His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)
His Way to be a Perfect Wife (Tagalog Version)
Author: M.J Yuzon
His Way to be a Perfect Wife

"Life is unfair," yan ang katagang bumalot sa utak ko habang dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa pagtama ng isang rumaragasang sasakyan sa aking katawan.

Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang malaking metal na tumama sa kabuuan ng aking katawanan at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ako ng ilang metro.

"Ito na ba ang katapusan ko?" ang tanong ko sa aking sarili habang pilit na huwag mawalan ng malay.

"Diyos ko, buhay pa ba siya?"

"Anong nangyari?"

"Dali tumawag kayo ng ambulansya!"

Ilan lamang yan sa mga narinig kong sinabi ng mga taong nagkukumpulan sa paligid ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang naglaho ang ingay sa paligid at napalitan ng katahimikan, hindi ko mawari kung bakit bigla nalang tumahimik ang lahat. Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na mawala sa mundong ito ng hindi ko man lang naibigay sa mga magulang at kapatid ko ang marangyang buhay na ninanais ko para sa kanila.

"Ayoko pang mamatay, pakiusap ayoko pang mamatay," ang sigaw ng utak ko na wari'y humihingi ng tulong sa kung sinumang nakakarinig.

"Pakiusap," ang pagsusumamo ko, ngunit tila ba walang nakakarinig saakin.

"Ito na ba ang huli para saakin?" napatawa naman ako sa aking naisip, mukhang hindi na ata ako tatagal dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko at sa dami ng dugong nawala saakin.

"Diyos ko kayo na po ang bahala sa pamilya ko..." ang sabi ng utak ko habang pilit na inaabot ang langit at ilang sandali pa'y nawalan na ako ng malay.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lolly Usman Cruzado
please let me no what next steps
goodnovel comment avatar
Lolly Usman Cruzado
please let me know what you think
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status