The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)
The Billionaire's Affection (FILIPINO/TAGALOG)
Author: catherinnichole
PROLOGUE

Catharyn's POV

ILANG taon na rin ang lumipas. Taon kung saan nakatakas na rin ako sa buhay na meron ako noon. Mahal ko siya at ang pinagkaiba nga lang ay may mahal siyang iba. 

"Mom, I want that," turo sa akin ng aking tatlong taong anak.

Matalino at mabait na anak si Xandro. Hindi siya 'yong tipo ng ibang bata na nagta-tantrums t'wing hindi nabibigay ang gusto niya. Alam niya kapag walang pera at naiintindihan niya 'yon.

"We're gonna buy that in one condition," wika ko.

"What is it mom?" tanong niya.

"Let me call you baby," nakangising turan ko.

Alam kong ayaw ni Xandro na tinatawag ko siyang 'baby' dahil para raw sa 'kanya hindi na siya bata. Sa edad niyang tatlo ay marunong na siyang maligo at kumain mag-isa.

Bumuntong hininga ito at ngumuso bago siya magsalita. "Fine!" inis na turan nito.

Gulat akong napalingon sa 'kanya at hindi ko maiwasang matuwa dahil sa pag-sang-ayon nito. Kapag ayaw ni Xandro ay ayaw niya kaya laking gulat ko nang pumayag ito na tawagin ko siya na 'baby' kahit na una pa lang ay ayaw na niya.

"Really?!" gulat na tanong ko.

"Do you want me to change my mind, mom?" tanong nito

"Of course not, anak! Tara na at bibilhin na natin ang toy na gusto mo!" excited na turan ko.

Pagkarating namin sa bilihan ng laruan ay gulat akong napatingin kay Xandro nang kunin nito ang ibat-ibang klase ng baril na laruan na kung saan ay iba iba ang disenyo.

Kunot noo akong lumapit sa 'kanya at tinapik siya ng marahan. "What will you do with these toys?" tanong ko.

"Of course mom I'm gonna play all of these. What's with that look? Do you want me to choose barbie instead?" sarkastikong tanong nito dahilan para matawa ang saleslady.

Kahit kailan talaga nagmana siya sa 'kanyang ama. Paanong kahit hindi siya lumaki kasama ang tatay niya ay kuhang kuha pa rin nito ang ugali at ekspresyon ng kanyang ama?

"Nevermind. Kung gusto mo ba naman ng barbie bakit kita pipigilan hindi ba?" mapang-asar na tanong ko dito.

"As if I'm going to buy barbie tss," wika nito pagkatapos ay nilagay sa basket ang mga laruan na binili niya.

Madalas mabait si Xandro pero minsan kapag sinusumpong siya ng pagiging pilosopo niya ay hindi ka talaga mananalo sa 'kanya. Hindi ako 'yong gaya ng ibang nanay na istrikto sa kanilang mga anak. Kung saan masaya ang anak ko at alam kong nasa tamang landas siya ay susuportahan at hindi ko ito pipigilan.

Pagkabili ko ng laruan na napili niya ay dali dali kaming sumakay sa kotse ko at nagmaneho papuntang apartment na aming tinutuluyan. 

"Mom, can you please lend me my toys?" tanong nito habang nagtatanggal ng sapatos niya.

"Magpahinga ka muna kaya? You're tired," wika ko.

"No, I'm not. I'm going to play with my friends," nakangiting turan nito pagkatapos ay tumayo at siya na mismo ang kumuha ng mga laruan niya.

Madalas na kalaro ng aking anak ay ang kanyang mga pinsan. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang nag-ring ang cellphone ko dahilan para sagutin ko ang tawag ni Shiena, ang aking kaibigan sa kompanyang pinagta-trabahuan ko.

"Hello, Catharyn?! Dalian mo at pumunta ka dito sa company! May general meeting tayo," wika nito dahilan para mapabalikwas ako mula sa pagkakaupo.

Habang nasa byahe ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Ilang minuto pa ang nagdaan bago ako nakarating sa kumpanyang pinagta-trabahuan ko.

Agad kong pinakita ang QR Code ko sa guard at ini-scan niya ito tsaka ako pinapasok sa loob. Walang katao tao sa kumpanya. Marahil ay ang general meeting ang dahilan kaya iilang empleyado lang ang nakikita ko. 

Nang makarating ako sa meeting room ay kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan. Sa dami ng mga empleyado ay sinikap kong hanapin si Shiena. Nang makita ko siya ay agad akong tumabi sa 'kanya at tinanong kung ano bang meron at biglang nagpa general meeting ang CEO mismo ng aming kumpanya. 

"Papalitan na raw si Mr. Chan. Iba na ang magiging CEO natin," bulong ni Shiena sa 'kin.

"Sino raw ang papalit?" puno ng kyuryusidad na tanong ko.

Nagkibit balikat na ito at nang magsalita sa aming harapan si Mr. Chan ay hindi ko mapigilang mapaiyak. Mabait at maintindihin na boss si Mr. Chan. Kung susumahin nga ay halos lahat ng empleyado ay kakilala niya na. 

"Let me introduce to you. The new CEO and equity shareholder of SunValley Redemption Incorporation. None other than Mr. Xannon Clint Altamero!" 

Tila ba huminto ang aking paligid at tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko. Paanong nandito siya? Sa tinagal tagal ng panahon bakit ngayon ko pa siya makikita kung kailan unti unti ng humihilom ang sugat sa aking puso?

Akala ko limot ko na siya, hindi pa pala.

TO BE CONTINUED 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status