The Heiress Poor Charming

The Heiress Poor Charming

last updateLast Updated : 2021-04-22
By:  WeirdyGurlCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
52 ratings. 52 reviews
26Chapters
25.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Sushi "Sushmita Costales" is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate. Her father thinks that she lacks heart and compassion towards other people. She doesn't believe in love and is willing to marry anyone who can be a great asset to her father's company. So her father decided to send her off in a small town in Guimaras, kung saan nakatira ang isang malapit na kaibigan ng ama niya para turuang makisama at mamuhay ng simple. She will then marry the man her father had chosen for her when she comes back. Sushi meets the one and only grandson of her father's friend, Pierce Kyries Allede o mas kilala bilang Pier. Pier, is the opposite of a prince charming or any elite bachelor in the city. He was undeniably poor and simple. The guy doesn't even dress well, halos paulit-ulit lang ang damit nito. Hindi gusto ni Sushi ang pagiging friendly nito sa kanya. He's a commoner in all aspects. Even his well-toned physique and handsome face couldn't hide the fact that Peir couldn't pass as collateral damage. At bakit kumakabog nang mabilis ang puso niya kapag tinititigan siya nito at hinahawakan sa kamay? God, he's poor! She must be out of her mind.

View More

Chapter 1

Chapter 1

DIRE-DIRETSO at mabibilis ang mga lakad ni Sushi nang makapasok sa Costales building. Ni isang empleyado ay walang nangahas na lumapit at sumabay sa kanya. Everyone can hear the loud click-clack of her 3 inch high heels on the marble floor. Don't they dare mess with her today kung ayaw ng mga itong mawalan ng trabaho. Dahil hinding-hindi siya magdadalawang-isip na i-fire ang kung sinong magpapainit nang husto sa ulo niya.

Nasa harap na siya ng elevator.

Humigpit ang hawak niya sa Starbucks coffee cup sa kamay niya. She immediately rushed in here nang mabasa ang message ng kanyang ama. She didn't like any of those words despite her father's well-constructed sentences.

Bumukas ang pinto ng elevator at natigilan ang kaisa-isang sakay nun. Nanlaki ang mata ng lalaking empleyado sa pagkagulat. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na nabasa ang department nito sa suot nitong ID.

He gulped.

Tumaas naman ang isang kilay niya rito.

"Are you just going to stay in that elevator all day?" mataray niyang tanong sa lalaking empleyado.

"H-Hindi po," he stuttered. Alanganing ngumiti ito at natatarantang lumabas ng elevator at tumayo sa gilid para hindi makaharang. "Good morning po, Ma'am Sushi." Yumuko ito pagkatapos siyang batiin.

"What's so good in the morning?" iritado niyang balik.

Pumasok siya sa loob ng elevator at mabilis na pinindot ang 11th floor kung na saan ang opisina ng kanyang ama. Nang sumarado ang pinto ay marahas na napabuga siya ng hangin at pinaypayan ang sarili gamit ng libreng kamay.

"God, I can't believe this!” Inis na inis siya. "Seryoso ba talaga siya?"

Natuon ang atensyon niya sa repleksyon niya mula sa elevator. She grimaces in disappointment. She didn't even have the time to pick a perfect outfit for today. She wore a simple white short-sleeved blouse with a loose ribbon on its neckline and a pastel pink white rose pencil skirt. Nakapatong ang kapares na blazer ng pencil skirt niya sa mga balikat.

She tucked a loose strand of hair behind her ear. Muli siyang napangiwi. Ni hindi nga niya na plantsa ang hanggang leeg na buhok. It looks so plain and boring. Even her light makeup didn't even compliment her dull hair.

Kung hindi lang niya nabasa ang message ng kanyang ama baka nakapag-ayos pa siya nang maayos. She was sure her father sent that message when she was already asleep dahil nang lumabas siya ng silid niya ay wala na ito sa mansion.

Naipikit niya ang mata at nahilot nang mariin ang sentido.

Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng ama ko at bigla-bigla na lamang niya akong ipapatapon sa ibang lugar? God, na-e-stress ako! Argh!

Naimulat niya ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng bell.

Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya ang maluwag na palapag ng opisina ng ama niya. Mabilis na tumayo si Princess ang sekretarya ng ama niya mula sa likod ng mesa nito. Halatang nagulat ito sa pagdating niya.

May dalawang mesa sa labas ng silid ng Chairman's Office. Isa sa executive secretary nito at isa naman kay Karl na personal bodyguard ng ama niya. Wala ito sa labas kaya malamang nasa loob ito, kausap ang chairman.

"Ma'am Sushi -" Mabilis na tinaas niya ang isang kamay para patigilan ito sa kung ano mang sasabihin nito at dire-diretsong tinungo ang direksyon ng pinto ng chairman's office.

Marahas at may puwersang binuksan niya ang pinto.

"Sushmita, anak!" masayang bati ng ama niya mula sa mesa nito. Ni hindi ito nagulat sa pagdating niya. Ah, her father must have seen this beforehand. "Bakit pumasok ka pa? Hindi ba sa susunod na araw na ang flight mo pa Iloilo?"

Inabot niya kay Karl ang cup ng kape na malapit lang sa kanya.

"Are you serious about this?" Marahas na naupo siya sa visitor's couch sa maliit na sala nito. She crossed her legs. "Anong gagawin ko sa Guimaras? Kakain ng mangga?" Inilabas niya mula sa pink Chanel bag niya ang cell phone at inilapag ang bag sa round wooden coffee table. "I can't and I will not."

Lumipat ng upo ang ama niya sa pang-isahang sofa na malapit sa kanya. Nakangiti pa rin ang ama sa kanya. She can't help but squint her eyes at her father's smile. Ito ang unang pagkakataon na nangialam ang kanyang ama sa buhay niya. Lemuel Costales, the chairman of Costales Conglomerate. Her supportive father who pampers her with all the things the world can offer is now trying to manipulate her.

Ni minsan ay hindi ito naging hadlang sa kung paano niya pinapatakbo ang kompanya nila. Her father has always been supportive of her business ideas and marketing proposals for their other businesses. She's smart and there is no longer a need for her to explain that in detail. The fact that Costales is still the leading business empire in the Philippines is enough to say that Sushmita Costales is doing a great job as Costales' Vice Chairman.

"Anak -"

"Why? Why are you sending me off on that remote island?"

"Guimaras is not a remote island, darling."

"I don't care. I have scheduled business meetings with our clients. I have plotted ocular inspections with our factories and other business branches. Alam mong personal na pinupuntahan at tinitignan ko ang mga branch ng business natin."

"Kaya nga," mahinahong sagot ng ama. "Simula nang umupo kang Vice Chairman sa Costales halos hindi ka na nagpapahinga. You need a vacation. You need a life, anak. Lumanghap ka muna ng sariwang hangin sa probinsiya. Puro polusyon na lang ang nalalanghap mo rito."

"I don't believe you. I'm sure you have something under your sleeves."

"Well, iniisip lang naman kita."

"I appreciate that, Dad. Now, get in the point." She crossed her arms over her chest. "What's the second reason?"

"Well." Nagpalitan ng tingin ang kanyang ama at ang personal bodyguard-slush-driver nito. Right, so Karl knows. Pero siya na anak nito, hindi nito masabi. "I've heard so much about you lately."

"About what?"

"Our dear employees are afraid of you." Tumaas ang isang kilay niya. "At dumami yata ang nabigyan ng forced resignation dahil lang sa maliit na pagkakamali."

"It's because they aren't doing their job."

"I understand." Huminga nang malalim ang ama niya bago ulit nagsalita. "But Sushi, this is not always the solution of unproductive employees. Lahat ng mga kilos ng tao ay may dahilan. If you keep doing this, maapektuhan ang productivity ng mga tao mo. Kailangan mong makisama."

"Nakikisama ako."

"Are you?"

"Well, if they can't pace up with the pressure they can always quit. We are in a corporate world, Dad. There is no room for personal emotions. Everything will always be in competition."

"You see, that's the point Sushi. A leader is not only a goal digger and wise. A leader makes sure that everyone on his or her team is being heard and understood. Everyone is born great members, but sometimes, we unconsciously cut their wings to become one.”

HINDI makapag-trabaho nang maayos si Sushi simula nang magkausap sila ng ama niya. In fact, kanina pa siya nakatulala sa harap ng screen ng laptop niya. Paulit-ulit na nagpi-play sa isip niya ang sinabi nito.

"I'm sending you off to my old friend's town to learn from him. I already told you about him ever since you were a kid. Nagkita na rin kayo noon. Maniwala ka sa'kin anak, malaki ang naitulong sa akin ni Tatay Manuel nang nagsisimula pa lamang ako. At alam kong marami kang matutunan sa kanya."

Kilala niya si Lolo Manuel. Malapit na kaibigan ito ng ama niya. Minsan lang niya itong nakita, bata pa lamang siya. Madalas i-kwento sa kanya ng ama ang kabataan nito. Na lumaki raw itong bully at walang pangarap noon. Ni ayaw nga nitong manahin ang negosyo ng mga magulang nito. Dahil doon naglayas ang ama niya at napadpad sa Guimaras. Doon daw nito nakilala ang naging ama-amahan nitong kumupkop dito.

"Hindi na ako bumabata Sushi. Gusto ko na ring mag-retiro at nasa wastong edad ka na para pamahalaan ang mga negosyo natin. Ngunit alam ko pang hindi ka pa handa. Ipapamana ko lamang sa'yo ang kompanyang 'to kapag natuto kang gawin ang mga bagay na may puso."

Wala ba siyang puso magtrabaho? Para sa kanya professional siyang magtrabaho at makisama sa mga katrabaho niya.

"I will then introduce you to the man I have chosen for you when you come back."

Matagal nang nababanggit ng ama niya ang tungkol sa lalaking gusto nito para sa kanya. Pero nababanggit lang nito 'yon at hindi talaga napag-uusapan nang masinsinan. Wala naman siyang problema roon. She doesn't believe in love. Applicable 'yon sa iba, but not for her. Sagabal lang ang pag-ibig sa mga pangarap.

She loves her parents and she's happy to see them still fondly in love with each other despite the years of uncertainties they've to surpass. However, happy endings are not for everyone. She has seen women cried and ridiculed by the men they fell in love with. They lose their strength and it broke their lives. Since then, she realized that men are not a need but only want.

"It's just for 3 months, Sushi. I promise you, you'll be a different person when you come back."

She doubts that.

And if she insists to disobey her father's order.

"Kung hindi ka papayag sa gusto ko. Hinding-hindi kita hahayaang makatapak sa gusaling ito o kahit saang branch natin hanggat hindi mo ako sinusunod, Sushmita Marigold Costales. Aalisan kita ng trabaho kahit na anak pa kita. I have someone in mind that can replace you."

Marahas na napabuntonghininga siya.

"Ganoon ba kasama ang ugali ko?"

"Ma'am Sushi." Nabalik ang isip niya sa reyalidad. Napaayos siya ng upo nang marinig ang boses ng sekretarya niyang si Lheng. Alanganin ang ngiti nito nang iangat niya ang tingin dito. "Kumatok po ako." Mukha nga dahil nakatayo ito sa hamba ng pinto at hawak-hawak pa ang grip handle ng glass door.

Ang pinaka-ayaw niya ay ang pumapasok bigla nang hindi kumakatok. At alam 'yon ng sekretarya niya.

"Bakit?"

Pumasok ito at inilapag sa mesa niya ang isang yellow expanded folder. "Financial report po from Costales Mall."

"Okay," bored niyang sagot.

"Sige po."

Akmang aalis na ito nang tawagin niya ulit ito. "Lheng, huwag ka munang umalis." Nilingon siya nito. "Gusto ko lang malaman ang opinion mo."

Hinarap siya nito. "Opinion ko po, ma'am? Tungkol po saan?"

Two years na niyang secretary si Lheng dahil dalawang taon pa naman ang lumipas simula nang umupo siyang Vice Chairman. Twenty five siya nang maging VC siya. Maraming 'di sumang-ayon sa desisyon ng ama niya pero wala namang magagawa ang board of directors dahil siya pa rin naman ang magmamana ng Costales.

She worked as the head marketing and director of Costales real estate before her promotion, but it didn't impress the other board members. She's young and inexperienced. For them, there is still a need for her to prove her capabilities.

Kaya sa loob ng dalawang taon, pinatuyanan niyang kaya nga niya pamahalaan ang kompanya. She was an A Lister kahit pa noong nag-aaral siya. She took MBA in Wharton and even become one of the top students in their batch.

Madami ang nagsasabi na she was a heartless vixen in the corporate world. What she wants, she gets.

"Do you hate me?" prankang tanong niya.

Nanlaki ang mga mata nito. Sa itsura nitong si Lheng mukhang malabong magsabi ito ng totoo. Ito lang yata ang nakakatagal sa pagiging bossy at workaholic niya.

"P-Po?" inayos nito ang salamin sa mata.

"Don't worry. I'm not going to fire you. I just want your honesty."

Naglapat ang mga labi nito. "Hindi po hate, ma'am. Mas takot po."

Tumango-tango siya. "Lagi ka sa ibang departments, ano ang naririnig mo sa kanila tungkol sa akin?" Hindi ito nagsalita. Okay, this won't work. "Sige ganito na lang, ilan na ba ang napaalis ko sa nakalipas na tatlong buwan?"

"Close to thirty people na po, 'dito lang po 'yan sa main office."

"Madami na nga.”

"Hindi pa po kasali noong mga nakaraang taon."

"Nicknames they made for me?"

"Bruha, matandang dalaga," sagot nito. Nagsimula itong magbilang gamit ng mga daliri. "Gandang-ganda sa sarili, walang puso, witch, babae sa balete drive, halimaw sa banga, aswang –"

"Okay, stop!" Sumasakit ang ulo niya. God, how could they name her with those? She has given them all the best employee benefits at ito lang ang igaganti ng mga ito sa kanya? "Okay na Lheng, huwag mo nang tapusin at mukhang madami-dami yata 'yan."

"Ma'am, kung hindi n'yo po mamasamain, bakit n'yo po ba naitanong?"

"Nothing," iling niya. Humugot siya nang malalim na hininga. "Anyway, I'll be away for three months."

Natigilan siya nang maalala ang sinabi ng ama.

"Never take a call from the office when you're there."

Napangiwi siya sa isip.

"Saan po kayo pupunta, ma'am?"

"Immersion," pagsisinungaling niya. Kaysa naman sabihin niyang ipapadala siya ng ama niya sa Guimaras para mag-retreat at mag-bagong buhay. That would be a little weird. "I can't take calls, so whatever comes up, unexpected problems, good or bad news, kindly forward it to my father's secretary."

"Noted, kailan po ang alis n'yo?”

"Sa susunod na araw."

"Enjoy po ma'am," Lheng smiled.

"Hopefully, I can."

Which she highly doubts.

INIHATID ni Pierce ang Lolo Manuel niya sa airport sa Iloilo. Ibinaba niya mula sa taxi ang kaisa-isang bag nitong dadalhin sa Maynila. Ngumiti siya at inakbayan ang malakas pa ring lolo niya. His grandfather is already 80 years old pero tila huminto naman yata sa edad na 60 ang pagtanda nito. He was still the strong and wise Manuel Allede.

"Mag-ingat ka roon, Lo." 

Nakangiting niyakap niya ang matanda.

Tinapik siya nito sa likod. "Dadating 'yong anak ni Lemuel sa makalawa, huwag mong kalimutang sunduin 'yon sa airport," paalala nito pagkatapos nilang magyakap.

"Speaking of that, bakit naman siya pupunta rito?" He has heard a lot of that woman. Hindi nga lang niya sigurado kung tama ang lahat ng iyon. Kwento lang naman kasi 'yong lahat ng Lolo Manuel niya.

Ang tinutukoy nitong Lemuel ay ang kaibigan nitong mayaman sa Maynila. May-ari raw 'yon ng isang conglomerate na siyang pinakamayaman ngayon sa Pilipinas – The Costales Group of Companies.

Noong isang araw pa binabanggit 'yon ng lolo niya. Hindi nga lang niya pinagtuonan ng pansin. Busy siya sa manggahan nila. Kilala niya si Sir Lemuel, hindi iisang beses na dumalaw ang matanda sa bahay nila. Malaki rin ang naitulong nito sa pag-aaral niya. Nakita na rin niya ang anak nito sa personal. He knows her but he doubted if Sushi knows him. Baka nga wala talaga itong idea kung sino siya o kung nag-e-exist siya sa mundo.

"Alam kong mahaba ang pasensiya mo apo, pero habaan mo pa. Hindi magiging madali para sa inyo ang magkasundo pero huwag mo siyang hayaang gawin lagi ang gusto niya. Huwag kang patitinag sa kanya. Pagalitan mo kapag mali siya. Pagsabihan mo kapag 'di na tama ang ginagawa at sinasabi niya. Turuan mong makisama at makihalubilo sa ibang tao." Ngumiti ang kanyang lolo. "At higit sa lahat, turuan mong ngumiti nang totoo."

Tinapik siya nito sa isang balikat.

Napakamot tuloy siya sa noo. "Pag-aalagain n'yo lang pala ako ng spoiled brat, lolo," aniya na may kasamang tawa. "Tayo yata ang mag-aalaga sa babaeng 'yon pero tatakasan mo pa ako."

Tumawa ito. "Kaya mo na 'yan, apo. Ikaw pa. Magbabakasyon muna ako at puro mangga na lamang ang nakikita ko sa atin. Tamang-tama at libre naman lahat."

"'Yan tayo e. Tina-traydor mo na naman ako, Lo."

"Dadalhin kita ng pasalubong sa pag-uwi ko."

"Aasahan ko 'yan."

"Basta ang sinabi ko sa'yo, dapat maturuan mong makisama at mamuhay ng simple si Sushi. Kapag nagawa mo 'yon, may regalo ako sa'yo."

Lumapad ang ngiti niya. "Cash ba 'yan?"

"Basta, malalaman mo rin. O, siya, aalis na ako at baka maiwanan na ako ng eroplano." Inabot niya rito ang bag nito. "Tatawag ako. Alagaan mo ang anak ni Lemuel."

"Oo na! Oo na."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo."

Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagsunod ng tingin sa likod ng lolo niya habang papasok ito sa loob ng departure entrance. May umalalay naman agad na airport staff dito kaya napanatag na rin siya.

Pumara siya ng taxi at mabilis na sumakay roon.

"Saan po tayo, Sir?"

"Sa Port Terminal papuntang Guimaras."

Inilabas niya ang simpleng touch screen cell phone mula sa bulsa ng luma niyang denim jacket. Naipilig niya ang ulo sa kanan habang tinitignan ang kaisa-isang larawan ng kaisa-isang heredera ng Costales sa cell phone niya. Ipinasa 'yon sa kanya ni Sir Lemuel. Ginto yata ang ngiti nito dahil 'di man lang magawang ngumiti kahit sa picture man lamang.

"Sushmita Costales," mahinang bulong niya sa sarili.

Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya.

Oh well, he shrugged his shoulders and turned off his phone. Ibinalik niya sa bulsa ng denim jacket niya ang selpon bago niya ipinikit ang mga mata. Pinag-krus niya ang dalawang braso sa dibdib.

Iidlip muna siya. 

Saka na niya iisipin ang babae kapag nandito na.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(52)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
52 ratings · 52 reviews
Write a review
user avatar
Emari Rose Cabataña
A must read
2022-09-24 03:11:43
0
default avatar
Marianne Ballesteros Cabus
I love the story so much
2022-07-03 12:25:28
2
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-13 18:30:02
1
default avatar
Michael
The story is good and fun to read. I would recommend reading the book in case you come across it.
2022-01-30 22:45:41
2
user avatar
Mechaletra
I think the story is cute. Worth it basahin
2021-11-22 13:29:49
1
user avatar
Reincarnated Soul
feel good story ......️
2021-08-08 23:53:58
1
user avatar
Zea Brabonga
Ang ganda po ng story, worth it ang paghihintay ko araw araw😊😊..
2021-07-17 10:52:30
3
user avatar
Emari Rose Cabataña
The royalties of Guimaras, all hail~~
2021-07-12 23:23:36
0
user avatar
Rose Kabanata
SuPier lang sakalam
2021-06-30 07:24:23
0
user avatar
Emari Rose Cabataña
A very inspiring woman, go Sushmita!
2021-06-11 02:08:11
1
user avatar
amoradedios
Nandito ang bibiko Iesus. Kaya extra special tong story na to sakin. Hahahahaha! Love you baby blue eyes ❤
2021-06-10 00:17:31
1
user avatar
amoradedios
Nag enjoy pa rin ako basahin for the nth time itoooo. Kahit ilang beses ko ata basahin ganun pa rin impact. ❤❤❤ super genuine nung love ng SuPier. Simple yung love story pero laki ng impact sakin. dami ko natutunan when it comes to career and love (kahit wala ako nun! 😂)
2021-06-10 00:16:53
2
user avatar
Rose Kabanata
I’m gonna miss SushPier 💕
2021-05-01 01:05:36
0
user avatar
Rose Kabanata
Awww happy ending 💕
2021-05-01 01:05:05
0
user avatar
Novel Reader
I super love the story. Simple but life changing. You will fall in love with the place, with the people and to the male lead. He is not your typical hero. I wish to meet a Pier in this lifetime. Thank you, author!!! ❤️❤️❤️
2021-04-28 20:33:30
1
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
26 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status