Catharyn's POV
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa 'kin ng lalaking nakasuot ng business suit.
Hindi ko pa rin maigalaw ang aking mga kamay. Ang huling naaalala ko ay ang pagtalsik ko mula sa tricycle at ang nakabundol sa tricycle ay isang lalaki na nagmamay-ari ng magarang sasakyan!
"I-ikaw ba ang nakabundol sa amin?" kalmadong tanong ko.
"How much money do you want?" tanong nito na siyang naging dahilan ng pag-akyat ng dugo ko sa aking ulo.
Anong tingin niya sa 'kin mukhang pera?! Hindi ako nakukuha sa pera, ang kailangan ko ay ang apology niya!
Masakit 'man ang aking katawan pero pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga at tinignan siya sa 'kanyang mga mata pagkatapos ay nagsalita. "Hindi ko kailangan ng pera mo! What I need from you is an apology, mister whoever you are! Nasa'n ang kasama ko?" inis na tanong ko.
"She's dead," wika ng lalaki pagkatapos ay umupo sa upuan ng naka dekwatro.
Bakit kung magsalita siya parang insekto lang ang namatay? Anong klaseng tao ba 'tong kaharap ko?
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. Wala na si Nanay. Hindi ko na siya kailanman makikita pa. Heto! Hetong lalaking 'to ang dahilan ng pagkawala ng Nanay ko! Paanong nakakapagsalita pa siya ng ganto kalumanay gayong may namatay dahil sa kawalan nila ng ingat?!
"G*go ka! Ikaw ang dahilan kaya namatay ang Nanay ko!!!! Walang hiya ka! Magpasalamat ka at hindi ko pa kayang igalaw ang katawan ko! Hayop ka! Mamamatay tao!!!" sigaw ko habang lumuluha.
Hindi pwedeng mamatay ang Nanay ko! Siya nalang ang pinagkukunan ko ng lakas para bumangon at lumaban sa buhay!
Pinunasan ko ang mga luhang nagsibagsakan sa aking pisngi at gulat akong napatingin sa lalaking nakasuot ng business suit nang humagalpak ito ng tawa. Kunot noo akong tumingin sa 'kanya at inis na binato siya ng lampshade.
"What the fvck?! Why did you throw the lampshade at me?! Look miss, hindi namatay ang Nanay mo. In fact mas malala pa nga 'yong tinamo mo. Tss, you're acting like a promdi," turan nito pagkatapos ay sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.
Sinipa niya naman ang lampshade papalayo sa 'kanya at tumingin ako sa 'kanya gamit ang naiinis na tingin. "G*go ka ba?! Pati pagkamatay ng tao ginagawa mong biro? Pag nag-krus talaga ang landas natin muli bugbog sarado ka sa 'kin!" inis na turan ko.
"I already paid your bills. If you still need something from me just call me," wika nito pagkatapos ay inilapag sa bedside table ang calling card niya at lumabas.
Pinindot ko ang nurse call button at nang dumating ang nurse ay agad akong nagpakuha sa 'kanya ng wheelchair upang ma-check ang kalagayan ng nanay ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Ngayon sana ang pagpasok ko sa trabahong in-applyan ko bilang katulong pero dahil sa l*ntek na lalaking 'yon ay mauurong ang pagpunta ko. Hindi naman talaga ako ganito kabarumbado pero dahil napuno ako sa ugali ng aroganteng lalaking 'yon ay sumabog na ang galit na nararamdaman ko.
Nandito kami sa San Jose City General Hospital. Heto ang pinakamalapit na Ospital kung saan nangyari ang aksidente sa pagitan namin at no'ng aroganteng lalaking 'yon.
"Catharyn, anak! Mabuti ang maayos ang iyong lagay?" salubong sa akin ni nanay nang makalapit ako sa 'kanya.
"Wen inang," tipid na sabi ko.
(TRANSLATION: Opo nanay)
"Nasayaat no kasta anak ko," nakangiting turan ni nanay.
(TRANSLATION: Mabuti kung gano'n anak ko.)
Iniwan muna kami saglit ng nurse. Marahil ay nakahalata siya na may importante kaming pag-uusapan ni nanay kaya siya nagpaalam saglit.
"Napakabait no'ng lalaking nakabundol sa atin. Biruin mo anak, pinilit niya pa na kunin ka bilang trabahante niya sa 'kanyang bahay! Napakalaki ng sahod na ibinibigay niya," turan ni nanay at kita mo sa 'kanyang mga mata ang kinang dahil sa tuwa.
Agad na naagaw ni Nanay ang atensyon ko matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Hindi Nanay! Hindi tayo kailanman lalapit pang muli sa aroganteng lalaking 'yon!" sigaw ko dahilan para pagkunutan ako ng noo ng aking ina.
"Apay Catharyn? Anya ti problemam?" tanong ni Nanay sa 'kin dahilan para bumalik ako sa wisyo.
(TRANSLATION: Bakit Catharyn? Anong problema mo?)
Hindi dapat ako magdagdag pa ng stress kay Nanay dahil marami na siyang problemang iniisip magmula nang mamatay si Tatay. Ang dami na ng aming pinagkakautangan at kung iyon lang ang tanging paraan para makabayad ako ay titiisin ko ang galit na meron ako mula sa 'kanya.
"Pero paano ang trabahong a-applyan ko, nay?" tanong ko.
"Mas malaki ang sasahurin mo mula sa lalaking 'yon anak! Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya," wika ni nanay dahilan para bumuntong hininga ako.
Kung alam lang siguro ni nanay kung gaano ka-arogante ang lalaking 'yon siguro hindi niya ako pipilitin na magtrabaho pa sa 'kanya.
"Opo nay," turan ko ko nalang at ngumiti sa 'kanya.
Linggo ang lumipas bago ko napagdesisyunang tawagan ang lalaking arogante na 'yon. Hindi ko alam pero pinipilit ko nalang na 'wag akong pangunahan ng pride upang makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpasok sa lalaking 'yon bilang kanyang trabahante.
"Hello?" wika ng lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses.
"Good morning po. Heto po ba si Mr. Xannon Clint Altamero?" wika ko habang binabasa ang pangalan niya mula sa calling card na binigay niya.
Napakaganda ng pangalan pero kung sa ugali pagbabasihan ay napakapangit.
"Speaking. Anong kailangan mo?" tanong nito na animo'y paubos na ang pasensya.
"Ako po si Catharyn Gualvez...--" hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang bigla itong magsalita.
"You're hired. I'll send you my address so that you can go here tomorrow morning," wika nito pagkatapos ay pinatay na ang linya.
"Kahit kailan napaka arogante! So, Xannon Clint Altamero? Napakaganda ng pangalan pero ang ugali ay kabaliktaran, tss. Makikita mo kung paano kita paiibigin gamit ang karisma ko. Ay sus apo! Anya metten Catharyn! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?! Huwag kang magpapabilog sa kagwapuhan ng magiging boss mo! Tandaan mo, arogante siya," wika ko habang nakaharap sa salamin.
(TRANSLATION: Diyos ko! Ano ba 'yan Catharyn! Ano bang pinagsasasabi mo dyan?!)
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapag-impake na ako ng mga gamit ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang pilit na magbagsakan sa aking pisngi subalit nang makita ko ang aking mga kapatid at ina ay hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.
"Mag-iingat kayo ha? Alagaan niyo si nanay," wika ko sa aking mga kapatid.
Nagsitanguan naman sila at niyakap namin ang isat-isa pagkatapos ay nagsipaalaman.
"Lagi niyong tatandaang mahal ko kayo at kaya ko 'to ginagawa para sa inyo," wika ko pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila.
TO BE CONTINUED
PAGKAUWI ko sa kwarto na inuupahan ko ay agad akong humiga sa kama at doon pinakawalan ang isang malalim kong buntong hininga. Humiga ako sa aking higaan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pag-pikit ko ay siya ang nakikita ko. Nahihibang ka na talaga, Amelia! Marahan kong pinukpok ang ulo ko gamit ang aking kamay pagkatapos ay bumuntong hininga. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong magbihis ng madalas kong outfit na kung saan ay naka-pants ako at oversized shirt. Napagdesisyunan ko nalang na lumabas sa maliit na kwartong inuupahan ko at pumunta sa isang affordable na store. Agad akong pumasok sa store na 'yon at naghanap ng maaari kong inumin at kainin. "Magkano ho?" tanong ko nang makapili ako at inilabas ang wallet ko. "215 po lahat," ani kahera. Akmang maglalabas na sana ako ng pera mula sa aking wallet kaso biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para mapalingon ako roon. "Idagdag mo na ang 215 pesos na 'yan dito," wika ng
Amelia's POV"Ikaw na ang susunod, Amelia," ani Madam Boray pagkatapos sumalang ng kasamahan ko. Kinakabahan man subalit pilit kong pinalalakas ang loob ko dahil hindi dapat ako mabulilyaso sa trabaho ko. Hindi dapat ako makita ng mga customer namin na kinakabahan at naiilang. Matagal na akong nagta-trabaho dito subalit hanggang ngayon ay grabe pa rin ang kaba na idinudulot sa 'kin ng trabaho ko. Nang sumampa ako sa stage ay agad kong inayos ang half-mask na suot ko. Binigyan ko ng isang napakalawak na ngiti ang mga customers na nasa harapan ko at dahan-dahang sumayaw sa kanilang harapan. Dinig ko ang sigawan at halinghing ng bawat customers dahil sa erotikong sayaw na ginagawa ko habang nasa harapan ko ang pole. Isinasabay ko ang aking pag-indak sa ritmo ng kanta dahilan para mas lalo kong maakit ang mga customers. Tila ba nag-iinit din ang aking pakiramdam dahil may nararamdaman akong estranghero na kanina pa nakatingin sa akin at kanina ko pa napapansin. Kita ko sa itim na it
Xannon's POVWE ARE currently hiding inside our car near Jake's family mansion. Ilang oras na kaming naka-park ni Alliya pero wala pa rin kaming nakikitang Jake at Catharyn na lumalabas. Puro mga kasambahay o 'di kaya mga guards nila ang nakikita namin na palabas-masok. "Are they even here?" Halatang naiinip na ani Alliya. Pumunta na kami sa American Mafiosi, sinabi nila na tutulungan kami ng organisasyon na hanapin kung nasaan si Catharyn upang iligtas mula sa mga kamay ni Jake. Naghiwalay ang iba't ibang grupo ng American Mafiosi at nagdesisyon kami ni Alliya na dito sa mansyon ng mga magulang ni Jake magbantay habang ang iba naman ay sa ibang lugar naghahanap. "I'm bored. Wala pa ba 'yong Jake? I'm so excited to slice his neck pa naman." Pabirong turan ni Alliya subalit imbis na matawa ako ay kinunutan ko siya ng noo. What the F is she talking about? Tingin ba niya ay biruan at laro lang ang ginagawa naming paghahanap sa asawa ko na hawak ng gag*ng 'yon?!"Oops, sorry." She ut
Catharyn's POV"Wake up, sleepy head." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Jake na kasalukuyan palang nakaharap sa akin habang nakangiti. I rubbed my eyes using my hands and looked at Jake intently in his eyes. Masaya akong makita siyang kasama ngayong umaga bilang kaibigan pero sa tingin ko ay mas sasaya ako kapag asawa't anak ko nag makikita ko. "You didn't sleep." I uttered. "Yeah," he said then chuckled. Kunot noo akong tumingin sa kaniya at tinignan siyang maigi sa kaniyang mga mata. Mahahalata ang eyebags ni Jake at ang pamumutla ng kaniyang labi. Ibang iba ang Jake na kaharap ko ngayon, nagmukha siyang may edad dahil sa itsura niya ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. "Jake, please fix yourself. I am really worrying about your health," halos maluha-luhang wika ko nang tuluyan akong makaupo mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Kung bibigyan ako ng pagkakataon ni Jake na ipadala siya sa Ospital ay sobrang laking ginhawa na no'n sa aking dibdib
Catharyn's POVBUONG AKALA ko ay kakayanin kong hindi sabihin kay Xanno ang problemang kinahaharap ko. Ni hindi ko nga lubos akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, na mas lalo kong nagulo ang plano nilang pamilya. I looked at my surroundings and heaved a deep breath after seeing Xannon beside me. "Please forgive me, my love." Maluha-luhang wika ko pagkatapos kong haplusin ang kanyang pisngi. I packed my things and right after that I silently opened the door. Kailangan kong ipagpatuloy ang plano ko, plano na malaman ang totoo. Hindi ko kaya na si Xannon lang ang may ginagawa. I feel like need to find a solution to these problems. After sneaking on the mansion I went outside the subdivision and stopped the taxi. "Lorenzo subdivision, please." Ani ko pagkatapos ay lumunok ng ilang beses. Abala ang aking paningin sa daanan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko 'yong tinignan at lungkot ang bumungad sa aking mukha nang makita ko kung sino ang tumatawag. "Xan
Xannon's POV"And lastly, here's our room. But I'll let you use this alone. Doon nalang ako sa guest room," wika ko pagkatapos ay ngumiti kay Catharyn."Dad, mama, I'll just get something on my room," wika ni Xandro nang makarating kami sa dating kwarto ko, namin ni Catharyn."Alright, son," nakangiting turan ko.Nang umalis si Xandro ay tumikhim ako at muling nagsalita, "So, as I was saying....-," hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Catharyn at pinutol ang dapat na sasabihin ko."Let's stay on this room, then," wika nito na siyang ikinabigla ko!Gulat akong napatingin sa 'kanya at nagsalita, "W-what?! I mean, b-bakit?" gulat na tanong ko!Paanong gusto niya akong makasama sa iisang kwarto eh samantalang noong nakaraan ay ni dulo ng daliri niya ay ayaw niyang ipahawak sa akin tapos ngayon sasabihin niya na matulog kami sa iisang kwarto?!"I said I want to know you th