A/N: Last year pa 'yong last update ko huhuz, wala naman kasi nag sabi sa akin na ganito pala mag shs. Nakakawala pala siya ng time. Anyways happy readingg! Ps. If may mga naguguluhan kayo na part, yung mga namention sa previous chapter na need ng clarification or mga hindi na nabring up ulit sa iba pang chapters kindly comment na lang po para mabigyan natin ng clarification next chapters. August 2022 pa po kasi last chap and probably nakalimutan ko na mga sinisingit ko huhuhuz. Pss. Again happy reading!
00 ~ Buong byahe ay umiiyak lang ako hanggang sa mapagpasyahan ko na mag pababa sa isang parke. Umupo ako sa isa sa mga swing dito at dahan dahan na itinulak ang aking sarili, mabagal naman itong umandar. Habang ako ay nagmumuni-muni dito ay nararamdaman ko ang mga maliliit na patak ng ulan kasabay din nun ang pagtulo nang mga luha ko, mga ilang sandali pa ay lumakas na ang buhos nito. "Bakit? Bakit lahat sila iniwan ako mag isa dito!? Bakit? Anong ginawa ko!? Bakit galit na galit sa akin ang mundo?" sigaw ko sa gitna nang ulan. Tumayo ako sa swing at tumingala sa langit. Pinalo-palo ko ang aking dibdib na para bang hindi na ito tumitibok at kailangan nang irevive. “Napaka wala mong kwentang puso ka! Bakit tibok ka nang tibok sa maling tao! Bakit kasi gano'n ei!?” Paninisi ko pa dito. Tinakpan ko naman ang aking bibig para mapigilan ko ang kumakawalang hikbi na nanggagaling sa aking bibig. "Wala naman akong ginawang masama... gusto ko lang naman sumaya... Gusto ko maramdaman yu
CHAPTER 1 “Good morning My, morning Da,” bati ko naman sa mga magulang ko nang makababa ako galing kwarto. “Good morning anak,” bati naman ni mommy pabalik sa akin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila ni Daddy. “Good morning baby,” bati din sa akin ni Dad. Hinalikanko sila sa kanilang mga pisngi bago ako umupo sa aking upuan. “Kumain ka na para maaga kang makapag ayos.” Tumango naman ako kay Mommy at nag simula nang kumain. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ko lang sila na nagyayakapan. “Sana lahat sweet,” pang aasar ko pa sa kanila. Tumawa naman sila at umiling iling. Nang matapos na ako sa pagkain ko ay agad akong nag paalam at umakyat sa aking kwarto para makapag handa na sa aking pag pasok sa eskwelahan.  
CHAPTER 2 Tahimik lang ang lahat habang nakaupo kaming tatlo dito sa sofa ng sala at para bang walang ni isa sa amin ang may balak na mag salita. “A-ano po ang problema?” nanginginig na tanong ko sa kanila. Nakayuko naman silang dalawa na para bang may nakakabulag ako na sakit pag sila ay tumingin sa akin. “Anak, I'm sorry…” mahinang sabi ni Dad. “I’m sorry, di ako naging masaya… sorry kasi nahanap ko ‘yong pagmamahal sa iba, anak sorry.” Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya at tumingin-tingin sa sulok sulok. “hahahaha! Dad, di mo ‘ko maloloko nasaan ang camera? prank ba ‘to? alam ko ‘yong ganitong mga set up! napapanood ko ito sa YouTube!” Sabi ko habang tumatawa at kasabay ng pagtawa ko ay ang pagbagsak naman nang mga butil ng luha galing sa aking mga mata. &nb
CHAPTER 3 Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin na mugto ang mga mata at halatang halata rin ang mahabang kalmot sa aking pisngi na galing sa pag kalmot ko kahapon. Nanghihina akong lumakad patungo sa banyo upang gumayak dahil may pasok pa ako ngayong araw. Isa din ang eskwelahan sa mga iniisip ko ngayon dahil mainit pa rin ang isyu ng aking pamilya. Nang matapos akong mag ayos ay tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin, mugto pa rin ang aking mga mata ngunit hindi gano’n kalala katulad kanina. Bumaba ako at sinilip ang kusina, nakita ko do’n si Dad na nag hahanda ng hapag at mukhang nahalata niya na nakatitig ako sa kaniya kaya siya ay lumingon sa akin. Agad naman akong nag iwas nang tingin at tumalikod sa kaniya. “Anak, kain ka muna at may sasabihin din ako sa iyo,” sabi ni Dad sa akin ngunit huminto
CHAPTER 4“Wala bang gabi na hindi ako iiyak?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin at pinagmamasdan ang mga luha na tumutulo.Mas lalo ko pang niyakap ang unan na hawak hawak ko at ibinaon ang aking mukha roon.“I’m tired,” sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi.Muli ko naman inangat ang aking ulo at tumingin sa salamin, ngumiti ako habang ang mga luha ko naman ay patuloy na tumutulo.“No no, you can’t be tired… but if you are really tired, go rest. It will be fine, everything will be fine.”Tumayo naman ako at nanghihina na humiga sa aking kama.“Yes yes, i will rest.”Ipinikit ko na ang aking mga mata at mga ilang minuto lang ay hinila na rin ako nang antok.Tanghali na a
Chapter 5“D-dad?”Hindi nag bago ang ekspresyon niya at napopoot pa rin ang kaniyang tingin sa akin.“Hindi ko mapapalampas itong pambabastos mo sa Tita Teresa mo!”Gulat naman akong tumingin sa kaniya bago tumingin kay Teresa.“What do you mean?” tanong ko.“What do I mean!? Really Aicelle?”Galit itong lumapit sa akin at marahas na hinablot ang aking braso.“Dad,masakit! Bitawan mo po ako...&rdqu
Chapter 06.1Naka-tayo ako ngayon sa tapat ng hagdan, dala-dala ang aking maleta. Nag dadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ang pag alis ko pero wala nga pala sa akin ang desisyon. My father kicked me out in this house and I can't do anything about it. Bumutong hiniga na lang ako at bumaba na nang tuluyan bitbit-bitbt ang aking mga gamit. Nang bumaba ako ay nag tinginan silang lahat sa akin kasama na roon ang dalawang taong kinamumuhian ko. Tahimik lang itong nagmamasid sa akin kaya ipinagpatuloy ko lang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto.Huminto ako at nag abang kung may pipigil ba sa pag alis ko. “What are you waiting for? The door is open, no one will stop you!” Dahan dahan naman akong tumango kay Dad bago muling hatakin ang maleta ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas.“I hate you! I hate you!” sigaw ko ng tuluyan na akong makal
Chapter 06.2Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya. “Pwede po bang 10k muna? Mag withdraw lang muna ako para sa kulang…” Mahinang wika ko sa kaniya.“Sige, basta ibigay mo rin ngayong araw.”“Salamat po!” masayang wika ko. Agad ko namang inabot ang 10k sa kaniya at agad din naman niya itong tinanggap.“Halina’t sundan mo na ako para maturo ko na sa iyo ang matutuluyan mo.”Agad naman akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na kami sa kwartong sinasabi niya. Hindi ko pala siya nacheck muna at agad ko n