi dahil baka bulyawan daw siya dahil nagsinungaling siya. 

"Uh, Dindi, Bongie, Marinda... kayo na bahala sa pwestong ito." inikot ko ang paningin ko sa maliit kong pwesto. "Kung gusto niyong ipagpatuloy, okay lang. Kung gusto niyo namang ibenta nalang, okay lang 'din" ngumiti ako sa kanila. 

"Salamat sa inyo. Salamat talaga ng marami. Una na ako ha, bawal kasi akong magtagal. Magkita nalang tayo sa buwanang selebrasyon." pamamaalam ko sa kanila. 

Aalis na sana ako ng may hinabol si Dindi.

"Ay, oo nga pala Tasya. May lalaki dito na pabalik balik. Hinahanap ka. Hindi ko alam kung sino, eh hindi 'rin naman nagpakilala. Pero napaka pamilyar ng mukha niya. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita. Baka lang kasi may unfinished business ka pa sa kanya kaya ka hinahanap. Mga ganitong oras yun nagpupunta dito." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dindi. Sino naman ang maghahanap sa akin? 

Siguro kaklase ko lang 'yun. 

"Ano? okay na? na-explain mo na sa kanila? kumusta naman?" tanong ni Caloy. Tinulungan ko siyang bitbitin ang ibang dala niya dahil ang dami ngang pinabili ng nanay niya. 

"Okay naman. Salamat." ngumiti ako sa kanya. Napansin kong may dumi siya sa mukha. Mukhang natalsikan ata ng dugo ng kung anong hayop sa loob ng palengke. 

Dahil nasa gilid kami ng kalsada at naghihintay ng tricycle, binaba ko muna ang mga bitbit ko upang malinis ko ang pisnge niyang may dugo. 

"Hoy anong ginagawa mo?" alma niya. Akmang lalayo siya kaya hinawakan ko ang mukha niya para maliis ko ng mabuti ang dugo. 

"May dugo ka sa pinge. Ang arte neto." binitiwan ko na ang mukha niya. Imbes na ipahid sa kung saan ang dugo ay sinipsip ko ito.

Hmm, lasang chocolate na mint, ah baboy. 

Cheap na wine, napangiti ako nang maalala ang sinabi ni Vin. Saan na kaya siya ngayon? Hinahanap 'din kaya niya ako?

Kinuha kasi ni Impo ang bigay niyang phone kaya hindi ko alam kung paano ipapaalam sa kanya ang sitwasyon ko. Wala 'din namang nakakalam sa sitwasyon namin bukod sa aming dalawa. 

Nahihibang na ata ako. Sa kakaisip ko kay Vin, nakikita ko na tuloy siya kahit na wala naman. 

Tinitigan ko ang isang pamilyar na kotse sa kabilang daan. Parang kotse ni Vin. 

Binaba nito ang bintana ng kotse niya at doon ko muling nakita ang mukha ni Vin. Akmang tatawid na ako ng daan para puntahan siya nang hilahin ako ni Caloy. Muntik pa akong mahagit ng dumadaraang sasakyan. 

Napakurap kurap ako at nanatili ang tingin sa pares ng matang nakatingin 'din sa akin. 

"Tara na Tasya." Hinila na ako ni Caloy papasok sa tricycle. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay nalang 'din. 

Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong puntahan si Vin pero bakit parang nakakatakot? 

Iba kasi  ang klase ng tingin na binigay niya sa akin. 

Parang galit. 

________________

💛👀🍭

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status