Share

Chapter 06: A Night With Him

Hindi ka dapat magpatalo sa kalungkutan. It can kill you inside. At kapag tuluyan ka na nitong sinakop, mahihirapan ka ng maging malaya muli. Tinignan ko ang lalaking kasabay ko sa paglalakad. He has soft features and can tease or laugh at me the whole day. But who wouldn't though that he hides enigmas. 

It must be so hard to fight. Tunay ngang hindi lahat ng masaya sa paningin mo ay masaya hanggang sa pag-uwi nila. 

He was there, he was always saving me from my fear but he was also there, finding someone who'll help him escape his cruel sadness. 

Sinong mag-aakalang ang isang katulad niya ay nakakaramdam ng lungkot? 

"Where do you want to eat?" He asked, I didn't answer instead I remained staring at him. Naglalaro sa utak ko kung paano niya nagawang maka-survive. Siya na rin mismo ang nagsabi, unti-unti na niyang natatanggap ang lahat ng mga nangyari ngunit hindi pa rin naman mawawala ang alaala na iyon, nasasaktan pa rin siya. 

Bumuntong hininga siya. "Fine, I'll tell you what exactly happened. Just, please, eat,” he begges. 

"Really? Tara na pala!" Nakangisi ko siyang hinawakan sa braso at hinila papasok sa loob ng Mall. 

"My treat," sambit niya, nagsalubong ang kilay ko dahil do'n. "E? Hati na lang tayo sa bayad." 

"I won't let you, ako na. " Hindi na ako nakaangal pa't dumiretso na siyang pumila. Nagtingin na lang ako ng aming mauupuan. I love to eat in fast food chains and so we didn't have a hard time choosing which restaurants to eat at. 

When I sat down, I noticed how some girls took a picture of him secretly, maski matatanda ay napapalingon sa kanya. He's tall and handsome, hindi na ako magtataka kung bakit gano'n. He stood out of the crowd. 

Nag-vibrate ang cellphone ko at kaagad ko itong dinukot mula sa bulsa. Sa lockscreen pa lang ay nakita ko na kung sino ang nagpadala ng text at tumatawag sa akin. 

From Mom:

Baka next week pa kami makauwi, we're having a great vacation here. 

Napailing ako. May business meeting at seminar silang pinuntahan sa ibang bansa, they said it will take three days bago sila makauwi ngunit ayon sila't nagpapakasaya. Bihira ko lang silang makita, sa isang buwan ay halos dalawang beses ko lang silang nakakasama. And add the fact that they still don't fully accept me. They often act like they treasure me when someone is around. 

"How sad." Napaangat ako ng tingin at doon ay naabutan kong nakadungaw si Xavion sa screen ng cellphone. Inilapag niya sa table ang tray at saka tumabi sa akin. 

Tumikhim ako. "Ayos lang, kaya ko namang alagaan ang sarili ko." 

"I don't believe you." Inilapit niya sa akin ang baso at nilagyan ng straw iyon, pinanood ko siyang ayusin ang pagkain namin. "Muntik mo na namang nalagay sa alanganin ang sarili mo. If it wasn't for me, sigurado akong hindi magiging stable ang nararamdaman mo." 

"How do you know?" 

"Alam ko lang." Nagkibit balikat siya. "Bakit hindi ka pa ipagamot ng parents mo?"

"They're too busy but this year, they told me about the therapy. Baka sa mga susunod na buwan ay sasalang na ako do'n." And they trust my bandmates, alam nilang mababantayan akong maigi ngunit kabaliktaran ang nangyayari. May mga gawain sila, mas priority nila iyon at naiintindihan ko rin kung bakit. 

Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa tabing dagat, isa sa mga resort na kilala sa loob ng SBMA. Medyo madilim na ngunit may liwanag na nanggagaling sa malalaking barko sa hindi kalayuan at hotels sa likuran namin. Umupo kami sa buhangin at doon tinanaw ang mahihinang hampas ng alon. 

"Do you mind telling me about your worries?" 

"Hmm." Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Napahawak ako sa braso at hinimas iyon upang painitin. 

Namilog ang mata ko nang simulan nitong tanggalin ang butones ng kanyang puting polo. 

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Pinilig ko ang ulo sa kabilang direksyon at saka hinarang ang kamay sa gilid ng aking mukha. 

Uminit ang pisngi ko dahil doon. I was also concerned about him. It's freezing and he might catch a cold. 

"Here." Binalot niya ang balikat ko gamit ang puti niyang polo. Hindi ko maiwasang makagat ang ibabang labi nang malanghap ang pabango niya. Hindi rin pinalampas ng isip ko ang init ng kanyang katawan. 

"Paano ka?" Muli itong bumalik sa pagkakaupo na para bang wala lang sa kanya ang lamig na bumabalot sa buong paligid. 

"Don't mind me, kaya ko ang lamig." Busog na busog ang mata ko nang lumipat ang aking paningin sa kanyang biceps at ugat sa braso hanggang kamay. 

I immediately avoided the view before he could even see me checking him out. We came here to unwind, to share secrets. We have no time for flirting. 

He cleared his throat. "My mom died because of cancer." 

Silence was between us and the tranquility was enough to devour the awkwardness between us. 

My lips parted and his statement made me looked at him again. Nakatungo lang ito sa langit, pinagmamasdan kung paano tuluyang lamunin ng kadiliam ang araw.

 Ilang segundo lang bago ito muling magsalita. 

"And then after a month, my girlfriend died, nabunggo ang kotse niya ng truck." 

Tila may dumagan sa akin na mabigat nang marinig iyon mula sa kanya. I felt a bang inside my chest. The pain I felt was slowly dominating me. 

Natikom ko ang bibig. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. I just sat beside him. Hindi ako marunong magbigay ng payo o mga salitang magpapagaan ng nararamdaman ng isang tao, ang tanging magagawa ko lang ay ang makinig. 

Pinapanood ko lang siya kung paano masaktan ng nakaraan. 

"Kahit ang Papa ko, iniwan ako," his voice cracked. Tila tumusok din sa dibdib ko ang sakit na nararamdaman niya. "He left us at sumama sa ibang babae, pera niya na lang ang sumusuporta sa amin."

Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon. Lumapit ako sa kanya at hinimas ang kanyang likod, kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam kong may karamay ito. 

He stared at me for a moment. Kumikislap na ang mga mata niya, ang mga nagbabadyang luha na kanina niya pa pinipigilan.

Naglaho ang kanyang ngiti. "Hindi na ako muling umiyak nang sobra pa noong pumuntang ibang bansa si Papa." Mapakla itong natawa. "I never thought I would cry again while I'm with you." 

"Minsan mo na rin akong sinagip sa mga kinakatakutan ko. I guess it's my turn to make you feel okay,” I whispered. 

Somehow, his story made me understand why he was acting like an asshole. His parent's forgot to give him enough affection. 

Napatawa na lamang ako. Pareho pala kami. Sabik sa pagmamahal ng mga magulang. 

We remained sitting on the sand for a couple of minutes before we decided to get back on the road. 

Nabigla ako nang bigla itong tumayo at naglahad kamay sa akin na maagap kong tinanggap. Pinagpagan ko muna ang palda at saka sumabay sa kanyang maglakad. I even saw him wiping his tears. 

"Saan na tayo pupunta?" I asked. 

"Iuuwi na kita." 

I can't prevent myself from surpassing a smile. He already said that twice and still, it gives me the same feeling. 

Tumango ako at sinabing ihinatid niya ako papunta sa penthouse. Habang wala pa ang mga magulang ko, doon muna ako tutuloy. Tutal ay wala rin naman akong kasama doon, baka bigla na lang akong magkaroon ng anxiety attack. 

Tumunog ng cellphone ni Xavion habang nagmamaneho. Hindi ko maiwasang tignan ang nakapaskil sa mensahe sa lockscreen nito. 

Galing iyon kay Collete. 

Kumunot ang noo ko, magkakilala sila? 

"What did she sent?" Kinuha ko ang cellphone niya at tinanong ang password. Pagtingin ko sa message ay kapansin-pasin ang pangalan ko sa text na nagmula kay Collete. 

Collete:

Tell Eve na wala kami sa penthouse, hindi ako uuwi ngayon, hindi ko alam kung makakauwi rin ang iba. 

Nanatili ang tingin ko doon. Inaasahan ko na makakasama ko sila, nakaka-miss na rin kasi ang mga bonding namin.

Sumiklab muli ang kaba ko. I placed my hand on my chest. I feel like they're avoiding me. 

"What's the matter?" Saglit na sumulyap sa akin si Xavion. 

"Ayaw ko munang matulog sa penthouse," pambawi kong sabi. Malakas akong bumuga ng hangin, sinusubukan na huwag mag-ingay. Kailangan kong kumalma. 

"Then we're going somewhere."

"Saan?" 

"My place." 

Tumango ako nang makapasok sa loob ng kanyang condo. May dalawang kwarto ito, kusina at malawak na living room. Kung ikukumpara sa penthouse ay parang mas mukha pang luxury ang condominium ni Xavion. Malinis at hindi katulad doon sa amin na natatambakan ng kalat.

"Nasaan ang mga kapatid mo?"

"Wala sila rito, ang Ate ko ay nasa Siargao at nakakasama ko dito sa Pilipinas."

Umupo ako sa malambot na couch at pinanonood siyang kumuha ng pagkain sa refrigerator. Inilapag niya sa counter ang dalawang ice cream cups at saka tinusukan ng dalawang stick-o. 

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama. Basta't hinayaan ko na lang siyang magmaneho. I suddenly feel safe around him. He's not a stranger to me anymore. I thought he was a jerk but I was wrong, I failed to seek what's inside him. 

"Ilan ba kayong magkakapatid?" 

"Anim, nasa Canada ang bunso habang nandito sa Pilipinas ang mga Kuya ko." 

Lumapit siya sa akin at inilahad ang isang ice cream cups. "Thank you." Tumitig lamang ito sa akin hanggang sa naumpisahan ko na ang pag-scoop. 

"How about you?" Nag-set siya sa malaking flat screen TV. 

I nodded. "Tatlo kami, sa condo tumitira ang isa kong kapatid ngayon." 

I was curious when he opened the Netflix. "Anong papanoorin natin?" 

"365 days." 

My eyes widened. Mahigpit kong hinawakan ang unan sa aking tabi at ibinato sa direksyon niya. I heard him chuckled and avoided the pillow. 

"Kidding." Nagtaas ito ng kamay nang akmang babatuhin ko siyang muli. Umirap na lamang ako.

Pareho kaming nakatutok sa movie nang magsimula ito. I'm drunk, I love you ang title ng film. 

"I think Carson represents you," aniya sa gitna ng aming panonood. "Hopelessly in love with her best friend." 

Hindi ako umimik. Pero iba ang idinulot ng kanyang salita sa akin. 

"Ilang taon mo na siyang minamahal?" He suddenly asked. 

"Almost four years." Sumubo pa akong muli ng ice cream. "Ikaw?" 

"Mahigit dalawang taon na yata, pero medyo maayos na ako, kung gugustuhin ko ay pwede na akong pumasok ulit sa isang relasyon."

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpapalitt-palit ng babae. Kung gusto niyang makalimot ay napakarami ng pagpipilian niya para magawa 'yon. 

It's funny how I see our situation. Pareho kaming sawi na kumakain ng ice cream ngayon at dinami-dami ng tao na pwede kong makasama, siya pa ang napili. 

“Haven't you tried moving on?” 

Mapakla akong tumawa. “Sinubukan ko.” 

“Pero?” dugtong niya habang nakatutok pa rin sa pinapanood. 

“Hindi ko nakayanan.” 

He scoffed. “Tanga mo.” 

Umiling-iling siya. Disappointed crossed his eyes, making me roll my eyes. 

“You're a woman, Eveone. And no woman deserves to be taken for granted.” 

Hindi na namin sinundan pa ang film, pagkatapos nito'y nagpadesisyonan na naming matulog. Madalas ay puro payo lang ang natatanggap ko sa kanya. Pilit niya akong ginigising sa katangahan ko. 

"Doon ka na sa kwarto ko matulog." Nagkamot siya ng batok. 

I hid my smile. "Bakit? Pwede namang doon na lang ako sa isa." 

"Maliit lang ang kama do'n, baka hindi ka makatulog." 

"Okay." Nauna akong pumasok. Hindi ko maisip na magsasama kami sa iisang kwarto. Mas lalo lang akong kinabahan nang walang makitang sofa, ibig sabihin lang no'n ay magkatabi kaming matutulog. Kasya nga kami sa kama, sobrang laki ng espasyo namin mula sa isa't isa kung magtatabi. 

"What are you doing?" Kumuha siya mula sa malaking cabinet ng puting kumot. 

"Uh? Para may magamit ako sa kabila?" 

"Hindi ka tatabi sa'kin? I thought.." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil napapikit na lamang ako sa labis na kahihiyan. 

Pagmulat ko'y suot niya na ang mapaglarong ngisi. "If you want me to then why not?"

"Just go!" Tinulak ko siya palapit sa pinto. Walang tigil ang paghalakhak nito na siyang mas lalong nagpainis sa akin. 

"Gusto mo pala akong makatabi, eh! Mapagbibigyan naman kita," mapang-asar niyang sabi. 

"Xavion!" Sinamaan ko ito ng tingin ngunit kaagad iyong naglaho nang mapanood siyang tumawa. Masarap pakinggan ang kanyang tawa at mas nagiging guwapo ito sa paningin ko. 

Habol niya ang hininga nang tumigil. Gano'n na lang ang pagkailang ko nang salubingin nito ang aking mata. "What?" 

Umiling ako. "Nothing, I just found you more handsome when laughing." 

Ang matamis na ngiting madalas ko nang makita ay bumagsak. Blanko itong tumingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit bumugso ang kaba sa aking dibdib. Panganib. 

Itinago ko ang kamay na nanginginig sa aking likuran, iniiwasan na masipatan niya iyon. Hindi siya dapat mabahala dahil sa akin. 

"That's the same words she said to me before she got inside her car." 

Matagal akong napatitig sa kanya. It took him seconds before forming a smile on his lips. 

"Matulog ka na, good night." 

Hindi na iyon nadugtungan pa dahil mas pinili niyang lumabas sa kwarto at iniwan akong gulat sa nangyari. 

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status