The Heiress(Tagalog)
The Heiress(Tagalog)
Author: Rhea mae
SIMULA 1.1

Maaga akong nag-aayos ngayong araw dahil unang araw ko sa bansang ito. Hindi ako dapat mafail sa misyon kong ito. Hindi ako dapat magpapatalo. Buhay kapalit ng buhay. Kailangan kong magtagumpay sa lahat ng plano ko. Focus to your goal Ashery. 

Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng napakalaking salamin sa kwarto ko. Napangisi na lang ako sa sarili.

Humanda ang dapat humanda dahil malalaman niyo na ang tunay na paghihiganti. Mararamdaman niyo ang tunay na sakit. 

KNOCK KNOCK

Nahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang katok mula sa pintuan ko. Naglakad naman ako papuntang sofa ko. Hindi na ako nagsalita ng pumasok na lamang ito. 

“Nakagayak na po ang inyong agahan Ka—“

“Ano bang sinabi ko sayo Aira? Kailangan ko pa bang ulit ulitin sayo lahat?” maawtoridad kong saad. Ilang beses ko na siyang sinabihan subalit paulit ulit niya pa ring ginagawa. Tinitigan ko siya at napayuko nanaman siya. Napairap na lang ako sa inasal niya. 

“Pasensya na hindi na mauulit.” Yuko pa ring saad niya. Tumayo na ako at nilampasan siya saka bumaba. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. 

“Siguraduhin mo lang dahil kung inulit mo pa ipapatapon na kita sa pinakadulong lugar ng Korea.” Nilingon ko siya at namumutla nanaman ang mukha niya. Kahit kailan ka talaga. 

“Umpisahan mong ayusin ang pananalita mo ang pakikisama sa akin para maayos natin ang lahat kung patuloy kang ganiyan wala akong magagawa kundi ang ibalik ka.” Pagbabanta kong sambit sa kaniya.

Dumiretso na ako sa kusina at nakahanda naman na ang lahat. Sinimulan ko ng lagyan ang pinggan ko ng mga pagkain ko. 

“Pasensya ka na talaga hindi pa rin kasi ako sanay eh.” Nahihiya niyang sambit. Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang plate at nilagyan ng kanin. 

“Ako na jan kaya ko naman.” Nakayuko niya pa ring sabi. 

“Ayusin mo sabi ko Aira, bakit ba pati ang postura ng katawan mo kapag nakikipag-usap sa akin ay ganiyan pa rin?!” pinantayan niya ang tingin niya sa akin. Hindi man niya sabihin pero naiilang pa rin siya. Halata pa ring gusto niya ng ibaba ang paningin niya at yumuko. Nagtapang tapangan siyang tiningnan ako.

“Fine! Yan yung gusto mo diba?! Sige! Pagbigyan. Masyado kang masungit, hindi mo ako kailangang sigawan.” Napangiti naman ako sa iniasta niya. Iiling iling na lang akong nagpatuloy sa pagkain. Kaya naman pala eh aarte arte pa. Tsss. 

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo lang akong sofa at nanuod. 

“Nagtext sa akin si Vance papunta na raw siya dito.” Tumango na lamang ako sa kaniya at itinuon uli ang atensyon sa tv. Sana lang ay nagawa niya para makapasok na ako bukas bugnot na bugnot na ako dito sa bahay kahit na gusto ko palaging mag-isa at nakakulong sa loob ng kwarto saka matulog. Gusto ko ng umpisahan, sana lang ay maging maganda ang buhay ko sa paaralang iyun. 

Ilang minuto lang ay rinig na namin ang pagdoor bell sa gate namin. Bilis niya naman. 

“Oh Vance bilis mo naman? Pinalipad mo ba ang kotse mo at nakarating ka kaagad dito? Madaling madali lang ha? Excited lang makita si Ash?” taas kilay na sunod sunod na tanong ni Aira. Tiningnan lang naman siya ni Vance saka dumiretso sa akin. 

“Wow as in Wow. Hangin na ba ako ngayon para hindi makita? Akala mo kung sino kang gwapo Vance! Mapanis sana laway mo para mamaho yang hininga mo! Leche!” gulat na nilingon ni Vance si Aira sa iniasta niya ito. 

“What?” 

“Oh ano? Tingin tingin mo jan?” 

“What the.”

“What ka ng what jan. Watwatin kita eh.” Inambaan pa niya ng suntok si Vance. Natawa na lang ako. Hindi na lang siya nagsalita saka umupo. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka nagpadekwatro ng pambabae. 

“Maayos na ang lahat, pagpasok nyo na lang ang kulang. Bukas na bukas din makakapasok na kayo.” 

“Good.” Maikli kong saad. 

“Sigurado ka ba talaga dito?” 

“Ito na lang ang nakikita kong paraan.” Diretsong tiningnan ko ang mga mata niya at iniwas na lang ng makita ang emosyon niyang nag-aalala. 

“You don’t have to worry Vance. I can take care of myself.” Nagliwanag naman ang mukha niya at unti unting tumango.

“Kung kailangan mo ako nandito lang ako palagi.” 

“Salamat makakauwi ka na.” Nanlaki naman ang mga mata niya saka iiling iling na tumingin. 

“Ibang klase kararating ko lang ah? Bakit pinapaalis mo na ako agad? Hindi ba pwedeng dito na lang ako mananghalian?” sinubukan niyang maging cute sa harapan ko pero inirapan ko lang siya. Ang sagwang tingnan sa kaniya. Hindi niya bagay.

“Siguraduhin mong pagbaba ko sa kwarto ko ay wala ka na sa paningin ko.” Tumayo na ako at tinalikuran siya. 

“Tsk jan ka naman magaling. O sige na. Mauna na ako mag-iingat ka palagi.”

Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso ng kwarto ko. 

Humiga ako sa kama at ginawang unan ang dalawa kong braso saka tiningnan ang kisame. Ang dami kong tanong pero sa lahat ng iyun wala pa rin akong nakukuhang sagot. Gusto ko ng malaman ang lahat ng nasa likod ng mga nangyayari. Oras na malaman ko uubusin ko lahat ng lahi mo. Hindi na dapat pang mabuhay ang lahing katulad niyo. Wala kayong karapatang mabuhay sa mundo. Ang dating maayos at maganda kong nabuhay, nawala ng dahil sa kasakiman mo. 

Matiyaga kong pinalipas ang araw na ito. Iginugol ko rin ang buong kalahating araw ko sa loob ng training room ko. 

Pagkatapos naming maghapunan ni Aira ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko sa banyo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko saka ako natulog. 

KINABUKASAN.

Maaga akong gumising, dumiretso na ako sa banyo saka naligo. Kasalukuyan akong nagbibihis ng kumatok si Aira sa kwarto ko. Siya lang naman pwedeng kumatok dahil siya lang naman ang kasama ko. 

“Hoy gising ka na ba? Ash?” 

“Gising na ako.” walang gana kong saad sa kaniya. 

“Maligo ka na ha? Bilisan mo at kumain na tayo.”

“Nakaligo na ako.” umalis na ako sa harap ng malaki kong salamin saka binuksan ang pintuan. Naabutan ko namang nakatayo pa dun si Aira at nanlalaki ang mga mata. 

“What the hell?” 

“Problema mo?”

“Ano yang suot mo?! Kahit si Vance ay hindi magugustuhan yang suot mo.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
leope libranza
thanks sa libreng pabasa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status