Huminga ng malalim si Carnation bago pumasok ng Seven Sins Luxurious Hotel. Narito siya upang tanggapin ang alok na trabaho ni Mr. Lust.
"Good afternoon," bati niya sa receptionist.
"Good afternoon Ma'am, how may I help you?"
"Ahm…magtatanong lang. Saan ba ang papuntang Casa de Lujuria?" Malaki kasi ang hotel at duda siyang mahahanap niya agad ang pasilidad ng siya lang.
"May invitation pass ba kayo Ma'am?"
"Meron! Ito." Pinakita ni Carnation ang hawak na invitation card. Nginitian siya ng receptionist, nagpaalam ito na may tatawagan lang sa service phone. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa lounge area, ang sabi ay may susundo raw sa kanya sa lobby.
Maya-maya, isang maganda at matangkad na babae ang lumapit kay Carnation, napatayo agad siya. "Hi!" bati niya sa babae at nginitian ito. Tulad ng driver ni Mr. Lust, mukhang may dugong banyaga ang babae.
"Ikaw si Carnation?" Tumango siya't ngumiti sa babae. "Ako si Mist, itinalaga ako ni Mr. Lust para i-tour ka sa Casa de Lujuria."
"Pero nagpunta ako dito para kausapin si Mr. Lust…hindi para mamasyal." Pahina nang pahina ang boses niya nang sabihin ang tatlong huling salita. Paano ay tumaas kasi ang isang kilay ng kaharap.
"Ano ang tingin mo sa kapatid ko, barkada na pwede mong kausapin kahit anong oras mo gusto?" mataray na tanong ni Mist, ang mga kamay ay nasa baywang.
"H-hindi naman—"
"I don't have much time to waste. Let's go!" Tinalikuran siya ni Mist. Walang nagawa si Carnation kundi sundan ang babae na nanguna sa paglalakad patungo ng elevator sa dulo ng lobby.
Ang lobby ng hotel ay may limang elevator. Dalawa sa kanang bahagi ng reception, habang ang dalawa pa ay sa kasalungat na direksyon ng reception na malapit sa entrance ng garden. Ang ika-lima at siyang namumukod tangi sa lahat dahil sa itim at ginto nitong kulay na tulad ng invitation card na hawak ni Carnation, ang siyang nasa harap nila ni Mist ngayon.
“Akin na,” sabi ni Mist at inilahad ang kamay sa harap niya.
Nagtatakang tinignan ni Carnation ang palad ng babae. “Ang alin po?”
“Iyong card na hawak mo,” bored na sagot nito. Napa-O ang bibig ni Carnation na agad binigay ang hawak na card.
"This card is not a usual invitation card. By this…" Itinaas nito ang itim na card. "You can have an access inside the casa without being a member." Itinapat ni Mist ang likod ng card sa scanner ng elevator, nang ma-scan ng device ang microchip sa invitation card, saka lang bumukas ang ginintuang elevator.
"The microchip of this card stores a digital pattern that the elevator's door mechanism accepts before disengaging the lock. Using this type of security the uninvited guest can't easily get through the nightclub," paliwanag ni Mist na nagpamangha kay Carnation.
"Wow! Ang high-tech," bulalas niyang sinuri nang maigi ang loob ng elevator nang pumasok sila ni Mist. Katulad ng kulay sa labas ng elevator ginto at itim ang kulay na makikita sa loob ng elevator.
‘Ito marahil ang theme ng Casa de Lujuria, gold and black,’ sa isip ni Carnation.
Pagdating nila sa floor nagulantang si Carnation nang sa halip na sa harap, ay ang wall sa likod nila ni Mist ang bumukas—na pangalawang pinto pala ng elevator. Umawang ang labi niya sa labis na pagkamangha nang tuluyang masilayan ang loob ng Casa de Lujuria. Pagkalabas kasi ng elevator ang dance floor agad ang sumalubong sa kanila. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit sobrang higpit ng security sa ibaba, ang elevator na pala ang pinaka gate o entrance ng casa. Napaka luxurious at classy nang ambiance ng nightclub. Katulad ng invitation card at elevator naglalaro lang sa itim at gintong kulay ang loob ng nightclub; mula sa dance floor, bar counter at lounge area, puro black at gold ang kulay. Maliban sa lights ng club at alcoholic drinks sa rack ng bar counter.
"Obviously, ito ang dance floor. Syempre, doon ang bar at ang regular tables." Isa-isang itinuro ni Mist ang mga area ng bar na nabanggit. "Doon naman ang VIP section," dagdag pa nito at itinuro ang second floor. "May sariling bar sa VIP section kaya 'di na kailangan bumaba upang kumuha ng drinks."
“Wow! Pakiramdam ko nasa loob ako ng movie,” bulalas ni Carnation. Para siyang bata na unang beses pa lang nakapunta ng disneyland. "Ang ganda ng Casa de Lujuria. Ano kaya ang feeling kapag nagtatrabaho na 'ko sa ganito kaganda na lugar?"
Mist chuckled. "Ikaw lang yata ang nakilala kong excited magtrabaho dito. C'mon sa itaas tayo."
Katulad sa ibaba, ginto at itim lang din ang kulay ng mga gamit sa VIP section. Hinayaan siya ni Mist na hangaan at libutin ang second floor habang ang babae ay may kausap sa cellphone nito. Nadiskubre ni Carnation ang isang balcony, lumabas siya roon at lalo lamang namangha nang makita ang rooftop pool ng hotel.
"This hotel is amazing, isn't it?" Napangiti si Carnation. Nilingon niya si Mist na nakatayo na sa likuran niya, hindi man lang niya napansin ang paglapit ng babae sa kanya. "My brother and his friends owned this place. Hindi sila magkasundo sa design ng hotel noong una. Gusto ni Pride na punuin ng landscape at gardens ang paligid ng hotel. Samantalang, gusto naman ni Wrath nang napakalaking pool, iyong magmumukha ng beach sa sobrang lapad.” Nakangiti na pagkukwento ni Mist. Lumapit ito sa railings ng balcony at humawak doon.
“Mabuti na lang at matalino si Greed, nagawan niya ng paraan para parehong masunod ang gusto ng dalawa.”
"Oo nga po! Ang ganda ng landscape at garden sa ibaba, iba-iba ang klase ng mga halaman at bulaklak, may mga butterflies din,” malaki ang ngiti na puri niya. Tumingin si Carnation sa ibaba nila. "Ang pool naman sa 10th floor ay talagang napakaganda, hawig nito ang white beach ng Boracay." Isang artificial beach ang rooftop pool ng hotel; may buhangin, may mga bato at puno ng niyog, nagmukha talaga itong white beach.
Pumasok silang muli ni Mist sa loob ng nightclub. Inakala ni Carnation na iinum ang babae dahil sa bilugan na bar counter ito dumeretso, ngunit umikot lang pala sila. Sa dulong bahagi ng VIP section—sa kanan kung sa balcony ng casa manggagaling—mayroong pinto na may mekanismo ng tulad sa elevator. Ngunit ‘di gaya kanina, pink na card ang ginamit ni Mist para buksan ang pinto.
“Let’s go!”
"Binibining Mist," tawag ni Carnation sa kasama at pinigilan ito sa siko nang akma itong papasok sa likod ng pinto. "Lalabas pa naman ako ng buhay dito, 'di ba?"
Natigilan si Mist, at natawa ng malakas. "Ano ba ang iniisip mo?" Tumawa na naman ito. "Relax, sweetheart . I'm just a HR manager, not a psycho killer."
Ngumiti sa kanya ang babae. "Now, let's go."
Binuksan nito ang pinto. Wala nang nagawa si Carnation, hinayaan na lang niya na hilain siya ni Mist papasok. Akala ni Carnation ay silid ang papasukin nila pero isa palang passage. Makulay ang passage dahil sa LED lights na kulay blue at pink na nakakabit sa magkabilang gilid ng ceiling, ang walls ay gawa sa salamin kaya nakikita ni Carnation ang sarili pati na ang takot na nakapaskil sa kanyang mukha.
Nang marating nila ang dulo ng daan, isang color pink at blue na elevator ang kanilang nadatnan. Bukod sa elevator wala nang ibang pinto o daan na makikita sa lugar. Lalong kinabahan si Carnation, iniisip kung tatakbo ba siya palabas o magtitiwala sa babaeng ngayon lang niya nakilala. Pero hindi pa niya nagagawa ang pakay, ang kausapin si Mr. Lust!
Binuksan ni Mist ang elevator gamit pa rin ang pink na card. Umasa si Carnation na tulad ng kulay ng elevator sa labas, pink at blue rin ang sa loob pero nagkamali na naman siya. Dahil tulad ng unang elevator ginto at itim ang loob niyon.
"It's the same elevator we used earlier," imporma ni Mist nang mapansin ang mapanuri niyang tingin sa wall at ceiling.
"Pansin ko nga po. Pero bakit kailangan pa ng secret passage?" curious na tanong niya kay Mist.
"Dahil hindi para sa publiko ang lugar na sunod nating pupuntahan." Ipinakita ni Mist ang hawak na mga card. "May apat na klase ng keycard dito sa casa at ang itim na keycard na hawak mo ang pinaka mababang uri sa lahat."
"Naalala mo nang sabihin kong may naka-store na digital pattern sa microchip ng card? Kasama sa naka-saved na data sa microchip ang pinto na kaya lang buksan nito." Muling ipinakita ni Mist ang keycards sa kanya; ang black sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang pink.
"Kapag ang black keycard ang gamit mo, automatic na sa first floor ng casa ka ihahatid ng elevator. Kung ang pink na keycard naman ang gagamitin mo, automatic din na sa 2nd floor ng casa ka ihahatid ng elevator."
"Paano naman po ang dalawa pang keycard?"
"I'll tell you later." Bumukas ang pinto ng elevator at panibagong pagkamangha ang nadama ni Carnation sa mga nakita.
Sloan’s POV "This is Wregan Leath and Gludox Portoni, my fuck'n bestfriends. Sila 'yong sinasabi ko sa iyong malupit sa chicks!" I examined the two gorgeous men Primus introduced to me. Una kong napansin ang halos perpektong mukha ng lalaking tinawag niyang Wregan. Tulad ko, matangkad ang ito pero sigurado akong mas mataas ako sa kanya ng ilang sentimetro. Meron itong mata na parang sa fox at tigre, mabangis, matalim at tila maraming tinatago ngunit mukha din naman puno ng kasiyahan kung kumislap ang mata nito. Matangos ang ilong niya may maliit na nunal sa ibabang dulo. Hindi na ako magtataka kung totoo man na malupit ito pagdating sa mga babae. Halata sa datingan… Sunod ko namang na sinuri ang lalaking tinawag ni Primus na Gludox. Hindi tulad namin ni Wregan, may kaliitan ang tangkad ng lalaki pero mas maliit pa rin tingnan si Primus dito. Napakaputi ng balat nito na tinalo pa yata si snow white sa kaputian. Mukha naman itong pusa, cute pero hindi katiwa-tiwala. Yung tipo ng cute
Carnation’s POV “Sigurado ka?” tanong ni Samantha nang tanggihan ko ang offer niyang ihatid ako sa sakayan ng bus. “Hindi na, dadaan pa kasi ako ng library. Kailangan kong manghiram ng books report ko kasi sa Friday,” paliwanag ko at ngumiti sa kanya. Sumimangot ito at napilitan na tumango. “Sige, basta bukas ihahatid ka namin sa inyo, okay? Ingat ka sa daan ah? Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manyak!” Tumango ako at kumaway sa kanya. Pumasok naman ito sa service niya bago kumaway sa akin sa bintana. Bumalik ako sa building ng school para magtungo sa library. Totoong may report ako sa Friday at kailangan ko ng materials na magagamit. Saglit lang naman ako sa library, nanghiram lang ako ng books pagkatapos ay umuwi din. “Uulan pa yata…,” sabi ko sa sarili at tumingala sa langit. Sana naman hindi tumuloy ang ulan at wala akong dalang payong. Huminga ako ng malalim bago matulin na tumakbo patungo sa gate 2 ng school, mas malapit kasi sa bus stop kung doon ako dadaan. Hi
“I really like this place. Ilang taon na ang bahay na ito?” tanong niya at ginala ang tingin sa buong cave house. Kababalik lang nila ni Luca ng Pilipinas after ng honeymoon nila sa Istanbul at Georgia, at dito agad sila dumeretso sa cave house nito sa Cagayan Valley.“7 years? Pinagawa ko ito pagkatapos kong ipatayo ang bahay ko sa Luzon. You want wine?” Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Nasa kusina ito at siya naman ay nasa sala pinagmamasdan ang mga painting sa wall. Ang sabi sa kanya ng asawa nabili nito ang mga painting sa isang underground auction.“Matagal na rin pala,” komento niya at hinarap ang pinaka malaking larawan. Bigla niyang naalala doon nga pala nakatago sa likod ng larawan ang tank ng isa sa mga alagang ahas ni Luca. Gamit ang buong tapang, lumapit siya sa painting at pinindot ang buton doon para makita ang cage.“Sino ang nag-aalaga sa kanya noong nasa New York ka?” tanong niya pag
"What happened to Balkin?" tanong niya kay Lizette na naghahanda ng pagkain niya. Ibinaba nito ang hawak na plastic wear at tumingin sa kanya.“I don’t know. He’s under the custody of the underground society committee. Wala akong balita sa kanya since the night na nahuli siya, and I don’t care. Mabulok na sana siya sa kulungan.” Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Si Carnation naman ay umupo sa hospital bed niya at inayos ang sariling kumot."Gising na ba sila?" Tukoy niya sa tatlong lalaki na katulad niya ay na confine sa hospital pagkatapos ng nangyaring sagupaan sa mansion ni Mr. Sandoval at nabaril ang mga ito."Gising na si Enver, kaso ang dalawa hindi pa rin nagkamalay. Malalim ang pagkakabaon ng bala sa tagiliran ni Luca, muntik ng may tinamaan na organ niya. Si Wregan naman may tama ng bala sa braso at likod na salamat sa diyos at hindi tumagos o kahit man lang nakarating sa puso niya." Nagpakawala ito ng buntong-hininga.
“Luca!!!” matinis ang sigaw ni Carnation. Dinaluhan agad si Luca na natumba sa lupa at may tama ng baril sa tagiliran. Nilibot niya ang paningin, hinanap ang taong bumaril kay Luca, ngunit wala siyang nakita. Galing sa mataas na direksyon ang bala, marahil ay nasa ikatlong palapag ng bahay naroon ang shooter.“H-hey… look at me… I need to get you out of here. Can you walk? I-I can’t carry you,” mahinahon na sabi niya at marahan na tinatapik ng nanginginig na kamay ang pisngi ng binata. She’s trying her best to calm down. Pero ang takot niya ang siyang nagpapanginig sa buong systema niya. She can’t think straight.“I can manage. D-daplis lang naman…”“C-come on, I’ll help you.” Tinulungan niyang tumayo si ang binata at inalalayan itong maglakad. They keep their head down, hiding behind the tall wall of plants. Mabuti na ang nag-iingat, hindi nila alam kung kailan ulit aat
Malapit na sa kinaroroonan niya ang mga bantay, at handa na si Carnation na mahuli ng mga ito. Ngunit, may swerte pa rin talaga siya kahit anong malas ng buhay niya. Just when the guards got there, biglang may humila sa kanya papasok sa loob ng makapal at mataas na halaman."Are you alright?""Luca!" Mahigpit niyang niyakap ang binata na para bang nakasalalay dito ang kanyang buhay. She had no idea he'd show up like this or save her from the people who were after her. “I’m f-fine. Ikaw?”“Ayos lang ako.”“Paano mo ako ginawa iyon?” curious at namamangha niyang tanong sa binata. Paano siya nito nahatak mula sa kabila, patungo sa kabilang bahagi na kinaroroonan nila?“That one is fake.” Tinuro nito ang parti ng wall ng mga halaman. “Sinadya kong ilagay para hindi nila tayo matunton dito sa center ng labyrinth.”“That's a wise move....”“Yeah&hellip