LOGINSa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal ay excited na ibinalita ni Sarina Saavedra sa asawang si Damon Zamora na magkakaanak na sila. Pero sa halip na matuwa si Damon sa balitang buntis ang asawa ay naglapag pa ito ng isang tseke na naglalaman ng sampung bilyong piso para lamang ipalaglag ni Sarina ang bata. Sa gulat ni Sarina ay hindi lamang gusto ng asawa na ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Kasabay ng utos nito na ipalaglag ang sarili nitong anak ay naglapag din si Damon ng divorce papers para tuluyang tapusin ang kasal nila. Sarina badly wanted to keep their baby, so she decided to flee. Tinakasan niya ang asawang si Damon at ang masaganang buhay na nakasanayan niya sa piling nito at lumipad papunta sa bansang New York. Pagkalipas ng limang taon ay muling bumalik si Sarina sa Pilipinas kasama ang kambal na anak na pilit niyang binuhay lingid sa kaalaman ng asawang si Damon. Sarina is now a renowned doctor. Successful, confident at higit sa lahat ay wala na ang takot sa dating asawa. Hindi akalain ni Sarina na ang kambal na anak pa mismo ang gagawa ng paraan para mag-krus ang landas ng mga ito at ng ama. Nang makilala ni Damon ang kambal ay gusto siya nitong balikan at muling pakasalan para maging ama sa mga anak pero hindi nagdalawang isip si Sarina na tumanggi sa alok nito. “Dream on, Damon. Wala kang anak dito!” Malamig na singhal ni Sarina. At mukhang hindi lang si Sarina ang kailangang suyuin ni Damon. Mukhang pati ang kambal na sina Luke at Luna ay kailangan niyang suyuin dahil kagaya ng dating asawa ay kinamumuhian din siya ng mga ito.
View More“Bibigyan kita ng sampung bilyon, Sarina. Basta ipalaglag mo lang ang batang yan.”
Unti-unting napawi ang excited na ngiti sa mga labi ni Sarina nang narinig ang sinabi ng asawang si Damon. Humigpit ang kapit niya sa pregnancy test kit na hawak niya. Kasabay ng paghigpit ng kapit niya doon ay ang unti-unting paninikip ng dibdib niya.
She couldn’t believe it! Hindi siya makapaniwala na lalabas mismo sa bibig ni Damon ang mga salitang iyon. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.
“Anong sabi mo, Damon?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong niya habang titig na titig sa asawa. Parang pinipiga ang dibdib niya at mabigat na mabigat ang pakiramdam niya habang nakikita si Damon na tila balewala lamang ang mga binitawang salita.
Anong sabi niya? Gusto niyang ipalaglag ko ang bata? Gusto niyang ipalaglag ko ang sarili niyang anak?!
Nagpanting ang tenga ni Sarina. Pagkatapos ng ilang sandali na pagkabigla niya sa sinabi ni Damon ay nagawa niyang mag angat ng tingin sa mukha nito.
Wala naman siyang gaanong expectations sa pagsasabi kay Damon ng tungkol sa pagbubuntis niya. Tatlong taon na silang kasal at hindi naman asawa ang turing nito sa kanya. Hindi lang niya akalain na magiging ganun ito kawalang puso para sabihin na ipalaglag niya ang sarili nitong anak.
Pero sa nakikita niyang emosyon sa mga mata ni Damon ay malabong bawiin nito ang sinabi.
“Avionna is back. We should end our marriage now,” malamig na sambit nito. Mas lalong nagulat si Sarina nang marinig ang sinabi ni Damon. Si Avionna ang babaeng mahal nito at hindi siya makapaniwala na ang babaeng iyon pa rin ang pipiliin nito kahit na magkakaroon na sila ng anak!
“Alam mong isang pagkakamali lang na nabuo ang batang yan, Sarina. Wala akong balak na panagutan ka.” Malamig at diretsong sambit ni Damon. Napalunok si Sarina. Kahit ang paglunok ng sariling laway ay hirap na hirap siyang gawin. Mas lalong bumibigat ang dibdib niya habang tumatagal na kausap niya si Damon.
Dumako ang tingin ni Damon sa ibabaw ng table kung saan nakalapag ang tseke at ang divorce papers na kailangan niyang pirmahan.
“Kunin mo na yang sampung bilyon. Ipagpalagay mo na lang na kabayaran yan para sa pagiging asawa mo sa akin sa loob ng tatlong taon. At kung may iba ka pang hiling o kailangan ay magsabi ka lang.”
Halos manginig ang buong katawan ni Sarina. Mukhang hindi na niya mapipigilan si Damon sa gagawing pakikipaghiwalay sa kanya. Ang buong akala niya ay hindi lang nito kayang tanggapin ang magiging anak nila. Iyon pala ay gusto na rin nitong tapusin pati ang relasyon nila.
Medyo matagal bago nakabawi si Sarina sa pagkabigla sa sinabi ni Damon. “G-gusto mo nang… makipaghiwalay sa akin?” Halos manginig ang boses niya sa pagtatanong pero hindi man lang nagdalawang isip si Damon na sumagot agad.
“Yes.” Diretso at walang gatol na sagot nito. Wala man lang emosyon na mababakas sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Kumuyom sa galit ang mga kamao ni Sarina. Mabigat na mabigat ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya dahil sa mga sinabi ni Damon.
Dahil lang kay Avionna? Ayaw na niya sa akin at sa magiging anak namin dahil bumalik na ang babaeng yun?!
Gumalaw si Damon at parang balewalang nagsindi ng sigarilyo at hinithit iyon habang kinukuha ang mga papeles sa drawer nito. Nilapag nito iyon sa ibabaw ng table at muling nag angat ng tingin sa kanya.
“Come here. Tingnan mo na itong divorce papers at pirmahan kung wala ka ng sasabihin,” malamig na utos nito pero hindi siya lumapit kaya binaba ni Damon ang mga papeles sa ibabaw ng table at muling nagsalita.
“Ako na ang bahala sa lahat. I will make an appointment at the hospital. Pirmahan mo na ito. Marami pa akong kailangan gawin ngayon. Babalik pa ako sa kumpanya.” Tuloy-tuloy na sambit ni Damon. Naghanda na ito sa pag-alis pero pinigilan niya.“Sandali lang, Damon…” Pigil ang mga luha na tinawag niya ito. Nang lingunin siya ni Damon ay mukhang wala pa rin itong pakialam sa kung ano man ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
“Ano?” tanong nito na tila ba madaling madali pa.
Nangilid ang mga luha na kanina pa pinipigilan ni Sarina. Handa siyang magmakaawa kay Damon para lang pakinggan siya nito.
“Sa iyo na yang pera mo, hindi ko kailangan yan,” umiiling na sambit niya. “Papayag akong maghiwalay tayo. Pipirmahan ko yang divorce papers pero… pero pwede bang ‘wag ko na lang ipalaglag itong bata?” Pakiusap niya.
Iyon na lang ang tanging magagawa niya sa mga oras na iyon. Gusto niyang buhayin ang bata sa sinapupunan niya at gusto niya itong palakihin kahit na mag-isa lamang siya.
Kitang-kita niya ang biglaang pandidilim ng mukha ni Damon nang marinig ang pakiusap niya. Alam ni Sarina na ayaw na ayaw nito na sinusuway ang gusto nito. Kapag ginusto nito ang isang bagay ay nakukuha nito iyon. Pero kahit na alam na niyang imposibleng pumayag ito sa hiling niya ay sumubok pa rin siya.
“No!” Mariin at may awtoridad na sagot ni Damon at hindi man lang ito nagdalawang isip na talikuran siya at iwanan doon.
Tuluyang bumalong at bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Sarina. Sa loob ng tatlong taon na kasal sila ni Damon ay alam niyang napilitan lang itong pakasalan siya. Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko siya. Pinaramdam niya kay Damon kung gaano ito kaswerte sa pagkakaroon ng asawa na kagaya niya. Pinagsilbihan niya ito at binigay lahat ng pangangailangan. Halos kalimutan na niya ang mga bagay na gusto niyang gawin para lamang kay Damon. Ginugol niya ang halos lahat ng oras niya para ipakita hindi lamang kay Damon na karapat dapat siya na maging asawa nito.
Sa lahat ng sakripisyo niya para maging mabuting asawa kay Damon ay wala siyang hinintay na kapalit. Basta nasa tabi niya ito at magkasama lang silang dalawa ay sapat na para sa kanya. Buong akala niya ay sapat na ang lahat ng ginawa niya para mamuhay sila ni Damon ng tahimik at magkasama. Pero sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat. Ang tatlong taon na pagsasakripisyo niya ay nabalewalang lahat sa muling pagdating ni Avionna. At minsan pa ay muling sinampal si Sarina ng katotohanan na hinding-hindi siya magagawang mahalin ni Damon.
Mas lalong bumalong ang mga luha mula sa mga mata niya. Tuloy-tuloy ang agos habang nasa isip niya ang nagsusumiksik na katotohanan na kahit kailan ay hindi siya mamahalin ni Damon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak at nanatili sa villa kung saan siya iniwan ni Damon. Nang sa wakas ay nakapagpasya siya ay matapang na pinulot niya ang divorce papers sa ibabaw ng table at hindi na nagdalawang isip na pinirmahan iyon.
Tinatapos na niya ang lahat sa pagitan nila ni Damon kagaya ng gusto nitong mangyari. Simula sa araw na iyon ay mag-isa na lamang siya. Napahawak siya sa tiyan at pinalis ang mga luha sa mga mata bago matapang na hinarap ang katotohanan.
—--
Maagang nakauwi si Damon sa bahay pagkagaling sa trabaho pero nanibago siya dahil wala si Sarina na palaging nakaabang sa kanya sa pag-uwi.
Agad na inalis niya sa isip ang pag-aasam na madadatnan niya pa rin ang asawa na naghihintay sa kanya matapos ang mga sinabi niya kanina. Napasimangot si Damon at dismayado nang iabot ang suit jacket niya sa isang kasambahay.
“Nasaan ang Ma’am Sarina mo?” Salubong ang mga kilay na tanong niya.
“Wala po dito, Sir. Lumabas po si Ma’am kanina,” sagot ng kasambahay. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito at pumasok sa living room. Nadatnan niya sa ibabaw ng table ang tseke na hindi man lang nagalaw at ang divorce papers na pirmado na ni Sarina.
Nandilim ang paningin ni Damon nang makita na hindi kinuha ni Sarina ang tseke na binigay niya. Hindi siya mapakali at agad na tinungo ang kwarto nila ng asawa.
Nadatnan niya ang malinis na malinis na kwarto na kahit kailan ay hindi hinayaan ni Sarina na maging madumi dahil alam nito na ayaw niya ng magulong silid.
Nilinga niya ang maluwag na silid. Walang pinagbago ang kwarto nila bukod sa wala roon ang asawa niya pati na rin ang mga gamit nito!
Paulit-ulit na tinatawagan ni Sarina si Dylan. Ni hindi man lang pinapansin si Avionna. Mas mahalaga sa kanya ang makapasok na sa loob dahil nanganganib ang buhay ng matandang Zamora.“Sarina, I really can’t figure out what you are trying to do here. Ayaw na sayo ng mga Zamora. Sinusuka ka na nila! Gusto mo pa bang mapahiya? Nakakatawa ka na nga ay kaawa-awa ka pa! Desperate bìtch!” Mariing bulalas ni Avionna.Kitang-kita at dinig na dinig naman iyon ng kambal na naka-monitor sa Mommy nila.“Bad woman!”Sa harap ng screen ay namula sa sobrang inis ang maliit na mukha ni Luna. Hindi niya napigilang hampasin ng munting kamay niya ang mesa.Ganoon din ang nararamdaman ni Luke. Talagang puro masasamang tao ang pamilya ng daddy nila! Mabuti na nga lang ang intensyon ng Mommy nila at pumunta roon para tumulong pero sa labas lang ng gate pinaghintay ng mga ito. Mga walang konsensya! “Luke, don’t you have ways to help Mommy?” Hindi na napigilan na usisa ni Luna sa kakambal.“Of course I have
Kinuha ni Luke ang laptop na naiwan ng Mommy nito na si Sarina. Mabilis at effortless na gumalaw ang maliliit niyang mga daliri sa keyboard. Sunod-sunod na nagta-type ng mga command sa screen.Noong inabangan nila ang Mommy nila sa gate ng Zamora mansion kasama ang Ninang Marie nila ay napagmasdan na ni Luke ang buong lugar at napansin ang napakaraming security cameras na nakalagay sa iba't ibang sulok ng property. Para sa kanya ay napakadali lang i-hack ang surveillance system ng Zamora mansion at madali lang din para sa kanyang buksan ang live footage ng mga CCTV camera doon.Sa ganitong paraan ay makikita nila ang Mommy nila at magiging panatag din ang loob nilang magkapatid. Hindi niya hahayaang pumunta roon nang mag-isa ang Mommy nila. Paano kung subukan na naman itong pag kaisahan ng masasamang tao doon? Kailangan niyang mamonitor ang Mommy nila. At kapag may nangahas na mang-api sa Mommy nila ay sisiguraduhin niyang pagsisisihan ng mga iyon ang ginawa nila. Walang sinuman ang p
Hindi nagawang magtagal ni Dylan sa loob ng kwarto dahil sa takot sa sobrang pananahimik ng kuya niyang si Damon. Matagal tagal na rin simula noong nakita niya itong nagalit ng ganon.“Who the hell pissed off my brother, Walter? Matagal ko na siyang hindi nakikita na galit ng ganyan.”Hindi sumagot si Walter. Tila nag aalangan pa itong sagutin siya kaya gigil na nilapitan niya ito at saka mas lalong kinulit.“Tell me, Walter. Buhay pa ba ang nakapag pagalit ng ganyan kay kuya?”Tsaka lang nagawang sumagot ni Walter. “Buhay pa naman, Sir. Pero galit na galit si Ma’am–”Biglang napatigil sa pagsasalita si Walter kaya tumaas ang kilay ni Dylan. “Ma’am?”Takang taka siya. Hindi niya akalain na babae ang naging dahilan kung bakit nagalit ng matindi ang kuya niya. “Sinong Ma’am?” Muling usisa ni Dylan.Hindi pa rin sumagot si Walter kaya inis na kinwelyuhan na niya. “Speak up, Walter! Gusto mo bang sabayan ko ang galit ni kuya ngayon?” Pasimpleng banta niya.Mukhang nasindak naman niya si
Kunot ang noo na nakatingin si Sarina sa kambal habang napapaisip dahil sa mga binitawang tanong ng mga ito.Ano ba ang tumatakbo sa isip ng dalawang batang ito at kung anu-anong naiisip nila?“Mommy, hurry up and tell us!” Excited na sabi nina Luke at Luna habang sabik na nakatingin kay Sarina.Pinagpawisan naman si Sarina dahil sa kaba. “Luke, Luna, who told you that the two of them like me?”“We figured it out ourselves!” Mabilis na sagot ni Luna.Kinurot-kurot ni Sarina ang maliliit at cute na cute na ilong ng kambal. “You two are wise beyond your years. What are you babbling about? Your Tito Harold is Mommy's colleague and he already has someone he likes. As for your Tito Yuan…”Biglang nag-flash sa isip ni Sarina ang imahe ng director sa hospital kung saan siya nagtatrabaho at agad na nagkibit balikat.“He's more like an older brother to me. So stop playing cupids, kids! You are both too young for this!” Nanliliit ang mga mata na sermon niya sa kambal.“Hmm! Mommy is way too den
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore