Umaga na pala, tamad na tamad pa akong bumangon pero kailangan dahil may trabaho. Ayokong malate dahil may bawas sa sweldo. Sayang din yun, pangmilk tea.
Ako nga pala si Jenna, 27 years old at isang Bulakenya. Nagtatrabaho ako bilang Secretary sa isang office sa BGC.
Para makapasok, kailangan kong sumakay ng bus, magMRT at maglakad pa.
Nakakapagod bumiyahe araw-araw pero wala naman akong choice dahil ayaw naman ako ipagboarding house ni mama. Kaya araw-araw ay sumusuong ako sa init, alikabok at traffic. Dagdag pa ang siksikan sa bus at MRT. Bumper to bumper ika nga.
Ito ang Markip Tower, sa 15th floor ako nagtatrabaho bilang Secretary ng Marketing Manager na si Madam Ivy sa pinagtatrabahuhang kumpanya. Ang Verio Properties, isa sa pinakamalaking real estate agency sa bansa. Two years na ako sa company at ito ang aking second job. Dati akong nagtrabaho sa isang law firm bilang Receptionist pero dahil mas malaki ang sahod dito ay lumipat ako. Siyempre diba, kailangan natin ng growth and career advancement.
Ang una kong ginagawa sa umaga ay nagtitimpla ng kape sa pantry area.
"Hi, Cherry! Ang aga mo ngayon ha." Bati ko sa kaibigan, siya sa pinakaclose ko sa opisina.
"Oo nga, himala at maagang dumating ang bus." Sa Rizal naman nanggagaling si Cherry araw-araw.
Pagkatapos magkape ay kanya-kanya ng upuan sa aming mga desk. Binuksan ko ang computer at nag-umpisa na akong magcheck ng emails, mukhang isa na namang busy na araw ito.
Maya-maya ay nadinig ko na ang pamilyar na yapak ng mga sapatos. hudyat na padating na ang aming boss.
Siya si Mr. Anton Montano, ang CEO ng kumpanya. Mula ng nagkasakit ang kanyang ama ay siya na ang pumalit bilang CEO. Hindi mo aakalain na isa na itong CEO dahil bata pa lang si Sir, siguro ay nasa 30+ pa lang ito. Dahan-dahan itong naglakad at kanya-kanyang bati na ang mga nasa opisina.
Malayo ang desk ko sa dinadaanan nya kaya naman hindi na ako nagabalang bumati pa at hindi din naman niya madidinig. Well, gwapo si sir, matangkad at matipuno. Hindi ko pa ito nakausap ng harapan at sa mga meetings naman ay puro managers lang ang kaharap nito. Pero kahit ganun ay halata sa itsura nito ang pagkaseryoso at hindi man lang mangiti.
Kasunod nitong tumayo at sumunod ang Executive Secretary niyang si Mary. Maganda si Mary, artistahin ang dating, sexy at kulay papel. Malamang ay alagang glutathione ang balat nito. Hindi kami close dahil natatarayan ako sa kanya. May haka-haka pa nga na may lihim na relasyon ang mag-amo.
Tinuloy ko na ang ginagawa at halos makalimutan ko na ang paglipas ng oras. Pagtingin ko sa wall clock ay ala una na pala at lunch break na namin.
"Besh, kain na tayo." Aya ni Cherry na nasa harapan na ng desk ko at bitbit na ang kanyang baon.
Tumayo na kami at naglalakad patungong pantry ng dumaan sa harap namin si Mr. Montano kasunod ang Secretary nito. Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ng dalawa.
"Sayang ang gwapo pa naman ni Sir, masungit nga lang." Komento ni Cherry.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil mas iniisip ko ang sikmura at nakakaramdam na ng gutom.
Halos magkandarapa ako kakatakbo, habol-habol ang bus na sasakyan ko. Tulad ng araw-araw, ito na naman ako at nagmamadali. Buti na lang ay nakaabot ako sa bus, dali-dali kong siniksik ang katawan sa gitna ng mga tao. Tayuan na naman kasi sa loob at hindi mahulugan ng karayom. Bilang na bilang sa mga daliri kung ilang beses pa lang ako nakakaupo tuwing papasok.
"Hay, bakit ba kasi lagi akong late nagigising?" Tanong ko sa sarili. Maaga naman kasi akong natutulog, alas-10 pa lang ng gabi ay plakda na ako pero ewan ko bakit tamad na tamda pa rin akong bumangon sa umaga.
Pasado alas-8 na ng makapasok ako sa opisina, buti ay hindi pa naman ako late. Alas-8 kasi ang umpisa ng aming trabaho.
"Beshy!"
"Ay pusa ka!" Pasigaw kong nasabi sa pagkagulat.
Si Cherry, nasa likuran ko dala na ang mug niya at namumula sa kakatawa.
"Ano ka ba? Aatakihin naman ako sayo!"
"Sorry naman. Alam mo ba na may nasagap akong tsismis?" Natatawa pa rin to sa kanya.
"Wow, ang aga naman nyan." Sabay upo ko para buksan na ang aking computer. Naghila naman ng upuan si Cherry at naupo sa tapat ko, mukhang mahaba haba itong nasagap na tsismis ng kaibigan.
"May nakakita daw kagabi kay Mr. Montano at Mary na sabay na pumasok sa kotse." Halos pabulong na sabi nito.
Ako naman ay nagumpisa ng magcheck ng emails. Napatingin ako kay Cherry na nagaabang ng reaksyon ko.
"Okay, oh tapos? Ano naman ang bago dun? Eh diba may relasyon naman talaga sila." Pakibit balikat ko lang na sagot. Sa totoo lang ay kalat na naman kasi ang tsismis na yun dahil halata naman sa kilos ni Mary na may gusto ito sa amo.
Isa pa ay halos buong araw silang magkasama sa loob ng opisina. Kapag naman lalabas si Mr. Montano ay kabuntot din ang Secretary nya.
"Oo, pero paglabas daw nung babae sa kotse ay umiiyak daw ito at nagtatakbo." Mas lalong humina ang boses ni Cherry dahil unti-unti ng nagdadatingan ang ibang kaofficemates namin.
"Umiiyak? Eh baka naman may LQ lang. Masyado mo naman binibigyan ng kahulugan yun. Normal lang sa relasyon yun." Wala pa rin akong pakielam at nagtuloy lang sa pagsagot sa mga emails.
Ano ba naman kasi ang bago dun, kahit sino naman siguro na makasama araw araw ang ganun kagwapong lalaki ay talagang mahuhulog. Isa pa ay maganda naman si Mary, wala naman sigurong masama.
"Hindi, beshy. Kung normal na LQ lang yun, bakit naman magtatakbo yung isa? Something is fishy, diba?" Sabay kalumbaba nito sa harap nya.
Nakakatawa lang na mukhang pinoproblema ng kaibigan ang simpleng bagay na yun.
Maya-maya ay sabay kaming napatingin sa pinto dahil dumating na pala ang aming boss.
"Speaking of the devil." Bulong pa ni Cherry sabay tayo na at nagtungo sa kanyang desk.
Tinitigan kong maigi si Mr. Montano habang naglalakad ito patungo sa kanyang opisina. Nakaslacks ito na dark blue at cream colored na long sleeves, nakafold iyon ng bahagya. Bakat ang matitipunong braso at dibdib nito. Nakabrush-up ang buhok nito at mukhang bagong shave pa. Napaseryoso ng mukha ng amo at wala kang makikita na anumang reaksyon, yung tipong hindi mo mababasa kung ano man ang nasa isip nito. Kayumanggi at matankad din ito kaya naman lalaking lalaki ang dating.
Sa totoo lang ay lahat ng kababaihan sa opisina ay may crush dito. Hindi na ko magpapakaplastik, noong bago ako sa kumpanya ay crush ko din naman si sir. Pero dahil siguro araw-araw ko naman nakikita ito ay umay na din ako. Kumabaga ay immune na ako sa kagwapuhan nito.
Maiitim ang mga mata nito, na parang pag tinignan mong maigi ay malulunod ka. Siguro ay kahit sinong titigan nito ay nahuhulog sa kanya.
Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pala nakatitig kay Mr. Montano ng biglang lumingon ito kung saan ako nakaupo. Nanuyot ang lalamunan ko ng magtama ang mga mata namin.
"Dyosko po..." Nasambit ko sa sarili at saka ako biglang nagyuko ng ulo. Tumigil bigla ang oras at dinig na dinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nagkunwari ako na nagtype sa aking computer at may ginagawa. "Nako, baka kung anong isipin nito sa akin." Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na tuluyan na itong pumasok sa kanyang opisina.
"Hay salamat." At nakahinga ako ng maluwag.
Busy sa opisina dahil end of the month na, tinatapos ng lahat ang kani-kanilang monthly reports. Maaga naman akong pinatawag ni Madam Ivy."Good morning po, Madam Ivy!" Madam ang tawag ko sa kaniya dahil naging biro na namin ito na mukha siyang asawa ng mayamang business man. Maputi kasi at tsinita, yung tipong yayamanin."Good morning, Jenna. How are you today?" Ganting bati nito na nakangiti. Tambak ang mga papel sa harapan nito.
Magaalas-3 na ng hapon at malapit ng matapos ang pinapagawa ni Madam Ivy sa akin na report. Sa wakas ay maaga ko itong matatapos ng makapahinga ako dahil sobrang sakit na ng ulo ko.Tumingin ako sa paligid at lahat ng tao ay busy sa kani kanilang trabaho. Napakatahimik. Maging si Cherry ay tanaw ko sa kabilang side ng opisina na busy sa pagtatype.Ganito karaniwan ang eksena sa opisina pag palapit na ang end of the month. Sinasubmit kasi ang lahat ng reports kay Mr. Montano at bawal itong madelay. Paghahanda iyon para sa monthly meetings ng mga managers.
Maaga akong pumasok ngayong araw. Kahapon ay napirmahan ko na ang bago kong kontrata at binigay na sa akin ang mga dapat basahin sa paghahanda sa bago kong role bilang Executive Secretary ni Mr. Montano.Magkahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Kinakabahan dahil magiging Secretarya ako ng pinakamataas na posisyon sa kumpanya at excited dahil bagong experience ito para sakin.Pagdating sa opisina ay agad akong nagtimpla ng kape. Maaga pa naman kaya wala pang ibang tao. Naupo ako sa pantry area at nagumpisang basahin ang isang booklet na inihanda nila para sa akin. Nan
Isang linggo na ang nakaraan at naging maayos naman ang aking trabaho. Kadalasan ay sa umaga ko lang nakikita si Mr. Montano kapag papasok ito sa opisina."Good morning, Sir!" Laging masayang bati ko sa boss at sumasagot naman ito ng malamig na "Good Morning." Pero ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at diretso lang sa opisina niya.Sa akin naman ay balewala lang yun, naisip ko na disappointed pa siguro ito sa pagreresign ni Mary. Namimiss marahil nito ang dating Secretary, isa pa ay obvious na may namamagitan sa dalawa.
May nakatakdang project ang aming kumpaniya at makikipagcollab kami sa Quintez Media, isang malaking marketing agency sa bansa.Ngayong araw ay naschedule ang meeting ng mga ito kaya naman nauna na ako sa conference room para ihanda ang computer.Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Montano na nakacoat and tie na dark gray. Pormal lang itong naglakad patungo sa kaniyang upuan. Sinundan ko lang ng tingin ang amo at kasunod niya ay nagsidatingan na ang ibang managers ng kumpanya. Kaniya kaniyang upuan na ang mga ito. Ako naman ay naupo na din sa tabi ng boss at nagready ng aking notepad.Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang mga big boss ng marketing agency.Pumukaw sa atensyon ko ang isang lalaki na mukhang may lahing Latino. Tinignan ko ang aking notes, ito marahil ang anak ng CEO na si Jake Fuentez. Ito ay isa sa Managing Director ng kumpanya pero mukhan
Tulad ng inaasahan ay naging busy ang mga sumunod na araw, napadalas ang pagbisita namin sa mga venues at meetings.Nakakapagod dahil madalas ay naghahabol kami ng oras ni Mr. Montano. Puno ang schedule nito, ibig sahihin ay ganun din ako. Dahil kung nasaan ang boss ay nandun din dapat ako.Nagpapasalamat naman ako at hindi ko nakikita si Mr. Fuentez. Balita ko ay may emergency appointment ito sa Japan kaya naman wala ito ng mga nakaraang araw.Sa totoo lang ay nakakatuwa naman ang lalaki, ang problema lang ay ayoko madumihan ang image ko sa boss. Kakaumpisa ko pa lang bilang secretary niya at ayoko naman magisip ito na nakikipaglandian ako sa tr
Pagtingin ko sa oras ay pasada alas-2 na kaya pala nakakaramdam na ako gutom."Sir, your meeting will start at 2:30pm." Pagpapaalala ko dito habang naglalakad kami sa paligid. Tumango ito at nagpunta na kami sa conference room ng lugar.Sa kalagitnaan nga ng meeting ay may dumating na may dalang tray at mga inumin. Ayun naman ang pinakaaantay ko eh, dahil malapit nang magwala ang bituka ko.Biskwit?! Yun lang ang inihain nito at juice. Para akong nanlambot ng dahil dun pero dahil kumakalam na ang sikmura ko ay pwede na sigurong pantawid gutom ito.Magaalas-4 na at may isa pang meeting si Mr. Montano bago
Isang malalim na bunting hininga ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ng pinto ng hotel ni Mr. Montano. Pinindot ko ng isang beses ang doorbell nito at naghintay pero walang nagbukas.Baka naman tulog ito? Aatras na sana ako ng biglang umuwang ang pinto.Hubad na katawan ng boss ang sumalubong sa akin. At dahil sa nakatsinelas lang ako ay kapantay lang ako ng dibdib nito. Tama nga ako at matipuno ang katawan nito, alagang-alaga siguro sa exercise.Pero da