Share

Kabanata 21: Ang prinsesa at mga mangkukulam

Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan.

Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak.

Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. 

Nagsitayo ang silang lahat...

"Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.

" Parang tunog ng mga ibon ngunit hindi pangkaraniwang tunog ang naririnig natin." Sabi ng isang babae.

"Malamang pinadala sila ng bruha." Sabat naman ni Robert.

" Ano na gagawin natin Cal?" Muling tanong ni Tin kay Cal na katabi niya sa upuan. Muling nakaramdam ng takot si Tin ng mga sandaling yun.

Hinaplos-haplos ni Cal ang buhok ni Tin tsaka nagsalita.

"Wag ka matakot Tin at hindi nila tayo makikita dito basta wag tayo gumawa ng ingay upang di nila tayo marinig." Wika ni Cal.

Bakas ang takot sa mukha ni Tin.

"Pe....pero nasa labas pa sila. Pa...paano na tayo? A...ayaw ko pang mamatay!" Wika ni Robert na natataranta na. Di naman gaano kalakasan ang boses niya kaya di pa rin siya maririnig ng mga mangkukulam na nasa labas.

" Huminahon ka, hanggat wala silang naririnig na ingay ay hindi ka nila pupuntahan." Sabi ng isang babae na naiinis sa kinikilos ni Robert. 

Napatinigin sa isang babae si Robert na tila napahiya ito. Inayos ni Robert ang kanyang salamin saka ito naupo. Pagkaupo ni Robert ay bigla naman tumayo si Lero at nagtungo sa sala kung saan naroon ang matanda. Sumunod na rin ang lahat papunta sa sala ng di nagkakaroon ng kahit anong ingay.

Nang makarating sa sala ay nadatnan nila ang matanda na nakaupo malapit sa may bintana at nakatingin sa nakasarang pintuan. 

"Lola, alam nyo po kung ano yun." Tanong ni Cal.

Napatingin muna sa taas ng bubong ang matanda bago sinagot ang tanong ni Cal. Napahawak pa ito ng mahigpit sa kanyang baston na may kunting panginginig dahil sa katandaan. 

"Isa yung mangkukulam, isang kalahating ibon at kalahating mangkukulam. Sila ay nagpasakop sa kadiliman upang lalong maging malakas. Ngunit ang kanilang mga mata ay nanatiling madilim subalit malakas ang kanilang pandinig. Kumpara sa ordinaryong mangkukulam, sila ang pinakanakakatakot sa lahat kapag iyong nakaharap." Paliwanag ng matanda.

Biglang kumalubog ang pintuan at napatahimik ang lahat. Nagtipon sila sa isang sulok at di kumibo. Napahawak Si Tin sa braso ni Cal/prinsesa samantalang ang iba ay huminahon lang sa isang tabi at inaantay na umalis ang mga mangkukulam. 

Nang tumigil ang mga ingay sa paligid ay napatayo ang matanda ng dahan-dahan dahil hirap na rin ito sa pagtayo. Inalalayan naman ni Lero ang matanda sa puntong yun.

"Lola,  alalayan ko na po kayo. " Wika ji Lero na biglang hinawakan ang isang kamay ng matanda at nakaalalay sa balikat. Napangiti ang matanda sa kanya.

"Salamat..! " Sabi ng matanda sa kanya at ngumiti ng bahagya. 

Tumingin ang matanda sa kanilang lahat tsaka ito nagsalita. 

" W*.... W*g ka...kayo mag-aalala at hindi sila basta-basta ma..makakapasok sa bahay na ito da..dahil sa mga ginawa kong pa..panlaban sa kanila." Sabi sa kanila ng matanda na nauutal pa ito sa pagsasalita.

Tumingin sa paligid ang lahat maliban sa dalawang babae at ang matanda. Nakita nila ang mga orasyong papel na nakadikit sa bawat paligid ng bahay. Napansin din nila ang bawat sulok ay may mga asin at bawang at iba pang panlaban sa mangkukulam o sa kahit ano mang nilalang. 

Habang abala ang iba sa pagmamasid sa paligid ay naisipan naman ni Robert na lapitan ang matanda. 

"Lola, sabi nyo po pandinig lang ang meron sila at di sila nakakakita?" Tanong ni Robert sa mahinang boses.

" Tama ang narinig mo at sadyang nabulag sila dahil sa retwal na ginawa sa kanila upang pagsamahin ang dalawang nilalang sa isang katawan." Paliwanag ng matanda.

Muling kumalabog ang pintuan.

"Manahimik na muna tayo." Sabi ng isang babae na katabi ng matanda.

Tumahimik na muli ang lahat ng mga oras na iyon at inantay na lamang nilang makaalis ang mga nakakatakot na nilalang. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay biglang nahagip ng kamay ni Tin ang isang lampara kaya nabasag ito na nagbigay ingay para marinig sila ng mga mangkukulam.

" Naku, yung apoy...! Patayin nyo..!" Sabi ng matanda.

Agad naman kumuha ng tubig si Lero at sinabuyan ang apoy para di kumalat. Narinig ng mga mangkukulam ang ingay sa isang silid na kanilang kinaroroonan kaya nagsipuntahan ang mga ito kung saan nanggagaling ang ingay. 

"Narito na sila...! Magmadali kayo..!" Sigaw ng isang babae sa kanila na nauna ng pumunta sa isang sulok para magtago. 

Sinabuyan na ni Lero ang apoy na nagliliyab at laking pasalamat nila ng mapuksa ang apoy ngunit nasa panganib pa rin silang lahat. 

"Magtago na ang lahat...! Patayin nyo ang mga ilaw.! "Sabi ng isang babae. 

Malapit si Lero sa mga lampara at siya lang ang mabilis kumilos sa kanika kaya minadali niyang patayin ang mga ito. 

Nakatago sa bawat sulok ang lahat. Ang prinsesa/Cal ay natatakot para sa kaniyang mga kaibigan dahil hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa mga kaibigan niya. 

Kumalampag sa taas ng bubong ang mga mangkukulam. Ang iba ay nakapaligid sa bahay kung saan naroon ang prinsesa. Kalmado lang ang lahat ng mga sandaling yun habang pinanatili nila ang katahimikan sa paligid. 

Sa kabilang ibayo ay may babaeng sumigaw at narinig iyon ng mga mangkukulam kaya nagsilliparan ang lahat papunta sa kung saan. 

"Mukhang wala na sila. " Mahinahon sa sabi ni Cal na lumabas sa kanyang pinagtataguan.

Pinakinggan niya muna ang paligid kung nariyan pa ang mga nakakatakot na nilalang. Nang walang narinig na kung anong ingay si Cal galing sa labas ay lumapit ito sa pintuan para siguraduhin na umalis na talaga ang mga nilalang na yun. 

"W*...la na ba sila? " Tanong ni Tin na yakap-yakap ang sarili habang may kunting luha sa kanyang mga mata.

Tumingin sa kanya ang prinsesa/Cal..

"Sa tingin ko wala na sila kaya pwede na kayo lumabas. "Wika ni Cal.. 

Muling inalalalayan ni Lero ang matanda sa pagtayo at sumunod na rin ang iba sa pagtayo.    Pinuntahan agad ni Lero at ng dalawang babae ang mga lampara para sindihan upang magbigay liwanag sa paligid. Laking pasasalamat nila na di sila nakita ng mga mangkukulam at walang nangyaring masama sa bawat isa sa kanila. 

Sa kweba ng Gold queen ay bumalik ang kanyang mga alagad na mangkukulam.  Ibinalita nila sa queen ang nangyari.

"Patawad kamahalan at hindi namin nakita ang prinsesa. Ginalugad na namin ang bawat sulok ng lugar ngunit wala manlang kami narinig na bakas nila. " Pag uulat ng isang mangkukulam. Nakayuko ito at di makatingin ng diretso sa kanyang reyna. 

Galit na galit ang queen sa kanyang narinig...

"Mga walang silbi...! Bumalik kayo dun at hanapin nyo muli ang prinsesa..! " Sigaw sa kanila ng queen.

"Masusunod po kamahalan.. " Wika ng mangkukulam.. 

Umalis na muli ang mga mangkukulam upang muling hanapin ang prinsesa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status