Share

CHAPTER 25

ERIN'S POV

WEEKS PASSED.

Naunang umalis si Syd kesa kay Nadia. Naiwan pa si Nadia dito nang ilang oras bago siya umalis ulit. Hindi na ko nag-abalang alamin pa. Sanay na ako sa ganitong setup.

"Hija, hindi sa nakiki-alam ako. Pero sobra na, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Manang sa akin.

Napatigil ako sa pagdidilig ng halaman. Bago ngumiti sa kaniya.

"I know my husband, Manang. May amnesia lang siya. Babalik at babalik rin ang alaala niya."

"Pero kailan? Hindi ka ba nababahala? Na hanggang ngayon ay wala pa ring maalala ang asawa mo?" sabi niya na sobrang ikinakaba ko. She's right. Ilang buwan na kaming ganito. Ilang buwan na siyang walang maalala. 

"Ang akin lang hija, huwag mo sagarin ang sarili mo. Dahil mahirap lalo na pag sarili mo ang kalaban mo," sabi niya pa.

Naiwan akong tulala sa sinabi niya. 

__________________________________

"OMG GIRL! I MISS YOU!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Sabbey. Hindi ko namang inaasahan na andito na siya.

"Asan yang asawa mo?!" sigaw niya at akmang susugod.

"Calm down. Nag-usap na tayo di ba?" sabi ko sa kaniya.

"Oo nag-usap na rin tayo na titigilan mo na yang katangahan mo, Erin! Girl wake up! Sobra na ang ginagawa niya! Hindi dahilan ang amnesia para saktan ka ng ganito!" 

Natahimik ako. Sobrang sakit pa rin kasi.

"Erin. Maganda ka! Maraming naghahabol sayo! Huwag mong ilagay ang sarili mo sa alanganin! Sa tingin mo ba kung sakaling maalala ni Syd ang lahat tatanggapin ka pa niya?" sabi niya pa na mas lalong nakagulo sa akin.

"Paano kung totoong nadevelop na siya kay Nadia? Paano kung maalala ka nga niya pati na rin ang mga nangyari? Girl, hindi ganon kadali kalimutan ang lahat," sabi niya pa.

"You're wrong. I can forget everything. Basta bumalik lang siya sa dati," naiiyak na sambit ko.

"For you. Pero sa kaniya? Erin, hindi kayo parehss ni Syd. You know him. Hindi agad yon nakakalimot ng pagkakamali mo. Sabihin nating napatawad ka nga niya. Pero, Girl! How about Nadia? Sa tingin mo titigil siya basta-basta lalo na ngayon na nasa kaniya na ang asawa mo?" 

Hindi ako umimik. nanataili akong nakayuko. May point kasi lahat ng sinasabi niya.

"Paano kung tuluyan ka nang nabura sa puso niya? Paano kung tuluyan nang pinalitan ni Nadia ang papel mo sa buhay niya? Girl, kasi kung hindi niya mahal si Nadia, iiwan at maghahanap siya ng bago. Pero hindi. Pinatira niya pa si Nadia sa inyo!" 

Bigla akong natakot lahat ng sinabi niya ay posibleng mangyari.

"Ang akin lang, girl! Tama na. Tigilan mo na ang asawa mo para sa ikatatahimik ng lahat."

"I-I can't..." 

"You can! Girl ano ba! Gising na! Hindi ka mahal ni Syd! Kaya please tama na-"

"MAY AMNESIA LANG SIYA! KAYA NIYA NASASABI ANG MGA BAGAY NA YON! KAYA NIYA NAGAGAWA IYON! MAY AMNESIA SIYA SAB! AT HINDI AKO TITIGIL HANGGANG HINDI SIYA NABALIK SA DATI!"

Hindi ko na napigilan hindi ilabas ang lahat.

"I love him... I really love him, tiniis ko naman eh. Tiniis ko ang lahat ng sakit. Dahil ayokong mawala siya. Napabayaan ko na nga ang dignidad ko dahil sa kaniya. Pati ang tama sa mali nakalimutan ko na, dahil mahal ko siya..."

"Sab, ayokong mawala siya eh, kaya nga ko nagtitiis. Dahil naasa ako na bukas malakawa. Paggising ko ako na yung mahal niya," naiiayk na sambit ko.

"Na ako na ulit yung katabi niya matulog. Ako na ulit yung kasama niya sa lahat. Na madadama ko ulit ang pagmamahal niya. Kung paano niya ko mahalin noon. Sab, hinihintay ko yon," sabi ko at hinayaan ang luha kong tumulo sa pisngi.

"Kahit dito man lang, mapasaya ko ang sarili ko. Dahil kasama ko siya."

Pinatahan naman niya naman ako, siya ang nilabasan ko ng lahat ng sakit. Gusto kong ilabas lahat. Para gumaan kahit papaano.Napakabigat na kasi. 

Hindi ko maiwasang hindi maisip ang mga sinabi ni Sab. Paano kung totoo? Paano kung lahat ng iyon mangyari nga?

Baka mas malala pa ang sakit kapag naalala niya ang lahat. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. ang gulo-gulo ng isip ko. Gusto ko magpahinga. Hi ndi naman ako pagod, pero parang daig ko pa ang nagt-trabaho.

Pauwi na ko nang madaanan ko ang club house.

Nanatili ako doon, tanghali na pero hindi ko dama ang initna dumadampi sa balat ko. Mahangin naman dito kahit papaano. Tahimik ang club house dahil siguro tanghali. 

Tahimik ang paligid habang dinadama ko ang sariwang hangin rito. Kahit na tahimik ay parang ang gulo-gulo ng isip ko. Wala akong magawa. Kulang pa ang lahat ng nailabas ko kanina kay Sab.

Masasabi kong hindi pa rin ako okay. Siguro okay lang ako noon, dahil nagpapanggap akong masaya kahit ang totoo ay hindi. Hindi naman masamang magpanggap na masaya. Pero masama iyon sa kalusugan. 

Sobrang bigat na... 

Habang natagal, pabigat nang pabigat ang dala ko. Minsan nga naisip kong sumuko na lang at hayaan na lang si Syd kay Nadia. Pero naisip ko ang unfair ko naman ata kung iiwanan ko si Syd doon ng ganon-ganon lang.

Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kung saan ako lulugar. 

"Kakayanin ko to..." 

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Bago pekeng ngumiti. Ayokong matulad sa parent ko. Na hindi lumabas si Mommy. Hindi niya pinaglaban si Daddy noon. At pinili na lang na mahimik.

Kaya ko naman magtiis at panggap na okay ako. Na okay ang lahat. Na kaya ko. 

Nanatili ako sa Club House ng ilang oras. Bago nagpasyang umuwi. Ganon lang rin naman ang buhay ko. Aalis, tapos pag-uwi ko iiyak na naman. 

Minsan nga sinasadya ko na lang na umuwi ng late galing Starry para hindi ko na sila naisip at mapagod ako nang makatulog naman ako ng maayos.

Sa tuwing ipipikit ko kasi ang mata ko, si Syd ang nasa isip ko. Kaya imposible ang sinasabi ni Sab na kaya ko. Kaya kong mawala si Syd sa buhay ko. 

Hindi pa ako handa na mawala siya. Na tuluyan siyang makuha ng iba. Hindi pa ngayon. Hindi pa pwede.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status