HINAGPIS NI GANIA 1

 Isang napaka aliwalas na umaga ang nuoy bumungad sa tagapag-ingat. Samyo din nito ang malamig na hanging pumapasok sa loob ng kanyang silid na kung saan ay nag dadala at nag papakalat sa sariwang halimuyak ng mga bulaklak na mula sa labas.

Kaya nga nuong sandaling maaninag nya ang liwanag na ito ay napalingon siya sa kanyang kanan upang abutin ang kasuotan niyang nakatiklop sa ibabaw ng mesang pinaglalagyan ng pantalya.

"Lady Gania!!"

"Lady Gania"

Napahinto siya ng marinig ang medyo mahinang boses ng isang pakiwari niyay babae. Kung saan habang papalapit ito ay mas lalong lumalakas ang kanyang tinig habang sunod sunod na tinatawag ang pangalan nya.

Kakasikat pa lamang nuon ng araw, kaya labis siyang nag taka kung bakit may panauhin na agad na patungo sa kanyang dampa. Sapagkat ang madalas na ginagawa ng mga tao o nang bawat pamilya sa palasyo tuwing umaga, ay nag-aalay ng pasasalamat na muli silang binigayan ng panibagong araw.

Maya-maya pa ay bumukas nga ang pinto at dumungaw ang isang binibini

"Sabi ko nga bat naririto ka pa."

Ang bungad ng isang napaka gandang binibini sa kanya habang tangan ang matamis niyang ngiti. Nakasuot ito ng pambalabal na abot hanggang sakong ang haba, ito ay hinabi sa tela ng enkahe na may iba't-ibang uri ng disenyo sa laylayan, makikita rin ang mga binurdang bulaklak na may maliliit na palamuti sa gitna nito, ganun din ay makikita ang isang gintong kulindang na nuoy humulma sa kurbada ng kanyang bewang.

Nakasuot sya ng panyapak na hinugis mula sa mamahaling kahoy,may nakaukit ditong talulot ng sampaguita upang maging kabuuan nitong disenyo. Ang panyapak na ito ay kilala sa pangalang "BAKYA".

Nakapusod din nuon ang buhok ng binibini kaya naman makikita ng maaliwalas ang kanyang magiliw at maamong mukha, mapapansin din ang kanyang mga namumulang pisngi at mga labi na tila ba mga bagong bukadkad na bulaklak. Bukod pa dito ay humulma rin ang ganda sa kanyang mukha dahil sa hikaw na nuoy yari sa pinag halong ginto at dyamante, kasabay ng palamuting ginto na nakasuksok sa kanyang buhok na may palawit na umaabot sa likod ng kanyang tenga. Ito ay isang pag kakakilanlan na siya'y mula sa sagradong angkan.

"Mahal na Prinsessa"

Ang pabiglang tugon sa kanya ng tagapag-ingat. Habang iniiwas ang mga mata niyang namumugto. Samantala, umupo naman ang prinsessa sa tabureteng naka pwesto sa durungawan ng silid at duon ay pikit mata niyang nilalangahap ang hangin habang bahagyang idinungaw sa labas ang kalahati ng kanyang katawan.

Sa kanilang tatlo, ang prinsessang Damina ang mahilig gumawa nito,minsan ngay nauubos ang kanyang oras para lang namnamin ang halimuyak ng paligid, at ito ay dahil sa malapit ang damdamin niya sa kapaligiran na syang nag papagaan Ng kanyang pakiramdam. Sa kabilang banda naman, ay napatayo ang tagapag-ingat at itinuloy ang pag suot sa kanyang kulay puting kasuotan panloob, dahil bago isinusuot ang pambalabal ay may isa pa munang kasuotang ipinanduduble dito.

Kasabay nitoy itinali niya ang kanyang buhok atsaka bago nag utos sa kanyang mga tagapag lingkod ng tsaa para sa kanila ng mahal na prinsessa.

"Nagambala ko ba ang iyong pamamahinga Lady Gania?,"

Ang tanong nuon ng prinsessa bago ito lumingon sa tagapag-ingat at saglitang itinigil ang kanyang ginagawa, subalit sa halip na sumagot ay umiling lamang si Lady Gania, kaya naman babalik na sana nuon ang prinsessa sa kanyang ginagawa nang may bahagyang pumukaw sa kanyang pansin, kaya naman napahinto siya at tinitigan sa mga mata ang tagapag-ingat.

"Anong nangyari sa iyong mga mata Lady Gania!?" Tila ba kagagaling mo lamang sa pag tangis!!? Ikaw bay may dinaramdam?"

Tanong Naman ng prinsessa na nuoy bakas ang pag tataka at pag-aalala sa kanyang mukha. Sapagkat, matagal na silang mag kakilala nito at batid niya kapag may suliranin ang tagapag-ingat, dahil hanggat maaariy pipilitin nitong itago ang nararamdaman para lamang hindi manggambala ng iba. Hindi katulad niya na palaging sa tagapag-ingat tumatakbo kapag mayroon itong dinaramdam.

"Wa-wala po ito kamahalan!!"

Nung mga sandaling iyon napatayo ang tagapag-ingat para ikubli ang kanyang mga mata at kasabay ng kanyang pag tayo ay tama namang dumating ang tagapag-lingkod na may dala ng tsaa. Kaya naman nagkaroon siya ng aliba'y na ibahin ang usapan.

              *****FLASH BACK*****

LADY GANIA POV

  "Bakit tila maalinsangan ang hangin na pumapasok sa aking silid"

Tanong ko nuon sa aking sarili habang hawak ang pamaypay na yari sa abaniko. Gayunpaman, hindi ko parin natiis ang sobrang init sa paligid kaya naman lumabas ako ng aking dampa upang lumanghap ng sariwang hangin, at dahil nga sa nakalubog na  ang araw, ay wala ng mga tao na makikita sa paligid at dahil dito'y mapapansin Ang katahimikan nito.

Kaya naman napag isip-isip kong mainam ito na pag kakataon upang  samantalahin ko ang aking pamamasyal.

Kaya't nag pa-ikot-ikot ako sa pasilyo ng palasyo. Papunta, pagbalik, at pa-ikot, Yan Ang aking ginagawa. Isa pa ay ginagawa ko rin ang tulad sa ginagawa namin nuon ng Mahal na Prinsessa at prinsipe, at ito ay ang pag habol sa aming mga anino.

Nung mga sandaling iyon, ay bahagya akong napahinto nuong maalala ang mga kapilyuhang ginagawa namin nuon habang nag sasanay kami.

Kaya naman, bahagya akong napapangiti dahil sa mga ala-alang yon. Kasabay nito'y parang may kakaibang lungkot akong naramdaman, at ito ay dahil siguro sa napakabilis ng panahon at Ngayon ay bibihira nalang kami mag kita dahil sa mga tungkulin namin sa palasyo.

Makalipas ang ilan pang sandali habang nakaupo ay napaikot ang aking tingin dahil sa hindi maitatangging ganda ng mga lamparang nag liliwanag sa bawat pasilyo. At maya-maya pa ay napa yakap ako sa aking mga braso nuong maramdaman ang lamig ng hanging dumampi sa aking balat. Kaya naman nag pasya na sana  akong bumalik ng aking silid, subalit ng bahagya akong tumayo ay napansin ko ang isang lalaking nakasuot ng pang karaniwang kasuotan ng isang Waya na nag sasagawa ng pag-aalay. At dahil nga sa angking liwanag ng buwan na syang nag bigay rin dagdag na ilaw sa paligid ay nagawa kong mapag tanto kung sino ang lalaking paparating.

"Hi-hindi ba't si Punong maestro ang matipunong lalaking iyon"

Sambit ko sa aking sarili, habang nuoy kumukubli sa haliging yari sa pakwadradong kahoy. At dahil nga sa labis na pag kainip ay sinundan ko nalamang ang punong maestro sa gawing kanyang pupuntahan, subalit habang sumusunod ng palihim, ay napapansin ko na ang mga pasilyong aming dinadaanan ay patungo sa silid ng Hari. Kaya naman napahinto muna ako sandali upang pag masdan kung sa silid nga ba ng Hari ang tungo ng punong maestro. At mula nga sa malayo ay Nakita ko ngang huminto siya saglit sa tarangkahan ng silid ng Hari.

"Kamahalan, naririto po si Punong maestro Pitan"

Ang rinig kong abiso ng tagapag bantay na nuoy nakatayo sa labasng tarangkahan ng silid, at hindi pa lumipas ang sandali ay pumasok na nga ang punong maestro sa loob.

Nung mga sandaling iyon ay nakaramdam na ako ng pag-aalangang sumunod. Sapagkat, natatakot akong may makita sa akin at baka isipin nilang  pinag mamatyagan ko ang Mahal na Hari, Kaya naman aakma na sana ako ng hakbang paalis.

Gayunpaman, tila ba may nag uudyok sa aking mga paa na sumunod sa maestro, Kaya nga tahimik at dahan-dahan akong lumapit sa silid ng Hari at dahil sa napaka rami ng bantay sa paligid ay nagawa kong magkubli sa malalagong halamanan hanggang sa maka tungo ako ng tuluyan sa tarangkahan ng silid.

Habang nag mamasid ay napansin kung pumasok sa loob ang tagapag bantay, Kaya naman nag hintay pa ako ng ilan pang sandali.

Maya-maya ay lumabas na ang tagapag bantay, at upang hindi ako mapansin ay nagawa kong sumiksik sa matayog na halaman upang duoy mag kubli, subalit pag labas ng tagapag bantay ay dire-diretsyo lamang itong lumakad palabas ng pasilyo.

Kay dahil sa wala nang nag babantay sa tarangkahan ay lumabas ako mula sa aking pinagkukublihan atsaka itinapat ng bahagya ang aking tenga sa tarangkahang yari sa kawayang pinag habi upang maging pan dingdong sa silid at duon nga'y naririnig ko ang kanilang pag-uusap.

At base sa aking naririnig ay wala naman silang pinag uusapan kundi ang pag mungkahi sa prinsipeng si shattu, na nitong umaga lang ay naganap ang pagtakda sakanya bilang bagong tagapagmana ng korona.

Ang totoo'y marami na ngang nakakaalam nito, at dahil sa biglang pagpapasya ng Hari ay marami ring nagugulumihanan dito. Ang iba naman ay nag salungat sa kanya, subalit kahit anu-anu paman ay wala parin silang nagawa sa naging pasya ng Hari.

Habang nakikinig ay napapansin ko ang aking sarili na tila ba sumusuway ako sa alituntunin ng palasyo ay naisipan ko na ngang itigil ang pakikinig.

 Kaya naman bahagya akong humakbang upang umalis na sana, subalit napa tigil ako ng marinig ko ang biglaang pag banggit sa aking pangalan.

At dahil nga sa nag tataka ako at nais kong alamin ang kanilang pinag-uusapan patungkol sa akin, ay nadala narin ako ng aking kyoryosidad kaya bumalik ako sa tarangkahan upang makinig.

"Kung ganun nga kamahalan bakit nakaulat din dito sa inyong kautusan ang taga pag-ingat na si LadyGania?."

Ang nuoy narinig Kong tugon ng punong maestro,habang rinig ang naguguluhan nitong reaksyon dahil sa tono ng kanyang boses.

" Nais kong ilihim mo ang bagay na ito Pitan"

Mahigpit naman na utos ng Hari na para bang naninigurado. Kaya saglit akong napatanong sa aking sarili, kung anu nga kayang bagay ang ikinagulat ng punong maestro.

Maya-maya pa ay narinig kong sumagot ang punong maestro, subalit Hindi ko iyon binigyan ng pansin, sapagkat ang nais ko ay malaman kung anu ang bagay na nais ng Hari na ilihim ng Punong maestro.

"Si Lady Gania, ay isang Libanag."

Ang rinig kong tugon ng Hari.

LI-LIBANAG!!!!

A-anu!?

I-i-a-sa  a-a-akong Li-libanag!!?

Bigla namang tumahimik sa loob ng silid. Subalit Ilan pang sandali ay nag simula ng mag salita ang Mahal na Hari, at duon ay isinalaysay niya na akoy nakita lamang niya na nakabalot sa tela atsaka iniwan sa batuhan, at ang singsing na pendant na nuoy nakakwentas sa akin ay isang patunay na akoy nag mula sa bayan ng Libania, ang anak ng Isang Pinunong mandirigma sa kaharian ng LIBANIA.

Nuong mga sandaling yon ako'y  tila ba nanghina dahil sa hindi makapaniwalang reaksyon. Hindi ko alam ang aking gagawin aalis ba ako o papasok ako sa loob ng silid, naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan habang ang aking mga paa, ay tila nakapako na sa aking kinatatayuan.

"Ah-anu Ito!!!".

Ang tanging salitang aking nasambit atsaka napadausdos akong nahalumpasay sa sahig habang ramdam ang halo-halong emosyon.

Bahagya akong napatulala habang nuoy hindi namamalayan ang labis labis at walang patid na pag tulo ng aking mga luha. Tila ba sasabog ang aking kalooban sa katotohanang aking narinig, kaya habang nakahalumpasay ay iniangat ko ang aking mga binti atsaka ko ito ginapos ng pagyakap, subalit upang makaiwas sa tawag pansin ay inangat ko ang aking kanang braso atsaka inilapat ang aking palad sa bibig ko upang maikubli ang ingay na sanhi ng aking pag luha, saka ako tumangis ng tumangis.

Ilan pang sandali ay napansin kung may papalapit sa aking kinaroroonan at nang ituon ko ang aking pansin ay nakita ko na ang prinsipeng si shattu ang paparating.

Kaya nga agad akong tumayo upang makapag kubli, subalit dahil sa pagmamadali ay bahagya kong nasagi ang isang pilak na plorera na nuoy pinag lalagyan ng mga bulaklak, kaya nalaglag ito na naging simula ng malakas na pag ingay.

Sa kabilang banda ay nakita kong malapit na ang mahal na prinsipe, habang nararamdaman ko rin ang yapak mula sa silid na tila papalabas din ang tungo, kaya naman agad kong ibinalik ang plorera atsaka agad na nag kubli,tama namang lumabas ang punong maestro mula sa silid kasabay din ng pag dating nang prinsipe.

  *****END OF FLASH BACK*****

"Lady Gania, sigurado kabang ayos ka lang? Tila Kasi may dinaramdam ka!?".

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status