Share

CHAPTER 23

ERIN'S POV

Weeks Passed.

Nagdidilig ako ng mga halaman dito sa garden. Since mula nang magday-off sila ay hindi na sila bumalik pa. Tangin ang isang katulong at si manang na lang ang andito.

Pinili ko na rin magdilig para malibang ako. Medyo okay na rin ako. Tinanggap ko na pakonti-konti ang lahat. 

Mula nang dito tumira si Nadia, mas lalong naging miserable ang buhay ko. Madalas ko silang nakikitang naglalampungan na para bang hindi sila nagsasawa. Habang natagal, nasasanay na lang din ako. Wala naman akong choice eh, hanggat hindi mismo ang totoong Syd ang nakikipaghiwalay sa akin, hindi ako bibitaw. Kakapit pa rin ako hanggang sa maalala niya ang lahat.

Sandali kong hinubad ang singsing namin ni Syd.At ipintong iyon sa mesa kasama ang mga relo at bracelet ko. Bago nagpatuloy sa pagdidilig. 

"Ang ganda naman ng singsing niyo," sabi ni Nadia na hindi ko namalayan na nakarating na pala dito. Nakita ko pang isinuot niya iyon.

"Mas bagay nga lang sakin," pang-aasar niya..

"Hubari mo yan!" sigaw ko sa kaniya. 

"Look! Ang cute nga oh? Mas bagay sa daliri ko Akin na lang to, since hindi ka naman ang asawa na ni Baby Syd eh," sabi niya pa at pinakita pa ang daliri niyang dugyot.

"Sabing akin na yan eh! Hubarin mo! Wedding ring namin ni Syd yan!" sigaw ko at pilit na hinawakan ang kamay niya. 

"Aray! Ano ba!" sigaw niya pero pilit kong hinuhubad ang singsing.

"Baka mangalawang pa to sayo, alam mo na masyao kang ma-acid," sabi ko pa sa kaniya at kinuha ang singsing.

"Ang chaka mo! Hindi ka naman mahal ni Syd!" sabi niya pa.

"Say all you want, bakit? Hindi ka ba binibigyan ni Syd nito?" this time ako naman ang nang-asar. Nakita ko ang pag-ngiti niya.

"Okay lang, ako naman ang mahal at sa akin naman ang katawanat isip niya eh," sabi niya na sobrang nasaktan ako. She's right. Nasa akin nga ang singsing pero wala sa akin ang katawan, isip at puso niya.

"Hanggang papel ka lang naman, Erin. May singsing ka nga, asan ang asawa mo? Bakit sa akin siya umuungol?"

Napatikom ang kamao ko, kahit naman sanay na ko sa siwmtwasyon namin ay hindi ko maiwasan na hindi magalit. Lalo na at tama ang lahat ng sinasabi niya.

"HAYOP KA! KABIT!" sigaw ko at sinabunutan siya. Nagsabunutan kaming dalawa. Hindi namin namalayan na nalaglag na kami sa pool. Kaya nabitawan ko siya at ganon rin siya.

Mas nauna akong umakyat at nakasalubong ko si Syd.

"Anong nangyayari dito-Nadia?!" sigaw ni Syd at halos kulang na lang ay lumipad siya para iligtas ang kabit niya.

Mabilis naman niyang ini-ahon si Nadia. Imposibleng nalunod siya, siya pa nga mismo nagturo samin ni Sab lumangoy. 

Napangiti na lang ako, mukhang nabilog niya talaga si Syd at paniwalang-paniwala ang asawa ko sa kagagahan niya.

"Fuck!" niyakap niya agad si Nadia nang dumilat ang mata nito. 

"Walang hiya ka! Muntik na kong mamatay!" sigaw ni Nadia nang makita ako.

Tinignan ko lang siya. Bago ako muling tumingin kay Syd at pumasok sa loob.

Pero hindi pa ko nakaka-akyat ng hilahin ni Nadia ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong balak niya at kinakaladkad niya ako.

"bitiwan mo nga ko!" sigaw ko pero sadyang mahigpit ang pagkakakapit niya sa buhok ko. Nakarating kami sa bodega. Itinulak niya ako papasok doon.

"Talagang hinahamon mo ako? Tignan natin ang tapang mo!" sigaw niya sa akin at akmang ila-lock ang pinto kaya mabilis ko iyong pinigilan. Palabas na sana ako nang mabangga ko si Syd.

"Syd!" hindi ko alam pero niyakap ko siya. 

Pero imbes na yakapin niya ko ay nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at kinaladkad papuntang bodega. 

"S-syd?" naiiyak na tanong ko.

Pero mabilis niyang isinara ang pinto.

"Syd! Buksan niyo tong pinto! Syd!" sigaw ko at kinalampag ang pinto. 

"SYD!" 

Hindi ako tumigil kakakalampag non, pero naka-lock. Napagod ako kaya napaupo na lang ako. Medyo giniginaw na rin ako dahil may aircon dito sa bodega. 

____________________________________

Nagising ako nang may tubig na bumuhos sa mukha ko. Mabilis akong tumayo at nakita ko si Nadia na nakapamewang sa harap ko.

"Kumain ka na! Pasalamat ka at mabait ako. Pi akiusapan ko si Syd na palabasin ka dito," sabi niya pa.

Akmang tatayo ako nang mahilo ako, sobrang lamig ng paligid plus binuhusan pa ako ng malamig na tubig. Feel ko nga sinisipon at inuubo ako. Tuyo na pala ang damit ko. 

"Oh? Ano? Gusto mong mag-stay dito?" sabi niya habang naka-taas ang kilay.

Pinilit kong tumayo at lumabas. 

"I-lock mo yan!" sigaw niya oa bago ako iniwan sa bodega. Nanghihina kong dinampot ang susi. Sobrang lamig dito. Sobrang nahihilo na rin ako. Parang hindi ko na kayang umakyat papuntang kwarto.

"Ma'am Erin?" Hindi ko na kinaya at tuluyan akong bumagsak sa sahig.

"Jusko po! Ma'am Erin! Inaapoy kayo ng lagnat!" sigaw niya sa akin. Pero hindi k na magawang imulat pa ang mata ko. Naramdaman ko ang pagbuhat sa akin. Amoy pa lang alam kong si Syd iyon. Parang hinaplos ang puso ko. I miss his presence. Miss na miss ko na siya. Gusto kong dumilat pero hindi ko kaya. Nanghihina ako nang sobra. May parte sa akin na masaya dahil buhat niya ko. Naramdaman ko ulit ang bisig niya. Ang sarap sa pakiramdam niyon. Nakarating kami sa kwarto at naramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa kama.

Kasunod noon ang pagsara ng pinto. Maya-maya naramdaman ko ang pag-asikaso ni Manang sa akin. Pinahiga niya ako ng maayos at binihisan.

Matapos niya akong alagaan, lumabas na siya. Muli kong nilibot ang mata ko. Andito ako sa guest room. Sa kwarto ko. 

Naalala ko noong nagkasakit rin ako, si Syd ang nag-asikaso non. Siya ang nag-alaga sa akin. Gaya nang dati, tumulo na naman ang luha ko. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Halos magdamag pala akong andon sa bodega kagabi. 

Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Kahit sabihin na gaano na ako kamanhid.

Im tired...

Pero hindi naman yon dahilan para sumuko ako kay Syd. Susubukan ko pa rin intindihin ang lahat, hanggang sa dumating ang panahon na maalala niya ako. Susubukan ko hangga't kaya ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status