Share

Kabanata 9

Araw ng sabado noon at walang pasok si Malaya, kung kaya't matapos niyang tumulong kay Nana Lupe ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna sa malaking hardin sa likod-bahay ng mansyon ng mga Fuentebella. Iyon ang unang beses niyang nagpunta roon sa loob ng mahigit isang buwan na niyang naninirahan sa hacienda. Humanga pa siya nang makitang may malaking swimming pool pala roon.

Pakiramdam ni Malaya ay inaakit siya ng kulay-asul na tubig sa pool, kaya naman ipinasya niyang lumapit at maupo sa gilid niyon. Hindi pa siya nakuntento, isinawsaw pa niya ang mga paa sa tubig at nilaro-laro na tila isang bata. Napakasarap sa kanyang pakiramdam ang malamig na tubig na nananalaytay sa binti niya, habang tumatama naman sa kanyang balat ang mainit-init na sikat ng araw. Ala-siyete pa lamang kasi iyon ng umaga at hindi pa masakit sa balat ang sikat niyon.

"Good morning, Laya. Ang aga mo naman yatang nagising."

Muntikan nang mapatalon si Ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status