Share

Chapter 7.1

Sa saliw ng musikang sway ni Rosemary Clooney—remix version. Parang mga sawa na lumingkis sa pole ng stage ng Casa de Lujuria ang tatlong strip dancer. Kagulat gulat ang lakas ng bisig ng tatlong babae, hindi sila bumabagsak sa sahig kahit pa anong posisyon ang gawin nila. Para bang naging kaisa na nila ang madulas at malamig na pole.

Nag-iwas ng tingin sa stage si Carnation nang sa isang swabeng kilos ay wala ng suot na pang-itaas na damit ang babaeng nasa gitna. Erotiko itong gumiling at lumingkis sa pole. Naghiyawan ang mga lalaki sa lounge area ng main floor, tila mga leon sa gubat ang mga ito na nakakita ng masarap na pagkain at takam na takam iyong matikman.

Isang malalim na pagsinghap ang ginawa ni Carnation bago tinalikuran ang stage at tinungo ang bar counter sa dulo ng hall, sa kanang bahagi ng twin imperial staircase kung manggagaling sa stage.

Isang linggo mula noong araw ng physical test, sa main floor ng Casa de Lujuria agad siya nagtrabaho. Ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status