Chapter 6

TITIG na titig si Sushi sa batang babae na nakaupo sa sofa sa sala. Katabi nito ang malaking bag nito at isang lumang bag pang-eskwela. Nasa labas si Pier kasama ang ina ng bata. Kailangan daw nito na mapag-iiwanan ng bata dahil isinugod sa ospital ang asawa nito. Hindi raw pwedeng lumiban sa klase ang bata dahil exam week nito ngayon at may event sa school.

"Ang itim naman ng batang 'to – aw!" Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman niya ang pagbatok ng kung sino mula sa likod. Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. She glared at him.

"Hindi sa lahat ng panahon na dapat mong isatinig ang mga opinion na nasa isip mo."

"Hindi ko naman nilakasan, duh? Ito naman masyadong sensitive."

"Kahit na, paano kung marinig ka ng bata? 'Di masasaktan mo siya?" Nakatingin sa kanila ang bata. Mabuti na lamang at sa may entrada sila ng kusina nag-uusap. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga salita, Sushi. Be cautious with whatever that comes out from your mouth, dahil madalas, kahit na bawiin natin 'yon, malaki na pala ang naging epekto nun sa buhay nila."

Napatitig siya sa mukha ni Pierce. Ito ang unang beses na naging sobrang seryoso nito. Madalas siyang pagalitan nito pero hindi naman ganoon siya naapektuhan. Pero kasi nitong mga nakaraang araw ang high blood nito saka laging pikon. And when he realized na nagagalit ito kahit sa simpleng bagay bumabalik ang dating kalmadong emosyon nito sa mukha.

Bumuntonghininga ito.

Tulad ngayon. Okay na naman ito. Mamaya niyan, kapag may nasabi na naman siyang masama, magagalit na naman 'yan.

"Well sorry," sabi na lang niya. She doesn't want to quarrel with him today. "So hanggang kailan dito ang batang 'yan?"

"Isang linggo lang naman. Wala kasing magbabantay kay Amaya. Pareho kasing dayo lang dito ang mga magulang niya. Cliché love story, nagtanan kasi parehong tinutulan ng mga magulang nila ang relasyon nila."

Sa pagkakaalam niya ay isinugod na raw sa ospital sa Iloilo ang ama ni Amaya dahil sa paglala ng ubo nito na sinabayan na nang lagnat. Kapwa katulong rin ni Pierce ang mag-asawa sa mango farm nito.

"Without thinking about their future? Masyado silang naging marupok sa sariling emosyon. Para namang mapapakain ka ng pagmamahal na 'yan."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nagmamahal."

"Hindi ba pwedeng magmahal gamit ang puso? Hindi naman pwedeng puso lang lagi. Love when both of you are ready. Love when both of you are financially stable."

"Alam mo, 'di ko rin alam kung bakit nagiging marupok ang tao sa pagmamahal. Pero alam kong may point ka, pero masyado ka pa ring cynical pagdating sa pag-ibig. Let me tell you this, my queen. We all have our own definition of happiness. If yours sounds practical, others may lessen to simplicity; meaning, their happiness is simply by being together with the one they love inclusive with uncertainties in life. Pwede 'yong mali, pwede 'yong tama, pero we couldn't judge people by choosing the kind of happiness they want in life. Instead of pointing out their mistakes, help them to choose wiser decisions this time."

Ibinaling nito ang tingin sa bata.

"You don't need to worry. Ako ang mag-aalaga sa bata. Maglinis ka na lang ng bahay. Magwalis sa labas. Maglaba at magluto."

"I’m cool with that.”

Nakatawang ibinalik nito ang tingin sa kanya. "You seemed like you're not fond of kids."

"You got that part correct."

Tinalikuran na niya ito at umakyat sa taas. Wala siyang panahon para maging yaya ng kung sinong bata. Wala nga siyang panahon kilalanin ang mga empleyado niya, ang batang 'yon pa kaya.

That doesn't work in Sushmista's life.

"NA SAAN na ba kasi 'yang Kuya Pierce mo, ha? Gab?" Papunta na sila sa eskwelahan ni Amaya. Nagpasama na lamang siya kay Gab dahil 'di naman siya pamilayar sa lugar ng mga ito. Of course, wala siyang choice kundi ang sunduin ang bata. Lagi kasi raw itong sinusundo ng nanay nito pag-uwian. "Hindi man lang nagsasabi kung saan pumupunta."

Mabuti na lamang at nalalakad lang ang eskwelahan.

"Akala ko ho Ate Sushi nagsabi siya? Hindi ba kayo close?"

"That man is so unpredictable. Hindi ko maintindihan minsan. Hindi ba siya nagsabi kung saan siya pupunta?"

"Kasama niya si Ate Mariel, sabi may lalakarin lang raw. Mabilis nga lang daw sila e."

"May lalakarin o mag-di-date?"

"Selos ka?" panunudyo pa ni Gab sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. Agad na naglapat ang mga labi nito. "Sorry po. Nandito na po tayo."

Inabutan niya ng bente pesos si Gab. "Bumili ka ng juice, hintayin mo kami rito. Pwede ba akong pumasok sa loob?"

Ngumiti ang binata. "Oo naman, ate. Ganda nga ng outfit n'yo e. Mukha kayong may-ari ng school."

True enough, she was wearing a dark green strappy dress na ang haba ay 2-inch lang mula sa kanyang tuhod. She matched it with her mint green strapped sandals. But usually, she'd prefer block-strapped heels with this type of outfit pero masyadong mabato ang daan, she'd rather not.

"Of course," she smirked.

Halos pinagtitinganan na siya ng mga tao roon. She didn't pay much attention to them, sanay siya na may nakasunod na mga mata sa kanya. Agad na nahanap niya si Amaya sa malaking field na nakaupo sa isang mahabang bato paharap sa mga batang nagpa-practice ng sayaw.

Humarang siya sa harap nito. Naiangat nito ang tingin sa kanya. "Let's go home, hindi na darating ang Ninong Pierce mo."

Tinitigan lang siya ng bata. Naiintindihan ba siya nito? Sa tuwing nag-uusap kasi ang mga ito, siya ang hindi nakakaintindi. She was not sure if she understands Tagalog.

"Umuwi na tayo," ulit niya, by syllable ang pagkakabigkas.

Amaya's 8, nasa grade 3 na raw. Pero madalas na tahimik ang bata at nakamasid lang. Sa totoo lang ay nagagandahan siya sa bata. Pareho nga sila ng buhok, may bangs nga lang ito. Saka medyo chubby.

Naupo siya sa tabi nito. "Ayaw mo pa bang umuwi?"

"Hindi na lang ako sasali," malungkot na basag nito.

"Sasali saan?"

Itinuro nito ang mga batang nagpa-practice ng sayaw sa harap nila. "Lagi kasi akong nagkakamali. Nakakalimutan ko 'yong steps ng sayaw. Lagi tuloy akong napapagalitan."

In-obserbahan niya ang steppings ng sayaw. Hindi naman 'yon ganoon kahirap. Well, considering na kids ang sasayaw, medyo mahirap nga 'yon. Paulit-ulit lang naman ang steps.

"It's not that hard."

"Po?"

Ibinaling niya ang tingin sa bata. "Alam mo hindi ko ugaling tumulong sa ibang tao at mag-motivate pero nati-triggered ng pagiging negative mo ang buong pagkatao ko." Inilihis niya ang saya ng dress at dinukot ang cell phone sa suot niyang denim shorts sa ilalim. Kinunan niya ng video ang mga bata. "I-vi-video natin 'to tapos magpa-practice tayo sa bahay. I hate people who easily give up without a fight.”

 

"SAAN ka galing?" Agad na sinalubong ni Sushi si Pierce sa labas ng bahay. "Kanina ko pa tinatawagan ang cell phone mo pero 'di ka sumasagot? Alam mo ba kung anong oras na Pierce Kyries Allede?"

"Alas syete pa lang ah," nagtatakang sagot nito. Tinignan nito ang oras sa wrist watch nito. "Kumain na ba kayo?" Napamaang siya sa sobrang manhid nito. Parang wala itong tinakasan na obligasyon sa kanila. "Si Amaya?"

"Na dapat ikaw ang susundo ay ako na lang ang sumundo. Mabuti na lang at nakita ko si Gab. Pero wala man lang akong narinig mula sa'yo?"

"Ah, oo, nasabi na nga sa'kin ni Gab. Natagalan kasi kami roon sa munisipyo saka madami kaming dinaanan. Tumawag ako kay Ate Lita kung pwede sunduin muna si Amaya –"

"Tumawag ka kay Ate Lita pero 'di ka man lang nag-call back sa mga tawag ko!"

Namilog ang mga mata nito. "Na lowbat kasi ang cell phone ko. Nakitawag lang ako kay Mariel kaso wala siyang number mo. Hindi ko rin sauludo saka ayaw kong abalahin ka sa pagsundo kay Amaya."

"Kahit na! Dapat sauludo mo ang number ko."

Napakamot ito sa noo. "Mag-aaway na naman ba tayo?"

"Hindi!" Naikuyom niya ang mga kamay. She was just making a point here. She will no longer push it. "Sinasabi ko lang na nakapagluto na ako. Tapos na kaming kumain ni Amaya. Aakyat na kami sa itaas at kumain ka mag-isa sa kusina."

'Yon lang at tinalikuran na niya ang lalaki. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay ay agad niyang tinawag si Amaya at pinaakyat sa kwarto nila. Alam niyang nakasunod si Pierce sa kanila. Pero wala siyang pakialam.

Duh! Kesho na lowbat at hindi sauludo ang numero niya. Reasons! Reasons! Madaming pinuntahan o nakipag-date? She doesn't buy those lame reasons. She's smart enough to know the truth.

"MAMAYA na nga 'yan." Inagaw ni Pierce mula sa kanya ang hawak na bag. Inaayos niya ang laman ng bag ni Amaya. Alas singko pa lang pero gising na silang lahat. Naliligo na ang bata at tapos na ring magluto ng almusal si Pierce. "Mag-kape ka muna." Pilit siya nitong pinaupo sa hinila nitong silya para sa kanya. "Kagabi mo pa ako hindi kinikibo."

"It's not like we're always talking," aniya.

Hinawakan niya ang hawakan ng mug at hinipan ang kape.

"Alam mo ba sabi ng lolo ko. Ang away raw ay hindi dapat inuumaga. Kasi kapag tumagal lalong lalala. Kaya dapat magkabati na agad bago pa mapalitan ang araw."

Nanatili siyang tahimik. Dahan-dahan siyang sumimsim ng kape. If that's the case, dapat ito ang unang mag-sorry at hindi siya.

"So sorry, kasalanan ko nga 'yon."

"Do you expect me to forgive you immediately?"

"I'm hoping." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito. That smile na pati mga mata nito ay ngumingiti. Umagang-umaga nakangiti na naman ito. "Sorry na," malambing nitong sabi. Nagpapa-cute pa ang loko. “Hindi ko na uulitin. Mamaya sauludo ko na number mo.” Itinaas nito ang kanang kamay. “With all my heart pa.”

Natawa siya.

“Bati na tayo?”

"Ang lamig!" Biglang lumabas ng banyo si Amaya na nakatapis ng tuwalya, nanginginig pa.

Tumayo na si Pierce at dumiretso sa lalagyan ng mga pinggan. "Bihisan muna si Amaya, queen, para makakain na tayong tatlo."

"Inuutusan mo ba ako?"

Nakangiti pa ring nilingon siya nito. "Please?"

Pigil niya ang ngiti. Masaya talaga siya kapag nanalo siya. Pero hindi niya muna ipapakita rito na pinapatawad na niya ito. Ibinaling niya ang tingin kay Amaya at inilahad ang isang kamay.

"Halika na, magbihis na tayo."

"Opo!"

"'Yong mga mock reviewers na ginawa ko nasagutan mo ba lahat kagabi?" tanong niya habang paakyat sila sa hagdan.

"Opo, tapos na po."

"I-che-check ko mamaya bago ka umalis. Sa susunod ayaw kong iniiyak-iyakan mo ako dahil lang sa 'di mo ma solve ang math problem. Hindi iniiyakan ang math. Magpaturo ka para matuto."

"Opo."

"Papanoorin kita sa dance practice mo mamaya. Galingan mo."

Hay naku, 'tong batang 'to. May nakikita siyang potential pero masyadong nega sa buhay. Kabata-bata problemado. Nati-triggered talaga siyang i-push ito para magkaroon ng confidence.

"Opo!"

"OY anong ginagawa n'yo?" Hindi maiwasang makisali ni Pierce kina Sushi at Amaya sa sala. Busy na busy ang dalawa sa paggawa ng kung ano. Katatapos lang niyang magluto ng pang-haponan nilang tatlo. "Talong ba 'yan o ube?"

"Shut up," sikmat agad sa kanya ni Sushi na focus na focus sa paggugunting ng green na kartolina. Nakasalampak ng upo ang dalawa sa sahig. Madaming nakakalat na mga art materials.

"Gumagawa po kami ng costume ko, Ninong."

"Talaga? Para saan? Para roon sa pina-practice n'yong sayaw ng Ate Sushi mo?"

Nakangiting tumango ang bata. "Ako po kasi 'yong talong."

"Ito tapos na." Idinikit ni Sushi ang isang cut out green sa itaas ng pahabang korte ng violet na cartolina. Nga naman, mas nagmukha nga 'yong talong. Matabang talong.

Hindi niya maiwasan ang mapangiti at lihim na matawa.

Ito ang unang beses na nakita niyang nagkusa si Sushi na gumawa ng isang bagay na hindi nito madalas ginagawa sa ibang tao. Kahit na nangako siyang, siya ang mag-aalaga kay Amaya ay halos ito na ang tumayong ina nito. She was so passionate in playing the mother figure but she was also that scary. What amazes him most, sa halip na matakot ang bata ay giliw na giliw pa ito kay Sushi kahit na madalas itong napagsasabihan.

Siguro nga Amaya saw goodness in Sushi that most of them didn't even notice.

Pinag-connect nito ang dalawang cut out na talong gamit ng violet din na ribbon. Para na 'yong apron. Meron bilang strap sa balikat at sa baywang.

“‘By, halika ka rito." And she's now even using sweet endearment with the kid. "Isukat mo kung sakto lang."

Tumalima naman si Amaya. Napahawak sa baba si Sushi sabay pasada ng tingin sa kabuoan ng bata. "Mas maganda siguro kung may glitters ang katawan ng talong."

Malakas na natawa siya sa sinabi ni Sushi. Na-i-imagine na niya ang shinning shimmering eggplant costume na gawa ng isang Sushmita Costales.

"What?" She threw a death glare at him.

God, hindi ko alam kung matatawa ako o maawa kay Amaya na magsusuot ng kumikinang na talong. Halata naman sa mukha ng bata na wala itong maintindihan.

"Sush, just let it be. Hindi kumikinang ang talong, okay? Give it a rest."

"Pero masyadong boring ang costume."

"Just don't," pinal niyang sabi. Hindi pa rin maalis ang amusement niya sa mukha. Why does she have to be this annoyingly adorable? Damn it, Pierce! "Tama na 'yan. Kumain na muna tayo bago lumamig ang sabaw."

"Hindi ba talaga pwedeng lagyan ng glitters?"

"Hindi nga pwede." Hinawakan na niya ito sa magkabilang-balikat dahil panay pa rin ang tingin nito sa costume na hinubad na ni Amaya. Hinila na niya ito papunta sa mesa. "Huwag nang makulit."

"Pero –"

"Sushi!"

"Fine!" she groaned.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ellah Javier
hahahaha Ang saya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status