Share

Chapter 6

(Greg 's pov)

Nagkakagulo dito sa bahay. Paano ba naman kilig na kilig si mommy at si Grace sa kapaplano sa kasal ko.

Kahit ilang ulit kong sabihin na hindi ako papayag ay hindi nila ko pinapansin. Ilang beses ko na din silang pinagtangkaang walk out-an pero laging humaharang ang MIB kuno nila. Wala tuloy akong choice kundi tiisin ang kabaduyan nila.

"Kuya, ano gusto mo, beach o church o garden wedding?"

"Sabi ko hindi ako ikakasal! Kung gusto nyo, kayo na lang ni mommy ang magpakasal!"

"Kuya, magkakaanak ka na. Tanggapin mo nang tumatanda ka na."

"Kaya nga susustentuhan ko na lang para hindi na ikasal. Gastos lang yan."

"Paano mo nakakayang isipin na pabayaan ang anak mo kuya?" My Oh-so-good sister crossed her arms in front of me. I stood and leveled my head to her.

"Bata ka pa, Gracie. You'll know when you reach my age." Ginulo ko ang buhok nya bago naglakad palabas.

Agad na may tumawag sa akin na number lang. But I'm a hundred percent sure that it was one of my girls. I don't save their numbers. They won't last a day anyway.

" Hi, babe! 9am sa coffe shop tayo ha. Don't forget."

"Of course babe. I love you." I said before I drop the call. I said the word but never mean it. Pagkababa ko ng phone ay may tumawag na naman.

"Hello, hon, san ka na? Kanina pa ako nandito sa restaurant."

"On the way na. Sandali na lang. Bye, love you "

Napailing na lang ako. Ang gwapo ko talaga. Pero hinding hindi ako magse-settle. Hanggang landian lang ang kaya kong ibigay sa kanila. I know women only want the pride of sleeping with me since for them I was like a trophy. While for me, I need their bodies to satiate my needs. It's a mutualism.

My phone rang for the third time and I picked it up.

"Love, 8:30 ha. Don't forget!"

"Ok love, sino ka nga ulit?"

"Janna to love,ano ka ba?! Bye na nga!"

Pogi problems talaga oh! Pero sa totoo lang, wala talaga ako ni isang natatandaan sa mga naikakama o nakaka-fling ko. Wala akong oras makipagkilala dahil alam ko namang aalis at aalis din sila sa buhay ko.

Dahil madami akong appointments sa mga chicks ko today, pinuntahan ko na ang mga babae ko. Huwag lang sanang mahuli na sinasabay- sabay ko sila.

(Charlene 's pov)

"Ma, Pa, alis na po ako." Pagpapaalam ko.

It's been two weeks since I submitted my resignation letter. Sinabi ko sa parents ko na nagresign ako at wala ako ni isang masakit na salita na narinig sa kanila tungkol sa desisyon ko. Ang sabi nga ni mama noon kung hindi na ako masaya at hindi na ako productive okay lang. Wala naman daw masama kung mag eexplore ako. And I was very thankful with that.

Gustuhin ko mang sabihin sa kanila ang totoong dahilan dahil ilang gabi na ako nagi-guilty ay hindi ko pa rin magawa. Hirap na hirap na rin akong itago sa kanila ang pagsusuka at pagkahilo ko.

"Payong mo anak. Ilagay mo sa bag mo at baka mainitan ka kakalakad sa paghahanap ng trabaho." Sabi ni mama. Ngumiti sya at saka hinawakan ang pisngi ko. ." I smiled back although I could feel that something's wrong "May problema ba, Ma?"

"Wala naman." She shook her head before she remove her hands on my face. "Natutuwa lang ako sa anak ko. Basta pwede ka naming magsabi kay Mama o kay Papa ng kahit anong problema mo. Huwag mong solohin. Alam kong ayaw mo lang kaming mag alala pero magulang mo pa rin kami. At mahal ka namin."

"Thanks, Ma." I hugged her and I felt my eyes water with unshed tears. This must be because of the hormones.

------------------------------------------------

Puro byahe na lang ang ginawa ko ngayong araw sa dami ng inapplyan ko. Pang limang company ko na ito pero wala pa ding patok sa akin. It's either hindi nila matapatan ang salary na hinihingi ko or hindi naman pasok sa job description na gusto ko. Ngayon naman on the way na ako sa pang 6th na company nang biglang may humintong putting van at lumabas ang mga lalaking malalaki ang katawan at hinila ako papasok sa sasakyan.

Pamilyar ang mga lalaking ito kaya hindi na ako kinabahan. For sure this is another stunt that Greg's mom would try to get his son marry me. Kailan kaya sila titigil?

"Ano na naman ba 'to? Ibaba nyo na nga ako!! " pagmamakaawa ko pero wala man lang silang reaksyon. Para nga silang mga pipi't bingi. Alam nyo yun? Yung parang guard sa Luneta na kahit anong pagpapatawa ang gawin mo ay di ka papansinin?

Kaya tumahimik na lang din ako. Ayoko namang magmukhang tanga sa kanila.Tumigil kami sa isang sikat na hotel at ipinasok ako sa isang room doon.

Laking gulat ko nang makita ko ang mommy ni Greg,si mama, si papa at si Charlie.

Niyakap naman nila ko agad nang makita nila ako.

"Masaya ako para sayo,Anak." Mama said, her voice full of sincerity. At mas lalo akong naguluhan sa kung ano ba ang nangyayari sa paligid.

"Ano 'to, Ma? Bakit kayo nandito?"

"Noong isang linggo pa namin alam na buntis ka. Sinabi sa amin ng Nanay ni Greg. Hinihintay lang namin na ikaw mismo ang magsabi sa amin."

"Ang swerte mo, Ate! Surprise wedding ang pinlano ng boyfriend mo para sayo. Napakaganda talaga ng Ate ko!" Tuwang tuwa akong niyakap ni Charlie.

Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi totoo ang sinabi na swerte ako kay Greg. Bigla akong kinabahan. Ikakasal ako? Paano? Sino ang nagplano? Sino ang nagpropose at kanino nagpropose para magkaroon nito?

Si Mama at charlie tuwang tuwa. Pero si papa, tahimik lang sa isang tabi. Kaya nilapitan ko sya.

"Papa? " tumingin lang sya sa akin at hindi sumagot. Para ngang ang lungkot ng mata nya eh."Papa, sorry po." naiiyak na ako dahil sa mga ganitong pagkakataon alam kong galit sya.

"Anak, galit ako. Galit ako na itinago mo sa amin iyang bata. Galit ako dahil hindi mo kami pinagkatiwalaan sa mga desisyon mo. Pero kung desidido ka na sa kasal na yan, wala akong magagawa. Oo tama ang mama mo na nasa tamang edad ka na pero para sa akin ikaw pa din ang prinsesa ko. Kung ano mang tulong ang kailanganin mo nandito lang kami, ha?"

Naiyak ako sa sinabi ni papa. Oh, Let me correct that. Napahagulgol ako. Never syang nagsalita ng ganyan dahil hindi sya sweet. Mas open ako kay Mama pagdating sa mga nararamdaman ko. Pero ngayon, grabe si Papa.

Napayakap ako sa kanya kaya nabasa ko ang damit nya.

"Ano ba ang ibig sabihin ng iyak na yan? Ayaw mong magpakasal?" Napabitaw ako. Ganyan ba talaga kagaling ang mga magulang sa pagbasa ng nararamdaman ng anak?

Kahit gustong gusto kong umamin na ayoko ng kasal ay pinigilan ko ang sarili ko. Siguro nga natututunan ang pagmamahal. Baka habang magkasama kami ni Greg ay matutunan naming mahalin ang isa't isa. Kahit para lang sa welfare ng bata.

"Kasi ang sweet mo papa. Nakakainis ka! " nagtawanan lang kami tapos kinumusta ang baby ko. Masaya ako dahil maayos na tinanggap ng pamilya ko ang sitwasyon ko.

"Excuse me, Sir. Pwede kop o bang mahiram si Charlene?" Nakangiting sabi ng mommy ni Greg. Tumango si Papa kaya agad akong tumayo.

I smiled back at her kahit na may kaunting sama ng loob pa rin ako sa kanya pagkatapos ng ginawa nya sa amin. Tapos ay dinagdagan nya na naman ng ganitong kalokohan. Kung hindi lang maganda ang naidulot nito sa pamilya ko ay kanina pa ako nagback out.

"Sorry Charlene if I have to pull another stunt just to tie you and Greg. And sorry if I drag your family into this."

"Ma'am,"

" I admit this is not easy for me. Actually nakapagdesisyon na po talaga ako na palakihin ang bata nang mag isa. Naghahanap na rin po ako ng trabaho para hindi kami maghirap ng anak ko. But this happened. Had my parents reacted differently, I would've backed out."

"I'm glad you didn't back out." She smiled and held both my hands."Listen Charlene. Greg is a good man inside. May mga nangyari lang sa past kaya sya nagkaganyan. Ako, naniniwala ako na ikaw ang may kakayahang baguhin sya ulit at ibalik sa amin iyong dating Greg. And if the time comes that you can no longer stand him, I promise to help you with the annulment. Is that okay with you?"

I agree with her that Greg is a good man inside. I could feel it. I have experienced it myself. I admit I felt something when he hugged and protect me that time. But I have to shrug it off for I know what kind of a man he is.

"Yes po." I nodded and she smiled. Hinila nya ako sa dressing room at binihisan.

Gulong gulo pa din ang isip ko pero hinayaan ko na lang sila. I guess tumutol man ako o hindi ay sila pa rin ang masusunod.

(Greg's pov)

I was on my way to a restaurant to meet my date when three black cars blocked my way. Sobrang lakas ng pagkatapak ko sa brake para lang hindi ko mabangga ang mga kotse sa harap ko. Bwisit!

Bago pa man ako bumaba ay may limang lalaki ang lumabas mula sa kotse at hinila ako palabas sa kotse ko at pilit na isinakay sa sasakyan nila. They actually looked familiar. Mukhang mga tao na naman ni Mommy. Ang sarap pagsusuntukin at nang makaganti man lang ako. Mabuti at wala dito yung halos gumahasa kay Charlene noon kasi baka kung ano na lang ang nagawa ko sa hayop na yon.

Wait! Why am I thinking of that woman?

Lumiko ang sasakyan sa isang sikat na hotel at at agad nila akong hinila palabas. Talagang hindi man lang nila inaayos ang paghawak sa akin. Hindi ba nila ako kilala? I am Greg Francisco.

They pushed me to a room where I saw lots of busy people, that includes my sister and my mom. Si Grace ay nakaupo sa harap nang isang malaking salamin habang nilalagyan ng make up ng isang babae habang si Mommy naman may pinagagalitan na isang babae. She's wearing a purple chiffon gown and her hair is tied in a neat bun. Mukha syang nanay ni Dao Min Si. She stopped talking and smiled when she saw me.

"Finally dumating ka na." She happily kissed my cheeks. "Pumunta ka na sa dressing room."

"Ma, ano 'to? Didn't I told you that I do not want to get married? "

"You should get married anak. You made Charlene pregnant. That's already a big reason for you to settle." She sighed. "Listen Greg. You know in the first place how it felt to have no father to guide you as you grow older. I know I tried my very best para hindi nyo maramdaman ng kapatid mo na may kulang sa pamilya natin pero alam kong hindi sapat lahat ng efforts ko. I know and I can feel that both of you still grew up with a missing hole in your heart that only your father can fill. Do you want your child to suffer the same?"

I suddenly recall those days that I was bullied because I have no Dad. Or those days that I have to present in front of the class our family picture and my classmates would ask why I do not have a Dad. I wanted to say that he has another family but that would just make things more complicated. Because even for me it felt so much complicated.

And do I even want my child to suffer the same? The thought makes my heart shrink. No, I won't let anyone, especially my child to suffer my horrible childhood memories.

"Alright. Fine, I agree on this. For the sake of my child."

"Good choice,son." She smilingly nodded. "Now proceed to the dressing room. Kanina pa yata ayos si Charlene at balita ko sobrang ganda nya."

I honestly don't care about beauty. Kung ganda lang naman, alam kong marami na akong nakitang talagang magagandang babae. Charlene is not even in the half of those women. Sobrang manang ng babaeng iyon.

At kahit gaano pa man kaganda ang babae, lahat iyan mag-eexpire. Walang nagtatagal at walang puwedeng magtagal. Ang bawat babae, 2 days lang ang pinakamatagal na expiration nyan.

At si Charlene, isang gabi pa lang, expired na.

............

I was overly amazed when I saw how the venue was beautifuly arranged and decorated. The lights were quite dim which suggest solemnity of the program. There was a huge arch made out of the combination of Boxwoods and white orchids and groups of white roses in between the red carpet aisle. In front was two side by side small trunks decorated with LED lights as leaves. Three stair steps and you'll find the altar for the ceremony.

I've never had a dream wedding because I never thought of marrying. But this one's not bad.

"Did you like it?" Grace appeared out of nowhere.

"It doesn't matter." I lied. "Hindi pa ba magsisimula?"

"Arte mo talaga, kuya. Atat naman ikasal."

"Hindi ako atat.Gusto ko lang na matapos na agad because I'm getting bored here."

"Whatever." Umalis ang pikon kong kapatid.

"Okay na po si Charlene, pwede nang simulan ang kasal." I heard someone say and everyone grew excited as they fall in line.

The orchestra started playing a slow rendition of This I Promise You by Nsync and we were asked to walk according to our turn. My mom chose to walk me to the aisle. My best man was none other than my very great friend Jonas,whose idea put me in this situation. When everyone was done, it was the bride's turn. Everyone's attention is with her. Including mine.

Parang naging slowmotion ang lahat nang makita ko si Charlene. She's stunning in her high neck long sleeves lace ball wedding gown. Her hair is in a fluffy curl side ponytail na bagay na bagay sa kanya. She's assisted by her parents.

"Wow." I heard Jonas mumbled beside me and I felt like pulling his eyes off but held myself.

Charlene indeed is a stunner. Ngiti lang ang kulang. Pero ganunpaman, parang sya na nga ang pinakamagandang babaeng nakita ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa harap ko.

I lend my hand and assist her in front of the altar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status