The Guardian Of Forest
The Guardian Of Forest
Author: KHYSTARIA

Chapter 1

Sa isang madilim at masukal na kagubatan may isang batang lalaki ang tumatakbo ng mabilis habang tumatangis at halatang kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang tigil na pagtakbo. Ngunit hindi ito puwedeng huminto.

"Mommy... Daddy!" umiiyak na binabanggit na sambit nito habang wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo.

"HAYUN ANG BATA! SUNDAN N'YO AKO!"

Malakas na sigaw na narinig ng batang lalaki .Nagpahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Nakita ng bata ang mga tao na kanyang tinatakbuhan na papalapit sa kanyang direksyon kaya't 'di ito nagdalawang isip na kumaripas muli ng takbo.

Wala sa tamang pag-iisip ang batang lalaki, ang tanging nasa isip lamang nito ay malaking takot na baka patayin din s'ya ng mga taong humahabol sa kanya katulad ng ginawang pagpatay nila sa kanyang mga magulang. Sa sobrang kagustuhan na makatakas sa mga taong humahabol sa kanya ay hindi na napansin ng bata na malapit na s'ya sa isang sapa. Bigla itong natalisod dahil sa mga batong nakapalibot dito.

"Aray ko!" napadaing sa sakit ang bata nang ito ay matisod at bumagsak sa maraming bato.

"Sino ka?" nagulat ang bata sa narinig niyang boses at agad na napaangat ng kaniyang ulo. Nakita ng batang lalaki ang isang batang babae na nakatingin sa kanya. Kitang-kita ang kagandahan ng batang babae kahit na madilim ang buong kabundukan. Para itong kumikinang sa kaputian at idagdag pa ang napakahaba nitong buhok na kulay abo at mahabang kasuotan na kulay berde.

"Tulungan mo ako!" naguguluhan man ang batang lalaki ngunit iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig. Nagkaroon s'ya ng pag-asa na makaligtas nang makitang hindi s'ya nag-iisa sa masukal na gubat na iyon. Gustong-gusto na n'yang makaalis sa lugar na iyon upang makahingi ng tulong para mailigtas ang kanyang mga magulang.

"At bakit naman kita tutulungan?" tanong ng batang babae sa kanya.

"Hinahabol ako ng mga masasamang tao. Papatayin nila ako katulad ng pagpatay nila sa aking mga magulang."

Naawa ang batang babae sa batang lalaki nang marinig nito ang kanyang sinabi.

"Hinahabol? Bakit ka nila hinahabol?" tanong ng batang babae sa lalaki.

Nakarinig ang dalawa ng dalawang malalakas na putok ng baril at kasabay nito ang pagsulpot ng tatlong kalalakihan.

  "Grabe kang bata ka! Pinagod mo kami, nandito ka lang pala," sabi ng lalaking nasa gitna ng dalawa. Ito ang nagpaputok ng baril kanina dahil kita ng dalawa ang nasa kamay nitong barili.

  "May kasama ka pala hindi mo sinasabi, paniguradong matutuwa si Boss nito kapag nalaman nyang dalawang bata ang makukuha natin," sabi ulit ng lalaking may hawak ng baril.

"Kayong dalawa kunin n'yo ang mga batang 'yan," utos nito sa dalawang lalaking kasama nya.

Nang sabihin ito ng lalaki ay agad na nangatog sa takot ang batang lalaki at nang mapansin ito ng batang babae ay agad siyang tumayo sa harapan ng batang lalaki at humarap sa tatlong lalaki.

"Ano ang kailangan n'yo? Bakit kailangan n'yo kaming kunin?" tanong ng batang babae.

"Hindi mo na kailangang malaman dahil bata ka lang. Bilisan ninyong dalawa at kunin n'yo na sila."

Kinuha ng isang lalaki ang batang lalaki, nagpupumiglas ito ngunit wala itong laban dahil malalaking tao ang mga lalaking iyon.

"Bitiwan n'yo ako! Ayokong sumama sa inyo!" pagpupumiglas ng batang lalaki.

Nahawakan na rin ng isang lalaki ang batang babae ngunit nang oras na nahawakan n'ya ito ay nakaramdam ang lalaki ng kakaiba sa kanyang katawan. Para siyang nahihilo at nasusuka. Nagkakaroon din s'ya ng mga butlig sa kanyang katawan.

"Ano ito? Ano itong nangyayari sa akin?" nagtataka at natatakot na tanong ng lalaki sa kanyang mga kasama. Habang tumatagal ay mas dumarami ang butlig at mas nagiging halata dahil umabot na rin ito sa kanyang mukha.

Agad na napahinto ang isa na may hawak sa batang lalaki pati na rin ang lalaking may hawak ng baril at napatingin sa kanya ng may pagtataka.

"Ano ba ang nangyayari sa'yo? Ano yan?" tanong ng lalaking may hawak na baril at lumapit sa lalaki na katabi ng batang babae.

"Hindi ko alam. Kanina naman ay wala ito! Aray! Aray ko!" agad na nagwala ang lalaki dahil sa sakit na nararamdaman nito mula sa mga tumutubo sa kanyang katawan.

"Pare, huminahon ka, relax ka lang at mawawala rin 'yan mamaya," pagkakalma nito sa  kasama.

"Pare, ang bata! Ang mga mata ng batang babae!" natatakot naman na sabi ng isa pa nilang kasama na may hawak sa batang lalaki. Napatingin ang lalaking may hawak ng baril sa batang babae at nang makita n'ya ito ay napaupo nalang sya sa gulat.

Kitang kita n'ya ang mga mata ng bata, naging kulay berde ang mga mata nito at nagliliwanag, nakatingin ng diretso ang batang babae sa lalaking nagsisigaw sa sakit na nararamdaman dahil sa mga tumutubo sa kanyang katawan.

"Sinasabi ko sa inyo, hindi kayo nararapat sa lugar na ito. Nakikita ko sa inyong mga mata na masama ang pakay n'yo rito, hindi tinatanggap ng bundok na ito ang mga taong katulad ninyo!" malakas na sabi ng batang babae at kasabay din nito ang pagilaw ng kanyang nuo at pagihip ng malakas na hangin.

Nang umilaw ang kanyang nuo ay bigla na lamang gumalaw ang mga ugat ng mga puno na parang ito ay may sariling buhay. Pinaluputan ng mga ugat na iyon ang tatlong lalaki at walang nagawa ang mga ito kung hindi dumaing sa sakit.

"Heryst!" napalingon ang batang babae nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Zheus?" tawag ni Heryst sa kanyang kuya na si Zheus.

"Ano ito Heryst? bakit may mga tao rito? anong nangyayare?" tanong ni Zheus sa kapatid.

"Nililigtas ko lang ang batang iyon," sabay turo sa batang lalaki na kanina pa tulala dahil sa natunghayang kakaibang pangyayari.

"Heryst, ano ba? hindi ba bawal tayong makita ng mga tao? iyan ang laging sinasabi sa atin ng ating ama!" galit na sabi ni Zheus, ngunit ang galit na ito ay isang paraan kung paano sya mag-alala sa kapatid.

"Alam ko, Zheus. Pero hindi ko kayang iwan at pabayaan ang batang iyon na mapahamak sa kamay ng mga ganitong tao," sabi ni Heryst sa kapatid.

"Tama na ito, itigil mo na ito, ako na ang bahala sa tatlong mga lalaki at ikaw sa batang lalaki," tumango na lamang si Heryst at pinuntahan ang batang lalaki na naka tulala pa rin dahil sa nangyare.

Nakarating si Zheus sa harap ng tatlong lalaki na hindi na nagsasalita dahil sila'y nasasakal sa mga ugat na naka palupot sa kanilang buong katawan. Inilapat niya ang kaniyang mga kamay na nagliliwanag sa mga ulo ng lalaki at pakonti konti silang nakakaramdam ng antok. Nawalan ng malay ang tatlong lalaki at unti-unting lumabas sa kanilang mga ulo ang mga usok na naglalaman ng kanilang mga memorya tungkol sa mga nangyare sa kanila kanina, unti-unti itong nawawala.

Sa kabilang dako naman ay sila Heryst at ang batang lalaki.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ni Heryst sa bata. Kung kanina ay nakatingin ang batang lalaki sa ginagawa ni Zheus, ngayon ay nakatingin na sya kay Heryst.

"Aris."

"Aris? ang ganda ng pangalan mo. Ngayon ay makakatulog ka na, ang lahat ng mga nangyare kanina at ngayon ay mawawala na sa iyong alaala, matulog ka ng mahimbing," sa sandaling iyon ay biglang tumahimik ang paligid, nakatingin lamang ang dalawang bata sa mga mata ng isa't isa.

Inilapat ni Heryst ang nagiilaw niyang kamay sa ulo ng batang lalaki at ilang segundo lamang ay wala ng malay ang batang lalaki. Lumabas sa kanyang ulo ang isang usok na naglalaman ng kanyang alaala sa mga nangyare mula kanina ng una nilang pagkikita ni Heryst.

"Tapos na tayo rito, tara na Heryst at kailangan mong magpaliwanag sa ating ama sa kung ano ang mga nangyare rito," at umalis na nga ang dalawang magkapatid, naglaho ito na parang mga usok sa hangin.

Naiwan na lamang sa masukal na kagubatan ang tatlong lalaki at ang batang lalaking si Aris na walang mga walang malay at naka handusay lamang sa lupa.

Nang makarating ang magkapatid na Heryst at Zheus sa palasyo ay agad silang sinalubong ng tatlong tagapag bantay ng palasyo.

"Mahal na Prinsesa Heryst at mahal na Prinsipe Zheus, maligayang pagbabalik," lumuhod ang tatlong bantay habang nakayuko ang ang mga ito. Ang kanilang ginagawa ay pagpapakita ng paggalang sa mga anak ng kanilang Hari na si Daurus.

"Nasaan ang aming ama? dalhin ninyo kami sa kanya," may otoridad na pagkakasabi ni Zheus, bata pa lamang ito kung titignan ngunit matanda na ito magisip. Makikita agad kay Zheus ang pagiging seryoso kahit na bata pa lamang ito.

"Sumunod po kayo sa akin," sagot ng isa sa kanila.

Hindi pa man sila nakakagawa ng kanilang unang hakbang ay narinig na nila ang malalim na boses ng kanilang ama.

"Heryst, Zheus, mabuti at nandito na kayong dalawa," sambit nito sa dalawang anak.

"Ama," yumuko ang dalawa upang magpakita ng pagbati sa kanilang ama.

"Nais ko kayong makausap ngayon na!  sumunod kayo sa akin," may otoridad na utos ni Daurus sa kanyang dalawang anak.

Nakasunod lamang ang dalawa sa kanilang ama habang ang mga tauhan nito ay naiwan na para sa kanilang kanya kanyang gawain.

Tahimik lang ang buong paligid habang naglalakad sa mahabang pasilyo ang tatlo. Tahimik man ang kapaligiran ngunit ang pagtibok ng dibdib ni Heryst ay napakalakas, kinakabahan sya dahil seryoso ngayon ang kaniyang ama. Natatakot sya na baka tungkol sa nangyare kanina ang kanilang paguusapan, natatakot siyang mapagalitan ng kaniyang ama.

"Heryst, ano ang nangyari? bakit naramdaman ko ang kapangyarihan mo kanina? saan ka ba talaga nanggaling at saan mo ginamit ang iyong kapangyarihan? magpaliwanag ka!" tuloy tuloy na tanong ni Daurus sa anak.

"Ama, may iniligtas lang po akong batang lalaki kanina, may humahabol po kasi sa kaniyang mga masasamang lalaki na may hawak na armas, hindi ko po s'ya kayang iwan dahil baka patayin po s'ya ng mga humahabol sa kanya," pagpapaliwanag ni Heryst sa amang si Daurus.

Nang marinig ni Daurus ang kuwento ng anak ay nagpantig agad ang kaniyang pandinig.

"Nagpakita ka sa mga tao? ganoon ba 'yon Heryst?" tanong ni Daurus sa anak, halata sa malalim nitong boses ang galit.

Kitang kita ni Heryst ang pagbabago ng timpla ng mkha ng kanyang ama kaya mas lumala ang kaba at takot nito.

"Opo ama," mahinang sagot ni Heryst sa ama.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo Heryst, hindi kayo pwedeng makita ng mga tao, delikado sila dahil mapag samantala sila at kaya nila kayong saktan!" galit na sabi ng kanilang ama.

"Ngunit ama! kung hindi ko niligtas ang batang iyon ay mamamatay lang s'ya ng walang laban, bata lang po s'ya!" natatakot man si Heryst sa kaniyang ama ngunit hindi n'ya mapigilang Hindi mangatuwiran dahil alam niyang tama ang kaniyang ginawa na iligtas ang batang lalaki.

"Sinasabi ko sa'yo, anak, kaya nilang saktan ang kapwa nila tao, malamang ay kaya rin nilang saktan ang mga katulad natin na hindi naman nila kauri," pangangaral ni Daurus sa anak na si Heryst.

"Ama, patawarin n'yo na po si Heryst. Nakabalik po kami ng ligtas dahil matalino s'ya at naprotektahan n'ya ang kaniyang sarili. Ako po ay iyong patawarin ama, dahil hindi ko s'ya nabantayan ng maayos," sabi ni Zheus sa kanyang ama. Naaawa na si Zheus sa sitwasyon ng kaniyang kapatid na si Heryst kaya para matapos na ang galit ng kaniyang ama ay s'ya na mismo ang humingi ng paumanhin, aminado rin naman s'ya na may kasalanan s'ya dahil hindi n'ya nabantayan ng maayos ang kapatid.

"Palalampasin ko ang nangyare ngayon, ngunit kung ito ay mauulit pa ay may kaparusahan na ito," sabi ni Daurus at tumgin sa anak na si Heryst.

"Opo ama," sabay na sagot ni Heryst at Zheus sa kanilang ama.

"Patawarin n'yo po ako ama," paghingi ni Heryst ng tawad sa kaiyang ama. Narinig ito ni Daurus na naging dahilan para bumalik ito sa pagiging mahinahon. Si Daurus ang tipo ng ama na nagagalit kapag nagkakamali ang anak, ngunit lumalambot ang puso kapag nakikitang nagsisisi at humihingi ng kapatawaran ang mga ito.

"Lumapit kayo sa akin, aking mahal na mga anak," lumapit naman ang dalawa sa kanilang ama, niyakap ni Daurus ng mahigpit ang dalawang anak ng mahigpit.

"Patawarin ninyo ako mga anak dahil kayo'y aking napagalitan, nais ko lamang na malaman ninyo na dapat hindi tayo nagtitiwala sa mga tao dahil malupit sila, kaya nila tayong saktan," sabi nito sa kaniyang mga anak habang magkayakap pa rin sila.

                               ###

"Ama, ipinapatawag n'yo raw ako? ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Zheus sa ama na nakatalikod sa kanya at pinagmamasdan ang napakagandang tanawin.

"Kumusta ang kapatid mong si Heryst?" tanong ng ama.

"Kasalukuyan po siyang nagpapahinga sa kaniyang silid ama," sagot ni Zheus sa ama.

"Pinatawag kita rito anak dahil may gusto akong ipagawa sayo," lumapit si Daurus sa anak at hinawakan n'ya ang magkabilang balikat nito.

"Ano po iyon ama? sabihin n'yo lamang at ako'y susunod sayo."

"Anak ko, Zheus, nais ko sanang bantayan mo pa ang iyong kapatid na si Heryst, may kutob ako na ang naramdaman kong kapangyarihan na nagmula sa kaniya kanina ay hindi lamang isang ordinaryong kapangyarihan," paguutos ni Daurus sa kaniyang anak.

May bumabagabag sa utak at kalooban ni Daurus, pinipilit niyang 'wag itong tanggapin dahil iniisip pa lang niya ay hindi na nya matanggap, kung ito man ay mangyayari.

"Ama, may bumabagabag po sa inyo, sabihin n'yo po sa akin upang maintindihan ko kayo," naguguluhan si Zheus sa sinasabi ng kaniyang ama. Naguguluhan s'ya tungkol sa kung ano ang kapangyarihan ni Heryst dahil hindi man n'ya aminin sa kaniyang sarili ay naramdaman din n'ya kanina ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa kapangyarihan ni Heryst.

"Natatakot ako na baka nangyayare na ang nakatala sa propesiya, natatakot ako na magkatotoo ang sumpa sa kapatid mo," halata sa boses nito ang pagkabalisa at pagaalala.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin? ano po ang nakatala sa propesiya? ano ang tinutukoy ninyong sumpa kay Heryst,  ama?" gulong-gulo na ang isip ni Zheus, wala siyang mahanap na kasagutan at ng dahil duon ay may biglang namuong pagaalala sa puso n'ya para sa kapatid na si Heryst.

"Alam kong bata ka pa ngunit alam ko rin na mauunawaan mo ang aking mga sasabihin..."

Ipinaliwanag lahat ni Daurus kay Zheus ang lahat, mula sa una hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang itinirang detalye. Gusto n'ya na malaman ng anak ang lahat upang malaman nito ang mga dapat gawin para sa kapatid nitong si Heryst.

                               ###

Nagising si Heryst dahil sa sinag ng araw na nangagaling sa malaking bintana sa kaniyang napakalaking silid. Idinilat n'ya ang kaniyang mga mata at ang agad na unang nakita n'ya ang kagandahan ng labas ng kaniyang kuwarto.

Bumangon si Heryst at agad na tinungo ang bintana ng kaniyang silid upang pagmasdan ang labas nito.

Kitang kita ang kagandahan ng buong lugar. Kumikinang ang lahat ng mga bagay sa lugar na ito, naglalabas ng makikinang na bagay ang mga bulaklak sa tuwing nadadampian sila ng mga paruparo, napaka gandang pakinggan ang mga awit ng ibong lumilipad sa himpapawid, napaka gandang panuorin ng mga batang diwata at diwatano na naglalaro sa napakagandang lugar na ito.

"Gising ka na pala," biglang may nagsalita sa likod ni Heryst, ginamit ni Zheus ang kanyang teleportation upang makarating sa silid ng kapatid.

"Magandang umaga kuya," masayang pagbati ni Heryst sa kaniyang nakatatandang kapatid.

Ngumiti si Zheus sa kaniyang kapatid ngunit sa likod nito ang labis na pag aalala sa kapatid.

"Naparito ako para sunduin ka para kumain, nais kong sabay tayong pumunta sa ating ama para kumain," nakangiting sabi ni Zheus kay Heryst.

"Kumusta si ama? okay na ba s'ya? hindi na ba s'ya galit sa akin?" tanong ni Heryst, maayos na sila kahapon ngunit gusto lamang ulit malinawan ni Heryst na hindi na galit sa kaniya ang ama dahil ayaw niyang nagagalit ito sa kaniya.

"Okay na s'ya, hindi na s'ya galit sayo," sagot ni Zheus, sa wakas napanatag na ang isip ni Heryst.

Habang naglalakad silang dalawa sa mahabang pasilyo ng palasyo ay hindi maiwasan ni Zheus na hindi mapatingin sa kaniyang kapatid, nagaalala ito dahil sa kaniyang mga nalaman mula sa kanilang ama.

"Poprotektahan kita! ano man ang mangyayare ay poprotektahan ka ni kuya!" iyan ang mga salitang binabanggit ni Zheus sa kaniyang isip. Simula noong nalaman n'ya ang tungkol kay Heryst ay hindi na napanatag ang kaniyang sarili, pakiramdam n'ya ay ano mang oras ay mawawala ang kapatid sa kaniyang tabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status