"Andres, hindi na natin hahanapin si Malaya?"
Buntong-hininga muna si Ka Andres sa kabiyak sala binitiwan ang itak na gamit niya sa pagsibak ng kahoy. "Bakit pa? Dalaga na ang anak mo. Marahil ay kaya siya umalis dahil ayaw niya ng ganitong buhay."
"P-pero hindi ka man lang ba nag-aalala sa kalagayan n'ya? Baka napaano na siya, Andres." Hindi maitago ni Ka Ising ang pag-aalala kay Malaya. Hindi man niya ito totoong anak ay minahal nila ito ni Ka Andres ng parang sariling anak.
"May nakapagsabi sa'kin na nakita raw nila si Malaya sa Sto. Cristo," ani Ka Andres saka muling itinuloy ang pagsisibak ng panggatong na gagamitin nila mamaya sa pag-luluto.
"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi ito, Andres?" ani Ka Ising na himig nang-uusig.
"At anong gagawin mo?" ani Ka Andres na muling ihininto ang ginagawa at saka kunot-noong pinagmasdan ang as
Almost half hour bago makabalik si Thorin na basang-basa ng ulan. Isinilong pa kasi niya ang kabayong si Venus sa kwadra na ipinagawa niya malapit sa kanyang kubo.Bahagya pang nagulat ang binata nang maabutang mahimbing na natutulog si Malaya sa duyan, kung saan yakap-yakap ang sarili. Nakaramdam tuloy siya ng guilt dahil sa sobrang pagmamadali niyang maisilong si Venus ay hindi niya nagawang magpaalam dito.Kahit basang-basa, inuna muna ni Thorin na kumuha ng blanket na nakatabi sa kanyang kabinet. Sinadya talaga niyang maglagay ng personal na gamit sa kubong iyon para kung sakaling tamarin siyang umuwi buhat sa pagtatrabaho sa hacienda, ay doon na lang siya tutuloy. Pinababantayan na lang niya iyon sa caretaker niya sa hacienda at ipinalilinis na rin.Ikinumot muna niya ang makapal na blanket kay Malaya bago binuksa
Kaagad tinungo ni Thorin si Malaya sa silid nang marinig niyang sumigaw ito. At kahit madilim ang kabuohan ng kubo dahil nag-brownout, hindi siya napigilan nitong alamin kung ano ang nangyari sa dalaga."Laya? What happen? I'm here. Nasaan ka? Lalapitan kita," ani Thorin sa babae nang makapasok siya sa kwarto."N-nandito ako, Thorin. . ." sagot ni Malaya na bakas ang panginginig ng boses.Umahon naman kaagad ang pag-aalala sa dibdib ng binata nang marinig ang tinig nito. Alam niyang sa mga oras na iyon, ay natatakot ang dalaga. "Sandali, Laya. Kukunin ko lang ang flashlight. Babalikan kita," Thorin replied and then quickly left the room and headed to the kitchen.Kahit kakapa-kapa dahil sa madilim na paligid, kaagad pa rin niyang nahanap ang kitchen cabinet kung nasaan nakalagay ang kanyang emergency kit. Kinapa niya roon ang flashlight at mga batteries. Good thing, kabisa
"KUYA Thorin, kumusta ang pakiramdam mo?"Buhat sa pagbabasa ng nobela mula sa favorite author niyang si John Grisham ay ibinaling ni Thorin ang tingin sa kanyang kapatid nang pumasok ito sa kanyang silid. Mababakas sa mukha nito ang pag-aalala habang naglalakad papalapit sa kan'ya at umupo sa tabi niya."Don't worry, sis. I'm okay. Nakainom na ako ng gamot," nakangiti niyang sagot sa nakababatang kapatid saka ibinaba ang librong hawak at umakbay rito."Bakit kasi 'di ka tumawag na sa kubo pala kayo matutulog ni Malaya? E, 'di sana, nadalhan ka ng maintenance meds mo," nakasimangot na sermon ni Thyon sa kan'ya. "Alam mo namang sumasakit ang chest mo 'pag hindi ka nakakainom, 'di ba?"Hindi maitago ni Thorin ang ngiti habang nakatingin sa kanyang kapatid. Para kasing mas matanda pa sa kaniya ito kung umasta ng mga sandaling iyon. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang kanil
Simula nang gabing nagtapat si Malaya ng damdamin kay Thorin, ay naging mas malapit na ang dalawa. Naging madalas na magkasama ang mga ito, sa mga lakad man o kahit sa hacienda lamang. He also often dates Malaya and gives her different surprises. At talagang ikinatuwa iyon ni Thyon pati na rin ang mga manggagawa sa mansyon at hacienda Fuentebella.Masayang-masaya ang mga ito para sa kanilang mabait na Señorito, kahit nga hindi pa nga opisyal na magkasintahan ang mga ito. Subalit ang pinaka-masaya sa lahat ay walang iba kundi si Thorin mismo. Dahil sa wakas, ay dininig ng Diyos ang panalangin niyang mahalin din siya ng dalaga. Though hindi pa man siya sinasagot ni Malaya, nararamdaman naman niya ang isandaang porsyentong pag-asa na hindi siya bibiguin nito.After a month of Thorin's courtship with Malaya, the woman finally accepted his love. Ayon pa sa dalaga, sapat na raw ang halos kalahating taon n
Kasalukuyang nagpapahangin si Thorin sa may veranda dahil hindi siya makatulog ng gabing iyon, nang maramdaman niyang may lumapit sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito, ang kapatid na si Thyon ang bumungad sa kan'ya."Hello, Kuya... Did I disturb you?" nakangiting tanong ng kapatid."Hindi naman. Bakit? May kailangan ka ba?""Gusto ko lang itanong kung kumusta kayo ni Laya?" ani Thyon sa kan'ya sa sumandal patalikod sa veranda. Maaliwalas din ang mukha ng kapatid habang nakatingin sa kaniya."We're very happy sis," ani Thorin na hindi mapigilang mapangiti nang sandaling iyon. Sa t'wing naiisip kasi niyang kasintahan na niya si Malaya, ay walang kasinsaya ang nararamdaman niya sa dibdib.He really loves Malaya, at ayaw na niya itong mawala pa sa kanyang tabi. At dahil sa pagmamahal niyang iyon, maski ano pa ang malaman niya tungkol sa pag
ABALA ang lahat ng kawaksi sa Hacienda Fuentebella, ang araw kasing iyon ay ang 20th birthday ni Thyon. Double celebration ang mangyayari ng gabing iyon. Dahil kasabay ng kaarawan ng dalaga, ay ang pagse-celebrate ng graduation nito sa susunod na araw.Kaya naman talagang pinaghandaan iyon ng lahat, lalong-lalo na si Thorin. Siya ang mismong nag-aasikaso sa lahat, mula sa invitations, decorations, foods at iba pa. Maging ang nobyang si Malaya ay abala rin sa pagtulong sa nobyo sa pagprepara sa magiging okasyon.Sa malawak na lawn na may malaking swimming pool, gaganapin ang party kaya naman pinaganda iyon ng husto ng mga trabahador ng hacienda. Maging ang mga ito kasi ay nagprisintang tutulong sa paghahanda.Palibhasa, mga kapwa aristokrata ang magiging bisita ng mga Fuentebella, kaya naman pinaghusayan ni Thorin ang pagpapaganda sa loob at labas ng mansyon, partikular sa lugar kung saan i
"Will you be my wife, Malaya Marasigan?"Pakiramdam ni Malaya ay nanlamig ang buo niyang katawan nang lubusang mag-sink in sa isipan niya ang alok na kasal ni Thorin. Pakiramdam din niya ay kinakapos siya mg hininga dahil sa labis na kabang nararamdaman dulot."T-Thorin..."Iyon lang ang nasabi ni Malaya habang nakatingin sa nobyo. Hindi niya alam kung bakit sa halip na saya ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, ay tensyon ang lumulukob sa kan'ya. Mistulan din siyang natutuliro nang makitang ang lahat ng panauhin ay tila naghihintay din ng kanyang isasagot."Malaya?" untag ni Thorin sa hindi niya pagkibo. Tumayo na rin ito mula sa pagkakaluhod at buong pag-aalala siyang pinagmasdan. "May problema ba?" Ginagap pa ng binata ang nanlalamig niyang mga palad.Sapat na ang pag-aalalang nakikita ni Malaya sa mukha ng nob
Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa