Astral Projection
Pinigilan kaming umuwi ni Zandrex dahil nag kalat daw ang mga kriminal sa La Verde ngayon. Wala kaming nagawa kundi dito na lang mag hapunan at mag palipas ng gabi kahit na lahat kami ay nag aalala dahil kabilugan na ng gabi bukas.
May dalawang katulong si Zandrex na naroon— ang isa’y babae na katulong niya sa gawaing bahay ang isa nama’y lalaki na taga maintain ng garden—halos lahat ng naroon kasi ay mga halamang gamot. Ancestral house ito ng kanyang asawa at dahil wala na itong ibang pamilya ay kay Zandrex na rin ito napunta kahit na hiwalay na sila.
Technically, galing ako sa angkan ng mga Kliodap at Aragon— ang nakakatawa lang ay parehong nakatakdang pumatay ng tao dahil sa kagagawan ni Tharia. Tumingala ako sa mga bituin at pagak na natawa. Kung lahat ng bagay ay itinakda na ng maykapal, bakit ang sanglap naman yata nang naisulat niya para sa akin?
Napalingon ako sa nag iingay na pintuan
Ivy Margareth “Margareth! Margareth, gumising ka! Aling Mumay!” Tawag ko sa kanila. Alam kong hindi ko sila mahahawakan kaya nakontento na lang ako sa nang makompirmang humihinga pa sila. Nakikita ko pa kasi ang pagtaas-baba ng kanilang dibdib. "Gabby! Nasaan ka?" sigaw ko nang hindi ko siya mahanap sa buong condo. "Gab!" "Faith, anong nangyayari? Nakita mo na ba sila?" boses iyon ni Ree. Pumikit ako at pinitik ang kamay pagkatapos ay nagbalik ang katawan ko bahay ni Zandrex. "Ayos ka lang ba? Ano? Nakita mo ba sila? tanong agad ni Ree. Umiling ako pagkatapos ay pinunasa ang dugo sa aking ilong. "Walang malay sina Aling Mumay at Margareth, Ree. Nasa condo mo pa sila pero hindi ko mahanap si Gabby. Kailangan nating bumalik doon ngayon din!" sabi ko pagkatapos ay lumabas ng silid. "Faith, sandali lang. Huwag kang padalos-dalos, hintayin mo munang magising si
Confronting Fear"Delcan? Galing sa angkan ng mga Delcan si Margareth?"Kahit ang sarili kong boses ay hindi ko marinig. Hindi pwedeng maging si Margareth ay malagay sa panganib.Marahang tumango si Tharia na tila ba pinapaintindi sa akin na wala na akong magagawa dahil itinakda na itong mangyari.Pero bakit wala kaming alam? Walang mga palatandaan na si Margareth ang reincarnation ni Lilia Delcan o baka naman hindi lang niya sinasabi sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala sa kalagayan niya. Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit ko mapapatay si Ree? Sa kagustuhan niyang maligtas ang kapatid ay sinakripisyo niya ang sarili para lang mapigilan si Tharia o ako?"Alam mo namang kontrolado ko ang lahat ng nangyayari rito, hindi ba? Maging ang mga iniisip mo, Faith," turan ni Tharia dahil matagal bago ako naka-imik."Kaya may ideya ka na kung gaano kita kinamumuhian, Tharia..." Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya. "Makapangyarihan ka, Tharia, at sinigurado mong katatakutan ka namin
ThariaHinawi ko ang aking buhok nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako nang sa wakas ay naramdaman ko ulit na buhay ako ngunit nawala rin bigla nang maalalang hindi pa buo ang kontrol ko sa katawang ito dahil unti-unti nang natutunan ni Faith na labanan ako.Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangang maging sapat ang oras ko para isagawa ang ritwal ng sakripisyo bago pa makabalik si Faith sa katawang ito.Pumikit pa ako ng isang beses bago inutusan ang hangin na dalhin ako kung nasaan si Gabriela Marshall ngayon.Sa isang iglap lang ay nasa skwelahan na nila ako sa Nuevo Pacto- ang lugar kung saan hindi gumagana ang ano mang itim na kapangyarihan. Alam kong may kinalaman dito si Sandrex Aragon. Nang nalaman niyang anak niya si Faith ay natutong lumaban ang taksil. Nag-aral siya ng iba't-ibang ritwal at pag gamit ng halamang gamot sa tulong ni Gladys Ortega. Kung inaakala niya ang kayang pigilan ng halamang gamot ang kapangyarihan ko ay nagkakamali sila, ako ang
In Limbo Agad nanginig ang kamay ko nang makita ang kalagayan ni Gabby. Napuno ng dugo ang kanyang buong mukha at maging sa likurang bahagi ng kanyang ulo habang nakahandusay sa hallway. Sa likuran ko ay may babaeng nakahandusay din at mukhang wala ng malay. "Gabby..." natataranta kong tawag sa kanya. Natatakot din akong hawakan siya dahil baka mas lalo lang lumala ang kanyang sitwasyon. Pinilit kong mag-isip ng spell para makatulong sa kanya ngunit walang pumapasok sa isip ko. Sa huli ay napag desisyunan ko na lang na tumawag ng emergency hotline para makatulong sa amin. Nakompirma kong wala na ngang malay ang babaeng narito. Nang tinanong ako ng mga pulis kung ano ang nangyari ay wala akong maisagot. Maliban sa ngayon ko lamang nakita ang babaeng iyon ay wala rin akong maalala sa mga nangyari. Kanina lang ay nasa bungad ako ng La Verde tapos ilang oras lang ang nakalipas ay narito na ako sa aming paaralan. Alam kong sumanib sa akin si Tharia pero hindi ko naman akalaing may kaka
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa.Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamina ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan."Abehmo Lefan dieneries Sheron.""Abehmo Lefan dieneries Sheron.""Abehmo Lefan dieneries Sheron."Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang mapagtanto kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Isa itong sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin."Gising ka na pala, Tharia," wika ni Gabby na kadarating lang bitbit ang isang