Home / Fantasy / Secret door in the dark forest / Kabanata 5: Munting kaibigan

Share

Kabanata 5: Munting kaibigan

Author: Aya Lyka C.
last update Huling Na-update: 2021-10-11 14:41:24

"Callea.....Nasaan ka..! Callea...baby where are you? "Tawag sa akin ng dalawang pamilyar na boses. 

"Wait parang si mom at ate Tamie yung tumatawag sa akin.?" Sambit ko.

Hawak na hawak ko pa yung ubas sa kaliwa kung kamay. Di ko na rin kinain at nabitawan ko na lang ito. Nagmadali na akong umalis sa mga oras na yun ng bigla akong pinigilan ng babae.

"Sandali my dear, dalhin mo na lang itong prutas bilang pagwelcome ko sayo dito at para matikman mo na rin." Alok niya sa akin ng nakahawak siya sa braso ko habang ang isa kamay niya ay inaabot ang prutas sa akin. Nakangiti pa ito habang inaantay na tanggapin ko ang alok niya.

"Ahh sige po salamat." Kinuha ko na yung prutas tsaka na lamang niya ako binitawan.

Umalis na rin ako sa lugar na yun. Ngunit paglingon ko ay bigla itong naglaho. Napatayo ako sa tabi ng mga bulaklak, at iniisip kung anong nangyayari. 

"What's wrong mahal ko?" Pamilyar na boses mula sa aking likuran.

"Nothing's wrong mom?" Napatitig ako sa mga mata ng aking ina paglingon ko sa kanya.

"Bakit parang namumutla ka? Pagtatakang tanong niya sa akin. hinahaplos niya ang aking buhok at bigla akong niyakap.

Bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ko. Siguro ay napansin yun ng aking ina. Binitawan na niya ako sa pagkakayakap at hinawakan sa dalawang braso.

"Callea, kung ano man ang nangyari sayo kanina please ...wag mo na isipin yun." Habang hawak niya ang braso ko ng nakatitig sa mga mata ko na may pag aalala na parang may alam siya sa kung ano man ang nangyari sa akin.

"Pero mom..,yung nangyari kanina kasi hindi pangkaraniwan ang nakita ko?" Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko. 

"Tsaka itong prutas ohh bigay niya sa akin." Pinakita ko sa kanya ang hawak ko sa kaliwang kamay.

"Bitawan mo yan…!!" Pagkabigla niya sa nakita niya. Kinuha niya ito at itinapon sa di kalayuan. Nabigla ako sa ginawa niya.

Nakita ko ang takot sa mukha niya pero hindi ko mawari kong bakit. Napatigil ako sa ginawa niya at nagsimulang magtanong.

"Mom bakit mo naman tinapon eh gustong- gusto ko ang prutas na yun." Pagtataka kong tanong habang ang kanang kamay ko ay nakaturo sa kung saan itinapon ang bagay na yun.

"Wag na yun, Bibilhan na lang kita ng panibago at tsaka ko na papaliwanag sayo ang lahat." Ang sagot niya sa akin.

Natigil ang usapan namin ng matanaw ko si Dad papunta sa amin. Nauna na ako umalis sa aking ina at sinalubong ang ama ko.

"Hi Dad....lets go for breakfast." Hawak ko ang kamay niya papunta sa dining area. sumunod na rin sa amin ang aking ina.

Nakaupo kami lahat sa mesa at tahimik na kumakain. 

"Mom...Dad..pwede ko po ba gamitin ang sasakyan may pupuntahan lang po ako?" Nabasag ko ang katahimikan.

" Saan ka naman pupunta?" tsaka delikado kung aalis ka mag isa. Nalalapit na ang araw ng iyong kaarawan. Mas mabuting manatili ka na dito bago sumapit ang special na araw." Paghihigpit niya sa akin.

"Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. May dapat ba akong malaman? " Pagtataka ko na kinagulat nila.

"Sasabihin din namin sayo pero hindi muna ngayon." Ang sagot sa akin ng akin ina. 

Di ko na sinubukan magtanong ulit. Tumayo na ako at umalis. Parang papatak ang luha ko sa mga oras yun. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari na Tela may pahiwatig at di pangkaraniwan ang mga nasaksihan ko araw-araw. Pumunta ako sa aking silid at napabuntong hininga na lang. Di ko na rin sinubukang umalis.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking silid. Tela may nakatingin sa akin na di ko nakikita. Inikot ko ang aking paningin at tiningnan ang paligid at bawat sulok subalit wala akong nakita na kung ano man. 

"Alam kong nandito ka sa kwarto ko kaya magpakita ka na, di ako natatakot sayo.!" Pagalit kong binanggit ang mga salita.

Tanghaling tapat na sa mga oras na yun. Ilang minuto pa ay may napansin akong maliit na liwanag sa salamin. Para masigurado ko kung ano yun ay nilapitan ko ito. Dahan-dahan akong naglakad, kinuha ko na rin yung baso na nasa gilid ng mesa at notebook na katabi nito. 

"Huli ka!" paggulat ko sa kanya. 

Tahimik lang ang bagay na yun habang nakatingin sa akin. Napaupo na lang siya nung nahuli ko at di na sinubukan lumaban. Nilapag ko siya sa mesa at napaupo rin ako sa upuan. 

"Di ka pangkaraniwan lamang." Inilapit ko ang aking mukha sa kanya.

"Isa kang fairy tama.?" Wala pa rin siyang imik.

Sinilip ko muna sa labas ng aking silid kung may tao bago ko ito isara at nilock.

Nilapitan ko ulit ang bagay na yun. Napakaganda ng kanyang mga pakpak na may iba't - ibang kulay at mayroon siyang matulis na tenga, maganda at maamo rin ang kanyang mukha bilang isang fairy. Nag antay pa ako ng bahagya kung kailan ito magsasalita.

"Pa...pakiusap palabasin mo na ako dito mahal na prinsesa." Nagulat ako ng marinig ko ang pakiusap niya.

"Haha...Ano? mahal na prinsesa, ako. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Napatayo siya ng tinawanan ko ang sinabi niya.

"Ikaw nga ang aming mahal na prinsesa, kamahalan." Napayuko pa siya bilang pagrespeto na tulad sa hari at reyna.

"Paano naman ako magiging prinsesa ehh pangkaraniwan tao ang aking mga magulang.?" Napatayo ako at palakad-lakad.

"Palabasin mo ko dito at ipapaliwanag ko sayo ang lahat prinsesa." Pagmakaawa niya sa akin.

Nag isip muna ako kung papakawalan ko siya. Napatingin ako sa gawing bintana tanaw ang maaliwalas sa labas. Hanggang sa pinalaya ko siya sa kinalalagyan niya. 

"Ok, listen. Pinalaya kita hindi dahil naniwala ako sayo. Gusto kong mabigyan linaw ang lahat ng gumugulo sa aking isipan at sana ikaw ang makatutulong sa akin." Tinanggal ko yung notebook na nakatakip sa baso.

Nilapat ko sa mesa ang aking kanang kamay at bigla naman siya tumalon sa palad ko at umupo. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. 

"Ang ganda talaga ng buhok mo mahal na prinsesa." Papuri niya sa Mahaba kung buhok na may magandang pagkakulot.

"At ang ganda-ganda mo na maituturing special sa lahat." pagpatuloy niya.

Nginitian ko lang siya sa magandang papuri niya sa akin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 23: Ang pulang bato

    " Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 22: Ibon ng kamatayan

    Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 21: Ang prinsesa at mga mangkukulam

    Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 20: Paglalakbay

    "Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 19: Panganib

    "Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 18: kabilogan ng buwan

    Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status