Share

KABANATA 6

ASHLEY

KINABUKASAN nang magising siya agad niyang hinanap si Eya. Kinabahan siya dahil hindi niya ito nakita sa gilid ng kama. Shit, saan si Eya?

Mabilis siyang napatayo para tignan din sana ang banyo ngunit hindi pa siya nakakalakad ng diretso ng matumba siya sa sahig. Natalisod siya sa isang matigas na bagay. Kunot-noong napatingin sa matigas na bagay na nakaharang, paa pala iyon. Nasa ilalim pala ng kama niya si Eya at dahil sa tangkad nito, nakausli ang mga paa nito. Bakit nasa ilalim ito ng kama? Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya bigla itong lumabas, kinabahan siya baka may makakita kay Eya.

Lumuhod siya saka sinilip sa ilalim ng kama si Eya. Gising ito, tahimik lamang itong nakahiga habang nakasubo pa rin sa bibig nito ang sepilyo niya. Ang cute! Para itong batang may nakasalpak na tsupon sa bibig.

"Eya, lalabas lang ako saglit, bibili ako ng pagkain mo at damit mo," aniya saka nginitian ito.

Tumitig lang ito sa kanya. Wala siyang makitang kahit anong reaksyon sa mukha nito.

"Huwag kang lalabas at huwag kang gagawa ng ingay, ayos ba iyon? Antayin mo ko rito," ulit niyang sabi kay Eya.

Bagamat hindi ito kumikibo, mukhang nauunawaan naman siya nito. Inabot niya ang ulo nito upang haplusin. Nakikita niya kasing gustong-gusto ni Eya ang ginagawa niyang paghaplos sa ulo nito.

Mayamaya pa ay nagbihis na siya at lumabas. Alas-sais pa lang ng umaga, kailangan niyang mag-ikot sa bayan upang maghanap ng maaaring makain ni Eya. Kinausap niya ang isang katulong upang magtanong kung saan meron ukay-ukay at saan banda ang palengke. Sakto naman na tutungo rin ang katulong sa palengke kaya sumabay na siya.

"Ano po ba ang bibilhin ninyo sa palengke?" kapagkuwa'y tanong ng katulong sa kanya. Lorena ang pangalan nito.

"May hahanapin lang ako saka mag-uukay-ukay din ako," nakangiting tugon niya rito.

"Ganoon po ba, sige po, pwede po kayo magpahatid ng espesyal sa tricycle pagpauwe na po kayo," sambit ni Lorena saka sinabi sa kanya kung saan siya maaaring sumakay mamaya.

Nang makarating sila sa palengke, magalang na nagpaalam sa kanya si Lorena at dumiretso mismo sa loob ng palengke. Naisip niyang magtungo muna sa ukay-ukay para maghanap ng damit na kakasya kay Eya. Mabuti na lang at maraming pagpipilian na pantalon at mga t-shirt sa ukay-ukay, namili siya ng mga extra large na t-shirt at dalawang pantalon. Nagtingin din siya ng tsinelas at iba pang gamit para kay Eya.

Sumunod naman na tinungo niya ay ang palengke, bumili ng isya ng dugo ng baboy at ilan laman loob para kay Eya. Hindi siya sigurado kung kakainin ni Eya ito pero kailangan niyang subukan. Kagabi kasi, hindi nito nagustuhan ang tinapay na binigay niya, dinura lang nito iyon. Nang matapos siya sa pamimili, hinanap niya agad ang sakayan subalit napatigil siya ng may madaanan siyang Barber Shop.

Ah, tama! Kailangan din pala niyang bumili ng razor para sa mahabang buhok ni Eya. Sa sobrang haba kasi ng buhok nito, hindi niya masyadong masipat ang mukha nito. Pumasok siya sa loob ng Barber Shop, nagtanong siya kung may binebentang razor doon. Maige na lamang at meron extra razor ang barbero at binenta sa kanya ng mura. Nagpasalamat siya sa barbero at nagmamadaling bumalik na sa safe house ni Mayor.

Nang makauwe, nakasalubong niya si Ria. Pupungas-punga itong lumapit sa kanya.

"Lumabas ka? Saan ka nagpunta?" humikab pa ito pagkatapos magtanong.

"S-Sa palengke, nag-ikot-ikot lang ako, aga mo naman nagising," sambit niya.

"Nagtext kasi si Mayor, maaari kasing nakalayo na ang Mummy dito sa probinsya baka nakarating na ang Mummy sa ibang lugar, gusto ni Mayor makausap tayong lahat bago tayo bumalik ng Maynila," paliwanag nito.

Nagliwanag bigla ang mukha niya sa narinig. Pwede na silang bumalik ng Maynila.

"S-Sige, anong oras ba tayo kakausapin ni Mayor Datum?"

"After lunch pa naman, breakfast muna tayo. Katok ako ng katok sa kwarto mo, lumabas ka na pala, hindi mo man lang ako ginising,"

Ngumiwi siya sabay kamot sa ulo.

"S-Sorry, ayoko kasi maistorbo tulog mo, sige ilalagay ko lang ito sa kwarto ko tapos magpalit lang ako damit,"

"Okay, punta ka na lang sa pool side, doon tayo magbreakfast," nakangiting wika ni Ria sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ito kaya naman lakad takbo ang gawa niya papunta sa silid niya. Pagbukas sa silid niya, sinipat niyan agad ang ilalim ng kama, wala si Eya. Wala rin ito sa gilid ng kama. Kumabog ang dibdib niya sa kaba, baka lumabas ito. Tinignan niya rin ang banyo, laking pasasalamat niya at naroon si Eya at naglalaro na naman ng tubig sa gripo. Tila may tinik na nabunot sa dibdib niya, napabuntong-hininga siya.

"Eya, may pasalubong ako saiyo," magiliw niyang sabi.

Pinakita niya rito ang supot na may lamang dugo ng baboy. Nakuha niya ang agad ang atensyon nito at inamoy-amoy ang supot, ilan segundo pa ay dinakma nito ang supot at nilamutak na para bang gutom na gutom. Napailing siya habang pinapanuod ito, mabuti na lang at meron pang isang supot na nakatabi, hindi naman kasi nito nainom lahat dahil natapon ng butasin kaagad nito ang supot.

"Dapat pala nilagay ko muna sa lalagyan bago ko binigay saiyo," pabulong na sabi niya.

Habang abala si Eya sa pagsimot sa dugo ng baboy na nasa supot, kinuha na niya ang razor at gunting. Paunti-unti niyang pinuputol ang mahaba nitong buhok, muntik pang masira ang gunting dahil sa kapal at tigas ng buhok nito.

"Kalbuhin na lang kaya kita? Ang hirap kasi makita ang mukha mo," aniya kay Eya habang ginugupitan ito.

Pagkatapos maiksian ang buhok nito, ginamit na niya ang razor. Marahan lang ang paghagod niya, natatakot siyang masaktan ito. Baka kasi pag nasaktan niya ito bigla na lamang siyang sakmalin. Napansin din niyang tila natigilan si Eya sabay tumingala sa kanya. Ginawaran naman niya ito ng matamis na ngiti at hinaplos muli ang ulo nito.

"M-Mabait 'yan, hindi gagalaw 'yan, kailangan lang natin gupitan ang buhok mo para makita ko ng maayos ang mukha mo at..." naputol ang iba pa niyang sasabihin nang mapagmasdan niya ng klaro ang mukha ni Eya.

Holy crap! This creature is so damn handsome!

Napaawang ang labi niya, hindi niya lubos akalain na isang maamo at guwapong mukha ang masisilayan niya. Mala-adonis ang mukha nito, idagdag pa ang mapupulang labi nito at ang kulay berde nitong mata. Tumayo ito, siya naman ngayon ang nakatingala kay Eya. Sa taas niyang limang talampakan at dalawang pulgada, halos manliit siya sa harap nito.

Walang siyang makapang salita sa bibig niya, lalo nang magtama ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya nalalasing siya sa paraan ng pagtitig ni Eya sa kanya. Napalunok siya, bagay na bagay rito ang semi faded na gupit. Napako naman ang mata niya sa umiigti nitong sandata na nababalutan ng konting buhok. Mapuputolan yata siya ng hininga kaya mabilis siyang lumabas ng banyo.

Kailangan niyang kalmahin ang sarili niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit napakabilis ng kabog ng dibdib niya? Nag-inhale, exhale siya. Sinilip niyang muli sa banyo si Eya, nakatitig lang ito sa razor at gunting. Napabuga siya ng malalim na paghinga. Paliliguan muna niya ito saka bibihisan bago siya lumabas at puntahan si Ria.

Habang sinasabon niya ang katawan ni Eya, hindi na niya mabilang kung ilan beses na siyang nagdasal ng Ama namin. Torture para sa kanya ang pagsabon sa katawan nito, lalo na sa bandang gitna ng mga hita nito. Oh Lord! Hindi na birhen ang kamay ko!

Nang akma niyang hahawakan ang sandata nito para masabunan ng biglang umiwas si Eya at inilayo ang katawan sa kanya. Natulala siya. Ay, bakit? Nailang din ba ito?

Sumulyap siya sa mukha nito. Kitang-kita niya ang pamumula ng buong mukha nito at tenga. Napansin din niyang tumayo at nanigas ang magiting nitong sandata. Oh, shit! Bakit hindi niya naisip na maaaring makaramdam din ito ng pagkailang?

"G-Gusto mo ikaw na lang magsabon ng 'totoy' mo?" nakangiwing sabi niya, alanganin pa siyang tumingin kay Eya.

Hindi ito nagsalita, umatras lang ito lalo at tila hindi nito gusto ang sinabi niya. Umangil pa ito sa kanya para ipaalam sa kanya na ayaw nito magpahawak. Tinaas niya ang dalawang kamay saka binaba ang sabon.

"O-Okay, okay. Hindi na, hindi na kita hahawakan," nauubusan ng pasensya sabi niya.

Daig pa niyang may alagang sutil na bata sa ginagawa niya, bahala na nga. Lumabas siya ng banyo para ihanda na ang bihisan ni Eya. Kailangan pa niya yatang pilitin itong magbihis, mukhang masusubukan yata kung gaano kahaba ang pasensya  niya.

Relax lang, Ashley. Ibayong pasensya dapat.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hahaha ikaw Ash ha makahawak ka Kay junjun Kasi nahiya tuloy si Eya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status