"What is this again, Ms. Rodriguez!?” ang tinig ng kanilang punongguro ng umaga ding iyon ay tila kulog na dumadagundong sa kanyang pandinig. Ipinagdarasal na nga lang niya na sana’y kainin siya ng lupa nang mga oras na iyon dahil sa kahihiyan.
Napadako ang kanyang tingin sa isang police na pilit na nga niyang iniiwasan pero heto at natunton pa siya at nasa paaralan pa. Pinipilit lang nitong pigilan ang mga pilyong ngiti na unti-unting gumuguhit sa mga labi nito. Para sa kanya iyon ang isa sa mga nakakainis na gawain ng isang lalaki.Nasa harapan silang lahat ngayon ng kanilang punongguro. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan samantalang ang dalawang pulis naman ay sa isang mahabang upuan nakaupo. Kalmado lang ang police na katabi ng police na aksidenteng nahalikan niya sa sementeryo. Mabuti pa nga ang katabi nito mukhang magalang at mabait samantalang iyong police na iniiwasan niya mistulang isang agila na handa na siyang dagitin anumang oras para dalhin sa alanganing sitwasyon.“M-Maam Principal, hindi ko po sinasadya," nakayuko niyang wika.“Hindi sinasadya? Pang-ilan na ba ito sa buwang ito, Ms. Rodriguez? Noong nakaraang linggo, nagawa mong patakbuhin sa school quadrangle ang mga estudyante mong nagsabunutan nang makailang ikot ba naman. Ayan tuloy, nagrereklamo ang mga magulang nila dahil inatake na ng asthma ang anak niya dahil sa kagagawan mo,”“Ipagpaumanhin po ninyo, Maam pero ginagawa ko lamang po ang aking tungkulin bilang isang guro. Unang-una po sa lahat di manlang nila ako nirespeto bilang guro nila. Ikalawa, hindi ko po dapat sinusuportahan ang mga maling gawain nila," she still managed her poise. Kailangan niyang ipakita sa mga police na ito na mali ang pananaw ng mga ito sa kanya nang dahil lang sa isa niyang pagkakamali nang gabing iyon.“Yes you got a point, there are some things that’s not really tolerable but at least be considerate and know the health background of your students," parang naging kalmado na rin ang kanilang principal. Itinaas muna nito ang suot nitong salamin at dumako naman ito sa mga police upang sila naman ang kausapin.“Anyway, police officers, maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ninyo hinahanap si Ms. Rodriguez?”He clears his throat first before saying anything. Tumingin din muna ang police na iyon sa akin bago sumagot sa aming principal.“Akala po kasi namin Maam si Ms. Rodriguez na po ang magiging lead upang mahuli namin ang mga babaeng madalas na nambibiktima ng mga kalalakihan tuwing oras ng curfew na hindi po namin mahuli-huli.” panimula nito.Nagpanting ang taenga niya sa narinig. Mukha na ba talaga siyang babaeng nagbebenta ng aliw? Kapag pumupunta ba sa sementeryo nagbebenta na ng aliw? Nais niya sanang magsalita pero pinili niya nalang ang manahimik.Naningkit ang mga mata ng kanyang principal. Lihim niyang idinalangin na sana’y kahit na ngayong pagkakataon lang ay makampihan din siya nito kahit na matandang dalaga ito at madalas ay nagsusungit. “ Maaari mo ba munang isalaysay sa akin kung bakit ang isang guro na katulad ni Ms. Rodriguez ay maaaring maging lead ng mga hinahanap ninyong babae? May kinalaman ba siya sa mga sinasabi ninyong mga babaeng nagbebenta ng aliw?” pagtatanong ng aming principal sa kanya.“That’s what I thought, Maam. Nasa kanya kasi ang ilan sa mga clues namin para matagpuan ang mga babaeng nagbebenta ng aliw. Una, nasa sementeryo po siya at sa oras pa po ng curfew. Ikalawa, nakasuot pa po siya ng lingerie.” sabi ng pulis.Napapikit siya nang mariin habang nagsasalita ito at nakahinga ng maluwag nang hindi na ito nagsalita pa at hindi na nito naibunyag pa ang nakakahiyang nagawa niya.“And lastly, she kissed me,"Napamulagat ang mga mat ani Gabrielle sa narinig. Naasinghap siya at namula ang buong mukha. Hindi niya na rin alam kung ano ang kanyang ikikilos. Uunahin niya bang paliwanagan ang kanilang principal na ngayon ay gulat na gulat sa narinig nito o uunahin niyang sampalin ang police na ito na nasa harapan niya ngayon? Nilaro-laro ni Zierelle ang kanyang itim na wristwatch habang suot-suot niya iyon. Hindi niya malaman ang nais niyang maramdaman ng mga oras na iyon. Half of his mind tells him to throw his wristwatch away because of the guilt he’s feeling that time while the other half just wanna say it’s alright and that lady deserves what she got. Naalala niya ulit tuloy ang pangyayari kanina bago sila magkaharap-harap sa principal’s office. Who would have thought that the lady is a teacher? Sa pag-iimbestiga nila ni Julian kanina, may nakapagsabi sa kanilang may pagkakatulad ang deskripsyon ng babaeng hinahanap nila sa isang babaeng nakikita ng napagtanungan nila na palaging pumapasok sa paaralan di kalayuan sa tirahan nito. Hindi niya naman akalain na isang guro pala ang kanilang hinahanap. Pumasok sila sa itinurong paaralan at nagsimula na silang mag-ikot ni Brent pagkatapos nilang ipaalam sa principal ang kanilang layunin kung bakit sila naroon. Halatang hindi ito makapaniwala sa narinig at nagulat din siya nang malamang isang guro pala ang kanilang hinahanap. Gayunpaman, pinanindigan niya ang kanyang desisyon at hinanap niya ang naturang babae. Naghiwalay sila ni Julian sa paghahanap. Sa di-kalayuan sa may harap ng puno ng saging na nasa likuran ng isang silid-aralan ay nakita niya ito. Lalapit na sana siya ngunit narinig niya itong nagsalita.“Mga one whole sheet of paper! Mga packing tape kayo! Kayo na nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakulong nalang ako sa apat na sulok ng silid-aralan! Isa kayo sa dahilan kung bakit hindi ko Makita si Mr. Right, tapos ni hindi manlang kayo marunong rumespeto?!” nanggagalaiti siya sag alit habang sinisipa at sinusuntok ang kaharap na saging. Nakauniporme pa siya nang mga oras na iyon. Halata sa kanya ang galit dahil nakakuyom angkanyang kamao habang minumura niya ang puno ng saging.Nahihinuha niyang ang galit siguro nito ay dahil sa mga estudyante nitong hindi manlang marunong rumerespeto rito bilang guro. Ang bagay na iyon ay sadyang mahirap sa mga guro. Minsan nauubusan din ang mga ito ng pasensya ngunit hindi nila kayang murahin ang mga bata kaya madalas nahihirapan silang palabasin ang kanilang galit.“Nakakaawa naman ang puno ng saging, Maam," panimula niyang wika sa babae nang maramdaman niyang unti-unti na itong kumalma.Halatang nagulat ito nang marinig ang tinig niya.“K-kanina ka pa ba riyan?” nagkandautal-utal na ito sa pagsasalita. Lumikot din ang mga mata nito na halatang hindi mapakali.“Sort of.”“So….nakita mo ang lahat ng..ng…..ginawa ko?” “Oo naman. Nais ko na sanang tulungan ang saging kawawa naman. Gawin mo ba naming shock absorber ang saging, Maam," “You sound sarcastic, Mr. policeman. At sino ka ba para makialam sa mga gagawin ko? Is freedom of speech and expression punishable by law too?”Pilit siyang ngumiti.“Freedom of speech and expression isn’t punishable by law but what you did to me last night, I believe it was," by saying that he realized that what he just said have a double meaning. He is a policeman. Through that thought, he managed his composure and meet the gaze of the lady in front of him.He can see questions in her eyes. Ano kayang iniisip niyang posibilidad sa sinabi ko? Is it about her violating the curfew hours or is it about kissing him last night?“Partner, ayos ka lang ba? Ano na naman ang malalim na iniisip mo sa gitna ng trabaho?” Si Brent ang Nakita niyang nagsalita.“Wala lang. Pagod lang ‘to.” Sagot niya na hindi manlang makatingin ng diretso sa mga mata ni Brent.“I see," tumango-tango ito. “anyway here!” sabay hagis nito ng folder sa table niya. “We have another case to solve.”Binuklat niya ang nasabing folder at pinasadahan niya ito ng tingin hanggang sa may mabasa siya tungkol sa report.“A student on her teenage life being raped and got killed?” paniniguro niya rito. Napatango ito.Binalik niya ulit ang kanyang mata sa binabasa at napakunot ang noo niya nang makitang nag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Candelaria ang nasabing estudyante kung saan nagtuturo ang babaeng nagngangalang Gabrielle, the lady who kissed her, of all wonderful places, sa sementeryo pa.“Ms. Rodriguez, you must behave. As a teacher, kailangan mong maging isang mabuting halimbawa sa iyong mga estudyante. Never set the rules if you, yourself can’t follow. Mabuti na nga lang at hindi ka na gagawan ng report ng police na iyon about sa curfew rules na nilabag mo. I DON’T WANT YOU TO GET INVOLVED AGAIN TO SUCH SITUATIONS THAT CAN DEGRADE THE MORAL OF THE WHOLE TEACHING COMMUNITY," her principal emphasized every word she said.
Napapikit siya. Paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ng kanyang principal habang sinasabi niya iyon kahit na nasa klase siya at nasa harap ng kanyang mga estudyante. Kasalanan kasi lahat ng ito ng police na iyon. Kung hindi lang ito masyadong arogante at sarkastiko tiyak na maiiwasan niya ang pagkapahiya niyang ito sa kanilang principal. Nagbigay nalang muna siya ng seatwork pagkatapos niyang talakayin ang isang aralin sa kanyang mga estudyante. Isang malaking himala ang pananahimik ng mga ito sa ngayon dahil siguro kahapon lang ay labis siyang nainis sa mga ito at lumabas ng silid-aralan na hindi niya dapat ginawa. Sino ba naman kasing guro ang matutuwa habang nagtuturo ka ay panay ang hagikhikan ng mga babaeng estudyante sa likuran, only to find out later na nanonood lang ang mga ito ng Kdrama? Nakakabawas naman iyon ng self-confidence niya bilang guro. Para kasing ipinapakita ng mga ito na ang boring ng Subject na itinuturo niya kaya manonood nalang ang mga ito ng Kdrama. Samantala, tila may kung anong nag-udyok sa kanya para titigan ang isa sa mga estudyante niya. Napatingin siya rito. Tulala lang ito habang nakatitig sa kawalan. Nakatingin ito sa pisara pero mapapansing lampas-lampasan ang tingin nito roon. Maayos naman itong tingnan sa suot nitong uniporme ng paaralan ngunit kataka-taka ang palagian nitong pagsusuot ng jacket na may hood. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya halos makita ang mukha nito. Tiningnan niya sa Seat Plan kung sino nga ba ang estudyanteng ito. Hindi niya pa matandaan isa-isa ang kanyang mga estudyante dahil mahina siya magmemorize ng mga mukha at pangalan. Tumango-tango siya nang mabasa na ito pala si Grechelle Yu. Ngunit nagtaka siya nang wala ang estudyante niyang si Grechene Yu na dapat sana ay katabi ni Grechelle. Naalala niya nga isang beses na may binanggit ang kaibigan niya na adviser ng section na ito. Mayroon daw itong kambal na estudyante kaya naisip niya na ang mga ito siguro ang tinutukoy ng co-teacher at kaibigan niyang si Stella. Kumibit-balikat nalang siya at itinuon ang atensyon sa mga estudyante na nagsusulat. Kakausapin niya nalang ito mamaya bago matapos ang klase niya. Hahayaan niya muna itong makapag-isip sa ngayon dahil baka mayroong pinagdadaanan ang bata. Afterall, hindi naman ito nakakaistorbo ng kanilang klase. Napabuntunghininga si Gabrielle nang marinig niya ang tunog ng bell hudyat na natapos na naman niya ang isang oras ng kanyang klase. Hinintay niya munang magsilabasan ang lahat ng kanyang mga estudyante maliban kay Grechelle Yu. Alam niya naman kasing palagi itong nagpapahuling lumabas sa klase at tanging ang kakambal lang nito ang kasa-kasama palagi. They are struggling to socialize with the other kids in school. Lalabas na sana ito ngunit tinawag niya upang mapigil ang pag-alis nito. “Grechelle, are you okay?” panimula niyang tanong rito. Napansin niyang napahigpit ang hawak nito sa hawakan ng bag na nakasabit sa balikat nito.“A-ayos lang po ako, Maam. Bakit po ninyo naitanong?” ang sagot nitong hindi manlang makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. She seemed stange.“Good. Then, where is your twin sister?” wala sa loob ay naitanong niya. Napansin niya na hindi na mapakali ang kanyang estudyante nang marinig ang pangalan ng kanyang kakambal.“Maam….”nangatog ang tuhod nito at tila nanginig sa takot. “W-wala na po siya. Wala na po siya,” habang nanginginig ang katawan nito ay hindi na nito napigilang umiyak. Naalala niya rito ang kanyang kapatid. Hinimas niya ang likod nito habang yakap-yakap niya ito. Hindi na niya ginagawa iyon bilang isang guro, kundi bilang isang nakatatandang kapatid."Maam, ipagtatapat ko po sa inyo ang lahat," ikinagulat niya ang sinabi ni Grechelle.
HINDI na niya malaman ang kanyang gagawin matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Grechelle. Napakarami nitong sinabi sa kanya tungkol sa buhay nito at dahil sa mga nalaman niya dumiretso siya kaagad sa police station ng kanilang bayan. Wala na siyang pakialam kung magkikita na naman ulit sila doon ng aroganteng pulis. Ang importante ngayon sa kanya ay ang kinabukasan ng kanyang estudyante at hustisya para sa kakambal nito.Dumiretso siya sa main desk at sinabi niya ang mga nalalaman niya.“Maam, kamusta at napadalaw ka? Nais mo bang dalawin si Chief?” sarkastiko ang ngiti ngayon ng isang lalaki na nakaharap na niya sa paaralan.Napaangat ang isa niyang kilay. “Puwede ba, hindi ang arogante at sarkastiko ninyong Chief Zierelle ang ipinunta ko rito. Kundi narito ako upang magreport,” napalakas na ang kanyang pagkakasabi dahil sa inis.“I just heard my name, so I went out,” maya-maya pa’y nasa harapan na niya ang
KANINA pa nila hinahanap si Gabrielle at si Grechelle ngunit hindi nila ito makita. Wala na ring tao sa bahay ng mga ito. Kaya napagdesisyunan nilang taluntunin ang masukal na daan. Nagkikislapan ang mga dala nilang flashlights upang makita sa dilim ang mga hinahanap nila.Hanggang sa may marinig siyang isang sigaw sa di kalayuan. Nakilala niya kaagad na ang tinig ay nagmumula kay Gabrielle.“Move!” hindi na niya malaman kung pasigaw o pabulong ang sinabi niya basta’t ang alam niya lang ay naigalaw niya ang kanyang kamay upang magbigay hudyat sa kanyang mga kasamahan kung saan dapat pumwesto. Nagkukumahog siya ng mga panahong iyon at nag-aalala siya sa maaaring mangyari sa estudyante ni Gabrielle lalong-lalo na rito.Hindi nagtagal ay narating nila ang pinanggagalingan ng mga sigaw at nadatnan nila na hawak na si Gabrielle ng isang lalaking may hawak na patalim. Nakalagay sa may leeg ni Gabrielle ang patalim at segundo lamang o minuto ay maaari na it
NAPATDA si Gabrielle sa kanyang nakita kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan ngunit nanatili pa rin itong kumakatok kaya wala na siyang nagawa kundi pagbuksan ito ng pinto upang ganap na itong makapasok.“Ano bang ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi?” pairita niyang tanong sa pulis na ayaw niyang makita ngunit paulit-ulit niyang nakikita.Hindi niya ipinahalata ang kinakababahan niyang mukha at halos nanginginig niyang tuhod. Kailangan niyang panindigan ang sinabi niyang hindi siya natatakot sa anumang panganib na maaari niyang harapin dahil sa pagiging pakialamera niya.Dire-diretso lang itong pumasok sa maliit niyang inuupahang bahay. Inilibot nito ang paningin sa buong bahay. Mula sa maliit niyang kusina kung saan naroon na ang lababo at lutuan pati na ang kanyang mini ref na pang isahang tao lang ang maaaring ilagay na supply. Ilang hakbang lang din mula sa kusina ay mararating na rin ang kanyang kama at sa gilid ng higaan
HINDI alam ni Julian kung anong klaseng espirito ang sumasapi sa mga ganitong uri ng babae. Pinag-utusan lang naman siya ng kanilang Chief na magmanman dito sa bar dahil baka dito niya makita ang isa sa mga crying ladies or else ang crying lady na pumatay kagabi para lang maisakatuparan lang nito ang plano nito.It's not his first time na may mag-aya sa kanya na ikama siya pero kakaiba ang babaing ito. Hindi niya rin alam kung bakit ganun. Pero siya kasi ang uri ng lalaking pinapahalagahan ang virginity niya. He wanted to be innocent until the time he gets married. Ganito man ang hitsura niya na parang playboy pero may prinsipyo siya sa buhay na pinanghahawakan."Kung ano man ang isyu mo sa buhay, I don't care. Wala akong pakialam kung sino man ang maging knight in shining armour ko basta’t ang alam ko lang sinira mo ang diskarte ko sa mga lalaking iyon at magbabayad ka." makikita ang galit sa kanyang mukha habang sinasabi iyon.Ang mga sinabing ito ng babae umu
Nanghihinang napaupo nalang si Gabrielle dahil sa kanyang nakita habang hawak hawak ang kuwintas. Hindi niya malaman kung maiiyak ba siya o matutuwa dahil sa nalaman niya. Ito ay ang kuwintas na ibinigay ng nanay niya kay Gwynette. Ang babae kanina ang nakatayo sa puwestong ito, kung kaya’t malaki ang posibilidad na ito ang nagmamay-ari ng kuwintas. Ngunit paano? Paano napunta sa babaeng iyon ang kuwintas ng kanyang kapatid? Posible kayang may alam ito sa pagkawala ng kanyang kapatid? Maaari ring ito ang kumuha sa kanyang kapatid ilang taon na ang nakararaan. Pinigilan niya ang mga luhang nais nang pumatak dahil sa bumalik na naman ang nakaraang ayaw na niya sanang balikan pa. Nasasaktan siya sa isiping naranasan na ng kanyang kapatid ang ganoong klaseng paghihirap sa napakabatang edad nito lalo pa nang mawalay ito sa kanila ng nanay niya. Gusto mo itong makita ngunit hindi mo pa mahanap. Iyon ang pinakamasakit sa lahat.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Hanggang sa naramdaman n
NAPANGITI si Zierelle nang marinig ang mga sinabi ni Gabrielle bago siya umalis sa restaurant na iyon. Napangiti lamang siya siguro dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magandang salita ang narinig niya rito. Puro nalang kasi pang-aasar at pagtataray ang umuukilkil sa isipan niya kapag naiisip niya si Gabrielle. Hindi na siya humarap sa babae pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa kanya at nag-wave lamang siya ng kamay hudyat ng pamamaalam niya rito dahil aalis na siya.Ilang minuto lamang ay nakarating na siya sa opisina ng Major nila. Agad siyang sumaludo pagkalapit na pagkalapit niya sa mesa nito. Alam niyang masesermonan na naman siya nito dahil sa nangyari sa bus kanina. Sabagay, sanay na rin naman siya na palagi siyang pinag-iinitan nito. Madilim pa sa nagbabantang bagyo ang mukha nito. Nanatili siyang nakatayo at hinintay niya itong magsalita.“Ano itong nabalitaan ko kanina? Bakit ganoon ang ginawa mo sa mga holdaper?! Diba sabi ko sayo, manghuli
Kabanata 10Napasigaw na si Glydel nang pilit siyang pinaghahalikan ng matandang lalaking kasama niyang lumabas ng bar. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng sasakyan nito kaya’t wala siyang kawala kung sakali mang ano ang gawin nito sa kanya. Grade 10 pa lamang siya sa paaralang pinapasukan ngunit malaking bulas na siya at inunahan na ng kanyang katawan ang kanyang totoong gulang kaya kung titingnan mo sa panlabas na kaanyuan ay isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit hindi para sa kanya. Mistula lamang siyang isang bubot na pilit na pinitas dahil sa pangangailangan ng iba at dahil nangangailangan din siya.Kung mayroon lang sana siyang pagkakataon na ibahin ang kapalaran niya maaaring ginawa na niya.Napatulo nalang ang luha niya nang maramdaman niyang hinawakan ng matandang lalaki ang ulo niya at pwersahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang mahalikan siya. Akala niya’y masisikmura niyang gawin ang ganoong bagay, lalo na’t unang gabi pa
SUMASALIPADPAD na ang isipan ni Lemuel sa kung saan-saan dahil kay Stella. Nagsisimula pa nga lang siyang manligaw rito pero tila tinatapos na ng babae ang sinisimulan pa nga lang niya. Hindi niya ito madala sa pa-bouquet kahit pa na nag-effort siyang itanong kay Gabrielle kung anong paboritong bulaklak ni Stella. Hindi rin naman yata ito mahilig sa pagkain dahil tila nainis pa ito nang padalhan niya nang napakaraming pagkain na tila may piyesta na itong dinaluhan.Dulot ng mga isiping iyon ay nawala na sa kanyang isipan ang trabahong dapat ay kanyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa tinawag siya ni Zierelle na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan. May babae raw na magpa-file ng reklamo kaya naman ay nagmamadali na siyang nagpunta sa complaint desk. Nakayuko siya kung kaya’t hindi niya na natingnan nang mabuti ang mukha ng babaeng kaharap.“Irereklamo ko sana rito ang kasamahan ninyong pulis na pagkatapos ko siyang iligtas ay bigla niya na lang akong iniwan sa e