XIX. DAAN...

"DAAN MUNA AKO sa inyo ha," sambit ni Yamilet na paika-ikang naglakad sa putikan ng kapatagan.

Mabuti na lamang tahimik ang kalabaw ni Mang Tonyo noong oras na iyon. Napansin kong pula ang kulay ng kanyang malaking wallet. Makintab ito at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. Madali iyon matatanaw ng kalabaw kahit ilang metro na ang layo.

"Bakit naman madam? Hindi ba may kukunin ka pang gamit?" Tanong ko sa kanya.

Kinakabahan ako kapag dumadaan ang sinumang tao o kakilala sa bahay nang wala sa tamang panahon at oras. Ito ay dahil may mga oras na magulo o maraming huhugasing kubyertos, plato't baunan sa kusina ng aming kubo. 

Sanay kaming pinaghahandaan ang pagdating ng mga inaasahang bisita. May oras kaming ilalaan sa paglilinis sa likod, gilid at loob ng bahay.

"Ay! Oo nga pala ano? Siguro, sa susunod na lang ng pag-uwi ko rito," sambit ni Yamilet na tila'y nagma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
DMCA.com Protection Status