CHAPTER FIVE – No Eating

ICE’S POV

Ilang weeks narin ang nakakaraan simula ng pumasok kami dito sa MUP. Sa una mahirap, mentally saka physically. Aaminin ko may mga gabi na umiiyak ako. Pero slowly, nakapag-adjust naman na ako. Malaking tulong nadin ang mga kaibigang nakilala ko dito. Bihira nalang din kaming magkausap ni Richard. Di kasi tugma ang bakanteng oras namin. Minsan, pag wala siyang klase, ako meron - vice versa.

Nakasanayan nadin ng ibang cadets na tawagin akong “pretty boy”. Noong una, nahihiya ako kapag ganoon ang tawag nila sa akin pero ngayon, nasanay nadin ako.

Ang hindi ko lang makasanayan ngayon ay si sir Kirby. Ewan ko ba, lagi akong napapansin. Laging may komento tungkol sa akin. Hanggang maaari, ayaw ko na makita niya ako. Lagi akong umiiwas sa kanya. Nakakatakot siya.

“Ice, pupunta ako ng study hall. Gusto mong sumabay?” tanong sakin ni Miguel habang inaayos ang kanyang bag.

“Sunod nalang ako sayo. Pupunta muna ako ng library. Maytitingnan na libro.”

“Siya nga pala nakalimutan ko, nakasalubong ko kanina si Richard. Tinatanong kong nasaan ka. Sabi ko natutulog. Pinapabigay niya ito.” Sabi ni Miguel sabay kuha ng isang supot sa kanyang bag at inabot sa akin. “Natutulog ka kasi ng dumating ako. Ngayon ko lang uli naalala”

Kinuha ko ang supot mula kay Miguel at tiningnan ang laman – siopao.

----

Wala masyadong tao sa loob ng library ng pumunta ako. Kinakain ko ang sipao na binigay ni Richard habang hinahanap ang libro na aking kailangan.

“Anong ginagawa mo?”

Narinig ko na tanong mula sa aking likuran. Kinabahan ako. Kilala ko ang boses na iyon. Dahan-dahan akong humarap sa nagtatanong.

“Pretty boy, tinatanong kita kung anong ginagawa mo?” tanong uli ni sir Kirby.

Seryoso ang kanyang mukha sa mga oras na iyon. Sabagay, lagi naman siyang ganon. Halos hindi ko sya nakitang ngumingiti.

“Sir, Good afternoon. May hinahanap lang po ako na libro” sagot ko habang tinatago ang siopao sa likod.

“Ano yang tinatago mo?”

“Siopao po sir.” Agad na sagot ko sabay pakita ng siopao sa kanya. Ayaw kong magsinungaling baka magalit lang.

Tiningnan ni sir Kirby ang siopao tapos bumalik ng tingin sa akin.

“Asado po sir, paborito ko. Gusto mo?” sabi ko sabay ngiti

“Hindi mo ba alam na bawal kumain dito?’’

“Huh? Sorry, hindi po. Wala po kasing nakapagsabi sakin”

“Marunong kaba magbasa? Hindi mo ba nababasa yun?” sabi ni sir Kirby sabay turo sa isang signage na may nakasulat na NO EATING. “First time mo ba dito sa library? Siguro naman hindi diba? Ilang weeks kana dito sa MUP dapat nabasa mo na yan.”

Hindi na ako kumibo. Tama naman sya, hindi ito ang first time ko sa loob ng library. Dapat nakita ko nayan dati, kung naging observant lang sana ako.

“Ganyan kaba kung kumain ng sipao?” Tanong ni sir Kirby

“Ano po?”

“Nagkalat ang sauce sa labi mo” sabi niya

Hindi na ako nag-isip pa at nilinis ang aking labi gamit ang aking dila.

“Parang bata. Huwag kana kumain dito. Baka may ibang makakita sayo” banggit ni sir Kirby bago sya umalis.

----

Pagkatapos ko sa library, naglakad ako papunta sa studyhall kung nasaan si Miguel. Nasabi ko kasi kanina sa kanya na susunod ako. Baka naghihintay siya sakin. Napadaan ako sa basketball court at nakita si Richard na naglalaro kasama ang iba niyang mga kaibigan. Huminto ako at nanood. “Ang cute ni Richard. Lalo na pag naglalaro ng basketball” ang naibulong ko sa aking sarili.

“Pretty boy!” narining ko na tawag sa akin.

“Siya na naman!” sabi ko saking sarili ng mabosesan ang tumatawag. Ayaw ko sanang lingunin kaso natatakot ako baka magalit.

“Naubos mo na ang siopao mo?” tanong sakin ni sir Kirby

“Yes sir”

“Mahilig kaba sa basketball?”

“Nako, hindi po. Hindi ako marunong” sagot ko sabay ngiti sa kanya.

Napansin ko na nakatingin si sir Kirby sa mukha ko. Medyo nailang ako kaya tinanong ko sya kung bakit.

Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa kaliwa kong tenga at bumulong “May muta ka”

Agad kong pinunasan ang mata ko ng biglang may narinig akong sigaw.

“Richard!”

Pagtingin ko, nakita ko si Richard na nakahiga sa semento at duguan ang ilong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status