Share

Kabanata 11

SUMASALIPADPAD na ang isipan ni Lemuel sa kung saan-saan dahil kay Stella. Nagsisimula pa nga lang siyang manligaw rito pero tila tinatapos na ng babae ang sinisimulan pa nga lang niya. Hindi niya ito madala sa pa-bouquet kahit pa na nag-effort siyang itanong kay Gabrielle kung anong paboritong bulaklak ni Stella. Hindi rin naman yata ito mahilig sa pagkain dahil tila nainis pa ito nang padalhan niya nang napakaraming pagkain na tila may piyesta na itong dinaluhan.

Dulot ng mga isiping iyon ay nawala na sa kanyang isipan ang trabahong dapat ay kanyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa tinawag siya ni Zierelle na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan. May babae raw na magpa-file ng reklamo kaya naman ay nagmamadali na siyang nagpunta sa complaint desk. Nakayuko siya kung kaya’t hindi niya na natingnan nang mabuti ang mukha ng babaeng kaharap.

“Irereklamo ko sana rito ang kasamahan ninyong pulis na pagkatapos ko siyang iligtas ay bigla niya na lang akong iniwan sa e
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status