Share

02

CHAPTER 2 

Tahimik lang ang lahat habang nakaupo kaming tatlo dito sa sofa ng sala at para bang walang ni isa sa amin ang may balak na mag salita. 

“A-ano po ang problema?” nanginginig na tanong ko sa kanila.

Nakayuko naman silang dalawa na para bang may nakakabulag ako na sakit pag sila ay tumingin sa akin. 

“Anak, I'm sorry…” mahinang sabi ni Dad. 

“I’m sorry, di ako naging masaya… sorry kasi nahanap ko ‘yong pagmamahal sa iba, anak sorry.”

Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya at tumingin-tingin sa sulok sulok.

“hahahaha! Dad, di mo ‘ko maloloko nasaan ang camera? prank ba ‘to? alam ko ‘yong ganitong mga set up! napapanood ko ito sa YouTube!”

Sabi ko habang tumatawa at kasabay ng pagtawa ko ay ang pagbagsak naman nang mga butil ng luha galing sa aking mga mata. 

“Anak,” bulong ni mommy.

Bakas ang awa sa boses at sa mga mata niya. 

“Mommy, alam mo ‘to?” tanong ko dito.

tumango naman ito at agad na tinakpan ang kanyang bibig para pigilan ang mga hikbi na pilit kumawala rito. 

"Hindi ako naniniwala! kanina… kanina bago ako umalis ayos naman tayo eh. Anong nangyari? Bakit naging ganito?"

punong puno nang pagtataka na tanong ko sa kanila.

“Gusto ka lang namin bigyan ng isang kumpletong pamilya ‘nak,” mahinang saad ng aking Ina. 

“Ah! so parang palabas lang ang lahat, gano’n ba?”

Napahilamos na lang ako sa aking mukha at tumayo sa aking inuupuan. 

“Ano ba, tapos na akong makipag biruan sa inyo! Mom, Dad! Please stop the act, “ frustrated na sigaw ko sa kanila.

Marahas akong luminga linga para hanapin kung saan nakalagay ang mga hidden camera.  

“Ma, napapagod na po ako! Tama na po!”

Umupo ako sa sahig ata malakas na hinila ang aking buhok.

Naramdaman ko naman ang paglapit nilang dalawa sa akin at pilit na tinatanggal ang mga kamay ko na nakahawak sa aking buhok. 

“Anak bitaw na please… bitaw na,” may pagmamakaawa sa boses na sabi ni Daddy.

Hindi ko naman ito sinunod at patuloy pa rin ako sa pag hila ng aking buhok kasabay nito ang aking paghagulgol.

“Mommy, ang sakit po ng joke nyo… tama na po please, hindi ko na po kaya,” pag mamakaawa ko.

Sa hindi inaasahan ay biglang dumulas ang kamay ko na humihila sa aking buhok at aksidente kong na kalmot ang aking sarili ngunit hindi ko iyon ininda at patuloy parin ako sa pananakit sa aking sarili.

“Oh my ghad! nag dudugo ang mukha mo Aicelle! tama na ‘yan, please anak. tama na.”

Hindi na alam ni Mommy ang gagawin niya habang si Daddy naman ay nasa likod ko lang ata nakahawak sa mga balikat ko. 

“Anak, I’m sorry…”

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko at mas nilakasan pa ang pag sabunot sa aking sarili nang marinig ko ang boses ni Daddy. 

“Kasalanan mo ito Alejandro!”

Rinig kong paninisi ni Mommy kay Daddy. 

“Ako pa Amanda ah! sino ba ang makasarili sa ating dalawa? Hindi ba’t ikaw! Kung una palang pinabayaan mo nalang ako maging masaya kay Teresa hindi mangyayari ang lahat ng ito! Peste ‘yang pagmamahal mong ‘yan, lagi mo nalang sinasabi na hindi mo kaya na mawala ako dahil sa pagmamahal na ‘yan! Peste! Peste!” 

“ Ano ka ba naman Alejandro! may anak tayo, kaya kitang palayain ngunit paano naman itong anak natin!? hindi ba’t ikaw ang makasarili dahil mas ppipiliin mo ‘yang kabit mo kaysa sa pamilya mo, sa anak mo!”

“Wag na wag mong pangalan ng kung ano ano si Teresa!”

“Bakit kabit naman talaga siya ah.” 

Hindi na ako napansin ng aking mga magulang dahil sa pagbabangayan nila.

Tumigil naman ako sa pananakit sa aking sarili dahil unti-unti nang nanghihina ang aking katawan at bumibigat na rin ang aking mga talukap sa mata, nakakaramdam na ako nang pagkahilo at unti unti na akong nilamon ng dilim.

“Aray…” ito ang una kong sinabi pagkagising na pagkagising ko palang dahil sa sobrang sakit ng aking katawan.

Ang sakit ng anit at pisngi ko,nanghihina rin ang aking katawan at halos hindi na ako makabangon sa kama dahil dito.

Para akong nakipag bugbugan sa kakapanganak lang na unggoy. Nawala ang pagbibiro ng isip ko dahil naalala ko ang dahilan kung bakit ako nagkaganito ngayon.

Napatigigil naman ako sa pag iisip at napalingon sa pintuan ng aking kwarto dahil pumasok si Daddy rito at ito ay may dala dalang ice cream at isang basong tubig.

“Oh sakto gising ka na pala, ito oh dinalhan kita ng ice cream diba paborito mo ‘to?”

Tahimik lang akong nakamasid sa kaniya habang inilalagay niya sa aking tabi ang tray na naglalaman ng ice cream at tubig na dala niya.

“Anak-”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad akong sumabat sa kanya.

“Dad, saan po ako nag kulang? Tell me, please tell me! I need to know para… para magawan ko nang paraan, para hindi ka na po maghanap ng iba.”

Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at inilagay ko sa aking pisngi. 

“Ah, alam ko na! diba po gusto niyo po na business management ‘yong kunin ko para may mag manage sa business natin in the future? Sorry po, hindi ko kayo sinunod. Wag po kayo mag alala bukas na bukas magpapalit na ako ng course para hindi mo na po kami iwan,” nanginginig na sabi ko sa kaniya.

Umiling-iling naman ito at itinitig niya ang mga maluha luha niyang mata sa mata ko. 

“Hindi dahil do’n anak, may hinahanap kasi si Daddy at kay Tita Teresa ko ito nahanap anak…”

Ako naman ang umiling ngayon sa kaniya. tumayo ako at lumipat sa harapan niya at lumuhod.

“Aicelle, anong ginagawa mo?” takang taka na tanong niya.

Lumapit naman siya sa akin at pilit na pinatatayo ako ngunit hinawakan ko naman ang kamay niya at iniyuko ko ang aking ulo.

“Daddy please, nagmamakaawa po ako sa’yo. Ako, kami nalang po yung piliin mo Dad,” umiiyak na saad ko sa aking Ama. 

“Please Dad, mahalin mo po ulit kami,” pagmamakaawa ko rito.

“Mahal na mahal kita, anak ko,” malungkot na sabi ng aking Ama.

“Kung mahal mo talaga ako Dad, bakit ka nag hanap ng iba? bakit ka naghanap ng pagmamahal sa iba? Diba kasi hindi sapat yung ibinibigay namin ni mommy…” may pait sa boses na tanong ko rito.

“Please Dad, dito ka na lang sa amin ni mommy. mas hihigitan namin yung pagmamahal na ibinibigay niya. ”

Naawa naman na nakatingin si Dad sa akin at patuloy lang ito sa pag iling na para bang ipinahihiwatig niya na hindi niya kayang iwan ang babaeng minamahal niya ngayon. 

“Anak, hindi mo kasi naiintindihan,” sabi niya. 

“Dad, i know everything… I know,” pagpipilitan ko pa rito.

“Please stop, wag na muna natin pag usapan.” 

Lumayo si Dad sa akin at pumunta sa kama ko at kinuha ang ice cream na dala niya kanina.

“kain tayo anak, ice cream oh,” sabi niya habang nakangiti at tinaas ang mangkok na hawak niya.

Hindi ko siya inimik at tumitig lang ako sa kanya.

“ Tayo ka na d’yan anak,” pakiusap ng ama ko ngunit hindi ko siya pinakinggan at nag patuloy lang sa pagtitig sa kaniya.

“Ayaw mo talagang pag usapan?” tanong ko rito.

Tumango naman ito at malungkot na tumitig sa akin. 

“Umalis ka rito,” mahina ngunit may diin na sabi ko. 

“Ano?” hindi makapaniwala na tanong nito.

“Sabi ko umalis ka dito, hindi kita kailangan sa buhay ko!” sigaw ko na ikinagulat niya. 

“Anak wag ka namang ganyan sa akin,” malungkot na boses na sabi niya.

“ You ruined our family tapos ang kapal pa ng mukha mo na magpakita rito,” puno nang hinanakit na sabi ko. 

“Bakit kasi hindi ka na lang makuntento!? gusto mo sumaya? paano naman kami na ikaw ang kasiyahan? Yeah Mom is right, you're really selfish.”

Tumayo ako galing sa pagkakaluhod ko at tumalikod sa kaniya at pumunta sa bintana ng aking kwarto. 

“Anak, hindi mo kasi maunawaan kung bakit ko ito ginagawa,” sabi pa nito.

Marahas naman akong lumingon sa kaniya at masama na tinitigan siya.

“Tama ka do’n, hindi ko maintindihan kung bakit mo ‘yan ginagawa! bakit ka naghahanap ng iba kung may pamilya ka na! hindi ko maintindihan kung bakit lumalandi ka pa? May pamilya ka na, hindi mo ba naisip ‘yon!?” sigaw ko sa kaniya.

Hindi naman ito nag sasalita at taimtim lang na nakatitig sa akin. 

“Hindi mo ba ako naisip Dad? I’m your princess diba Dad? and the king should take care the Princess, but why did you betray the Queen and leave the Princess behind? Why did you choose the Villain?”

Tinakpan ko naman ang mukha ko para itago ang lumuluha kong mukha. Ramdam ko naman ang paglapit niya sa akin, nang siya ay makalapit na ay agad niya akong hinila at ikinulong sa kaniyang bisig.

“Anak ko…”

Gumanti naman ako ng kayap dito at parang gumaan ang aking loob dahil sa pag aakala na nag bago na ang isip ng aking Ama.

“Dito ka na Dad? Di mo na po kami iiwan?” Masaya na sabi ko sa kaniya.

Humiwalay naman ako sa pagkakayap sa kaniya para makita ang emotion sa kaniyang mukha.

Please Dad, don’t disappoint me. 

“Nakapag desisyon na ako, anak i’m so sorry… hindi ko na kayo kayang lokohin pa.”

Bumagsak naman ang mga kamay ko na nakayakap sa kaniya at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

“P-pardon?”

Pilit kong kinalas ang mga braso niya na nakayakap sa akin at bahagyang itinulak siya.

“Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko na masaya ako sa piling ng mommy mo, Aicelle sana maintindihan mo ko,” naluluha na rin na sabi niya. 

“I hate you… I hate you! I hate you! Ayoko na sayo, ayaw na kitang makita pa! D’yan ka na sa kabit mo!”

Itinulak ko siya at dali dali na lumabas sa aking kwarto. Masakit man ang aking katawan ay pinilit ko pa rin tumakbo palayo sa kaniya.

“Mommy!” Sigaw ko habang ako ay tumatakbo sa hagdan.

Narinig ko naman ang pagtawa sa akin ng aking Ama ngunit hindi ko ito pinapansin at patuloy pa rin ako sa pag hanap sa aking Ina. 

“Mommy!? Nasaan po kayo? Alis na po tayo rito, lumayo na po tayo!”

Lumabas ako papunta sa bakuran para tingnan kung naroon ang aking Ina ngunit wala akong nadatnan duon. Agad akong tumakbo paloob at umakyat para tignan sa mga kwarto na nasa taas ngunit ni isa sa mga kwarto roon ay wala akong natagpuan. Bumaba ako at nanghihinang umupo sa sofa. 

“Nasaan ka ba My? Pati ba naman ikaw…” Bulong ko sa aking sarili. 

“Nag away kami kanina at sa sobrang galit niya ay pinili niyang umalis. Sabi niya sa akin na iiwan ka niya dito.”

Napaangat naman ako nang tingin nang biglang magsalita si Daddy. Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko na napansin na nakatayo na pala sa harapan ko si Dad.

“No, she can’t do this to me!” sigaw ko sa kaniya. 

“But she already did!” Napatahimik naman ako at nangilid ang aking mga luha nang bigla niya akong sigawan.

“I-im sorry,” mahinang sabi nito.

Walang salita na iniwan ko siya sa sala at dali daling tumakbo papuntang kwarto, nang makarating ako ay isinara ko ito at nilock ang pinto.

Umupo ako sa aking kama at kumuha ng unan. Niyakap ko ang unan na hawak hawak ko at do’n inilabas ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. 

Ilang minuto akong umiyak hanggang sa maisipan kok na kunin ang aking telepono at subukan na kontakin si Mommy.

Binuksan ko ang aking telepono dahil kanina ay ipinatay ko ito dahil sa dami ng mga notification about sa issue ng aming pamilya. Pag kabukas ko ay sunod sunod ang pagtunog ng mga notifications at nag-lag pa ang aking cellphone dahil dito, nag intay pa ako ng ilang minuto para matapos ang mga dumarating na notifications at messages ngunit lumipas ang ilan pang minuto ay hindi pa rin ito natatapos kaya sinimulan ko nang pindot pindutin ang aking telepono para kahit papaano ay mabawasan ang pag lalag niya.

Pinag tiyagaan ko na pindot pindutin ko hanggang sa mapunta ako sa pakay ko, agad kong pinindot ang numero niya para ito ay tawagan. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi ito sumasagot at patuloy lang na nag riring ang telepono niya.

“Mom, please answer your phone.” 

Muli ko itong tinawagan at nag intay ako nang ilang minuto at bigla na niya itong sinagot.

“Mom!” bungad ko rito.

Tahimik lang ang kabilang linya at parang inaantay ang susunod kong sasabihin. 

“Hello?” muling sabi ko.

Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Mommy sa kabilang linya.

“Anak, I’m sorry diyan ka muna sa Daddy mo ah. Babalikan kita pangako ‘yan.”

Hindi ko na nasabi ang aking mga saloobin nang bigla niyang patayin ang tawag. Muli ko pa siyang tinawagan ngunit nakapatay na ang kaniyang telepono.

Inis kong binato ang aking telepono sa kama at marahas na humiga, niyakap ko ang unan na nasa aking tabi at muling umiyak dito. 

“Ho! kaya ko ‘to,” bulong ko sa aking sarili. 

~~ 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status