Share

She's One Of The Boys (Tagalog)
She's One Of The Boys (Tagalog)
Author: Seera Mei

SOOTB: Chapter 1

It's saturday. 

Grabe ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kababakasyon lang namin. Tapos

sa monday pasukan na. Hays! 

Kesa mag-mukmok ako dito sa kwarto ko, pupunta nalang ako ng mall, kailangan sulitin ang bakasyon, dahil pag nag-pasukan na wala ng oras para sa gala. Magiging busy na naman sa pag-aaral. 

Makaligo na nga at makaalis. 

********

I wear white V-neck shirt, jeans, and white sneakers shoes. Nilagyan ko din ng liptint ang labi ko at konting powder and viola! I'm ready to go. 

Simple lang ang ayos ko dahil dito ako nasanay, Saka ayaw din ng mga pinsan ko na nag-mamake up ako, pwera na lang kung may okasyon. 

Nang makarating ako ng mall. Dumiretso agad ako sa National Book Store para bumili ng mga kakailanganin. Nang matapos ako, dumiretso naman ako sa isang botique. Titingin ako ng damit na pwede ko isuot pamasok kapag wash day namin pag friday. At gusto ko simpleng damit lang ang isusuot ko. Ayoko ng mga mamahaling dress na binibili nila mommy sa'kin. I just want to be simple.

Habang nag-lalakad, nag-beep ang phone ko. Sinilip ko kung sino ang nag-text nanlaki ang mata ko ng si kuya matt iyon! 

Kuya Matt:

'Where are you princess?' 

Omg! I forgot to tell him I'm going to the mall today. Mabilis kong pinindot ng Icon message para makapag-reply agad. Shocks, I hope he's not mad.

Me:

'Mall kuya, bumibili lang ako ng gagamitin ko sa pasukan. Sorry, I forgot to tell you.'

Kuya Matt:

'Who's with you?'

Me:

Ako lang kuya, mabilis lang naman ako. Pag nabili kona lahat uuwi na ako. 

Kuya Matt:

Ok text me when you're done. I pick you up. love you princess. 

Me: 

Ok kuya love you too.

Naka-hinga ako ng maluwag, Buti nalang hindi nagalit sa'kin. Masyado pa namang mahigpit sa'kin ang kapatid kona 'yon. At buti hindi niya sinabing tawagan o itext ko ang isa sa mga pinsan ko para samahan ako. Gosh nakakaumay na kasama ang mga 'yon. At isa pa gusto ko din mapag-isa. 

Ibabalik kona sana ang phone ko sa bulsa ng biglang may humigit ng buhok ko. Nabitawan ko tuloy ang paper bag na hawak at ang cellphone ko.

Sh*t, regalo iyon sa'kin ni Kuya matt!

"Ikaw! Ikaw ang kasama ni Zack nung isang araw! Malandi kang babae ka! Nilandi mo ang boyfriend ko! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakipag-hiwalay sa'kin!"

"Ouch! What?! Ano'ng pinagsasabi mo?!Let me go!"

Oh no, isa na naman ba ito sa babae ni kuya zack?! 

"Huh! you deserve this bitch! Kakalbuhin kita! Malandi ka! Mang-aagaw! Inagaw mo sa'kin si zack!" 

What!? inagaw? geez!

"Hindi ako malandi! At wala akong inaagaw! And please let me go! If kuya zack know this malalagot ka!"

"Huh? Kuya?! Ngayon sinasabi mong kuya?! Letche kang babae ka! Kung tawag tawagin ka niyang baby?! Argh!"

Kuya ko naman talaga si kuya zack duh!? Ano tingin niya boyfriend ko ang malandi kong pinsan? Yuck! 

"Sh*t! He's my cousin! Stop it please!" Dahil sa babaeng 'to nakakapag-mura tuloy ako. 

"Do you think I'll believe you!??"

That's it! Ayaw niya maniwala at ayaw niya ako bitawan. Hindi ko pwede hayaan ang sarili kong sinasaktan ng babaeng 'to. 

Bumuwelo ako at umikot. Mabilis kong nahagip ang mahaba niyang buhok at hinila.

"Ouch! You b*tch!"

"I told you let me go! Pero nag matigas ka. "

Parehas kaming nag-sasabunutan. Gosh, I can't believe that I will get into a fight here at the mall. Gusto ko lang naman bumili ng gamit ko. 

Mabait akong tao. kaso dahil sa ginawa niya napatid na ang pasensya ko. Pwes tikman niya ang ganti ko. Mas hinila ko pa ang buhok niya, 'yung tipong mag-lalagasan na ang buhok niya. 

Mas hihilain ko pa sana ulit ng madiin ang buhok niya ng may umawat na saming guard. 

"Ma'am tama na po."

"Ma'am nasa mall po kayo at nakakaeskandalo na."

Napatigil naman ako at doon ko lang na-realize na napapalibutan na kami ng mga Tsismosa, Nilibot ko tingin sa paligid, oh my gosh! Ang daming nanonood at may nag vivideo pa. 

Nakakahiya. Eskandalo nga. Lagot ako nito. 

"Ma'am sumama ho kayo samin" Sabi ni kuya guard sa Ex ni kuya Zack.

"Huh! At bakit ako sasama sa inyo?! At pwede ba bitawan mo ako! Bibigyan kolang ng leksyon ang babaeng 'yan! Inagaw niya ang boyfriend ko!" 

"Wala akong inaagaw sa'yo! Hindi ko din masisisi si kuya zack kung iwan ka, You're crazy and a desperate b*tch!"

"How dare you to call me a b*tch!"

"Because you really are." 

 Geez, my shopping day was ruined because of this crazy woman.

"Argh! Ikaw ang b*tch, And Kuya? 'yan ba tawag mo kay zack? At siya naman baby ang tawag sa'yo? Yuck ha?! corny."

"How many times do I have to tell you that he is my couzin." I rolled my eyes. Bakit hindi niya maintindihan 'yon? 

"Ma'am sumama nalang po kayo samin. Doon niyo na po pag-usapan 'yan. Gumawa na po kayo ng eksena dito."

Hindi na ako pumalag. Dinampot ko ang paper bag na pinamili ko at ang..gosh! basag ang screen ng phone ko! Kahit Mababang version na ito ng Iphone. Hindi ko ito pinapalitan dahil regalo sa'kin to ni kuya matt. Kahit nag-iinsist na ang mga pinsan ko na bilan ako ng latest ng Iphone ngayon hindi ako pumapayag. Nakakapang-lumo lang, Iningatan ko ng ilang taon tapos masisira lang ng gano'n gano'n. Pag-pinagawa ko naman ito for sure na tatanggi na si kuya matt. Hays. Bye-Bye Iphone 8+

Sumunod na ako sa guard at Hinayaan na lang dalhin nila ako sa Security office. Geez. Malalagot ako kay kuya matt nito. 

********

Kanina pa nila natawagan si kuya matt. Ewan koba bakit kailangan ipatawag si kuya. Parang guidance lang ang peg. 

Maya maya lang bumukas na ang pinto. 

Pumasok ang kuya kong salubong na salubong ang kilay. Oh-ohh. 

Lumapit agad siya sa'kin. 

"Princess what happened? Are you hurt?"

Seryosong sabi nito. 

"I'm ok kuya. Don't worry."

"Tsk! For me you are not ok princess."

Sasagot sana ako ng mapalingon kami sa pinto ng bumukas ito ng malakas. 

"Love!"

"Baby!"

"Baby Zi!"

Oh gosh! Sunod sunod pumasok ang mga pinsan ko. Great. 

"D*mn what happened to you love? Bakit ganyan ang itsura mo?"

"Are you ok baby Zi?"

"Who the f*ck did it to you baby?"

Napabusangot nalang ako. Bakit ba ganyan pa din tinatawag nila sakin? Kaya ako napapahamak dahil sa endearment na 'yan! 

At isa pa bakit sila nandito? Si kuya lang naman ang tinawagan. 

"Kayong tatlo anong ginagawa niyo dito?"

Oh mukhang nabasa ni kuya ang nasa isip ko. "Sabi ko sa inyo sa bahay nalang kayo dumeretso." masungit na sabi nito.

"Bro hindi kami mapapakali kung sa bahay kami dederetso."

"Oo nga kuya nag-aalala kami kay baby Zi."

"Si love ang pinag-uusapan kaya dito na kami dumeretso, gusto namin malaman ang nang-yare."

Napabuntong hininga at napailing nalang si kuya sa mga pinsan namin. 

"Baby.." lumingon naman ako kay kuya zack. Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras naman siya.

"Hey baby wh-"

"Don't baby me! ikaw may kasalanan nito!" singhal ko sa kanya. Siya naman talaga ang may kasalanan nito, Kung hindi siya babaero 'e di hindi ako masasabunutan ng nakatalikod. 

"What?! Why me?!" gulat niyang tanong. 

"Napaka babaero mo kase! At 'yang pag tawag mo sa'kin ng baby ang da ---" hindi kona natuloy ang sinasabi ng mag-salita ang babaeng may kagagawan kung bakit ako nandito. 

"Zack.." 

Lahat sila napatingin sa babae na nasa tapat ko. Ok ngayon lang nila napansin ang babaeng 'yan panigurado. 

Napakunot noo naman ang magaling kong pinsan. Malamang iniisip niya o ina-alala niya kung sino ba ang babaeng ito. 'o baka nakalimutan na niya. 

" Ah, Do I know you miss?"

See? Tsk.tsk.tsk. napa-iling nalang ako.

Biglang napaluha ang babae. Geez. Babaero talaga sa dami ng babae niya hindi niya alam kung sino ba 'tong babae na 'to. Buti nalang 'yung kambal niya at si Jake hindi niya katulad na babaero. Tsk. Nakaka-awa din si girl dahil isa siya sa naloko ng pinsan ko. 

"How dare you Zack Villanueva! Pinag palit mo ako sa babaeng 'yan? At--at--bakit hindi mo ako naaalala?" Great! Hindi pa rin niya na-iintindihan na mag-pinsan kami ng lalaking kinababaliwan niya.

"What? Sorry miss pero---"

Hindi na natapos ni kuya zack ang sasabihin niya ng sampalin siya nito. Napangiwi kami dahil ang lakas no'n. Well he deserve that.  

"Manloloko ka! Mang gagamit! Akala ko mahal mo ako! Pi---"

"Wait stop!" Pigil ni kuya zack, kaso hindi nag-papigil si ate girl at pinag-patuloy pa rin niya ang sinasabi. 

"--Pinag-palit mo ako sa babaeng 'yan! Hiniwalayan mo ako dahil sa kanya?! siya ang bago mong girlfriend 'di ba?!" Galit na galit na sigaw niya kay kuya zack. Napabuntong hininga nalang ako.

"What the--! No! She's my cousin."

Biglang natigil si ate mo sa pag hihisterikal at napatingin sa'kin. Binigyan ko naman siya ng tingin na.

"I-Told-You-he's-my-cousin-look

"Oh my god! Oh my god! I'm sorry!I'm sorry! I though.."

"Tsk.tsk." Napahawak sa sintido niya si kuya zack. Sige, ma-istress ka ngayon. 

"Hindi ko alam, akala ko girlfriend mo siya dahil sa pag tawag mo sa kanya ng baby! At ang sweet sweet niyo." Nag-papanic na paliwanag ng Ex ni kuya zack. 

"Tsk. Ganoon talaga kami sa kanya. She's our princess." Maaligasgas na sagot niya.

"Oh god. I'm so sorry."

Mag-sasalita pa sana si kuya zack ng sumingit ang babaeng Head Security. 

"Excuse me sir andito po tayo ngayon para pag-usapan ang nang yare kanina."

Umayos naman sila kuya, naging seryoso na silang lahat. Mahirap pag nag-seryoso ang kuya ko at mga pinsan. Hay. Bakit ba ako napapalibutan ng mga lalaki? Bakit hindi man lang ako nag-karoon ng babaeng kapatid o pinsan? Ays. 

*****

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan zack sobrang babaero mo hindi mo na matandaan kung sino sila,nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status