Share

03

CHAPTER 3

Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko ang aking sarili sa salamin na mugto ang mga mata at halatang halata rin ang mahabang kalmot sa aking pisngi na galing sa pag kalmot ko kahapon. 

Nanghihina akong lumakad patungo sa banyo upang gumayak dahil may pasok pa ako ngayong araw. Isa din ang eskwelahan sa mga iniisip ko ngayon dahil mainit pa rin ang isyu ng aking pamilya. 

Nang matapos akong mag ayos ay tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin, mugto pa rin ang aking mga mata ngunit hindi gano’n kalala katulad kanina.

Bumaba ako at sinilip ang kusina, nakita ko do’n si Dad na nag hahanda ng hapag at mukhang nahalata niya na nakatitig ako sa kaniya kaya siya ay lumingon sa akin. Agad naman akong nag iwas nang tingin at tumalikod sa kaniya.

“Anak, kain ka muna at may sasabihin din ako sa iyo,” sabi ni Dad sa akin ngunit huminto lang ako at humarap sa kaniya para titigan siya.

“Aalis na po ako,” walang gana na sabi ko.

Malungkot naman siyang ngumiti sa akin at tinignan ang mga pagkain na inihanda niya at saka siya tumango sa akin.

“Mag iingat ka ah,” pahabol niya pa bago ako umalis.

Hindi ko naman ito pinansin at nag tuloy tuloy lang ako sa pag labas. 

Sa buong byahe ay umiiyak lang ako, not minding the driver na kanina pa tingin nang tingin sa akin at alalang alala na.

“Miss Celle, sigurado ka bang ayos ka lang?” Tanong ng Driver ko nang makarating kami sa school. 

“Yes po kuya, wag po kayong mag alala sa akin kaya ko po ito,” nakangiting sabi ko rito habang naka taas ang braso ko na para bang pinapakita ang muscle ko.

“haha hay naku bata ka, sige na at baka mahuli ka pa sa klase mo.” 

Tumango naman ako sa kanya at lumabas na nang sasakyan. Pag pasok ko palang ay marami ng mga mata na nakatitig sa akin at pinagmamasdan ang bawat kilos ko, marami ding mga nagbubulungan sa paligid.

“Uy, andito ka na pala. Hindi kita macontact, kanina pa kita tinatawagan.”

Nawala naman ang atensyon ko sa mga tao sa paligid dahil sa pag sulpot ni Isla. 

“Sorry, pinatay ko kasi ‘yong cellphone ko dahil… alam mo na,” mahinang sabi ko sa kaniya.

“Ano ka ba, ayos lang ‘yon. Tara hatid na kita.” Agad naman akong nataranta dahil sa alok niya.

“Ha? Naku wag na, baka mahuli ka pa sa klase mo,” pagtanggi ko rito.

“Malapit lang naman ‘yong building mo sa building ko, madali lang ‘yan takbuhin kaya tara na. Pareho tayong malalate d’yan sa ginagawa mo.” 

Hindi na ako nakataggi dahil hinila na niya ako papunta sa building ko. Habang naglalakad kami sa hallway ay humarang sa amin ang babaeng na kasagutan ko kahapon. Parehas naman kaming napatigil ni Isla dahil sa kaniya.

“Oh ano, napatunayan mo n-” 

Hindi naman na nito natapos ang kaniyang sasabihin nang biglang takpan ni Isla ang bibig niya.

“Wag ka na mag salita, walang sense ‘yan sa buhay ng bestfriend ko. Tumigil ka diyan, hahambalusin kita tignan mo.” 

Inis naman na tinaggal no’ng babae ang kamay ni Isla na nakatakip sa kaniyang bibig at masama na tinignan kami.

“Hindi ikaw ang k-” 

“Wushu? Washi Washi?” putol ni Isla sa sasabihin ng babae.

“You b*tc-” 

Muling tinkapan ni Isla ang bibig ng babae dahilan para hindi muling matuloy ang kaniyang sinasabi.

“Don’t say bad words! Bad yan,” pangangaral pa ni Isla rito. 

Muling tinanggal no’ng babae ang kamay ni Isla at hindi na ito muling nag salita pa, tinignan niya lang kami nang masama at marahas na umalis sa aming harap, binangga pa nito ang aking balikat pag daan niya.

“Nakaistress naman ‘yong babaeng ‘yon, umagang umaga away agad ang hanap! Ikaw wag na wag kang lalapit sa babaeng ‘yon, masyado siyang bad influence. Nag mura ba naman, ginigigil niya ako ah!” inis na sabi ni Isla. 

bahagyang natawa naman ako sa kaniya at umiling iling. Agad siyang nag paalam nang maihatid na niya ako sa room ko, tumango naman ako sa kaniya at agad ring pumasok sa class room dahil sa wari ko ay medyo nahuli na ako ngunit laking pasasalamat ko dahil wala pa ang professor namin. 

Habang naglalakad ako patungo sa aking upuan ay ramdam ko ang mga pares ng mata na pinagmamasdan ako. Nang makarating ako sa aking upuan ay agad akong kumuha ng libro at binasa ‘yon para mawala ang aking atensyon sa mga taong nagmamasid sa akin at mga taong nagbubulungan sa paligid. Nawala lang ang atensyon nila sa akin nang dumating na ang Professor namin.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay tapos na ang klase namin. Napabuntong hininga naman ako dahil sa takot na lumabas ng silid namin, natatakot na akong husgahan ng mga tao rito. Even though it’s not my fault, I still ashmed that my father is a cheater.  

“Tara na! Ang tagal mo namang lumabas d’yan, kanina pa ako nag aantay sa iyo rito sa labas!” may bahid ng pagkairita na sabi ni Beau.

Napatayo naman ako nang makita ko siya sa may pintuan.

“Anong ginagawa mo rito Beau?” gulat na tanong ko sa kaniya.

“Sinusundo ka malamang, tara na para maihatid na kita. Pinapasundo ka ni Isla sa akin, may emergency kasi sa kanila kaya hindi siya ang sumundo sa iyo.” 

Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at nag madaling lumapit sa kaniya.

“Sorry, hindi ko alam na susunduin mo pala ako,” sabi ko habang nakayuko. 

“Ano ba, joke lang ‘yon. Ayos lang.” Mahina naman itong tumawa at kinuha ang bag ko. 

“Hindi wag na nakakahiya,” pagtanggi ko sa kaniya.

“Wag ka na makulit, akin na.” 

Wala naman na akong nagawa pa at binigay ko nalang ang bag ko sa kaniya. Habang nag lalakad kami ay mayroon pa rin na mga tao na nakatingin sa aming dalawa.

“Hindi ba s’ya si Beau? ‘yong sa Business Department?”

“Oo, bakit niya kaya kasama si Beau?”

“Wag na kayo mag taka, kung malandi ang Ama… malandi rin ang anak.”

“Hmmm… kung sa bagay.”

“Kapal ng mukha nito ah, pasalamat siya babae siya…” rinig kong bulong ni Beau.

Hindi ko naman ito pinansin at nag patuloy lang ako sa paglalakad. Wala naman masamang nangyari sa akin hanggang sa makarating ako sa sasakyan namin, siguro ay dahil na rin sa paghatid ni Beau sa akin.

Tahimik lang ako at nakikinig lang ng musika sa buong biyahe namin. 

“Ma’am, andito na po tayo.”

Napabalikwas naman ako dahil sa kalabit ni Kuya Albert, ang driver namin. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa biyahe.

“Thank you po kuya, pasok na po ako ah,” paalam ko kay kuya.

 Tumango naman ito sa akin at ako naman ay bumaba na ng sasakyan. Habang naglalakad ako patungo sa pintuan ng aming bahay ay rinig na rinig ko ang halakhak ng isang babae sa loob. Agad naman akong tumakbo at malakas na itinulak ang pinto. 

“What is the meaning of this!?” 

Napatigil naman sa paghahalak-hakan ang aking Ama at ang babaeng kasama nito at pareho silang napatingin sa akin. 

“Anak, ito si Tita Terasa m-”

“Ano!?” pagpuputol ko sa sasabihin ni Dad. 

“Napag pasyahan kasi naming mag sama na kaya ‘yon…” pag papaliwanag nito habang ang babaeng kasama niya- iyong Teresa ay tahimik lang na nakatingin sa akin. 

Sarkastiko naman akong tumawa at tinignan silang dalawa nang masama. 

“Ang kapal naman ng mukha mo Dad! Hindi ka na nahiya, sinira mo na nga ‘yong pamilya natin tapos mag dadala ka pa nang palamunin dito.” 

Isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kaniya na dahilan para mapatagild ang aking mukha at mangilid ang aking mga luha.

“Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang tita mo!” sigaw nito.

“Alejandro, Wag mong saktan ‘yong bata!” sigaw din naman ni Teresa. 

Ako naman ay nananatiling nakatayo at nakahawak sa aking pisngi. 

“S-sorry, i didn’t mean it. Anak…” 

Akma naman itong lalapit sa akin ngunit bahagya akong umatraas dahilan para tumigil siya. Tinignan ko silang dalawa ng masama bago ako tumakbo paakyat sa aking kwarto.  

Marahas kong sinara ang aking pinto dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog, nag hulugan din ang mga frame na nasa side table na katabi ng pintuan. 

Tumakbo ako papunta sa aking kama at kinuha ang unan na lagi kong yakap at nag simulang umiyak. 

“Ho! kaya ko ‘to, pagsubok lang ‘to.” 

Mas lalo naman akong napahagulgol dahil magkaiba ang sinasabi ng puso’t isip ko. Ang puso na nagsasabi na makakayanan ko ang lahat nang ito. Ang isip na dinadown ako at nag iisip nang mga posibleng mangyari ngayon dahil dito na nakatira ang ibang babae ng aking Ama, isa na roon ang pambabaliwala sa akin ng aking Ama dahil andirito na ang tunay na nag papasaya sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. 

“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir sa baba. Kakain na daw po.”

Malalakas na katok ang gumising sa akin mula sa pag kakahimbing ko. Nag unat unat ako at tumingin sa orasan para tignan kung ilang oras ba ako nakatulog. 

“Ma’am…” tawag pang muli ng kasambahay sa akin.

“Yes po. I’m going downstairs, i’ll just fix myself.” 

“Sige po, sabihin ko nalang po kay Sir.” 

Tumayo ako at tinignan ang aking sarili sa salamin. Mugto na naman ang mga mata ko at magulo ang aking buhok.

7Pm na ngayon at pasado alas-tres ako kanina nakauwi, halos 4 hours din akong nakatulog at nakapahinga sa problema. 

Nang matapos akong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto, hindi muna ako bumaba agad at nag stay muna sa labas ng kwarto ko.

Ngumiti ako ngunit hindi ito abot tainga katulad nang mga tunay na masasayang tao. 

Nakangiti akong bumaba papuntang kusina ngunit agad itong napawi nang makarating na ako sa kusina.

Dalawang tao na masayang nag tatawanan ang bumungad sa akin at makita mo palang sila ay ramdam na ramdam mo na masaya talaga sila sa isa’t isa at walang halong lokohan.

“Oh, anak andito ka na pala,” pag pansin sa akin ni Dad. 

Napatingin naman sa akin ‘yong Teresa at ito ay ngumiti sa akin. 

“Tara kain tayo, hali na at umupo ka na rito sa tabi ko,” pag aaya sa akin ni Teresa. 

Hindi naman ko kumibo dahil ayoko na magsimula kami ng away sa harap ng pagkain. Ito ang laging bilin sa akin ng aking Ina na huwag na huwag gumawa nang kahit ano na nakakabastos sa harap ng pagkain dahil ito ay grasya na nagmula sa Diyos kaya kailangan itong respetuhin.

“Tikman mo ito, masarap ‘yan. Ako ang nag luto niyan,” sabi ni Teresa at sinandukan ako ng nilagang baka. 

Hindi ko naman siya kinontra dahil baka mabastos ko pa ang dinner namin ngayong gabi. Pinabayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin kahit kanina pa ko kating kati na sumbatan siya dahil sa ginawa niya sa pamilya namin.

Nang matapos ako ay hindi agad ako umalis sa hapag dahil hindi pa sila tapos kumain, turo rin sa akin ni Mommy na huwag akong aalis hanggat may kumakain pa sa hapag. Manners daw ‘yon.

Sabay sabay kami na tumayo sa aming mga upua, sila ay umupo sa kama at ako naman ay nag tuloy tuloy papuntang hagdan para pumunta sa aking kwarto.

“Saan ka pupunta Aicelle? Samahan mo muna kami rito ni Tita Teresa mo para mas makilala mo pa siya,” sabi ni Dad.

Tumigil naman ako sa paglalakad at malamig siyang tinignan. 

“I don’t want to,” maikling sabi ko.

Gulat naman siyang tumingin sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang magiging sagot ko. 

“What do you mean? Ayos lang naman kayo kanina ah?” takang-takang tanong ni Dad.  

“Alam ko lang pong rumespeto sa harap ng hapag, hindi po katulad niyo na nag lalandian pa.” 

Inis naman siyang tinitigan ako.

“Aicelle! Ano ba ang nangyayari sa iyo!?” may bahid nang galit na sabi niya. 

“Dad, she ruined our family! What do you expect? Do you expect that I will accept her with my open arms? No Dad, I won't do that.”  

~~  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status