Share

PANIMULA

Ang kasaysayan ng Vamparian

Noong unang panahon isang bukod tanging mga nilalang ang nabuhay sa mundo. Ang mga nilalang na ito ay ang pangkat ng mga tao at pangkat ng mga bampira. Masayang namumuhay ang mga tao sa kapatagan samantalang ang mga Bampira naman ay nagsisimula ng magpalaganap ng kasamaan. Naging sakim sa kapangyarihan ang mga bampira. Nais nilang maghari sa mundo sa pamumuno ni Dracon ang hari ng mga bampirang ubod ng sama.

Nagsimula ngang manakop ang mga bampira pinagsamantalahan nila ang kahinaan ng mga tao. Ang iba sa mga tao ay ginawang pagkain at ang iba naman ay tinuring na alipin. Dinala ng mga bampira sa kanilang kaharian na tinatawag sa pangalang VAMPARIAN na matatagpuan sa pinakamadilim na kagubatan sa buong mundo. Marami ang nagsasabi na ang sinumang papasok dito ay hindi na makakalabas pa. Naging mapait ang kapalaran ng mga tao sa loob ng Vamparian,trinatrato silang mga parang hayop.

Nakalikha si Haring Dracon ng isang gamot ang gamot na ito ay pinainom sa mga tao upang bumagal ang pagtanda nila ngunit tao parin ang dugo ng mga ito. Tulad ng mga Bampira ay may buhay na din silang sinumpa. Lahat ng taong nakainom nito ay suklam na suklam sa kanilang mga sarili.

Hindi nila pinangarap na maging alipin na lamang habang-buhay.

Samantala marami paring natirang tao sa labas ng Vampirian. Ang mga taong ito ay maaring nakaligtas sa pananakop ng mga bampira.

Ngunit sa kabilungan ng buwan. Ang muling pagsilang ng dugong buwan ay muling maghahasik ng lagim ang mga bampira. 

Ang gabing kinakatakutan ng lahat ay muling sasapit. Sa kabilugan ng buwan at ang pangalawang pagdugo nito ang siyang sasakop sa sangkatauhan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status