Share

36

Chapter 36

Habang naglalakad ako ay nakatingin pa rin ako sa kaniya at gano’n din naman ito. Hindi namin inaalis ang tingin namin sa isa’t isa.

Pauwi na kami ngayon ni Isla dahil pagabi na rin. Simula kanina ay nandito na siya at nakamasid sa akin, ang akala ko nga ay aalis din siya at titigilan na niya ang kakatingin sa akin pero hanggang ngayon ay naroroon pa rin siya sa pwesto niya kanina.

“Sino ba ‘yang tinitignan mo?” tanong ni Isla. Nakakunot pa rin ang noo ko nang bumaling ako sa kaniya kaya pati siya ay kumunot na rin ang noo bago tumingin sa tinitignan ko kanina.

At gano’n na lang ang bilis nang pag babago ng emosyon nito nang makita ang taong kanina ko pa tinitignan na hanggang ngayon ay pinapanood pa rin kami. “Walangya! Anong ginagawa niyan dito?!” inis na tanong ni Isla.

“Hindi ko rin alam. Hayaan mo na, baka may date sila ni Ms. Rhaya.” Pilit ko naman siyang hinatak patungo sa sasakyan na ginamit namin pero pilit naman itong kumakawala sa pagkakahawak ko at masama pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status