LOGINMalaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
View MoreNAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka
"Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna
AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind
"KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore