Catharyn's POV
HINDI ko alam kung saan ko ibabaling ang aking paningin sa laki ng bahay ni Xannon. Napakabait ng mga kasambahay nila dito. Napaka palakaibigan ng lahat at hindi ako tinatratong iba ngayon pa lang na kakapasok ko sa kanilang ikalawang tahanan.
"Dito ang magiging higaan mo," wika ng Mayordoma sa akin.
Hindi ko alam kung matatawag ko pa bang bahay itong aking kinatatayuan dahil sa tingin ko ay nararapat itong tawaging mansyon!
Ang maid's quarter pa lang ay parang buong bahay na namin. Iba pa ang sala, kitchen, dirty kitchen, mga kwarto at marami pang iba.
"Si Xan.. I mean si Sir Xannon lang ho ba ang nakatira dito mag-isa?" tanong ko sa Mayordoma.
"Ngayon, oo" wika niya.
"Eh noon?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung ako ba ang dapat magsabi sa 'yo neto pero dahil chismosa ako. Sige sasabihin ko na," turan ng Mayordoma at humagikgik pa.
"Dapat kasi ikakasal na si Sir Xannon kaso no'ng araw na ng kasal nila tumakas si Ma'am Margaret. Umalis siya ng walang pasabi at pinag-antay si Sir Xannon sa simbahan kasama ang mga guests nila. Nakakaawa nga si Sir Xannon eh, napakabait ng batang iyon marahil ay dahil sa pag-iwan sa 'kanya ni Ma'am Margaret kaya ganyan siya kung umakto ngayon," mahabang turan niya.
Marami pang kinwento si Madam MJ sa 'kin na siyang tumatayong Mayordoma dito sa mansyon. Parang unti-unti kong nakilala si Xannon sa pamamagitan ng pag-kwento ni Madam MJ. Nakakatuwa lang isipin, paano nangyaring ang isang masayahing lalaki noon ay naging mas malamig pa sa yelo ang trato sa ibang tao ngayon at higit sa lahat ay naging arogante?
"Oh siya, maiwan na muna kita dyan. Marami pa akong kailangang gawin," turan ni Madam MJ.
Inayos ko muna ang aking mga gamit pagkatapos ay nagbihis ng aking uniporme upang makapag-umpisa na sa mga gawain dito sa mansyon. Noong una ay nangangapa pa ako sa mga gawain pero no'ng nagtagal ay nasanay na rin naman na ako.
Natigil ako sa paglilinis ng swimming pool nang bigla akong tawagin ni Madam MJ. Agad akong lumingon sa 'kanya at tinanong kung bakit niya ako tinawag.
"Bakit ho?" tanong ko.
"Pinapatawag ka ni Sir Xannon! Ano bang ginawa mong bata ka at pinatawag ka non bigla?" nag-aalalang tanong ni Madam MJ sa 'kin.
"Hindi ko pa nga siya nakikita eh paanong may ginawa ako sa 'kanya na hindi niya nagustuhan?" kibit balikat na tanong ko.
Hindi ko na inantay pa na sumagot si Madam MJ at dahan dahan akong pumunta sa ikatlong palapag kung saan nando'n ang kwarto ni Xannon.
Nang makarating na ako sa tapat ng kanyang kwarto ay may nakita akong parisukat sa gilid ng kanyang pinto at kulay green na umiilaw sa loob nito. Marahil ay finger print scanner ito kung saan nilalagay ni Xannon ang kanyang daliri upang bumukas ang kanyang pinto. Agad kong hinanap ang intercom upang matawag ko siya at malaman niyang nasa tapat na ako ng kanyang kwarto.
"Sir, si Catharyn po ito," wika ko habang pinipindot ang intercom.
"Come in," wika niya, senyales na maaari na akong pumasok sa kanyang kwarto.
Nang makapasok ako ay gulat akong napatingin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Halos lahat ng kanyang mga gamit ay kulay itim. Magmula sa 'kanyang higaan, ceiling fan, chandelier na gold ang kulay, kulay itim na centralize aircon, 'yong couch niya na kulay itim at maging ang mat sa 'kanyang sahig. Marmol ang kulay ng kanyang sahig at kulay itim ang kanyang dingding. Napaka-manly ng amoy ng kanyang kwarto. Marahil ay heto ang kanyang pabango.
"Sir, ano ho ang kailangan m-mo?" kinakabahang turan ko.
Alam ko may atraso pa siya sa akin pero iba ang awra ng kanyang mukha ngayong kaharap ko siya. Parang may itim na usok na nakapaligid sa 'kanyang likuran dahilan para mapaatras ako at matutop ko ang aking labi.
"Prepare me some coffee," wika nito subalit ang kanyang paningin ay nasa kanyang laptop pa rin.
"Tss, napaka arogante," bulong ko at akmang lalabas na sana ng kanyang kwarto kaso bigla siyang nagsalita.
"Are you saying something?" kunot noong tanong nito.
Napatingin ako sa 'kanya at nagpanggap na ngumiti bago nagsalita. "Ah, eh wala ho, sir," iiling iling na wika ko.
"Faster!" sigaw nito dahilan para mapaigtad ako at nagmadaling lumabas ng kanyang kwarto.
"Jabar din 'yon si Xannon eh," inis na turan ko habang naglalakad.
Nakanguso akong nagtimpla at nang mamalayan ko na nakatingin sa akin si Madam MJ mula sa malayo ay inayos ko ang ekspresyon ng aking mukha.
Nagsimula na akong maglagay ng tubig sa lagayan at nilagyan ito ng filter pagkatapos ay naglagay ako sa ibabaw ng filter ng coffee grounds. Coffee maker ang ginagamit dito sa pagtitimpla ng kape. Mabuti nalang at alam kong gamitin ang mga gamit dito dahil sa dati kong trabaho kaya hindi ako nagmumukhang ignorante.
Pagkatapos kong ilagay ang mga kailangan ay sinalin ko na sa cup ang kape na aking tinimpla. Akmang aalis na sana ako kaso biglang nagsalita si Madam MJ sa aking harapan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Oh? Anong nangyari? Napagalitan ka ba?" panguusyoso ni Madam MJ dahilan para magsalita ako.
"Hindi Madam eh, pinagtimpla niya lang ako ng kape niya," wika ko.
"Ay ganon ba? Dalian mo na at ibigay mo na 'yan sa 'kanya. Maikli lang ang pasensya ni Sir Xannon," turan ni Madam MJ dahilan para magmadali ako sa paglalakad.
Napakataas naman kasi ng mansyon na 'to! Tingin ko bago ako makaakyat sa kwrto ng damuhong 'yon ay malamig na 'tong kape na pinapatimpla niya, tsk!
Pagkaakyat ko sa tapat ng kanyang pinto ay nagsalita muna ako sa intercom at nang papasukin niya ako ay agad kong inabot sa 'kanya 'yong kape niya.
Kukunin na sana niya 'yong kape niya kaso hindi ko pa naitatanggal ang aking kamay sa handle ng cup dahilan para masakop ng kanyang palad ang aking kamay. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahilan para mapatingin ako sa kulay itim niyang mga mata.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sininok ako. Nilagay ko ang isang palad ko sa aking bibig upang hindi niya sana marinig ang aking sinok subalit hindi ako nagwagi dahil nakita kong umusbong ang ngisi sa 'kanyang labi.
"Falling for me, huh?" wika nito habang nakangisi.
"A-asa ka!" sigaw ko at dali dali akong lumabas sa kanyang kwarto.
Dinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan subalit hindi na ako nag-abala pang lumingon at dire-diretsong bumaba sa hagdanan.
Hinawakan ko ang aking dibdib at nang maramdaman kong kalmado na ang aking puso ay nagsalita akong mag-isa sa hagdanan. "Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko kanina? Gusto ko na ba talaga si Xannon?" wika ko habang ang paningin ay nasa kisame.
TO BE CONTINUED
PAGKAUWI ko sa kwarto na inuupahan ko ay agad akong humiga sa kama at doon pinakawalan ang isang malalim kong buntong hininga. Humiga ako sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-pikit ko ay siya ang nakikita ko. Nahihibang ka na talaga, Amelia! Marahan kong pinukpok ang ulo ko gamit ang aking kamay pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong magbihis ng madalas kong outfit na kung saan ay naka-pants ako at oversized shirt. Napagdesisyunan ko nalang na lumabas sa maliit na kwartong inuupahan ko at pumunta sa isang affordable na store. Agad akong pumasok sa store na 'yon at naghanap ng maaari kong inumin at kainin. "Magkano ho?" tanong ko nang makapili ako at inilabas ang wallet ko. "215 po lahat," ani kahera. Akmang maglalabas na sana ako ng pera mula sa aking wallet kaso biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para mapalingon ako roon. "Idagdag mo na ang 215 pesos na 'yan dito," wika ng
Amelia's POV"Ikaw na ang susunod, Amelia," ani Madam Boray pagkatapos sumalang ng kasamahan ko. Kinakabahan man subalit pilit kong pinalalakas ang loob ko dahil hindi dapat ako mabulilyaso sa trabaho ko. Hindi dapat ako makita ng mga customer namin na kinakabahan at naiilang. Matagal na akong nagta-trabaho dito subalit hanggang ngayon ay grabe pa rin ang kaba na idinudulot sa 'kin ng trabaho ko. Nang sumampa ako sa stage ay agad kong inayos ang half-mask na suot ko. Binigyan ko ng isang napakalawak na ngiti ang mga customers na nasa harapan ko at dahan-dahang sumayaw sa kanilang harapan. Dinig ko ang sigawan at halinghing ng bawat customers dahil sa erotikong sayaw na ginagawa ko habang nasa harapan ko ang pole. Isinasabay ko ang aking pag-indak sa ritmo ng kanta dahilan para mas lalo kong maakit ang mga customers. Tila ba nag-iinit din ang aking pakiramdam dahil may nararamdaman akong estranghero na kanina pa nakatingin sa akin at kanina ko pa napapansin. Kita ko sa itim na it
Xannon's POVWE ARE currently hiding inside our car near Jake's family mansion. Ilang oras na kaming naka-park ni Alliya pero wala pa rin kaming nakikitang Jake at Catharyn na lumalabas. Puro mga kasambahay o 'di kaya mga guards nila ang nakikita namin na palabas-masok. "Are they even here?" Halatang naiinip na ani Alliya. Pumunta na kami sa American Mafiosi, sinabi nila na tutulungan kami ng organisasyon na hanapin kung nasaan si Catharyn upang iligtas mula sa mga kamay ni Jake. Naghiwalay ang iba't ibang grupo ng American Mafiosi at nagdesisyon kami ni Alliya na dito sa mansyon ng mga magulang ni Jake magbantay habang ang iba naman ay sa ibang lugar naghahanap. "I'm bored. Wala pa ba 'yong Jake? I'm so excited to slice his neck pa naman." Pabirong turan ni Alliya subalit imbis na matawa ako ay kinunutan ko siya ng noo. What the F is she talking about? Tingin ba niya ay biruan at laro lang ang ginagawa naming paghahanap sa asawa ko na hawak ng gag*ng 'yon?!"Oops, sorry." She ut
Catharyn's POV"Wake up, sleepy head." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Jake na kasalukuyan palang nakaharap sa akin habang nakangiti. I rubbed my eyes using my hands and looked at Jake intently in his eyes. Masaya akong makita siyang kasama ngayong umaga bilang kaibigan pero sa tingin ko ay mas sasaya ako kapag asawa't anak ko nag makikita ko. "You didn't sleep." I uttered. "Yeah," he said then chuckled. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at tinignan siyang maigi sa kaniyang mga mata. Mahahalata ang eyebags ni Jake at ang pamumutla ng kaniyang labi. Ibang iba ang Jake na kaharap ko ngayon, nagmukha siyang may edad dahil sa itsura niya ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. "Jake, please fix yourself. I am really worrying about your health," halos maluha-luhang wika ko nang tuluyan akong makaupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ni Jake na ipadala siya sa Ospital ay sobrang laking ginhawa na no'n sa aking dibdib
Catharyn's POVBUONG AKALA ko ay kakayanin kong hindi sabihin kay Xanno ang problemang kinahaharap ko. Ni hindi ko nga lubos akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, na mas lalo kong nagulo ang plano nilang pamilya. I looked at my surroundings and heaved a deep breath after seeing Xannon beside me. "Please forgive me, my love." Maluha-luhang wika ko pagkatapos kong haplusin ang kanyang pisngi. I packed my things and right after that I silently opened the door. Kailangan kong ipagpatuloy ang plano ko, plano na malaman ang totoo. Hindi ko kaya na si Xannon lang ang may ginagawa. I feel like need to find a solution to these problems. After sneaking on the mansion I went outside the subdivision and stopped the taxi. "Lorenzo subdivision, please." Ani ko pagkatapos ay lumunok ng ilang beses. Abala ang aking paningin sa daanan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko 'yong tinignan at lungkot ang bumungad sa aking mukha nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Xan
Xannon's POV"And lastly, here's our room. But I'll let you use this alone. Doon nalang ako sa guest room," wika ko pagkatapos ay ngumiti kay Catharyn."Dad, mama, I'll just get something on my room," wika ni Xandro nang makarating kami sa dating kwarto ko, namin ni Catharyn."Alright, son," nakangiting turan ko.Nang umalis si Xandro ay tumikhim ako at muling nagsalita, "So, as I was saying....-," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Catharyn at pinutol ang dapat na sasabihin ko."Let's stay on this room, then," wika nito na siyang ikinabigla ko!Gulat akong napatingin sa 'kanya at nagsalita, "W-what?! I mean, b-bakit?" gulat na tanong ko!Paanong gusto niya akong makasama sa iisang kwarto eh samantalang noong nakaraan ay ni dulo ng daliri niya ay ayaw niyang ipahawak sa akin tapos ngayon sasabihin niya na matulog kami sa iisang kwarto?!"I said I want to know you th