Share

Kabanata 03

Ilang araw ang lumipas ngunit araw-araw ang pinepeste ako ni Linderio at araw-araw din ako kinokompronta ni Annalise, ang sabi ko bigyan niya ako ng araw para makapag-isip sa desis'yon na gagawin ko, pero araw araw naman nangbubulabog ang mokong.

Ayoko kasing pagsisisihan ang hakbang na gagawin ko dahil lang sa offer ni Linderio. Malaking tulong sa'min ang halaga na 'yon pero gusto ko din i-consider ang sarili ko at ang mararamdaman ko kung sakali.

Pretend lang naman 'di ba? Hindi ko talaga alam kung makakaya ko ba siya. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako maiinlove. Natatakot ako sa puwedeng mangyare. What if I fall inlove with him? Iyon ang gusto kong iwasan hangga't maaari. Kaya gusto ko pag-isipan ng mabuti ang mga hakbang na gagawin ko bago ako pumayag.

"Puwede ba Linderio huwag mo akong pestehin ano ba sabi ko sa'yo? Bigyan mo ako ng isang linggo at pag-iisipan kong mabuti ang offer mo!" I got irritated because of what he was doing to me right now, nandito ako sa library muna bago pumasok ng room para kumuha ng mga references for our research. I tried to stay calm dahil nasa library kami. "Sorry na baby," he apologize and I just rolled my eyes to him. "Kapag ako ginulo na naman ni Annalise malilintikan ka na talaga sa'kin lalaki ka," dinuro ko siya. "Hindi ka na no'n guguluhin ako bahala sa'yo," he told. As if naman magawa ni Annalise 'yon hangga't ginugulo ako ng mokong na 'to, guguluhin din niya what a nice couple sarap ipatapon sa jupiter!

"Hindi ka true," I scoffed. "Oo nga promise hindi ka na no'n guguluhin basta pumayag ka na sa offer ko," he said. Natawa na lang dahil kahit kailan ay siraulo pa din siya. "Hangga't pinagpipilitan mo na pumayag ako sa gusto mo, the more na gugustuhin ko na hindi tanggapin iyan," I said while we we're walking on the hallway. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa'min ang iba ay masama pa. Bakit ba kasi kasama ko 'tong lalaki na 'to? Naiinis ako.

"Pumayag ka na kasi!" he shout at me hindi naman 'yon kalakasan pero alam kong naririnig ng mga ibang estudyante na nakaka-salubong namin. "Give me a reason, bakit ako ang napili mong guluhin? Sa daming nagkakagusto sa'yo," I seriously said. "Dahil I find you interesting ikaw lang kasi ang may lakas na kalabanin ako, alam mo naman na President ako ng council dito," mayabang na sabi niya. "Kasi hindi ka mukhang presidente. Hindi ka seryoso sa mga bagay na dapat ginagampanan mo," I said kahit hindi naman totoo dahil nagagampanan naman niyang mahusay iyon, wala naman siya diyan sa puwesto niya kung hindi siya maayos gumawa ng tungkulin. "Hoy! grabe ka na-hurt mo na feelings ko," ma-drama niyang sambit.

Tinawanan ko na lang siya dahil para siyang tanga sa mga ginagawa niya. "Lubayan mo muna ako Linderio!" I shout at him at umalis na sa harapan niya dahil nasa tapat na kami ng classroom, as usual ang mga bubuyog ay masama ang tingin sa'kin. "Bakit? Inggit ka ba Annalise dahil ako ang nilalandi ni Linderio?" binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. "Ba't ako maiingit eh magkasama naman kami sa isang bahay," she laughed as if na maniniwala ako sa kaniya. "Weh? Wala naman sinasabi sa'kin si Linderio na magkasama kayo sa bahay kase sa pagkaka-alam ko ay hindi ka niya kinakausap," I teased her again ramdam ko ang galit niya dahil konti na lang ay masasampal na niya ako.

"Na-ah!" mapang-asar kong sabi sa kaniya with a gesture in my hands. "Kahit kailan hindi makakadapo ang palad mo sa kamay ko dahil ayokong mabahiran ng dumi," I said. Nagulat ang mga kaklase ko at hindi na bago sa'kin 'yon dahil araw-araw ay ganito ang scenario namin ng mga bubuyog. "Ops sorry if I offended 'you," I laughed at her at umalis na sa harap niya. It's been 6 days na din simula ng mag-aral ako dito.

"Kailan ka kaya titigilan ng mga 'yan 'no?" Larisa suddenly asked. "Hindi ko alam, bahala sila sa buhay nila kaya kong lumaban sa kanila," I was so competitive when I said that. "Oo alam namin 'yon nag-aalala lang kami para sa'yo," they are so worried about me. Kaya ko naman talagang lumaban para sa sarili ko.

Hindi pa din talaga sinasabi ni Linderio kung bakit ako talaga ang napili niya para magpanggap bilang fake girlfriend niya.

After an hour natapos na din ang morning classes namin. We went to the cafeteria to eat na. "Ano order mo Ace?" Larisa asked. "Kung ano na lang sa inyo okay na ako doon," I said. Salitan silang dalawa sa pagbili sa'kin ng pagkain tuwing tanghali gusto na nga din nila akuin ang mga bayarin sa schools pero hindi na ako pumayag dahil masiyado na nakakahiya iyon besides may work naman ako kaya ko na 'yon.

"I have something to tell," I seriously said to the both ng makarating sila sa table namin. "What is it?" they were so excited about this. Hindi ko alam pa'no ko sasabihin sa kanila pero wala na akong mahihingan ng tulong. "Linderio offered me to be his fake girlfriend," I straightforwardly said, nagulat naman sila sa sinabi ko. "The- what?!" they both said. "Kumalma muna kayo," I said. "Teka bakit? Pa'no?" sunod-sunod na tanong ni Zaynab maski ako ay naguguluhan dahil hindi ko alam ang rason bakit ako ang napili niyang maging fake girlfriend.

"He said that we need to pretend that we are real couple in front of his parents especially kay Annalise dahil hindi naman daw totoo na fiance niya si Annalise kasi hindi naman daw siya pumayag na makasal dito, the news was fake. Kaya naman pinipilit siya ng magulang niya na magkaroon na ng girlfriend dahil kung hindi mapipilitan sila i-arranged marriage kay Annalise at ako ang napili niyang maging girlfriend for 10 months lang naman, hindi din ako pumapayag dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero malaki ang ibibigay niya sa'kin kapag pumayag ako," I heavily sighed. Nagka-tinginan ang dalawa at hindi alam ang sasabihin.

"Kung ako sa'yo Ace pag-iisipan ko 'yan mabuti dahil kahit anong pagpapanggap niyo hindi malabong may magka-gusto sa inyong dalawa. Gustuhin ko man na huwag kang pumayag pero ikaw ang magdedesis'yon niyan kung papayag ka or hindi," Larisa said in a concerned tone. "Kaya nga pero 'yung pera na inoffer niya malaking tulong sa'kin 'yon hindi lang sa'kin pero para sa pang-pagamot ni Papa," I said in a lower tone. They reaching for my hands and squeezed it. "Basta nandito lang kami Ace para sa'yo," they said.

Si Keriza hindi pa din alam ang nangyayare sa'kin dahil minsan ay hindi na din kami nagkakasabay na pumasok. Minsan ako ang nauuna, minsan siya naman. Sa gabi na lang kami nagkaka-sabay since same work lang naman kami.

Walang nakaka-alam sa problema ko kay Linderio tanging si Larisa at Zaynab ayoko din sabihin 'to kay Kez dahil alam kong may sarili siyang problema hindi ko p'wedeng sabayan 'yon.

"Sana walang may maka-alam nito bukod sa'tin," I said. Gusto kong pag-isipang mabuti ang hakbang na tatahakin ko. Tama naman sila Larisa hindi namin alam baka isa sa'min ay mahulog ang loob dahil sa pagpapanggap namin, nakakatakot dahil baka ako ang unang bumigay sa'min. Okay lang naman kung ibang offer na lang na ganoon din ang suweldo pero nahihiya akong sabihin 'yon kay Linderio.

"Naiimagine ko na mangyayare sa inyo!" maligayang sambit ni Larisa sa'kin. "Eh 'di huwag kang mag-imagine ang panget," I said. Hindi ko alam kung ano mangyayare once na pumayag ako. Hindi ko alam... "Basta ship ko na kayong dalawa since day 1," natatawang sambit ni Larisa. Napa-iling na lang ako tinuloy na ang pagkain ko.

Mamaya na naman pala ay may trabaho na naman ako. Kakayod na naman ako para sa gamot ni Papa at vitamins nina Mama. Ayoko kasi na magkakasakit isa sa pamilya ko, kahit ako ay iniiwasan ko din na magka-sakit dahil ayokong magkaroon na naman kami problema sa pinansiyal.

I'm always asking myself...kung tatanggapin ko kaya ang offer ni Linderio ay gagaan na ba ang pasanin ko sa pamilya ko? hindi na kaya ako mahihirapan na katulad ng ginagawa ko ngayon. Baka pagsisihan ko pa sa huli ang mangyayare.

Habang naglalakad kami pabalik ng room ay nakita namin agad si Linderio sa tapat ng room nakita ko din na kinakausap siya ni Annalise ngunit hindi siya nito kinikibo, poor girl joke.

"Oh nandito na pala si soon to be boyfriend eh," pang-aasar ni Zaynab. Kailan kaya makakasabay sa'min si Lazarus tuwing lunch time kainis kasing lalaki 'yon puro basketball ang inaatupag manong mag-aral ng mabuti pero balita ko may pinopormahan siya tapat ng gym ang building ng Bsba, teka! Baka bestfriend ko na ang pinopormahan ng mokong na 'yon! Sana hindi!

"Tumigil ka nga Zy!" kurot ko sa singit niya ng matahimik siya. "Oo na sige, tara na sa room," yaya nito. Dire-diretso lamang kami ng paglalakad. Papasok na sana ako ng bigla na naman akong tawagin ng peste sa buhay ko, "Baby!" he shout. What the hell?! Kaya ayokong pumayag dahil alam ko aasarin niya lang ako!

"Ano kailangan mo?" I tried to be in calm tone kahit na nag-iinit na ang ulo ko sa lalaking 'to. Hindi ko talaga mabasa ang nasa utak niya. Last time babe ang tawag sa'kin sumunod mahal, sweetheart ngayon baby na naman ulit. Alam na alam niya talaga kung pa'no ako mainis sa mga ganitong call sign.

Rinding rindi ako tuwing tatawagin niya akong ganiyan. "Kailangan kita kasi miss na kita," mga estudyante sa paligid ay humiyaw dahil doon. Ngumiwi ako dahil ang baduy niya! Hindi ko alam saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa'kin 'yon sa harap ni Annalise. Inirapan ko siya at umalis na sa kumpulan na tao. "Teka joke lang!" habol niya sa'kin bago pa man ako makapasok ng room. Buti na lang at wala pa ang teacher namin. "A-ayain lang sana kitang lumabas mamaya puwede ka ba?" tanong nito. "May trabaho ako hindi p'wede," I said at umalis na sa harap niya.

"Ang lakas din naman ng loob mo Rachel hano!" bulyaw ni Annalise ng makapasok kami ng room. Tinaasan ko siya ng kilay. "Talagang haliparot ka 'no? Nakita mong ako ang kasama ni Linderio bigla kang sisingit hayop ka!" akman sasabunutan niya ako pero sinampal ko siya na malakas dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'kin araw-araw nakakapagod din kase makipagtalo sa sarado ang utak.

"Hindi ako haliparot, bubuyog. Unang-una sa lahat hindi ako sumingit sa moment niyo at mas lalong wala akong paki-alam kung ano ba talaga ang mayroon sa inyo ni Linderio kung ayaw mo akong tantanan ito ipapamuka ko sa'yo. Unang-una sa lahat hindi ako unang nagpapansin sa fiance mo, siya ang unang nanggulo sa buhay ko kayong dalawa ang peste sa buhay. Pangalawa hindi ako malandi dahil wala kang pruweba na nilalandi ko talaga siya. Pang-huli, hindi ako pumasok dito para makipagtalo lang sa isang katulad mo na makitid ang utak. Sa'yong sa'yo na ang fiance mong bulok! Pareho kayong may sayad sa utak, at sa oras na guluhin mo naman ako Annalise hindi lang 'yan ang aabutin mo," I warned her at pumunta na sa upuan ko sumunod naman sila Larisa sa akin ng hindi kumikibo.

Lahat sila ay nagulat sa eksenang nangyare. Hanggang ngayon ay naiinis ako dahil sa kanila nag-kanda kanda leche buhay ko sa school na 'to. Sana pala hindi na lang ako dito nag-aral dahil ganito rin pala ang mangyayare sa'kin. Hindi ko naman makikilala sila Larisa kung hindi ako nag-aral dito. Mag-one week palang ako dito pero ganito na inaabot ko. Ayokong ipa-alam ito kila Mama at Papa dahil alam kong mag-aalala sila lalo na si Papa natatakot ako na baka atakihin siya sa puso.

Tulala lang ako buong maghapon hindi rin muna ako kinausap nila Larisa dahil alam nilang maiinit pa ang ulo ko sa mga nangyayare sa'kin dito sa school.

Akala ko ito ang makakaligtas sa'kin sa mga problema ko na bitbit ko ngunit hindi pa mas nakakadagdag pa ito sa mga pasanin ko buhay. Araw-araw akong pumapasok na mabigat ang katawan dahil sa kakatrabaho 'tapos guguluhin ako ng dalawang peste sa buhay ko. Akala ko din na ito ang magiging pahinga ko sa mga problema pero mali pala ako.

Tama naman sila hindi ako nababagay sa eskwelahan na 'to pero dito ko mas piniling mag-aral dahil gusto ko rin naman magkaroon kami ng magandang buhay. Ayokong maging pasanin...

Kay Linderio? I don't belong to his world mas pipiliin ko na lang ang ganito ako kaysa magpanggap bilang nobya niya. Ayoko...

Gusto ko sa 1st boyfriend ko mapunta ang lahat...hindi sa kaniya. Kailangan ko din mag-ipon para sa pang-opera kay Papa kailangan din niya kaseng operahan...

Kaya hangga't maari pinipilit ko ang sarili na magtrabaho ng maayos at ayokong magkaroon ng sakit...

Nang matapos ang klase ay tahimik lang ako nagliligpit ng gamit ng bigla akong yakapin ni Larisa. "Kung hindi mo na kaya iiyak mo lang walang masama sa pag-iyak, Rachel," she said. Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam pero hinang-hina na ako. Nakakapagod pero kinakaya ko naman para sa pamilya at sa kanila.

"Take a rest muna Ace kasi tignan mo ang sarili mo please kahit ngayon 'wag ka muna magtrabaho bumawi ka ng lakas mo," Zaynab begged me. "Hindi puwede..." that's the only words I said. Hindi ako puwedeng magpahinga kailangan ko ng trabaho para sa baon ko at sa mga gamot ni Papa. "Makinig ka naman sa'min this time, kahit bukas, sige magtrabaho ka pero ngayon kailangan mong bumawi alam kong pagod ka na, hindi namin kaya na ganito ka," Larisa is crying too. Buti na lang at kaming tatlo na lang ang nandito.

Tumango na lang ako...sila na ang nagpaalam sa mga boss ko na hindi muna ako makakapasok. Gumawa na lang sila ng rason para mapapayag ang mga amo ko.

Mag-isa akong naglalakad palabas ng gate dahil ang mga sasakyan nina Larisa ay sa loob ng school nakapark. They insisted to walk with me on my way to our home but I reject it okay na sa'kin na tinulungan nila ako ngayon para makapag-pahinga ako.

"Rachel," someone called me kaya tinignan ko kung sino ang tumawag sa'kin. It was him again. "Ano ba kailangan mo Linderio? kasi hindi ko na maatim na lagi na lang ako pinepeste ng fiance mo, isa 'to sa dahilan kung bakit ayokong pumayag sa offer mo dahil alam kong araw-araw ay sisiraan ako ni Annalise. Alam mo nakakapagod makipagtalo sa sarado ang utak. Nakakapagod na ganito na lang cycle ng buhay ko sa eskwelahan na ito, akala ko ito ang magiging pahinga ko dahil alam mo nagtatrabaho ako at alam mo ba kung anong oras akong nakakauwi? Alas tres ng umaga Linderio 'tapos pag-uwi ko gagawin ko pa mga assignment ko sa school then matutulog ako 'tapos gising ako ng 5:00 AM dahil may pasok ako at sa pagpasok ko sasalubong sa'kin ang mainit na ulo ni Annalise, kung gusto mo na lubayan ka na ni Annalise huwag na ako ang punteryahin mo Linderio. Hindi ko matatanggap ang offer mo," I said.

He was about to talk to me ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si Mama...kaya naman dali-dali kong sinagot dahil hindi naman 'to tatawag kung hindi importante or emergency

Hello ma...

Anak... ang papa mo...

Kinabahan ako sa sinabi ni Mama.

Ma ano nangyare kay Papa?

Anak...sinugod namin siya sa

hospital inatake ang Papa mo, kasama

ko si Rosalyn.

Narinig ko ang pag-iyak ni Mama kaya naman nai-bagsak ko ang cellphone ko dahil sa gulat. Napaluhod ako dahil sa sobrang panghihina.

"Hey! What happened? Is everything alright?" nag-aalalang tanong ni Linderio, hindi ko magawang kumibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko biglang may luha na lumandas sa'kin mukha.

"Si Papa..." hikbi ko

"What happened to your Father?" he was worried. "Inatake si Papa, p'wede mo ba akong dalhin sa hospital?" nagmamakaawa kong tanong. "Tell where they are. Pupuntahan natin sila," he agreed at tinayo niya ako. Kaya naman tinawagan ko si Mama para tanungin kung nasaan silang hospital.

Tulala lang ako buong biyahe dahil hindi ko alam ano ang sasabihin ko, nahihiya din ako kay Linderio dahil siya ang nag-insist na ihatid ako.

Nang makarating kami ng hospital ay halos gusto ko na lumundag sa pangalawang lapag. Naka-ICU daw si Papa kaya naman pinuntahan ko si Mama do'n. "Ma..." sambit ko. "Anak," biglang yumakap sa'kin si Mama. "Ma, anong nangyare kay Papa? Bakit siya inatake sa puso? Sino kasama ng mga kapatid ko sa bahay?" sunod-sunod na tanong ko. "Nagkakatuwaan lang kami kanina sa panonood ng tv kanina ng bigla siyang inatake, hindi naman alam kung bakit siya inatake buti tinulungan din kami agad ng mga kapitbahay natin dahil kung hindi baka wala na ang Papa mo pero..." she paused at mukhang nag-aalanganin siyang sabihin kung ano ito.

"Ma,ano po iyon?" I asked her. "Anak kailangan ng maoperahan ang Papa mo agad sa puso dahil baka daw kumalat ang impeks'yon niya dahil nagkaroon din daw ito ng komplikas'yon sa baga," she said. "Magkano daw po kailangan?" I asked again. "Kalahating milyon Anak saan tayo kukuha ng gano'ng halaga anak? Hindi pa tayo tapos sa mga bayarin natin, Diyos ko!" umiiyak na sambit ni Mama tila nagunaw ang aking mundo...

Saan kami kukuha ng ganoong halaga? Hindi sapat ang kinikita ko sa mga raket ko. "Ma, gagawa ako ng paraan ha,huwag kang mag-aalala," she said para mapanatag ang loob niya. Ang bigat sa pakiramdam ng ganito hindi ko alam saan ako hahanap ng kalahating milyon na na pang-opera kay Papa. Hindi ko na napansin na kasama ko nga pala si Linderio. "Ma, si Linderio po kaibigan ko sa school," pagpapakilala ko kay Linderio. "Magandang hapon po," bati nito kay Mama gano'n din ang ginawa ni Mama sa kaniya.

"Puwede ka ng umuwi Linderio salamat sa paghatid," malumanay kong sambit. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Ngumiti lang ako para sabihin na okay lang talaga ako. Ngayon niya lang ako nakitang mahina dahil sa nangyare ngayon. Kapagod ang nangyare sa'kin ngayon.

"If you need help Rachel you can tell me," he insisted to help me, "Huwag na okay lang magagawan ko ng paraan 'to, salamat," I told. "I'm willing to help," he still insist. Umiling ako. "Kaya ko na 'to Linderio, salamat sa tulong mo," I said.

Bago siya maka-alis, "Think about my offer Rachel, p'wede 'yon maging pambayad sa pang-opera ng Papa mo, hindi kita mamadaliin basta pag-isipan mong mabuti 'yon," he said. "Sige pag-iisipan ko Linderio," tugon ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, pero mas kailangan ni Papa na ma-operahan agad. Natatakot akong mawala siya sa piling namin. Gagawa pa ako ng paraan na makahanap ng mga trabaho.

May in-applyan ako sa tatlo pang trabaho para mas lalong lumaki ang ipon ko sa pang-opera kay Papa. My friends knows everything. They want to help but I reject it kaya ko naman mag-isa eh.

Buti na lang din ay hindi na muna ako ginugulo ni Linderio at Annalise. Salamat naman at natahimik ako ng ilang araw.

"Ace, natutulog ka pa ba? Tignan mo 'yang itsura mo. You look pale," nag-aalalang sambit ni Larisa. "Hindi ko na magawang matulog dahil kailangan ko ng pera para sa pang pa-opera ni Papa. Hindi din sapat ang kita ni Mama," I said. "Ace, take care of yourself wala naman masama kung iisipin mo muna ang sarili mo, you think matutuwa si Tito na nakikita kang ganiyan? Hindi Ace, masakit sa kaniya bilang ama na makita kang ganiyan Ace. Hayaan mo kaming tulungan ka," Zaynab said. "Huwag na...para rin naman 'to kay Papa kaya ko ginagawa ang mga bagay na hindi ko talaga dapat ginagawa, dapat nag-eenjoy ako...pero hindi ko magawa dahil may tatay akong naghihingalo sa hospital...pagod na utak ko, pagod na katawan ko... pagod na ako sa lahat pero pinipilit kong lumaban para kila Mama, ayokong makita nila akong nanghihina," I tried not to crack my voice. Sabado ngayon dapat ay may group study kami pero mas pinili nila munang dalawin kami dito sa hospital.

Sa umaga ay ako ang nagbabantay kay Papa since nag-paalam naman ako sa school na absent ako for two week, sila Larisa na sa mga lesson at lecture notes, basta naman binasa ko iyon gets ko na agad ang topic.

Sa gabi naman si Mama para may kasama ang dalawa kong kapatid sa umaga. Naawa ako sa mga kapatid ko dahil 'di naman nila dapat na nararanasan 'to. Ang bigat sa loob ko makita ang mga kapatid ko na hindi ko man maibili ng mamahalin na laruan dahil kapos na kapos kami.

"Ace uso ang mag-pahinga,look at yourself hindi 'yan ang nakilala namin," Caitriona said. "Wala akong magagawa Catty dahil ito na ang buhay ko...ito na ang kinamulatan ko," I said. "It's fine to take a rest naman Ace kasi kami ang mahihirapan kapag nagkasakit ka," they said.

Siguro nga masiyado ko ng pinapagod ang sarili ko kaka-trabaho at kaka-bantay kay Papa. Araw-araw naman ay dinadalan ako nila Larisa nga homework at sila rin ang nagpapasa kinabukasan kapag natapos ko na siya gawin. Malaking tulong na sa akin ang mayroon akong kaibigan willing tumulong pero nahihiya akong manghingi sa kanila ng tulong kahit hirap na hirap na ako sa ganito.

"Pa...konting tiis na lang, maipapa-opera na kita," I said to my Father while he was in a state of coma. "Pa, pagod na anak niyo...pero Pa, pinipilit kong lumaban para sa inyo, Pa miss na kita... kapit lang po ha, " naiiyak kong sambit.

Hindi ko alam bakit kailangan kong mahirapan ng ganito I'm always asking our God, bakit kami pinahihirapan ng ganito? ano bang nagawa namin para maging ganito sitwas'yon namin but in the end I realize that God has a plan for us.

Siguro tatanggapin ko na ang offer ni Linderio wala na akong choice dahil pagod na ako. Pagod na ako sa lahat...gusto ko munang magpahinga kahit ngayon lang...

I remember he gave me his number kaya naman kinontak ko 'yon.

Linderio

Who's this?

Kinakabahan ako...pero wala ng atrasan 'to, papanindigan ko na.

It's me Rachel, I want to accept your offer na.

Walang wala na talaga ako. Kahit ilang trabaho pa ang pasukin ko hindi pa din sapat 'yon para sa pang-opera ni Papa.

Papa para sa'yo 'to huwag ka sanang magagalit sa'kin.

Sige bukas puntahan kita sa hospital

may terms and agreement saka kontrata kang

pipirmahan,and Thank you for accepting my offer.

Malaking tulong sa'kin ang ginawa mo Rachel.

Hindi ko na mapigilan ang ma-luha dahil dito ang pride ko ay bumaba. Ano pa ba magagawa ko? Kasi ito na hindi na ako p'wedeng magback out

S-sige salamat...

Huling mensahe ko bago ko patayin ang tawag.

"Pa...maooperahan ka na..." I said while he was lying in the hospital bed, walang malay. Madaming tubo ang naka-konekta sa kaniya.

Alam kong mali ang gagawin ko pero para sa pamilya ko gagawin ko ang lahat kahit labag sa kalooban.

"Pa...sana maging successful ang operas'yon mo, alam kong matapang ka. Makakaya mo naman 'yon 'di ba? Huwag mo kami iiwan Pa. Kailangan pa kita," I said. Malapit na talaga ako Papa simula no'ng bata ako kahit kay Mama. Puno sila ng pagmamahal sa'min magkakapatid, hindi nila kami pinabayaan.

I opened my twitter account.

R.Shine__

I hope I won't regret what I've done.

and I tweet it.

Tinanong naman ako ng mga kaibigan ko kung ano ba 'yung post ko na or about saan but I stay silent ayoko muna ipagkalat ang ginawa ko.

Binalita ko naman kay Mama na nakahanap na ako ng pera para sa operas'yon she asked me kung saan galing ang pera na 'yon. But I always said na huwag niya ng alalahanin hindi 'yon galing sa masama.

I tweet again something

R.Shine__

Makakapagpahinga na rin ako masiyado na akong pinagod ng mundo.

Some of my friends are cheering me on.

Makakaya ko 'to kahit na pinagod na ako ng mundong ibabaw. Makakaya ko 'to para sa pamilya ko. Magiging matatag ako kahit sa loob ko ay pagod na ako.

Fighting Rachel I know you can do it! Para sa pamilya mo, makakaya mo ang lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status