VII. MAGING...

"MAGING AKO NGA hindi makapaniwala sa sinabi niya kanina!" Saad ko noon sa aming group chat.

Binalita ko na sa mga kasama ko sa ARC ang isang hindi kapani-paniwalang maaliwalas na wangis ni Bb. Ansel. Hanggang ngayon, hawak ko pa rin ang puting kaluping binigay niya kanina habang may programa sa labas ng bahay nila Hugo. Hindi pa rin ako makapaniwala! Totoo ba talaga ang nakita ko kanina? 

"Miming..." Tawag ko noon sa alaga naming pusa na noo'y nagpapahinga sa tabi ng higaan ko. "Pakalmot sana ako baka panaginip lamang ang nakita ko kanina. Baka nakatulog na pala ako kanina at ang diwa ko ang dumalo sa programa ni Gng. Sebastian".

Hindi ako pinapansin noon ni Miming. Inaantok na siya dahil napagod siyang tumakbo sa bubungan ng kapitbahay kanina.

"Himala! Paano siya pumayag?" Pagtataka ni Ranilo. 

Maging siya ay hindi naniniwala sa pinadala kong balita sa group chat kanina.

"Kalma ka na lang p're,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status