Chapter 1

“Oh my gosh, Regina!” Sigaw ng kaibigan nitong si Jazy na hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman. “Wait, you mean he grabbed your arm?” Sa sobrang kilig ay hinampas pa nito and balikat ng kaibigan.

Kahit natatawa ay tumango si Regina at pabalik na hinampas ang balikat ng kaharap. Dahil nagbubulungan lang ang mga ito ay pilit na inilalapit ni jazy ang kanyang tenga sa bibig ng kaibigan upang mas marinig pa ang sinasabi nito. 

“Lakasan mo naman, kahit langgam hindi maririnig ‘yang sinasabi mo.” Pagrereklamo n’ya. Hindi sila makapag-usap ng maayos dahil nasa trabaho ang mga ito.

Bahagyang kinurot ng dalaga sa tagiliran ang kaibigan at inalala ang mga nangyari noong araw ng insidente.

‘I really think we’ve met before.’ 

‘I’m sorry, but I think you got the wrong person. This is the first time I’ve seen you.’

‘Okay, yeah, I must have mistaken you for someone else. Look at you, you got hurt. Here, this bandana could help prevent the bleeding.’

Napatigil sa pag-iisip ang dalaga ng maalala ang nangyari. “Wala naman, tinali n’ya lang ‘yung bandana n’ya sa braso ko. That’s it.” she answered and turned to check the passengers on board. 

“Anong wala naman? That’s it! Yung tinanggal n’ya yung bandana n’ya tapos s’ya pa mismo ang nagtali sa braso mo. Nakakaloka ka!” sabi ni Jazy habang pinipigilan ngumiti.

“Shh,” Pag senyas ni Regina sa kaibigan dahil napapansin na ng mga pasahero ang pag-uusap ng mga ito. “Ano ka ba, that was half a year ago.”

“Exactly! It was just six months ago, but didn’t you say it felt just like yesterday?” 

Hindi na n’ya sinagot ang kaibigan at pinanlakihan ito ng mata, dahilan upang matigil ang kanilang pag-uusap. Mabilis naman itong naintindihan ni Jazy ngunit kinikilig pa rin ito dahil sa nangyari sa kaibigan.

Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at napaisip, tama nga naman ang sinabi ng kaibigan, parang kahapon lang nangyari. Kita padin kasi ang kanyang peklat sa braso. Buti na lang kahit papaano ay epektibo ang cream na pinapahid n’ya kaya hindi na gaanong napapansin, maliban na lang kung matitigan ito ng malapitan.

Pagkatapos asikasuhin ang mga pasahero na sakay ng eroplano ay bumalik ang dalawa sa kanilang upuan. She’s a flight attendant and their group flew mainly to countries like Japan, Thailand and this time, to Korea. They were excited, as they were given two weeks to wander around the country. Bihira lang ang ganitong pagkakataon sa kanila kaya naman nilubos na ng dalawa ang kanilang mga aurahan. 

She isn’t a kpop fan pero nakapanood naman ito ng mga koreanovelas, isa pa kailangan n’yang umattend sa isang fan sign event ng isang grupo ng kpop dahil nakapangako s’ya sa kanyang nakababatang kapatid. She slowly closed her eyes to escape time, remembering the conversation she had with her sister.

‘Ate, I think I can’t attend their fansign event. May exams po kami. Can you do it for me instead?’ 

‘Me? Saan ba yan? Malabo ‘yan kapatid. You know ate’s work naman diba? ‘

‘I know, but if you have time, please go there for me. They need to read and sign my diary, please?’

‘Okay, I promise.’

‘Yehey! Ikaw talaga ang pinaka the best na ate in the universe!’

“Cabin crew, please take your seats for landing.” Nagbalik-tanaw ang dalaga dahil sa narinig na announcement ng piloto.  

Napakabilis ng oras.Hours passed, and they safely landed at Gimhae International Airport. The pilot also telephones the passengers at the departing airport to inform them they have arrived. 

Excited and magkaibigan na pumunta sa kanilang hotel at mabilis din na lumabas. Kahit pagod ay nagpapicture pa ang mga ito sa ilang magagandang istruktura na kanilang nadaraanan. Isa pa ay hinahabol nila ang isang event na malapit ng mag-umpisa.

“Sandali Jazy, dito ba yun?” tanong ng dalaga habang inililibot ang tingin sa paligid. “Ang daming tao!” 

“Oo dito nga ‘yun. Grabe sa dami ng tao ha? Lahat ba makakalapit sa kanila? “Tinutukoy nito ang daan-daang tao na naghihintay sa isang venue.

“I don’t know. Teka, ano bang ginagawa sa fansign?” Muling ibinalik ni Regina ang tingin sa paligid at napadako ang tingin sa grupo ng mga kalalakihan na naka-upo sa harap. 

“Loka, fansign. Edi pirmahan ang ganap dito girl!” Agad naman silang natawa. Neither of them has attended a fansign event hindi lang dahil sa hindi sila maka-kpop, but they have tight schedules as well. 

Malayo layo pa bago sila makarating sa grupo nang may isang babae ang napahiyaw ng malakas. All of them looked at the lady, who was a kind of wet. May bata palang naglalaro ng inuming tubig at hindi sinasadya na matapon ito papunta sa babae.

Jace, who was a foot away from the girl, looked at the lady, too. He thought of giving his coat, but a lady ran toward the other girl and offered hers. 

‘Our fans are thoughtful.’ he said in his mind and smiled. Pero agad na napabalik ng tingin ang binata sa dalaga. ‘She looks familiar.’ He thought. 

Nawaglit naman ito sa isipan ng binata at bumalik sa pagpirma. All their fans were very happy and pleased to see them in person, ang mga iba ay nagpapirma ng cd’s, ang iba ay may dalang regalo habang ang mga iba ay nakikipag kulitan. It was nearly three in the afternoon and the last row was now ready. 

“Huy, bilisan mo ha?” paalala ni Jazy sa kaibigan dahil nababagot na ito kakahintay. “Atsaka, iwan mo nga ‘yang pinya, mamaya ka na kumain, nakakaloka ka.” 

Natatawa naman itong tumango at excited na naglalakad papunta sa grupo dala ang paborito nitong prutas. Nang makalapit ay inilabas nito ang diary ng kapatid. Every page has their own names at may mensahe ang kapatid para sa kanila. Her sister also wanted them to sign each page. 

Isa-isa n’yang linapitan ang mga ito. The first guy looks like a character that came out from manga. Hindi nya expected na kung ano ang nakita nya sa litrato sa diary ng kapatid ay ‘yun din sa personal. 

The second guy looks so sweet, he fits your typical korean-drama male lead, gwapo. Nakangiti ang dalaga ng makita nyang binabasa nito ang diary at pumirma, sunod ay sa pangatlong binata ito pumunta. He’s pale, and he glows. He has this fierce glare. It’s almost like he’s daring you to pick a fight with him. Pero pag ngumiti ay napaka cute na parang pusa. 

The fourth one seems so bright, energetic and so charismatic and always had a huge smile. Palangiti ito kaya naman maski ang dalaga ay nakatitig dito. He’s not that photogenic in photos pero sa malapitan ay masasabing malakas din ang charisma ng lalaki. 

Moving on to the fifth person, he looks like the boy-next-door in a very pretty but non-threatening way. Yung bang pag hinamon mo ng away ay hindi ka nalang n’ya papatulan. The sixth person looks intimidating and attractive, nawala naman ang kaba n’ya ng ngitian s’ya nito lalo na’t lumabas ang dalawang dimples ng kaharap na binata. ‘Ang gwapo!’ sabi nito sa kanyang isipan. 

Hindi n’ya akalaing napakaraming kaganapan sa event na ‘yun. Medyo nahihiya nga ito dahil s’ya lang ata ang walang iniabot na regalo o kahit ano sa mga lalaki. Pagkadating nito sa huling binata ay agad n’yang ibinigay ang diary ng kapatid. 

“Hi, this is my sister’s diary. She has a message, and she wants you to sign on this page, please. Thank you.” Napaka pormal n’yang sabi. Dahil sa gutom ay naalala nito ang hawak na prutas na hati-hati at nakalagay sa isang styro cup. 

‘Hindi naman siguro nila mapapansin kung susubo ako.’ Napalunok ito. Hindi pa bumubukas ang kanyang bibig ay napansin nito na nakatitig ang lalaki sa kanya. Maya-maya ay tinitigan ng binata ng diary at ibinalik ang tingin sa kanyang hawak na prutas habang nakakunot ang noo.

“Ah, this… is for you.” Kinabahan ito ng bahagya dahil baka hindi sya makakuha ng pirma kaya labag sa loob n’yang ibinigay ang hawak. “F-Fruits are good for your health.” nahihiya n’yang sabi. She saw a slow smile working its way across his face and into his eyes.

“What happened to your arm?” the guy asked. She knows that he’s talking about the scar on her left arm. It was about an inch kaya siguro mejo napansin nito. 

“Oh, this? Nothing.” She smiled. Alangan namang sabihin nyang dahil sa kagagahan kaya nasugat s’ya. 

Nang makitang pirmado ang mga pahina ay muling nginitian ni Regina ang binata atsaka nagpasalamat. Hindi n’ya alam kung paano magpaalam sa isang fansign event kaya naman basta na lang ito kumaway at naglakad paalis. Masaya nitong ibinalik sa bag ang diary at tsaka lamang nito napagtanto na umuulan na pala at malamig ang simoy ng hangin. She sighed in dismay. Nagsisisi itong ibinigay n’ya ang kanyang coat sa babae kanina. 

“Ano na Ms. Alterro, nilalamig ka na ba? Kung hindi ka ba naman kasi nag ka superhero edi sana may coat ka pa na suot.” Pang-aasar ng kaibigan. “Buti sana kung may lalaki ang magbibigay sayo ng Jacket tapos mag slo-slow mo ang paligid.”

Regina pouted back and rolled her eyes. Masyado na yatang naadik sa pagbabasa ng nobela ang kaibigan. They were about to step out of the building when Regina felt a thing on her shoulders. Bigla itong nagulat at lumingon para hanapin ang tao but to her surprise, no one was around. Even her friend was shocked. 

“Ang taray, ano to magic coat? Bigla biglang dumarating. May nakarinig ata ng sinabi ko kanina ah?” Komento ni Jazy. 

Bigla nalang may nagsuot sa dalaga ng itim na coat, tingin nya ay galing sa lalaki ito dahil sa pabango at disenyo ng kasuotan. Ngunit hinayaan n’ya lang itong nakasoot sa kanya, kahit papaano ay naibsan ang ginaw na kanyang nararamdaman. 

Since they are in Busan, they asked some netizens for a famous coffee shop and they were directed to a cafe named Magnate. Hindi na nagsayang pa ng oras ang magkaibigan at mabilis na naglakad palabas ng venue.

“Ang ganda!" Sabi ng dalawang dalaga. Agad silang umorder ng kanilang favorite specialty coffee. ‘Espresso!’

Regina still felt cold when she suddenly remembered a thing in her bag. Agad nitong kinuha ang puting bandana at dinisenyong tinali sa leeg, seems okay naman since he’s wearing a black coat and inner white top. Mas lalong nabawasan ang lamig na nararamdaman nito. 

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang order, pansin naman nitong tinitigan s’ya ng waitress na parang may mali sa kanya. With her left eyebrows raised, the server was looking at her from head down to her toes.

“Are you okay? Is there anything wrong?” she asked politely. Binawi naman ng babae ang tingin at humingi ng paumanhin. 

“Hey! Iyan ba yung binigay sayo nung guy sa Coron?” Jazy was talking about the bandana. 

“Ha? Ah oo. Nakita mo ba yung tingin ni ate girl? Do I look weird wearing these?”

“No, it looks good naman ah? Ang ganda mo kaya.” 

Regina has bushy brows, long natural curled lashes, almond eyes, pointed nose, natural lips that match her glowing light morena skin and wavy hair, hindi naman maikaka-ilang maganda talaga ito. But there is one thing that she lacks, it’s her height. She’s only five-four. 

It’s past six in the evening and they haven’t yet gotten back to the hotel room. 

“Reg, what if palipas muna tayo dito sa cafe? Ang lakas kasi ng ulan.” her friend suggested, to which she agreed.

Since the cafe closes at seven in the evening, they asked the owner if they could stay for another hour. Total ay mukha namang mabait ang may-ari.

Meanwhile.. 

“Hey, aren’t you going back to the hotel?” tanong ng isa sa mga kagrupo ni Jace. 

“I’d be visiting the cafe. See you at the hotel.” Paalam nito. He knows that the shop closes at seven kaya alam n’yang wala ng tao doon and he could freely visit his dad since he hadn’t seen him in a while. But he was wrong. As he walked inside, a familiar figure was there standing and talking to the old man.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status