The last name I never planned to keep

The last name I never planned to keep

last updateLast Updated : 2025-08-01
By:  terieshin Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

CEO vs Doctor Kung kailan gising na yung taong totoo mong minahal saka naman... makikita mo ang pagmamahal niya. Paano mo malalabanan 'yon?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter #01

SIENNA POV

Pilit ang bawat hakbang ko. Nakasuot ako ng best Sunday dress ko, pero parang may pabigat sa dibdib ko habang papalapit ako sa private dining room ng Villa Valencia.

"Lolo, sigurado ka ba dito?" tanong ko habang hawak ang malamig kong mga palad.

"Just meet him, Sien. Walang pilitan. Pero pag nakilala mo, baka magbago ang isip mo," sagot ni Lolo habang binubuksan ang pinto.

At ayun siya. Siya na kaya? Obviously. Nakita ko na ang picture niya. But first time now sa personal.

Gusto ko nalang matawa. No'ng nakita ko ang picture niya inisip ko baka filter lang 'yon but... hindi pala. Judgemental naman masyado ang utak ko.

Nakatayo. Suot ang itim na long sleeves, formal pero relaxed ang postura. Gwapo, oo. Malinis tingnan. CEO nga raw, sabi ni Lolo. Pero ang unang pumasok sa isip ko?

'Mukha siyang hindi marunong ngumiti.'

"Sien, this is Dorian Aldrich Valencia," ani ni Lolo, proud na proud. "Dorian, apo ko. Dra. Sienna Apple Diaz."

Tumango siya. Walang ngiti. Walang pakialam.

"Hi," sabay abot ko ng kamay, out of respect.

Tumango ulit siya. Walang ni isang salita. Binitiwan ang kamay ko agad na parang may allergy siya sa tao.

Great. Gusto ko ang ganun.

Tahimik kaming tatlo habang nag-uusap ang mga Lolo namin. Tungkol sa business. Tungkol sa legacy. Tungkol sa future.

Na parang wala kami sa harap nila.

Napatingin ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin.

Pareho kaming hindi interesado at parehong alam namin 'yon. Sino bang mag expect sa ganito.

Pero alam ko rin… sa gulo ng mundong 'to, madalas 'yung ayaw mo sa simula, siya pa ang hindi mo na kayang bitawan sa dulo.

Nangyari na 'yon and until now. Naghihintay ako kung kailan. Kung kailan siya magising para makasama ko siya ulit. Masilayan ko ulit ang ngiti niya at marinig ko ulit ang tawa niya. At 'yung baritone voice niya.

Miss ko na siya. Gusto ko ng marinig ang boses niya. Lalo na kapag pangalan ko ang sinasabi niya.

Dinner was served, but honestly? I could barely taste anything.

Lolo kept leading the conversation, habang si Dorian… tahimik lang. Paminsan-minsan nagsasalita kapag tinatanong. Matipid. Diretso. Professional. Pinapanindigan talaga niya.

"How's the hospital, Sienna?" tanong ng Lolo niya.

I smiled politely. "Busy po as always. I'm rotating sa ER this week."

Napatingin si Dorian sa akin. Sandali lang. Parang napaisip siya, then bumalik sa pagkain. Walang comment.

Okay. I didn't expect. Gusto ko talaga ang ganun dahil wala akong oras sumasagot sa ibang bagay.

"At si Dorian naman, just closed a partnership with a Singaporean firm," sabat ng Lolo niya, may halong yabang. O ako lang ang nag iisip. "He'll be flying back and forth."

"Impressive," I said flatly, trying to sound polite.

"Obligasyon," sagot niya, finally nagsalita nang ako ang kausap. Maiksi, malamig.

Nagkatinginan kami ulit. Parang nag-uusap ang mga mata namin ng isang simpleng statement.

'Ayoko nito.'

Pagkatapos ng dessert, umalis muna sandali ang mga Lolo namin para raw "maglakad-lakad sa garden."

Of course. Obvious na iniwan kami para mag-usap.

Hindi ako pinanganak kahapon kaya alam ko na 'yon.

Hindi ako umabot sa 30 years old kung hindi ko 'yon alam.

Tahimik kaya ako ang unang bumigay.

"You don't have to pretend, you know," bulong ko habang tinitingnan ang baso ng tubig ko. "I'm not a fan of this setup either."

Tahimik siya. Pero naramdaman ko ang pag-ikot niya ng katawan, humarap siya sa akin.

"Good. Mas madali kung malinaw tayo sa simula," sagot niya, calm pero firm.

I looked at him.

Sharp jawline, cold eyes. Hindi siya pangit, pero masyadong seryoso. Masyadong… kontrolado. Isn't my type. Of course, may Endri na ako.

"Bakit ka pumayag?" tanong ko, curious lang. Hindi naman 'yon bawal. Mas okay na diretsahan para walang problema. We're not teenager.

"Para kay Lolo," sagot niya, walang pag-aalinlangan. "At ikaw?"

"Same," sagot ko.

Tumango lang siya. And that was it.

Pero bago bumalik ang mga Lolo, nagsalita siya ulit, this time, softer. Parang may sinasabi sa pagitan ng mga salita.

"Let's play along. For now. Ayoko ring masaktan ang Lolo ko."

Tumingin ako sa kanya.

"Agreed. Walang commitment, walang expectations."

Nagkatinginan kami.

Parehong hindi interesado. Parehong ayaw. Pero something about that moment that strange mutual understanding felt oddly comforting.

Kahit sandali lang.

When I was 6 my parents both died, kaya kay Lolo na ako lumaki. Siya na ang nagpalaki sa'kin at naging parents ko all the time. Hindi pa ako pinanganak wala na si Lola kaya mag isa nalang siya. And that surprise kasi bata pa siya no'ng nawala si Lola, but never na siyang nag asawa ulit.

A loyal man. My Lolo first.

Pagkatapos ng dinner sabay-sabay na kaming umuwi. Nauna si Dorian, may gagawin daw siya. And obviously, wala talaga siyang gana.

Ako rin pero kailangan ko. Lolo was… ayaw ko nalang madissapoint siya. Bagay na ayaw kung gawin.

Pagdating ko sa penthouse na tinitirhan ko dumiretso na agad ako sa kwarto. Hinubad ko lang ang damit ko at nagsuot ng oversized t-shirt saka humiga. Wala na akong ganang maligo.

Nakakapagod magpanggap. Buti pang sa hospital ako mag stay kaysa manatiling ganun.

Nakapikit na ako nang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko at tiningnan.

Message from Lolo:

"Okay ka lang? Nagustuhan mo ba?"

Bumuntong hininga ako at nagsimulang mag type.

Reply:

"Okay naman po, Lolo. Professional."

Gusto ko pa sanang dagdagan pero 'wag nalang.

Pagkatapos kung i-send tumagilid ako. Kung nandito lang siya, hindi maging ganito. Walang ganito.

Ang hirap. Pero nandito na.

Message from Lolo:

"Really! Tell me the truth? Ayaw kung mapressure ka, Sien."

Reply:

"Ayos lang ako, Lolo. Sabihin niyo nalang sa'kin kung ano ang susunod."

Ayos lang ba talaga? Paano pag kinasal na kami? Magkasama na kami sa isang bahay? No way! Never pa akong may kasamang lalaki sa isang bahay na kami lang. Tapos… magkatabi kami matulog. No… Hindi pwede 'yon. All my first was deserve to Endri and not other man. Other guy, or that CEO, Dorian.

Message from Lolo:

"Tommorow, pag usapan na namin kung kailan ang kasal niyo ni Dorian."

Napabangon ako sa paghiga. Sinabi ko na? Ito na ang pinaka-ayaw ko. Hindi ako papayag. I don't like his last name to change my last name. Domingo was deserve… ewan ko.

Kasalukuyan na akong nagta-type ng 'no' nang maalala ko ang condition ni Lolo.

Tumulo nalang ang luha ko.

I am a great doctor… sabi ng lahat na kasama ko, pero may dalawang tao na hindi ko magamot para gumaling.

Bakit ganun?

Nandun ako sa mga oras na 'yon pero wala akong nagawa dahil puro iyak lang ako. Bakit?

Umupo ako sa sahig at doon humagolhol ng iyak.

"Honey, please. Gumising ka na." Sabi ko habang palakas ng palakas ang pag iyak ko. "Kailangan kita."

Napatigil lang ako ng tumunog ulit ang cellphone ko.

Message from Lolo:

"Tulog ka na? Good night. Take care always."

Pinahiran ko ang luha at nag type.

Reply:

"Good night, Lolo. Take care ka rin always. Yung gamot mo 'wag niyong kalimutan."

Binasa ko lang ang reply saka ako tumayo at dumiretso sa bathroom.

Pagod na akong maligo pero biglang nawala. Ang gulo ng isip ko.

Ang daming tanong. Papayag ba ako o hindi nalang? Pero… ayaw ko rin namang…

Pinilit ko ang mata at huminga ng malalim.

Pagkatapos kung maligo nagpatuyo lang ako ng buhok saka humiga sa kama.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status