Share

KABANATA 5

last update Last Updated: 2021-06-30 14:29:24

ASHLEY

NGUNIT kabaligtaran ang nangyari imbes na kainin siya, sakmalin o patayin siya ng nilalang na ito. Dinilaan lamang siya nito sa mukha. Dinilaan nito ang noo, ilong, mata, bibig, baba at tenga niya. Para bang tinitikman siya at kinikilala siya nito.

Kahit nanginginig ang katawan niya hindi pa rin siya kumilos. Panay ang lunok niya ng laway habang nakatikom ang bibig. Nasa ibabaw pa rin niya ang Mummy. Inaamoy-amoy naman nito ang leeg niya pababa sa may dibdib niya.

Nang subukan niyang takpan ang hubad niyang dibdib dahil nakalas ang pagkakabuhol ng tuwalya niya. Bigla na lamang ito umangil, tila galit na asong ayaw magpahawak.

Lalo siyang natakot at nangatal. Hindi siya makahinga sa labis na takot.

Nagpatuloy ito sa pag amoy sa kanya hanggang sa tuluyan ito tumalon pabalik sa gilid ng kama. Umupo ito at yumuko parang pilit nitong tinatago ang sarili sa sulok ng kama.

Naguluhan siya. Hindi siya pinatay? Hindi siya kinain? Bagkus dinilaan at inamoy lang siya nito. Bakit? Napabalikwas siya ng upo sa kama, dali-dali siyang nagbihis.

Marahil kaya hindi siya pinatay nito ay dahil siya ang bumuhay dito. Tama! Iyon nga siguro ang dahilan, siya ang bumuhay dito, dugo niya ang nagpagising dito. Unti-unti nabura ang takot niya napalitan iyon ng pagkamangha. Kung susuriin maige, hindi naman nakakatakot ang wangis nito.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Napakahaba ng buhok nito, pati ang mga kuko nitong nagbuhol-buhol na sa sobrang haba. Huminga siya ng malalim. Mas mukha pa itong takot tignan kung tutuusin, siguro nagulat ito dahil nagising ito sa isang mundong hindi ito pamilyar.Kumuha siya ng gunting at marahan siyang lumapit sa nilalang na tahimik pa rin nakasiksik sa gilid ng kama.

Kikilos siya upang hawakan ang kamay nito subalit umangil ito. Mabagsik itong umangil sa kanya. Kitang-kita niya ang matutulis nitong mga ngipin tila nagbabantang sasakmalin siya.

"H-Hindi kita sasaktan. Kung gusto mo rito sa kwarto ko, kailangan sumunod ka sa'kin. Pag hindi ka sumunod, ibibigay kita sa kanila, sasabihin kong nandito ka."

mahinang sikmat niya.

Panakot lang niya iyon pero mukhang naunawaan naman nito. Tumigil ito sa pag angil sa kanya, nakatingin lang ito sa gunting na hawak niya. Ah! Nagtataka siguro ito dahil may hawak siyang gunting.

"Akin na ang kamay mo, gupitin natin ang kuko mo. Parang kable na ang kuko mo sa sobrang haba. Hindi ito masakit, hindi kita sasaktan," malumanay na wika niya rito.

Nang hindi ito kumibo, siya na ang umabot sa kamay nito. Kayanin kaya ng gunting ang kuko nito? Bahala na nga. Gamit ang gunting, pinutol niya isa-isa ang kuko nito. Umuungol-ungol lang ito parang asong umiiyak-iyak.

Hindi niya maiwasan pagak na matawa. Ang gara ng reaksyon nito. Pero hindi niya tinigilan ang kuko nito hanggang sa maputol niya lahat at magmukha ng normal ang kuko nito at kamay.

"Ayan, mukha ng kamay ang kamay mo," aniya.

Napaigtad siya ng bigla nitong hablutin ang gunting sa kanya. Titig na titig ito sa gunting, mayamaya pa ay dinilaan din nito ang gunting.

"Hoy...teka!" bulalas niya.

Akala siguro nito pagkain iyon. Naiiling na lamang siya. Mukhang hindi naman ito bayolente, para itong cave man nung sinaunang tao. Inagaw niya ang gunting. Muli itong umangil sa kanya. Galit na galit itong nakatingin sa kanya.

"Hindi ito pagkain. Gupitin din natin ang kuko mo paa. Tigil mo ang pag angil sa akin kung ayaw mong palabasin kita ng kwarto ko," madiin sabi niya.

Tumahimik naman ito. Oh good boy! Nginitian niya ito saka hinimas ang ulo.

"Good boy. Behave lang." Nakangiting sabi niya.

Patuloy lang ito sa pagtitig sa kanya. Umupo siya sa sahig upang magawa niyang putulin ang kuko nito sa paa. Bagamat madungis at punong-puno ng putik ang paa nito, hindi niya alintana iyon. Hindi siya nandiri. Sa uri ba naman ng trabaho niya, hindi na niya alam ang salitang 'kadiri' kaya naman ang sisiw lang sa kanya ang gupitin ang kuko nito sa paa.

Ilan sandali pa ay hinawakan niya ito sa kamay. Kaagad naman nitong tinabig ang kamay niya. Tila takot na takot magpahawak.

"Grabe ka! Ayaw mo magpahawak? Kanina nga halos dilaan mo buong mukha ko, halika tumayo ka diyan," sikmat niya.

Muli niya itong hinila. Subalit, ayaw talaga nito magpahawak. Napabuga siya ng hangin. Gusto niya kasing linisan ito sa banyo. Sobra kasi siyang curious sa kung anong itsura nito pag malinisan. Nakaisip siya ng paraan. Tinaas niya ang gunting at ipinakita rito.

"Halika, lapit ka, ibibigay ko saiyo ito." Sinubukan niyang utuin ito gamit ang gunting.

Hindi niya sure kung kakagatin nito ang pang-uuto niya. Winagayway niya ang gunting para mas akitin itong lumapit sa kanya. Feeling niya tuloy para siyang dog whisperer sa ginagawa niya. Paano kung i-train niya ito? Kayanin niya kayang i-train ito?

Ilang saglit pa ay dahan-dahan na itong gumalaw at lumapit sa kanya. Para itong gorilla dahil sa paraan ng paglakad nito. Hindi ito tumayo ng diretso. Hmm, mukhang alam na niya ang una niyang ite-train dito.

Habang lumalapit ito umaatras naman siya hanggang sa makapasok siya sa banyo. Nang tuluyan makapasok ang Mummy sa loob ng banyo, bakas sa mata nito ang gulat at pagkamangha. Hinaplos nito ang tiles ng banyo. Lahat ng makita nito ay dinidilaan nito. Pinigilan niya lang ito ng akma nito isusubo ang sabon.

"Hindi ito pagkain. Ito na lang gunting hawakan mo," aniya sabay abot sa gunting.

Parang batang hinagis lang nito ang gunting. Ayaw na niya ng gunting kasi may nakita itong mas kakaiba. Kinuha nito ang sepilyo at sinubo iyon sa bibig nito. Natawa siya dahil sa tuwang-tuwa reaskyon nito. Hinayaan na lang niya kagat-kagatin nito ang sepilyo niya.

Binuksan na niya ang gripo at sinimulan na niyang hugusan ang paa nito. Tumili pa ito ng malakas sa gulat.

"Sshh...huwag ka maingay. Sige ka, malalaman nilang andito ka."

saway niya rito.

Titig na titig lang ito sa gripo. Amazed na amazed ito, sa gulat niya ay bigla na lang nito tinapat ang bibig sa ilalim ng gripo at ininom ang lumalabas na tubig.

"Ya! Ya! E-ya! Ya!" wika nito at tuwang-tuwa dahil sa gripo.

Maging siya ay natuwa dahil para itong bata na tuwang-tuwa sa bagong laruan. Ano nga ba ang ipapangalan ko saiyo?

"May pangalan ka ba?" kapagkuwa'y tanong niya.

Panay-panay pa rin ang inom nito sa gripo. Dinilaan pa nito ang gripo at tabo.

"Ya! Ya! Eee! Ya!"

iyon lamang ang lumalabas na salita sa bibig nito.

Hindi ba talaga ito nagsasalita? Mali ba siya ng dinig dati, para kasing bumulong ito sa kanya ng salitang 'dugo'  kaya nga naglaslas siya e.

"Eya ba ang pangalan mo?" Hindi siya iniintindi nito. Naglalaro lang ito ng gripo.

Huminga siya ng malalim.

"Okay. Sige. Eya na lang ang itatawag ko saiyo. Ikaw na si Eya. Ayos ba 'yun saiyo?"

nakangiting sabi niya.

Sumulyap lang ito sa kanya at ngumiti habang nakasalpak pa sa bibig nito ang sepilyo niya.

Okay, Eya, nice to meet you. Welcome to my world.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
welcome Eya Ang cute ng name mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 68

    ASHLEY MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya. Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito. "E-Eya?" nag-aalalang sambit niya. "Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa. Kaagad naman niya hinawakan si Eya. "Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya. "Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito. Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 68

    ASHLEY MABILIS ang naging pagtakbo nila ni Eya kasing bilis ng ihip ng hangin ang pagkilos nila upang hindi sila maabutan ni Adaline. Hindi pa niya mawari kung bakit gano'n ang nangyari sa anak nila subalit saka na muna niya iisipin iyon pagnakalayo na talaga sila ni Eya. Ilan kilometro pa ang tinahak nila ng biglang mapahinto si Eya, napatigil siya at nanlaki ang mga mata nang makitang tumutulo ng dugo ang mga mata nito. "E-Eya?" nag-aalalang sambit niya. "Si--Adaline. N-Nasa malapit na siya..." garalgal na tugon nito sabay napaluhod sa lupa. Kaagad naman niya hinawakan si Eya. "Bubuhatin kita." Suhestiyon niya subalit umiling si Eya. "Just go. Ako ng bahala sa anak natin," pagtaboy nito. Mariin siyang umiling. Alam niyang hindi nito kakayanin si Adaline, sadyang malakas ang anak nila na para bang hindi ito titigil hangga't hindi nakikitil si Eya. Hindi niya hahayaan mangyari iyon, mas l

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 67

    EYAHABANG papasok sa Police department kaagad na inihiwalay sa kanya si Adaline at ang asawa niya. Pero imbes na dalhin siya sa isang interrogation room, may matulis na bagay ang sumaksak sa leeg niya. Damn! Syringe again, the f*ck!Segundo lang at nawalan siya ng malay. Nang magising siya nakatali na siya sa isang bakal na upuan na may kung ano-ano nakakabit na kable sa buong katawan niya.Huminga siya nang malalim. Hindi siya nag-panic. Blanko lang ang pinakita niyang mukha. Nasa loob siya ng isang puting silid na pinalilibutan ng tinted na salamin. Alam niyang maraming tao ang nakatingin sa kanya. Naririnig niya ang mga tibok ng puso ng mga ito."Can someone explain me, what this is for? Where's my wife and my daughter? Hello? I know there's a lot of you watching me right now and I know you can hear me," kalmadong sabi niya.Mayamaya pa may narinig siyang boses."We already know what you are. We'd better put you there for our safety."

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 66

    ASHLEY PAGDATING ng mga sheriff sa labas ng mansyon. Kaagad na naglabas ng mga baril ang mga sheriff at tinutukan sila. Mabilis na nagtaas ng dalawang kamay si Eya. "Raise your hand! Come with us quietly so there is no trouble." Malakas na wika ng isang sheriff. Lumingon naman sa kanya si Eya at hinalikan siya sa labi saka humarap sa mga ito. "I'll go with you then. Just me and not with my wife and daughter," malamig na sagot ni Eya sa mga ito. "We also need to talk to your daughter. Don't worry, we won't do anything with you and your family. Your wife can also come," dugtong naman ng isa pang sheriff. Huminga siya nang malalim at nagkatinginan sila ni Eya. Bahagya lang siya tumango, tanda ng pang sang-ayon niya. Ayaw niya ng kahit anong gulo, kaya sasama sila nang tahimik. Tinawag niya si Adaline. Bumaba naman ito at para bang naguguluhan sa nangyayari. "Bakit may mga pulis, Mama?" "Kakausapin lang nila ang Pap

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 65

    ASHLEYBAHAGYANG lumalim ang paghinga niya nang maramdaman na may humahaplos sa mga binti at hita niya. Naramdaman din niya ang pagdampi nang mainit na bibig sa kanyang kaselanan na tila inaamoy at nilalasahan. Napaugol siya habang nakapikit pa rin. Si Eya ba 'yon? Napangiti pa siya, parang walang kapaguran ito. Naramdaman niya ang pagbuka nito sa mga hita niya, napaliyad siya nang tuluyan halik-halikan nito ang kanyang pagkababae.Kagat labing napahawak siya sa buhok nito ng sipsipin ni Eya ang kanyang pagkababae. Kaya mas tinodo niya ang pagbuka sa mga hita upang bigyan laya ito na angkinin siya."Oh, E-Eya...Hindi mo talaga ako titigilan," paanas na daing niya habang nakasabunot sa buhok nito at dahan-dahan pinagduduldulan pa lalo ang ulo nito sa pagkababae niya."Is this what you want? Hmm..."Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba kay Eya, napilitan siyang idilat ang mga mata. Nakita niya si Eya na nasa pa

  • YAKAP SA DILIM   KABANATA 64

    EYA MAINGAT niyang inihiga ang asawa sa kama ni Adaline. Sakto naman na bumangon na si Adaline at tumingin kay Master sabay tingin din sa kanya. "Anong ginawa mo kay Mama?" blanko ang mukhang tanong ng anak niya sa kanya. Umiiling-iling siya. "W-Wala," mabilis na tugon niya. Ngumuso lang ito at inirapan siya. Halatang hindi naniwala si Adaline. Bumaba ito ng kama saka nagsuot ito ng jacket at puting sumbrero nito. "Nagugutom ako, Papa. Gusto ko ng spaghetti at fries. Bili na rin tayo ng damit ni Mama, kasi suot niya ang damit mo tapos ikaw wala kang tshirt." Pagak siyang natawa at marahan ito kinurot sa pisngi. "Sige. Labas tayo saglit, habang nagpapahinga ang Mama mo." Ngumisi siya. Pinagod niya kasi si Master. Sa ilan taon na hindi niya ito nakasama, hinanap-hanap talaga ng katawan niya ang ganoon bagay. Pakiramdam niya nakapag-recharge siya gamit ang katawan ni Master Ash. Iginiya niya pababa si Adalin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status